Thursday, November 17, 2011

Scientific fighter na si Pacquiao

GUSTO ko na rin sanang sumawsaw sa isyu ng DINEDMA na TRO ng Korte Suprema, pero kinukulit tayo ng mga texters na dagdagan pa raw ang paliwanag tungkol sa laban nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez sapagkat walang batayan ang ilang OPINYON na nagsasabi na natalo si Pacman dahil emosyon at espekulasyon lang ang sinasabi ng mga ito.
Pwes, para sa mga boxing aficionados, ating IANALISA ang aktuwal na laro.
Nais muna nating linawin ang ilang argument.
Una, isa tayo sa naniniwala sa sinabi ni Pacquiao at Bob Arum: Masyadong mataas ang espekulasyon mga aficionados sa performance ni Pacman.
Bunga kasi ito ng PROPAGANDA o “tradisyonnal” na PRESS RELEASE—ng bawat KAMPO na hinihingi ng “marketing strategy”—MAGHAMBOG na patutulugin ang kalaban.
Sanhi rin ito ng nauna na nating BINANGGIT na ipina-LLAMADO masyado ng “mafia” si Pacman—sa “personal na nilang taktika” sa PUSTAHAN.
Ikalawa, para sa mga nagte-text, NANINIWALAA din ang KOLUM na ito na MAHUSAY si Marquez at inaamin din yan mismo ni PACMAN—as most deserved opponent. Pero, bagaman inaamin ni Pacman na mahusay at nahirapan siya kay Marquez, HINDI ito NANGANGAHULUGAN na “natalo o FEELING” ni Pacman na natalo siya sa naturang laban. Kahit pa MAGANDA ang ipinakita ni Marquez, hindi ito sapat para SABIHING NAGWAGI siya sa naturang laban. Sa punto rin iyan, hindi NANGANGAHULUGAN na komo’t MALUNGKOT ang asawang si JINKEE o malungkot mismo si PACQUIAO—ay nangangahulugan ito na TALO siya sa laban. MALI ang ganyang interpretasyon. Kahit malungkot sila, PANALO pa rin si Pacman batay sa judges scores at computer scoring system—DAHIL DIKIT-NA-DIKIT ang laban.

------$$$---
KUNG mapapansin ninyo, taliwas sa ibang laban, AGAD na ikino-KOBER ni Pacquoiao ang DALAWANG BRASO at KAMAO sa kanyang mukha at sikmura—na katulad ng “ROPE-A-DOPE” na ginamit ni Muhammad Ali kay George Foreman “minus the rope”. Hindi gumamit si Pacman ng “lubid” habang nagko-kober o nagdedepensa sa COUNTER ng kalaban. Mas ANGKOP na sabihin na KINOPYA ni Pacman ang taktika ni JOSHUA CLOTTEY nang kanyang makalaban. Nang harapin ni Pacman si CLOTTEY—walang ginawa ang NEGRO kundi ang magkober ng mukha kahit nasa gitna ng LONA o kahit walang lubid na sinasandalan. Hindi napatulog ni Pacman si Clottey, pero tinalo niya ito sa DESISYON. Ibig sabihin, hindi nagamit ni PACQUAIO ang “pamatay na kaliwa” kasi’y nakakober si Clottey.
Sa laban kay Marquez, nag-KOBER din si Pacman o nagdepensa sa unang APAT NA ROUND, pero kapag nakakasingit, ay talagang NASASAPOL si Marquez—pero hindi IPINAPAKITA ng HBO television sa SLOW MOTION.
Sa mga interview, ilang minute matapos ang laban, INAMIN ni Pacquiao na ININGATAN o KWIDAW siya sa COUNTER ni Marquez dahil ito ay aminado siyang MATALIM at MATINDI. Dahil aminado ang kampo ni Pacman sa “epektibong COUNTER-PUNCHING STYLE” ni Maquez—kaya’t dumipensa na lamang ito.
Maaaring kasama sa ESTILO ito na “DEPENSA” ay ang paniniwalang dahil “38-anyos” na si Marquez—ay maaaring manghina ito sa pagsapit ng DULO—o later rounds, at sakaling maubos ng “hangin” ang Mexican—ay DOON reremate ang PINOY hero.
Ang problema, hindi nagbago ang RESISTENSIYA ni Marquez, pero MAPAPANSIN na sa “later rounds”—doon NAGBUHOS ng ATAKE si Pacman kaya’t nakopo nito ang mga HULING ROUNDS.
Ang “taktikang ito ng DEPENSA” imbes na OPENSA—ay siyang “ADVISABLE STRATEGY” sa mga DEFENDING CHAMPION—na siya ring ginagamit ni FLOYD MAYWEATHER.
Kung tutuusin, dapat PURIHIN si Pacman sapagkat, nagiging SCIENTIFIC siya at hindi na natatangay ng EMOSYON kompara nang “bago siya sumabak sa Las Vegas”.
Nawala na rin ang “yabang” niya sa GITNA NG LONA na tipong nambubuska, at RELIGIOUSLY o CONSCIOUSLY—na naka-KOBER na ang kanyang MUKHA at SIKMURA—halos katulad ng estilo ni MAYWEATHER.
Sa totoo lang, maaaring “tuneup” at “sinubok” ng kampo ni Pacman—ang naturang TAKTIKA na posibleng i-enhanced o PAGBUTIHIN nila sakaling makasagupa ni Mayweather sa susunod na taon.
Kung tayo ang magsusuri, hindi BUMABA ang performance ni PACMAN, bagkus ay naging “DEFENSIVE BOXER” siya—taliwas sa dati nitong ESTILO—na siyang “ pinaghandaan ng kampo ni Marquez”.
Kung hindi binago ni Pacquoiao ang kanyang “AGGRESSIVE STYLE”, malaki ang posibilidad na NAPATULOG siya ni Marquez.
Ang “pagiging AGRESIBO” ang hinahanap ng mga “PINOY”, pero ito ay isang KAHINAAN ng mga ordinaryong boxing aficionados.
Kahit sa larangan ng chess, ang isang DEFENSIVE PLAYER—pa rin ang pinaka-EPEKTIBO taktika.
At si Pacman—ay naghunos mula sa isang BARA-BARANG boksingero o AGRESIBONG BOKSINGERO—tungo sa isang mala-SIYENTIPIKONG TAKTIKA ng depensa sa ibabaw ng lona.
Ang CONTENDER—ang siyang DAPAT na maging AGRESIBO—at ang isang 8-division champion at 10-time world champion tulad ni PACMAN—ay dapat na DUMIDIPENSA lamang—at MAG-ANTAY ng “atake ng katunggali.

------$$$--
NANINIWALA tayo na EPEKTIBO ang ginawang TAKTIKA ni Pacman ---dahil siya ang KAMPEON.
At iyan mismo ang dapat niyang GAMITIN at paghusayin pa sakaling makaharap muli si Marquez o kahit si MAYWEATHER.
Pina-SAFE at pinaka-EPEKTIBONG taktika yan.
Taliwas ito sa GUSTO ng publiko---SUMUGOD NANG SUMUGOD si Pacman hanggang sa DUMUGO ang mukha.
Iyan ay isang MUNGKAHI ng mga “hindi marunong sa boksing” at mga SADISTANG aficionados”.

----$$$--
ISANG malaking BIYAYA ng Panginoon na “NAGWAGI” si Pacman—nang “hindi nagkabikong-bikong” ang mukha ng dalawang boksingero.
Isang malaking biyaya ng Panginoon na nanalo si Pacman, nang hindi “NA-COMATOSE” si Marquez.
Ikaw, gusto mo bang ang tinatalo ni Pacman ay “nadudurog ang mukha at naoospital?
Ang pagkadismaya ng BOXING AFFICIONADOS sa Pacquiao-Marquez bout ay ang PAGKAWALA ng maraming dugo sa lona—na isang SINAUNANG UTAK na “sabik na masaksihan” ang BARBARONG LARO NG BOKSING.
Sa moderninasyon at sa sibilisasyon, ang BOKSING ay patungo sa isang LARO—na dapat ay WALANG GAANONG NASASAKTAN—at yan ang resulta ng PANALO ni Pacman.
Isang BIYAYA ito ng Panginoon---walang gaanong nasaktan pero mayroong NAGWAGI.

