SUNUD-SUNOD ang natatamong tagumpay ng ‘Gameboys’ at inaani na nga ng producer nitong The IdeaFirst Company ang lahat ng pinaghirapan ng buong Gameboys team para makapaghatid ng natatanging Pinoy BL series na nagbigay-kasiyahan sa mga manonood sa buong mundo ngayong panahon ng pandemya.
Matapos tanghaling Best Web Series 2020 sa Indie Shorts Awards Seoul, napabilang naman ang ‘Gameboys’ sa official selection sa Amsterdam World International Film Festival 2020.
Kasabay ng anunsiyong ito ay nagpasalamat sa Twitter ang IdeaFirst. "Thank you to everyone who made this possible. #GameboysAmsterdamWIFF"
Kasunod naman nito ang pagkapanalo ng ‘Gameboys’ bilang Digital Series of the Year sa RAWR Awards 2020 ng LionHeartTV.
Ayon nga sa tweet ng IdeaFirst, "Thank you to everyone who supported Gameboys at this year's #LionHeartTV #RAWRAwards2020, and congratulations to the team for bagging Digital Series of the Year!"
Nagwagi rin sa RAWR Awards ang isa sa lead stars ng ‘Gameboys’ na si Elijah Canlas bilang Favorite Bida. "We couldn't be more proud! Congratulations @elijahcanlas_ for Winning Favorite Bida at this year's #RAWRAwards2020," tweet ng IdeaFirst.
Samantala, nakatakdang mapanood ang Level-Up Edition ng ‘Gameboys’ season 1 sa Netflix simula sa December 30. Magkakaroon ng mga additional at never-before-seen scenes ang Netflix version. Pero mapapanood pa rin ang original version ng Gameboys sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company. Inaabangan na rin ng fans at supporters nito sa buong mundo ang season 2.
Inanunsiyo pa ng IdeaFirst sa Twitter na maaari nang umorder at bumili ng libro ng ‘Gameboys’ na ‘Gameboys A Love Story’ sa The IdeaFirst Store - theideafirststore. com.
"Printing ongoing! Few copies left! Get your copy of #GameboysALoveStory now! Only at The IdeaFirst Store"
Directed by Ivan Andrew Payawal and written by Ash Malanum, ang ‘Gameboys’ ay pinagbibidahan nina Elijah Canlas at Kokoy De Santos kasama sina Adrianna So, Kyle Velino, Miggy Jimenez, Sue Prado, Jerom Canlas, Rommel Canlas, Angeli Sanoy at Kych Minemoto. Tumatayong executive producers ng Gameboys ang mga bossing ng IdeaFirst na sina Direk Jun Robles Lana at Direk Perci Intalan.
Congratulations, Team Gameboys and The IdeaFirst Company! More to come!
(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)
No comments:
Post a Comment