KILALA ang Public Attorney's Office (PAO) Chief na si Atty. Persida Rueda Acosta na matapang, palaban at ipinagtatanggol ang karapatan ng mga mahihirap para makamit ang hustiya.
Pero ngayon sa mismong bakuran ng PAO na kanyang pinamumunuan ay umaapela si Chief Acosta at ipinaglalaban ang mga empleyado at doktor na nagsisilbi sa PAO Forensic Laboratory Division na nangangambang mawalan ng trabaho. Dahil daw ito sa prohibition na in-insert nina Senator Franklin Drilon at Senator Sonny Angara sa 2021 General Appropriations Act (GAA) Bill for 2021.
Nakasaad kasi sa naturang insertion na: "Nothing in the appropriation provided in this act shall be used for the salaries or compensation of personnel, travel allowance, meetings and maintenance and other operating expenses of the PAO Forensic Laboratory Division."
Pinalagan ni Chief Acosta ang naturang insertion. Ayon pa sa inilabas na statement ng PAO, "This insertion is unconstitutional, illegal, a violation of Civil Service Commission rules for permanent government employees and contrary to law. The insertion by opposition senators should be vetoed by PRRD (President Rodrigo R. Duterte) if it prevails in the Bicam, to maintain rule of law, human rights, and access to justice by the poor."
Nagsimula ang panggigipit umano sa PAO Forensic Lab nang magsagawa ng autopsy sa mga kabataan at estudyanteng ang kamatayan ay konektado sa isinagawang Dengvaxia vaccination, na nauwi sa malaking kontrobersiya at national issue. Nag-file ang PAO sa pangunguna ni Chief Acosta ng criminal, civil at administrative cases sa manufacturer ng Dengvaxia gayundin sa mga nag-apruba ng paggamit sa naturang dengue vaccine.
Ayon nga kay Dr. Erwin Erfe, Director ng PAO Forensic Lab, "Dati MOA lang ang restriction, tinanggalan lang kami ng budget for forensic equipments, pero nagtrabaho pa rin kami kaya nakapag-file kami ng 100 cases. Pero ngayon naisip nila na tanggalan na ng sweldo. Hindi po nila tinanggal yung budget para sa sweldo, pero ngayon ipinagbabawal na nila ang Public Attorney's Office na paswelduhin ang permanent employees ng PAO Forensic Lab."
Paano raw nila maipagpapatuloy ang pagseserbisyo sa publiko lalo na sa mga naging biktima ng Dengvaxia vaccine kung ganitong tila ina-abolish na ang PAO Forensic Lab sa pamamagitan ng hindi pagpapasweldo sa mga empleyado nito.
Kaya naman may apela si Chief Acosta sa mga mambabatas na mag-a-approve sa GAA 2021 na huwag palusutin ang naturang insertion, "Sana po huwag niyong biguin ang mga mahihirap na umaasa sa inyo at bumoto sa inyo. Trabaho lang po, walang personalan. Ang isinuksok ng dalawang senador ay illegal po at unconstitutional," sabi ni Chief Acosta.
Kung makalusot pa rin daw ito sa Bicam, sana ay aksyunan ito ni Pangulong Duterte. "The insertion by opposition senators should be vetoed by PRRD if it prevails in the Bicam, to maintain rule of law, human rights, and access to justice by the poor."
(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)
No comments:
Post a Comment