------$$$--
TALIWAS sa paniniwala ng marami, ang MAHALAGA o IMPORTANTE sa boxing—ay ang MAGWAGI, imbes na MAMBUGBOG o PUMATAY ng katunggali.
Ang boxing—ay hindi GAMIT sa pagpatay o pananakit sa kapwa, kundi ito ay ISANG LARO—tungo sa pagkakaisa ng BUONG DAIGDIG sa pagbubuklod ng LAHAT NG LAHI-- sa ilalim ng KALULUWA ng PALAKASAN o sports.
Kumbaga, pagbubunsod ng “OLYMPISM”.
Kung hindi NABUGBOG si Marquez ni Pacman pero nagwagi ang Pinoy—aba’y hindi ba’t higit na MABUTI ito kaysa nagwagi si Pacquiao pero NAPATAY niya ang kalaban?
----30-------

EESKAPO BA SI CONG. GLO?

NAKAPOKUS naman ngayon ang isyu sa TRO ng Korte Suprema kaugnay ng nadiskaril na pagbiyahe sa labas ng bansa ng mag-asawang sina dating pangulo at ngayon ay Cong. Glo at ex-FG Mike.
Sa totoo lang, maraming PRECEDENT o katulad na isyu ang maaari nating suriin.
Hindi lang ngayon natin nasasaksihan ang isyu tungkol sa BIYAHE ng isang presidenteng “HINAHABOL NG KASO”—pabalik ng bansa o PALABAS ng bansa.
Halinang suriin natin upang maunawaan natin ang buong sitwasyon at ma-APPRECIATE natin nang punto-per-punto ang magkakasalungat na ARGUMENTO ng bawat panig.

-----$$$---
UNA, ang tunay na isyu—ay ang KASO laban sa isang PRESIDENTE.
Hindi lang ngayon nagkaroon ng ganyang ISYU—KASO LABAN SA PRESIDENTE ng Pilipinas.
Masasagot ditto kung “GAANO KASAMA” si Ate Glo kompara sa kaso ng IBANG PRESIDENTE.
Simulan natin mismo sa UNANG PANGULO ng bansa.
May sasama o AASKAD pa ba s a isyu ng PAGPATAY ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo sa mismong pundador ng KATIPUNAN at isang aktuwal na BAYANI na si Gat Andres Bonifacio?
Siguro naman ay walang KOKONTRA—na talagang si Aguinaldo ang nag-UTOS ng pagpatay kay Bonifacio—maraming EBIDENSIYA dyan.

------$$$---
TUNGKOL naman sa pagbiyahe sa abroad at pag-uwi pabalik ng bansa.
Tipikal na masasagot natin ang mga tanong kapag binalikan natin ang sitwasyon na kinasadlakan mismo ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos at mismo ni dating pangulong ERAP.
Sa gitna ng daan-daang kaso iniaakusa kay Marcos, hindi kailanman hinangad ng dating Pangulo na manatili sa HONOLULU, HAWAII.
Malinaw ang DATOS at EBIDENSIYA-- na ayaw ni Marcos na manatili sa US, bagkus GUSTO- GUSTO niya na magbalik sa tinubuang lupa.
Sa kabila na hindi na niya hawak ng poder, at katakot-takot na DAMBUHALANG KASO—na naka-AMBA, nagpupumilit pa rin si Marcos at ang kanyang PAMILYA na BUMALIK sa Maynila—UPANG HARAPIN ang kaso.
Pero, ano ang ginawa ng administrasyon ni Tita Cory?
Hindi siya pinabalik.
Umabot pa ang MASS PROTEST kung saan nabuo ang milyon-milyong Loyalist Group upang HILINGIN na PAYAGAN ang mga MARCOSES na pabalikin sa Maynila, pero tinanggihan mismo ng Malacanang.
Isang ebidensiya ito, na hindi komo’t MARAMING KASO o GRABE ang inaakusang kaso—ang isang ‘DATING PRESIDENTE” ay HINDI NA BABALIK sa bansa.

------$$$--
ISA pang malinaw na sitwasyon ay si dating PRESIDENTE ERAP.
Nakikiusap mismo ang ADMINISTRASYON ARROYO sa kampo ni ERAP na mag-ABROAD na lamang at WALA NANG KASO ISASAMPA, pero ano ang desisyon ni ERAP?
Naninindigan si Erap na HINDI SIYA MAGA-ABROAD—at HINDI niya TATAKASAN ang katakot-takot na KASO—hinarap niya ang kaso hanggang siya ay NABILANGGO at nahatulan.
Si Marcos at si Erap—ay iisa lang ang DESISYON—haharapin nila ang KASO na isinampa ng kanilang mga KAAWAY sa politika.
Ang pagkakaiba lang, NAGAWA ni Era pang kanyang gusto, pero BIGO si Marcos na harapin ang kaso sa loob ng Pilipinas.
Buhay pa si Erap at nakarekober, si Marcos ay MALUNGKOT NA BINAWIAN ng buhay sa TERITORYO ng mga dayuhan.
Mas grabe, hanggang ngayon—ang kanyang KALULUWA—ay hindi pa rin NATATAHIMIK—sapagkat NAKABUROL pa ang kanyang LABI sa refrigerated CRYPT.

------$$$---
DAPAT nating maunawaan ang sinasabi mismo sa KORTE tuwing may kasong “political”: VOX POPULI, VOX DEI.
Ang desisyon ng tao, ay desisyon ng Diyos!
Ang sinumang PANGULO ng isang bansa—kahit sa papaanong paraan siya NALUKLOK—ay KINASISIYAHAN NG DIYOS. (Alalahanin natin ang kaso nina Jacob at Esau sa Bibliya—yung “basbas” kahit dinaya—ay NANANATILING BASBAS, hangga’t hindi binabawi)
Dapat nating IGALANG o IRESPETO (bagaman may kaso) ang mga naging PANGULO—sapagkat sila ay nakahanay sa mga BAYANI—buhay man sila o HINDI.

-----$$$--
ANG ISANG BAYANI o isang PANGULO o dating PANGULO —ay walang ibang PANGARAP kundi ang : Mamuhay at YUMAO siya sa sariling teritoryo ng INANG BAYAN.
Bakit hindi TINANGGAP ni Erap ang ALOK na mag-abroad kapalit ng “WALANG KASONG ISASAMPA”?
Hindi tinanggap ni Erap ang naturang alok sapagkat—ang PAGLAYO sa TINUBUANG LUPA at PAMILYA’T KAIBIGAN—ay ISANG NAKATO-“TORTURE” PARUSA para sa isang tao.
Ang paga-ABROAD—ay hindi “biyaya” o ang PANINIRAHAN sa “teritoryo ng banyaga” ay hindi PARAISO, sapagkat ang HIGIT NA PARAISO—ay ang manirahan ka sa iyong INANG BAYAN—at ditto ka rin bawian ng buhay.
Sakaling tinanggap ni Estrada ang naturang ALOK—lalabas na PINARUSAHAN mismo ni ERAP ang kanyang SARILI—sa isang KASONG kanyang itinatanggi.
Sa kaso ni Marcos, PINARUSAHAN siya ng kasaysayan—sapagkat YUMAO siya sa teritoryo ng ibang bans.
Higit na MABUTI ang “kamatayan” ng kanyang KARIBAL na si Sen.Ninoy—YUMAO sa TERITORYO ng kanyang INANG BAYAN.

-----$$$--
NGAYON bilang dating pangulo ng bansa, kayo na ang humatol—BABALIK ba sa Pilipinas o MAGPAPAKAMATAY sa teritoryo ng mga dayuhan si Ate Glo?
Mahirap humusga, kayo na lang.

-----$$$---
KAPAG tumakas at hindi NAGBALIK si ATE GLO---hindi niya sinasadya o SINASADYA MAN: PARURUSAHAN o KUSANG PARURUSAHAN niya ang kanyang SARILI.
Bahala na sa kanya ang KASAYSAYAN at ang DAKILANG LUMIKHA.
Pwede ring sabihin, tinanggap niya na “siya ay may kasalanan” at “pinarusahan niya ang kanyang sarili”.

----30----

Tuesday, November 15, 2011

PACQUIAO-MARQUEZ 3: THE UNPATRIOTIC FILIPINOS

MARAMING nagte-text sa inyong abang lingcod kaugnay ng reaction sa mga inilalabas natin ditto sa mga nagdaang araw, pero KAKAIBA ang bilang at NILALAMAN ng text kahapon kaugnay ng tema sa laban nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez.
Sa totoo lang, lingid sa kaalaman ng iba, tayo po ay nagsilbing SPORTS EDITOR sa napakahabang panahon bago naging news editor ng iba’t iba ring pahayagan.
Sinusubaybay natin ang lahat ng klase ng sports, pero nakapokus tayo sa BOXING—ang tunay na susi at pundasyon ng mga SPORT PAGES.
Sa pagtalakay natin kahapon, marami ang NAMULAT at nagpapasalamat dahil nalaman nila ang SITWASYON sa kontrobersiya kung saan idinarasal nilang makaabot ang nilalaman ng naturang artikulo sa kampo ni Pacman.
Direkta nating inaakusahan ditto ang HBO TELEVISION ng PANDARAYA kay Pacquiao at sa 93 milyong Pinoy.
Kasi’y BIASED ang COVERAGE ng HBO kung saan may MOTIBO itong “paglaruan ang KATINUAN” ng mga boxing aficionados hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong daigdig.
Hindi kasi makapaniwala ang mga KANO particular ang MEXICAN-AMERICAN na isang ASYANO o isang KAYUMANGGI ang bubura sa RECORD nina Muhammad Ali, Sonny Liston at Floyd Mayweather Jr.
Isang KLASE ito ng DISKRIMINASYON—kung saan “DADAYAIN” ang coverage upang PALABASIN na si Pacquiao ang NANDAYA imbes ang HBO kakutsaba ang MAFIA sa Las Vegas.

------$$$---
SA totoo lang, ang SITWASYON na kinasadlakan ni Manny Pacquiao ay hindi nalalayo sa Filipino Little Leaguers nang magkampeon ito sa 46th Little League World Series na ginanap sa South Williamsports, Pennsylvania, USA noong Agosto 22- 29, 1992.
Nang mga panahon iyon, tayo po ang SPORTS EDITOR ng tanging BROAD SHEET na nasusulat sa TAGALOG na “DIYARYO FILIPINO”—kung saan tanging TAYO lamang ang kaisa-isang FILIPINO JOURNALIST na sumaksi sa naturang WORLD SERIES—ang kauna-unahang pagkakataong INILAMPASO ng FILIPINO KIDS ang AMERICAN KIDS sa sarili nilang TERITORYO—sa SARILI nilang LARO o SARILI nilang “NATIONAL PASTIME” na BASEBALL.
Ang nag-cover ng event ay ang ABC Wideworld sports kung saan, ikinokober nila ang laro na ipinalalabas NANG LIVE sa buong USA at ilang bansa. Sa mga NAUNANG INNINGS, first, second ,third at fourth—kung saan NAGKAKAGITGITAN sa diamond—ay IPINAKIKITA pa nila sa TELEBISYON.
Pero, sa pagsapit ng FIFTH at SIXTH (final inning) kung saan GINUGUPAPA at INILALAMPASO ng mga Pinoy kids ang mga AMERICAN kids—ay BIGLANG nag-PACKED-UP at itinigil ang COVERAGE.
Ang VIDEO na naka-FILE sa YOU TUBE—ay makikitang hindi ISINAMA ang HULING DALAWANG INNINGS kung saan HINDI MATANGGAP ng US SPORTS MEDIA—na natatalo ang kanilang mga KABATAAN ng mga KAYUMANGGI mula sa Pilipinas.
Matapos talunin ng Filipino Little Leaguers ang Long Beach , California sa AKTUWAL na laro at sa DIAMOND (baseball ground), tinanghal na WORLD SERIES CHAMPION ang Pilipinas noong Agosto 29, 1992—at makaraan ang isang buwan, Setyembre, doon BINAWI ang korona—sa simpleng “teknikalidad sa districting rules “ (HINDI sa AGE eligibility tulad sa ikinalat ng mga MAKAPILI o TRAYDOR na Filipino press).
Nabawi ang KORONA ng Filipino Little Leaguers, dahil sa mga TRAYDOR na FILIPINO SPORTS writers.
At kakutsaba ditto ang “patriotikong US sports journalist” (na nagmamahala sa kanilang BANSA) kakutsaba ang mga Pinoy na WALANG PAGMAMAHAL sa KAPWA Filipino at walang pag-ibig sa Republika ng Pilipinas.

-----$$$---
NGAYON, kitang –kita natin sa iba’t ibang REAKSIYON sa MEDIA—na napakaraming MEDIA PERSONALITIES ang “IPINAHAHAMAK” ng kanilang OPINYON at “pagtatanong” kabilang ng ang kalabang ISTASYON ng GMA-7 na hanggang ngayon—ay NANGUNGUTYA at nang-iinsulto sa PANALO ni Pacman.
May nag-TEXT, kasing-KAPAL dawn g DOS-POR-DOS ang MUKHA ng mga KOMENTARISTA sa RADIO-TV station sa programang pang- umaga sa dahil sa PAGPAPASARING at PAGDUSTA sa pagkatao ni Pacquiao.
Ngayon pa lamang—ay dapat MATUTUTO si Pacquiao kung sino-sino ang kanyang KAKAUSAPIN at PAKIKISAMAHAN sa “PHILIPPINE MEDIA”.
Hindi lahat ng PUMUPURI sa kanya ay NAGMAMAHAL sa kanya.
Marami ditto ay nag-aantay na MADAPA siya upang siya ay DURAN at TALIKURAN.
Nakapangingilabot ang magiging SITWASYON ni Pacquiao—sakaling na-KNOCKED OUT siya ni Marquez—ang KAPWA PILIPINO niya ang YUYURAK sa kanyang pagkatao at KABIGUAN.
Buti na lang, si PACMAN ang NAGWAGI.
Kinasisiyahan siya ng Panginoong Lumikha, malinaw at aktuwal na natutulungan siya ng kanyang BANAL NA ROSARYO.
Iba pa rin talaga ang MARUNONG MAGDASAL..... marunong magmahal sa Inang Bayan.

PACQUIAO WAS CHEATED:HBO WAS THE CULPRIT

DIDIRETSAHIN na natin ang publiko kaugnay sa text na hinihiling na magbigay tayo ng pagtaya sa laban nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez.
Si PACQUIAO ang NADAYA , imbes si Marquez ang NAAGRABIYADO.
Si Pacquiao at ang 93 milyong Pinoy ang BIKTIMA sa naturang HBO television coverage na ibinenta sa pormang pay-per-view sa buong daigdig.
Bakit?
Sapagkat, “biased” ang coverage. May diskriminasyon ito sa Asyano at mga Filipino.
Batay sa statistical data at iskor ng judges, si Pacquaioang nagwagi, pero IPINAKITA ng HBO—ang BIASED COVERAGE pabor kay Marquez upang PALITAWIN ang MEXICAN ang nagwawagi kada ROUND, pero taliwas ito sa “computerized scoring” at taliwas sa nakikita ng tatlong hurado sa ring side.
Malinaw ang EBIDENSIYA—dito na IPINOPOKUS ang CAMERA ng HBO—sa mga SUNTOK ni Marquez na tumatama kay Pacquiao sa “SLOW MOTION” tuwing matatapos ang ROUND—Pero ang SUNTOK ni Pacman na sumasapol kay Marquez—ay HINDI IPINAKIKITA NG HBO TELEVISION.
Ang EKSENA at SITWASYON—ito sa “TELEVISION COVERAGE NG HBO”—ang NAGTULAK ng “MALING IMPRESYON” o “MALING OPINYON” at UMIMPLUWENSIYA sa manonood kabilang ang MISMONG Filipino communities.
Nago-opinyon ang mga TAO—batay sa IPINALABAS ng HBO sa telebisyon, pero hindi BATAY sa “AKTUWAL NA DATOS” sa ring side.

-------$$$--
NAKAKALUNGKOT ang opinion ng mayorya ng Pinoy kaugnay ng PANALO ni Pacquiao kay Marquez.
Marami ang nag-text sa atin at marami rin tayo na narinig na OPINYON: Sa paniniwala nila batay sa napanood nila—“NATALO” si Pacquiao at si Marquez ang “nagwagi”.
Espisipiko naman ang OPINYON—kasi’y ang kanilang “OPINYON” at “PANINIWALA” ay ibinatay nila sa “napanood sa telebisyon”.
Sa ganyang argumento—IGINAGALANG natin ang kanilang opinion—at kung PAGBABATAYAN talaga ang “COVERAGE NG HBO” sa pay-per-view na ibinenta nila sa buong mundo—iyan talaga ang “PINALITAW” nila sa COVERAGE.
Sa ganyang PAGLALATAG—ng “sitwasyon”, malinaw na masasagot ng KOLUM na ito ang “MARAMING TANONG” at “pagdududa” na hindi nasagot ng mga “SPORTS ANALYTS”, pero ilalantad natin sa espasyong ito.

-----$$$---
UNA, nais muna nating ipaalala na sa dinami-rami ng naglabas ng “pre-fight analysis”, tanging ang KOLUM na ito lamang ang DIREKTANG NAGSABI—at nag-abiso na ang IKATLONG PAGHAHARAP nina Pacquiao at Marquez ay magiging KONTROBERSIYAL.
One-hundred-percent nating NASAPOL ang naturang “resulta”.

---$$$---
IKALAWA, nais din nating bigyan-diin, na ang PANINIWALA at OPINYON ng kolum na ito—ay si MANNY PACQUIAO talaga ang NAGWAGI—at hindi si Marquez.
Ang opinion at paniniwalang ito, ay sinusuportahan ng mga AKTUWAL NA DATOS, EBIDENSIYA at LOHIKA:
Ito mismo ang hatol ng hurado. Walang judge na nagdeklara na nagwagi si Marquez, bagkus ang DALAWA ay nagdesisyon ng PANALO ni Pacquiao at ang ikatlo—ay TABLA ang pananaw.
Ang panalo ni Pacquiao ay suportado rin ng technical data—batay sa pagbilang ng suntok ng COMPUTER, batay sa datos na inilabas ng CompuBox.
Batay sa computer, nagpakawala si Pacquiao ng 578 punches, 176 ang kumunekta habang si Marquez naman ay nagpakawala ng 436 pero 138 lamang ang tumama sa kalaban.
Naitala rin ng computer ang 304 JABS ni Pacquiao kung saan 59 ang dumapo kay Marquez habang may 182 JABS si Marquez pero kakarampot na 38 ang umabot sa mukha ni Pacman. Sa POWER PUNCHES, bumira si Pacquiao ng 274 strong punches at 117 ang umabot kay Marquez samantalang may 254 power punches si Marquez pero 100 suntok lamang ang tumama kay Pacman.
Malinaw na malinaw na ebidensiya yan na NAGWAGI si Pacman—pero HINDI IYAN ANG IPINAKIKITA NG “COVERAGE NG HBO”.

-----$$$---
IKATLO, nagwagi si Pacman, batay sa “traditional” judging system sa professional boxing kung saan—ang KAMPEON ang nagdedepensa kaya’t mas dapat na agresibo ang CONTENDER na kailangan ay MAGPAKITA ng “clear points o convincing points”, bago mai-award sa kanya ang naturang round.
Kapag dikit o PATAS, ang round—tanging draw o puntos ito pabor sa DEFENDING CHAMPION.

-----$$$--
IKAAPAT, sa round-by-round o sa blow by blow account sa mga round—makikita natin—na kakaunti lamang ang mga ROUND na masasabing “NAKOKOPO nang malinaw” ni Marquez.
Mula sa First hanggang 4TH round—halos draw ang iskor ng dalawa—walang nanaig .
Sa pagpasok ng 5th, 6th at 7th—nakita ditto ang pagka-AGRESIBO ni Marquez, pero sinasabayan pa rin siya ni Pacman .
Pero sa pagdating ng 8TH ROUND—rumimate si Pacman kung saan MAS LUMUTANG ang kanyang pagka-agresibo kompara kay Marquez.
Sa mga ROUND na ito at sa mga kasunod na ROUND—ipinakikita ng HBO (ng kanilang KAMERA)—ang mga SUNTOK na pinatatama ni Marquez kay Pacman pero HINDI nito pinakikita sa SLOW-MOTION—ang mga PATAMA ni Pacquiao kay Marquez. Balikan ninyo ang VIDEO CLIPS at mapapansin ninyo na “BIASED ANG COVERAGE NG HBO”.
Ang “PANDARAYANG ITO” ng HBO sa mga TELEVIEWERS—ang nagtulak upang magbigay ng MALING OPINYON, MALING INTERPRETESYON ang mga AFICIONADOS.
Kung gayon, ang biktima ditto ay si PACMAN—na nasira ang reputasyon at mismo ang 93 milyong Pinoy na napeke sa “maling napanood”.

-----$$$---
IKALIMA, narito ang account sa FIGHTNEWS.COM makaraan ang 8TH ROUND: After eight rounds, Saturday’s clash between WBO welterweight champion Manny Pacquiao and WBO/WBA lightweight champion Juan Manuel Marquez was tied 76-76 on the cards of judges Robert Hoyle and Dave Moretti, with Glenn Trowbridge having Pacman ahead 77-75. Down the stretch, Hoyle (114-114) awarded both fighters two rounds, while Moretti (115-113) and Trowbridge (116-112) scored three of the last four rounds for Pacquiao. Marquez may have eased up slightly toward the finish after being assured by his corner that he was ahead in the bout.
Ipinakikita ditto na talagang “PATAS” lamang ang iskor ng dalawa at sa mga HULING ROUNDS lamang nagkatalo kung saan AKTUWAL na binabayo ni Pacman si Marquez—kaya’t iginawad ang panalo sa KONGRESISTA ng Saranggani.
Paano ninyo ninyo sasabihin na “TALO” si Pacman, unfair yan—at MALINAW na “biktima” mismo ang No.1 fighter ng daigdig sa MALING IMPRESYON na ginawa ng HBO sa kanilang coverage.

-----$$$---
HINAHAMON natin ang KAMPO ni Manny Pacquiao na kuwestiyunin si Bob Arum ng TOP RANK at mismo ang HBO television sa “HINDI PATAS” na fight coverage.
Iminumungkahi nating IPA-REVIEW ni Pacman ang KONTRATA sa HBO at i-PROFILE ang “COVERAGE TEAM” upang matukoy kung ilan ditto ang “miyembro” ng MEXICAN MAFIA.

-----$$$--
ISA ring MOTIBO ng “pandaraya sa coverage”—ay palitawing MAHINA at LAOS na si Pacman upang hindi ito magpumilit ng MALAKING PREMYO sa napipinto nitong laban kay Floyd Mayweather.
Isang TAKTIKA din ito upang MAKUMBINSE si Mayweather na labanan si Pacman kung saan LUMILITAW ang maling IMPRESYON na “tinalo” siya ni Marquez at higit na MAHUSAY si Floyd dahil mas malinaw ang panalo niya sa huling laban nila ni Marquez.
Sa puntong ito, malinaw na TUMPAK an gating paga-analisa na ang SINDIKATO sa Las Vegas ay MAKAMANDAG—kaya’t dapat na maging MAINGAT si Pacquiao.
Dapat ay IBASURA na ni Pacman ang KONTRATA sa HBO—dahil sa PALPAK na coverage.
Puwede nilang REBYUHIN yan—upang mapatunayan nila na TUMPAK ang ating paga-ANALISA.
Kapag napatunayan palpak ang HBO, puwede niyang ikansela ang kontrata, IDEMANDA at makakolekta ng DANYOS.

-----$$$----
SA totoo lang, dapat na MAGPASALAMAT ni Pacquiao sa naganap na sitwasyon—dahil NABISTO ang pagiging TRAYDOR ng ilang Pinoy kung saan, ININSULTO at KINUTYA si Pacman matapos ang laban ay Marquez.
Marami ditto ay ang mga nagrurunung-runungan na SPORTS ANALYST at ilan ditto ay mga KASAMAHAN ni Pacman sa GMA Channel 7 kung saan NAGPAKAWALA ng tanong na NANGUNGUTYA kay Pacman.
Pero, ang pinakamasamang KOMENTARYO ay nagmula sa kalabang istasyon ng GMA 7 kung saan HALOS lahat ng OPINYON—ay pangunutya kay Pacman.
Sa pagbabalik ni Pacquiao sa Pilipinas, madali na niyang matutukoy kung SINO ang MAKAPILI o mga TRAYDOR na kababayan at kung sino talaga ang NAGMAMAHAL sa kanya.
Walang duda na hindi 100 percent ng Pinoy ay kanyang tagahanga.
Sa gitna kasi ng “krisis” at “kahihiyan” ni Pacquiao—tulad sa NAKARAANG LABAN kay Marquez—mas DAPAT SANANG PINALUTANG NG MGA PINOY—ang PAGMAMALASAKIT , PAGTATANGGOL at [PAGMAMAHAL kay Pacquiao, imbes na pang-iinsulto sa kanyang KAKAYAHAN.
Sa gitna ng “negatibong sitwasyon na kinasadlakan ni Pacman”: NASAAN ANG SAMBAYANANG FILIPINO?
NASAAN?

-----30---

Thursday, June 16, 2011

MEDIA COVERAGE PRIORITIES IN THE PHILIPPINES

EDITORIAL for BULGAR NEWSPAPER NI KA AMBO
(June 17, 2011 issue)


SA gitna ng maalingasngas na awayan sa Spratlys, nananatili pa rin dapat na prayoridad ng bansa ang paglilinang ng mga tinatawag na energy sources mula sa kalikasan o ang tinatawag na renewable energy.
Nasapawan kasi ng mga ulat sa Spratlys at kaliwa’t kanang kriminalidad ang tahimik na paglulunsad ng National Renewable Energy Program (NREP).
Hindi kasi prayoridad ng media ang mga positibong ulat na walang anumang kontrobersiya o sensesyonal na epekto sa emosyon ng ordinaryong mamamayan.
Kahit papaano, dapat ay ibinabalanse pa rin ang mga ulat kung saan bibihirang isagawa ito ng mga newsroom o editorial desk kung saan nabibingit sa alanganin ang propesyon sa mass communication .
Sa gitna ng hindi maawat na paglobo ng singil sa konsumo ng elektrisidad, hindi pa rin prayoridad ng media ang ulat sa pagtatangka na linangin ang enerhiya mula sa kalikasan.
Dedma lang ang media sa pahayag ni Executive Secretary Jojo Ochoa na target ng renewable energy program na mapababa ang singil sa konsumo ng elektrisidad at mapaabot ang serbisyo ng kuryente sa mga liblib na pook.
Para sa kanila,hindi mahalaga na malaman ng ordinaryong Pinoy na dapat tutukan ang mga programang lilinang ng mga bagong pinagmumulan ng enerhiya kung saan hindi mawawasak o mapipinsala ang kapaligiran.
Hindi sila nababahala sa ulat na kakapusin ang bansa ng enerhiya sa susunod na dalawang dekada kaya’t kailangang mapolobo ang kapasidad na 5,400 megawatts na renewable energy noong 2010 tungo sa target na mas malaking kapasidad na 15, 300 megawatts pagsapit ng taong 2030.
Sa totoo lang, ang namumuong sigalot sa Spratlys, ay bunga ng pagtatangka ng mga bansa sa paligid nito na makadiskubre ng petrolyo na nanatiling numero unong pinagmumulan ng enerhiya sa buong daigdig.
Sakaling malinang ang renewable energy tulad sa wind energy sa Ilocos Norte o ang mismong paggamit ng alon sa karagatan sa dalampasigan ng Pilipinas at iba pang bansa, hindi na gaanong magiging mahigpit ang GIRIAN—sapagkat sasapat na ang kanya-kanyang pangangailangan sa MAS MALINIS NA ENERHIYA.
Ipagdasal nating maging matagumpay ang pagtatangka na mapaunlad ang programang pang-enerhiya upang ang away sa Spratlys ay maitutok hindi na sa oil exploration kundi maging isang kahali-halinang ALTERNATIBONG TIRAHAN ito ng mga susunod na henerasyon.
---30----

SPRATLYS: US HELP, NO. THANKS--PHL

BISTADO DAILY COLUMN ni KA AMBO
(Bulgar Newspaper, June 17, 2011 issue)


MARAMI ang nagsasabi na KAILANGAN ng Pilipinas ang TULONG ng United States.
Mali.
L
------$$$---
KAILANMAN ay hindi tayo dapat na MANGAILANGAN ng tulong sa ibang bansa.
Bakit?
Sapagkat ang ganyang pananaw ay kasingkahulugan na TAYO ay HINDI ISANG TUNAY NA BANSA.
Mahalaga ang TULONG ng US, pero hindi natin ito kailangan.
Higit na KAILANGAN natin ay TULONG ng mismong POPULASYON ng Pilipinas.
Ang KUSANG PAG-VOLUNTEER ng mga ORDINARYONG PINOY—na “magbuwis” ng BUHAY para idepensa ang “isang DANGKAL” na lupa ng ating TERITORYO—ang pinakamahalaga.
Dapat na maunawaan ito ng lahat.

-----$$$---
SAKALING tumulong ang US sa Spratlys—ay dapat ay PAGKUKUSA nila, hindi ito DAPAT HILINGIN, hindi ito dapat IPAKIUSAP, lalong hindi ito dapat ipilit o hindi dapat IPAGMAKAAWA.
Iyan ang DAPAT PRINSIPYO na “iminamarka” sa KONSTITUSYON ng Pilipinas.
Ang pagbabawal sa GOBYERNO na “humingi ng saklolo” sa ibang bansa.
Pero, dapat OBLIGAHIN ang BAWAT MAMAMAYAN—babae man o lalaki, na MAGSILBING SUNDALO para sa KATATAGAN NG ESTADO.
Kapag GANYAN ang nakalagay sa ating KONSTITUSYON—tayo ay magkakaroon ng mahigit 10 MILYONG RESERVIST—na tiyak na IKATATAKOT ng alinmang bansa na magtatangka na MANAKOP sa ating teritoryo.
MANPOWER—human force, HUMAN RESOURCES—ang ating pinakamahalagang LIKAS-NA-YAMAN.
Hindi pinag-uusapan ditto kung ANONG KLASE ng armas mayroon tayo.

-----$$$--
KUNG armas naman ang pag-uusapan, dapat iprayoridad ng DOST ang PAG-IMBENTO ng mga armas.
Imbes na pigilin ang paggawa ng PALTIK sa DANAO at CEBU, dapat itong i-idevelop upang makatuklas tayo ng SARILI nating ARMAS—na magagamit laban sa mga DAYUHAN.
Hindi natin kailangang UMANGKAT ng MODERNONG ARMAS—bagkus kailangan nating UMIMBENTO, tumuklas at mag-SALIKSIK—upang makadiskubre tayo ng mala-LASER GUN—at ROBOT—na makakatulong n gating mga SUNDALO.
Dili kaya’y suportahan ang PAGSASALIKSIK sa “ROBOT MACHINE” na magagamit na MILITARY GADGETS katuwan n gating mga SUNDALO.
Nangangahulugan ito na KAILANGAN natin ang “POPULASYON”—hindi lamang ang AKTUWAL NA TAO SA GIYERA, kundi ang “ANGKING TALINO” ng ating mga MAMAMAYAN—upang talunin ang mga MANANAKOP na bansa.

-----$$$--
ANG problema, nagsasabatas tayo upang PIGILIN ang populasyon—na siyang PANGDEPENSA natin sa panahon ng DIGMAAN.
Wala tayong SAPAT NA BADYET para tustusan ang RESEARCH AND DEVELOPMENT program para MAKATUKLAS ng EPEKTIBONG ARMAS—na magagamit n gating mga SUNDALO.
Matatalino at matatapang na PINOY—ang kailangan natin, hindi ang mga DUWAG NA KANO—na gumagamit lamang ng MALALAKAS na armas—para talunin ang mga “kaawa-awang MALILIIT NA BANSA”.
Mahalaga ang tulong ng US, pero hindi ito ang PINAKAMAHALAGA.
Ang PINAKAMAHALAGA ay TULONG ng BAWAT ISANG PINOY.

-----$$$--
ISIPIN ninyo, papayag ba kayo na MANALO tayo sa DIGMAAN—sa tulong ng mga DAYUHAN?
Ano ang “sarap” ng TAGUMPAY—na hindi naman ikaw ang “BAYANI” kundi ang mga DAYUHAN.
Papayag ba kayo na “nagbubuwis ng buhay ang KANO”, para sa INTERES ng Pinoy?
Anong klase ng kabulastugan yan.
Isang klase yan ng KAMANGMANGAN at KAWALAN-NG-PAGKABANSA!!!

------30---

Tuesday, June 14, 2011

LIVE MEDIA COVERAGE FOR MAGUINDANAO MASSACRE TRIAL: JUSTICE AS A REAL COMMODITY ITSELF

EDITORIAL for BULGAR NEWSPAPER by KA AMBO
(June 15, 2011 issue)


MALAKING balita kahapon ang pagsang-ayon ng Korte Suprema na maisatelebisyon ang serye ng pagdinig sa Maguindanao Massacre.
May bagong aktuwal na telenobela na mapagpipiyestahan ang mga nagugutom na Pinoy.
Yung mga kumakalam ang sikmura, mayroon na silang katwiran na hindi mananghalian dahil tatanghod na lang sila sa telebisyon at radio habang kinukuwestiyun ang mga testigo at akusado sa kaso.
Mag-aaway-away naman ang mga media networks at masasaksihan natin kung alin sa kanila ang “ bayad” komporme sa tutok ng kanilang camera at mikropono.
Mamalasin naman ang mga bagong kasisimulang teleserye dahil tiyak na masasapawan ang bida ng mga TUNAY NA BIDA at KONTRABIDA sa aktuwal na buhay ng mga Pinoy.
Tatabo ang mga network at iba pang media outfits dahil puputaktehin sila ng mga sponsors mula sa dalawang “may control ng telecommunication business”.
Ngayon pa lamang ay tiyak na nagpatawag na ng emergency meeting ang mga media networks at maging ang mga advertising executives kung PAANO nila ie-EXPLOIT o ima-MAXIMIZE ang kita o TUBO mula sa HULING DESISYON ng Korte Suprema.
Samantala, ang punto de bista ng mga “meeting” ay hindi kung paano maipalilitaw ang KATARUNGAN—kundi kung paano MAAKIT ang publiko na IPRENTE ang PINDOT sa telebisyon at radio.
Isang oportunidad din ito sa modernong MOBILE TV at INTERNET SITE upang mapabulas ang NEGOSYO at walang duda na WALA SILANG “paki” sa HUSTISYA ng mga biktima.
Sa medaling salita, anuman ang kahinatnay ng pagsasa-MEDIA ng pagdinig sa Maguindanao Massacre, ang HUSTISYA—mismo ay biktima—at KASANGKAPAN lamang sa pagpapayaman ng mga negosyante.
Pustahan tayo, mananatiling MAILAP ang HUSTISYA—itelebisyon, iradyo, i-cellphone man gang pagdinig sa korte, sapagkat ito ay simpleng COMMODITY o PRODUKTONG pinagkikitaan ng mga GANID at HANGAL NA MANGANGALAKAL.
----30----

Maguindanao Massacre Media Coverage: JUSTICE AS A REAL COMMODITY

EDITORIAL FOR BULGAR NEWSPAPER ni KA AMBO
(June 15, 2011 issue)



MALAKING balita kahapon ang pagsang-ayon ng Korte Suprema na maisatelebisyon ang serye ng pagdinig sa Maguindanao Massacre.
May bagong aktuwal na telenobela na mapagpipiyestahan ang mga nagugutom na Pinoy.
Yung mga kumakalam ang sikmura, mayroon na silang katwiran na hindi mananghalian dahil tatanghod na lang sila sa telebisyon at radio habang kinukuwestiyun ang mga testigo at akusado sa kaso.
Mag-aaway-away naman ang mga media networks at masasaksihan natin kung alin sa kanila ang “ bayad” komporme sa tutok ng kanilang camera at mikropono.
Mamalasin naman ang mga bagong kasisimulang teleserye dahil tiyak na masasapawan ang bida ng mga TUNAY NA BIDA at KONTRABIDA sa aktuwal na buhay ng mga Pinoy.
Tatabo ang mga network at iba pang media outfits dahil puputaktehin sila ng mga sponsors mula sa dalawang “may control ng telecommunication business”.
Ngayon pa lamang ay tiyak na nagpatawag na ng emergency meeting ang mga media networks at maging ang mga advertising executives kung PAANO nila ie-EXPLOIT o ima-MAXIMIZE ang kita o TUBO mula sa HULING DESISYON ng Korte Suprema.
Samantala, ang punto de bista ng mga “meeting” ay hindi kung paano maipalilitaw ang KATARUNGAN—kundi kung paano MAAKIT ang publiko na IPRENTE ang PINDOT sa telebisyon at radio.
Isang oportunidad din ito sa modernong MOBILE TV at INTERNET SITE upang mapabulas ang NEGOSYO at walang duda na WALA SILANG “paki” sa HUSTISYA ng mga biktima.
Sa medaling salita, anuman ang kahinatnay ng pagsasa-MEDIA ng pagdinig sa Maguindanao Massacre, ang HUSTISYA—mismo ay biktima—at KASANGKAPAN lamang sa pagpapayaman ng mga negosyante.
Pustahan tayo, mananatiling MAILAP ang HUSTISYA—itelebisyon, iradyo, i-cellphone man gang pagdinig sa korte, sapagkat ito ay simpleng COMMODITY o PRODUKTONG pinagkikitaan ng mga GANID at HANGAL NA MANGANGALAKAL.
----30----

SPRATLYS: A US-CHINA GADGET FOR A SECRET AGENDA

BISTADO DAILY COLUMN NI KA AMBO
(Bulgar Newspaper , June 15, 2011 issue)


TAMA ang opinion na hindi dapat mag-COMMENT ang mga awtoridad sa isyu ng SPRATLYS .
Kasi’y maselan ang ISYU, dapat ay yung mga EKSPERTO lamang at tunay na NAKAKAALAM ng tunay na sitwasyon ang magbibigay ng opinion.
Puwedeng mag-COMMENT, pero dapat ay may SAPAT na kaalaman yung “awtoridad” na magsasalita lalo na yung mga taga-GOBYERNO.
Kasi’y maaari mai-JNTERPRET na official statement ang anumang PAHAYAG ng mga government officials—kahit “VERY PERSONAL” o pansariling pagtaya lang ang kanyang sinasabi.

-----$$$--
PERO yung mga SIBILYAN—tulad natin, ay DAPAT MAGSALITA nang magsalita upang MARAMDAMAN ng gobyerno ang SENTIMYENTO ng populasyon.
Kasi’y kapag nagkagiyera dyan—ang POPULASYON ang madadamay.
Kapag NAGKAMALI ang gobyerno, YARI ang 90 milyong PINOY.

------$$$---
SA totoo lang, kung MAYROON mang “pinakamalaki o pinakamaselan” problema si PNoy—ito ay ang mismong SPRATLYS.
Maikukumpara ito sa “HYATT 10” issue sa panahon ni Ate Glo.
Meaning, kailangang mai-MANEHO niya ito “nang maayos”—kasi’y puro “STATE SECRET” ito.
Sa totoo lang, kung ako ang MAGPAPAYO, ipapayo ko na i-CONVENE o KONSULTAHIN ang “NATIONAL SECURITY COUNCIL”.
Kasi’y HALATADONG may “SECRET AGENDA” ang United States at China—at ang SPRATLYS ISSUE—ay “KASANGKAPAN” lamang.
Ang problema,nakataya ditto ang “SEGURIDAD NG BANSA, SOBERANIYA” at pinakamahalaga ang mismong “TERMINO” ni PNoy.
Sana’y maunawaan ito ng MALACANANG.
Nag-aanalisa tayo, nang walang HALONG PERSONAL—bagkus ay NAGMAMALASAKIT lamang tayo.
Nababahala tayo na hindi na “MAITUTUWID ANG DAAN”.
Baka kasi “MABAGSAKAN ANG KALSADA” ng “DAMBUHALANG ASTEROID” —na hindi matutukoy kung SAAN LUPALOP magmumula.
Sa mga nagmamahal kay PNoy, ipagdasal nating MATUMBOK niya ang mga TAMANG DESISYON sa mga susunod na araw.
Salamat po.

-----30

SPRATLYS: A US-CHINA GADGET FOR SECRET AGENDA

BISTADO DAILY COLUMN NI KA AMBO
(Bulgar Newspaper, June 15, 2011 issue)


TAMA ang opinion na hindi dapat mag-COMMENT ang mga awtoridad sa isyu ng SPRATLYS .
Kasi’y maselan ang ISYU, dapat ay yung mga EKSPERTO lamang at tunay na NAKAKAALAM ng tunay na sitwasyon ang magbibigay ng opinion.
Puwedeng mag-COMMENT, pero dapat ay may SAPAT na kaalaman yung “awtoridad” na magsasalita lalo na yung mga taga-GOBYERNO.
Kasi’y maaari mai-JNTERPRET na official statement ang anumang PAHAYAG ng mga government officials—kahit “VERY PERSONAL” o pansariling pagtaya lang ang kanyang sinasabi.

-----$$$--
PERO yung mga SIBILYAN—tulad natin, ay DAPAT MAGSALITA nang magsalita upang MARAMDAMAN ng gobyerno ang SENTIMYENTO ng populasyon.
Kasi’y kapag nagkagiyera dyan—ang POPULASYON ang madadamay.
Kapag NAGKAMALI ang gobyerno, YARI ang 90 milyong PINOY.

------$$$---
SA totoo lang, kung MAYROON mang “pinakamalaki o pinakamaselan” problema si PNoy—ito ay ang mismong SPRATLYS.
Maikukumpara ito sa “HYATT 10” issue sa panahon ni Ate Glo.
Meaning, kailangang mai-MANEHO niya ito “nang maayos”—kasi’y puro “STATE SECRET” ito.
Sa totoo lang, kung ako ang MAGPAPAYO, ipapayo ko na i-CONVENE o KONSULTAHIN ang “NATIONAL SECURITY COUNCIL”.
Kasi’y HALATADONG may “SECRET AGENDA” ang United States at China—at ang SPRATLYS ISSUE—ay “KASANGKAPAN” lamang.
Ang problema,nakataya ditto ang “SEGURIDAD NG BANSA, SOBERANIYA” at pinakamahalaga ang mismong “TERMINO” ni PNoy.
Sana’y maunawaan ito ng MALACANANG.
Nag-aanalisa tayo, nang walang HALONG PERSONAL—bagkus ay NAGMAMALASAKIT lamang tayo.
Nababahala tayo na hindi na “MAITUTUWID ANG DAAN”.
Baka kasi “MABAGSAKAN ANG KALSADA” ng “DAMBUHALANG ASTEROID” —na hindi matutukoy kung SAAN LUPALOP magmumula.
Sa mga nagmamahal kay PNoy, ipagdasal nating MATUMBOK niya ang mga TAMANG DESISYON sa mga susunod na araw.
Salamat po.

-----30

Monday, June 13, 2011

Banco Filipino, a victim of BSP-PDIC modus operandi

EDITORIAL NI KA AMBO
(Bulgar Newspaper June 14, 2011 issue)

NAGSIMULA na ang klase sa mga eskuwelahan.
Pero, marami sa mga dati-rating naka-enroll sa desenteng eskuwelahan ay hindi na nagawa pang makapasok ngayon sa paaralan.
Kabilang ditto ang mga anak ng mga kawani ng Banco Filipino na ipinasarado ng Bangko sentral.
Hindi nakapaghanda ang kanilang mga magulang sa biglang pagkasisante sa trabaho dahil walang kaabug-abug ang direktiba ng BSP.
Maging ang mga depositor na natengga ang personal nilang salapi sa naturang bangko ay nadiskaril na rin ang pag-aaral ng mga anak.
Lalong nadismaya ang mga magulang ng naturang dropped- out students nang ibasura ng Court of Appeals ang hinihiling na temporary restraining order.
Pero, nilinaw ng abogado ng BF na si dating SEC chairman Perfecto Yasay na nauunawaan nila ang hakbang ng CA
Hindi naman kasi simpleng reopening lang ng bangko ang dapat ipag-utos ng korte kundi isang injunctive relief kung saan kailangang maging malinaw ang tinatawag na business plan o programa ng BSP at PDIC upang maibalik ang PAGTITIWALA ng mga depositor.
Kahit kasi buksan itong bigla kung hindi naman naibalik ang reputasyon na sinira mismo ng BSP, ay wala rin itong talab—mababangkarote lang, hindi dahil sa walang pondo kundi dahil sa palpak na paninira ng ilang sector.
Excited ang mga depositor kasi’y nangako ang PDIC sa Komite sa Kongreso na magsusumite na naturang business proposal para maisalba ang BF bago mag- Hunyo 17 kung saan maari ring makipag-usap nang maayos ang opisyales ng naturang bangko upang maibalik sa normal ang operasyon—at maibalik sa trabaho ang mga kawani at maiayos din ang serbisyo sa mga depositor.
Ipagdasal nating maiayos o makasumpong ng epektibong solusyon ditto ang mga kinauukulan sapagkat sakaling mabigo sila—MARAMI PANG “BF” ang mabibiktima ng palpak na proseso ng Bangko Sentral.
----30---

SPRATLYS FEUD:A COVERT WAR , US-CHINA VERSUS ASEAN

BISTADO DAILY COLUMN NI KA AMBO
(Bulgar Newspaper, June 14, 2011 issue)

GAGAMIT ang TAIWAN ng missile boat bilang depensa sa SPRATLYS.
Nagsasagawa naman ng MILITARY EXERCISES ang VIETNAM tulad sa isasagawa ng Pilipinas at US sa susunod na linggo.
Ang mga indikasyon ito ay AKTUWAL na “buwelo” sa isang napipintong digmaan.
Isang malaking tanong: ANO ang papel na gagampanan ng US?

------$$$---
ANG US ay mas MALINAW na “kasunduan” sa Taiwan kompara sa Pilipinas, pero PAREHO silang kaalyado ng mga KANO.
Ang Pilipinas kahit pa sabihing maka-KANO—ay nagkukunwaring “hindi kaalyado” pero hindi naniniwala ang MAINLAND CHINA.
In principle, kasama ang Pilipinas sa tinatawag na “non-aligned nation” pero sa aktuwal, ito ay lumilinya sa KAGUSTUHAN ng mga Kano.
Kumbaga, NO-CHOICE lalo pa’t BINABASTOS ng China ang soberaniya at teritoryo ng Pilipinas.

-----$$$---
SA kabilang banda, nililigawan din ng KANO ang Vietnam na minsan na rin nilang giniyera.
Pero ang China ay giniyera din ang Vietnam.
Pareho silang may record sa kasaysayan na NAKALABAN ng COMMUNIST VIETCONG.
Pero, sa pinakahuli, nagiging MALAPIT ang Vietnam sa US.
Ang mga relasyong ito ay may KAUGNAYAN SA EKONOMIYA .
Sa tuwirang salita, “FOREIGN INVESTMENTS”.
Yan din ang problema ng Pilipinas, sangkatutak ang FOREIGN INVESTMENT na nagmumula sa KANO kompara sa nagmumula sa mga TSEKWA.

-----$$$---
ANG Taiwan ay gayundin, NAKAGAPOS ang ekonomiya ng TAIWAN sa US economy, tulad din sa Pilipinas.
Sinisikap naman ng China na mai-DIPLOMASYA ang Taiwan.
Sakaling maging grabe ang GIYERA sa Spratlys, tiyak na hindi mapapalagay ang KANO—sasali ito sa GIYERA—kahit labag sa United Nations Charter.
Dahil ang US ay hindi kumikilala ng BATAS NG MUNDO—sila mismo ang BATAS sa ibabaw ng DAIGDIG.
Maging ang RUSSIA at CHINA ay hindi pumapalag sa KAPRITSO ng AMERICA sapagkat nang kontrahin nila ang PANANAKOP ngUS sa IRAQ ay hindi sila NAKAPALAG—at walang silbi ang kanilang ngakngak.
Kahit ang PANGHIHIMASOK ng US at NATO sa Libya—ay hindi magawang kontrahin ng China at Russia.
Bakit?

-----$$$--
HINDI natin puwedeng sabihin na TAKOT ang CHINA at RUSSIA sa US—gusto lang nating sabihin na “HINDI SILA PUMAPALAG”.
Bakit?
Sapagkat kapag mayroon din silang tinatawag na “SECRET DEAL”—ang lahat ng yan ay may KAUGNAYAN sa “control o pag-explore ng natural resources” ng isang bansa.
Tulad sa Iraq, lahat ng tumulong at hindi KUMONTRANG BANSA—ay mapa-PARTEHAN ng “OIL SUPPLY” mula sa Iraq.
Ganyan din sa LIBYA, lahat ng tutulong at HINDI kokontra sa PAGKUBKOB sa LIBYA—ay mapapartehan ng LIBYAN OIL.
At kapag NAGSAWALANG-KIBO o hindi pumalag ang RUSSIA at CHINA sa pananakop ng NATO at US sa Tripoli—ma-AANGGIHAN din sila ng LIBYAN OIL SUPPLY.
Walang EMOSYON ditto, kumbaga, langis-langis lang o PERA-PERA lang.

-----$$$--
GANYAN-NA-GANYAN din sa SPRATLYS, maaaring ang pagsali ng US ay KUNWARI lamang, maaaring makipag-EX-DEAL ito sa CHINA—upang “ang KANO at TSEKWA ang magkatuwang na mag-EXPLORE ng SPRATLYS OIL mine.
Yung eengot-engot na tunay na may ARI ng teritoryo tulad ng Pilipinas, Vietnam at Taiwan—ay AANGGIHAN lang kahit hindi na gaanong mabigyan—SAPAGKAT—kahit sila MAAGRABIYADO—may MAGAGAWA ba sila kapag “NAG-DEAL” ang US at CHINA?
Magsusumbong sa United Nations?
Ha!Ha! Ha!
Malaking KAMANGMANGAN yan—ang UN ay “pag-aari” mismo ng US at CHINA—kasama ang malalaking bansa gaya ng Russia, France, Germany o NATO nations, with JAPAN!!
Yung maliliit gaya ng PILIPINAS—talagang ganyan lang ang buhay—ie-EXPLOIT, GAGAHASAIN at LOLOKOHIN lang nang HABANG BUHAY!!
Kayo ang magsabi, tama ba o hindi?
Kung magka-GIYERA man sa SPRATYLS, kunwari lang yan—para yan sa “INTERES” ng CHINA at AMERIKA.
Bibiktimahin nila ang mga “tunay na may-ari” ng naturang mga ISLA.
Nakikiramay po ang kolum na ito sa “ASEAN”.
Tsk, tsk,tsk.
------30---

Thursday, June 09, 2011

CHINA-PHILIPPINES "SPRATLYS" WAR IN-THE-MAKING

BULGAR EDITORIAL ni KA AMBO, Bulgar Newspaper
(June 10, 2011 issue)


MATAPOS magprotesta ang Pilipinas sa pagpasok ng Chinese vessels sa Spratlys, buong tapang na WINARNINGAN ng Mainland China ang mismong Pilipinas na huwag tangkain mag-explore ng oil deposits sa naturang “disputed islands” dahil ito ay kanilang teritoryo—at nakahanda silang IPAGTANGGOL ang kanilang soberaniya.
Sinupalpal ng China ang Pilipinas sa pagsasabing, hindi nagbabago ang kanilang PAG-ANGKIN sa naturang teriroryo tulad ng pagtrato nila ilang SIGLO na ang nagdaan.
Ibinabala ng China na hindi sila mangingiming gumamit ng DAHAS sakaling paputukan ang kanilang mga BARKO na nagbabantay sa buong SPRATLYS.
Kaya bang magbigay ng ganyang pahayag ang Pilipinas?
Ang sagot?
HENDE. Hendeng-hende.
Bakit?
Simple lang, WALA KASING ARMAS.
Linsiyak, kahit may ARMAS, hindi naman kayang magbigay ng ganyang KATAPANG na pahayag ang Pilipinas sapagkat, hindi naman HANDANG MAMAMATAY at MAGPAKAMATAY ang mga SUNDALONG PINOY—para ipakipaglaban (kahit walang laban) ang TERITORYO ng Pilipinas.
Hindi pinag-uusapan ditto ang LAKAS NG PUWERSANG MILITAR—bagkus, ang pinag-uusapan ditto ay ang KAHANDAAN NG MGA SUNDALO—na ibuwis ang buhay para idepensa ang SOBERANIYA.
Isang tanong:Kahit pa bigyan ng bilyong bilyong pisong pondo ang AFP (dati nang binigyan sila sa ilalim ng military modernization fund pero ninakaw lang), hindi naman kayang TAPATAN ng Pilipinas ang NUCLEAR-POWERED warships ng China—kaya’t hindi TOTOO na ARMAS—ang kailangan ng Pilipinas.
Tanging ang US lamang—ang katapat ng puwersa-miltar ng China—walang debate dyan, at hindi ang Pilipinas.
Ang TANGING maitatapat natin sa CHINA—ay dalawang BAGAY lamang.
Una, TAPANG ng mga SUNDALO.
Ikalawa, BILANG NG POPULASYON—sapagkat, ang RESERVED MILITARY FORCE—ay magmumula sa bilang ng POPULASYON.
Kahit walang armas—ang ISANG MILYONG MATATAPANG na RESERVE UNITS mula sa hanay ng SIBILYAN—ay SAPAT upang talunin o takutin ang mga DUWAG na kalaban.
Ito rin ang dahilan kung bakit, hindi dapat isabatas ang REPRODUCTIVE HEALTH BILL—sapagkat PAHIHINAIN nito ang “RESERVED UNITS”sakaling magkagiyera.
Kumbaga, kahit kutsilyo at tabak lang ang armas natin (tulad 1898 revolution), PERO HANDA tayong MAGPAKAMATAY para sa SOBERANIYA—katatakutan tayo ng mga KALABAN.
Para saan ang buhay kung hindi mo kayang IBUWIS ito para sa INANG BAYAN?
------30---

PLDT-SUN MERGER: MAY "TWO-HUNDRED" ANG MGA SENADOR

BISTADO NI KA AMBO, Bulgar Newspaper
(June 10, 2011 issue)


PINUTAKTE tayo ng text sa tinalakay nating MERGER ng dalawang telecommunication networks.
Kahapon din kasi ay kinastigo mismo ng Samahan Laban sa Monopolyo (SLaM) ang mga senador na nagsagawa ng pagdinig kaugnay ng “MERGING” ng dalawang telecom giants.
Kasabay nito, lumabas ang ulat na na tumanggap ng “tumanggap” ng tig-P100 milyon sa PORMA ng “pork barrel” ang mga senador na PUMABOR sa pagpapaliban ng ARMM Election na nakatakda sana sa Agosto 8.
Sa totoo lang, kung may P100 milyong pork barrel ang mga senador, hindi kaya may “panibagong ONE-HUNDRED” ang mga senador na pumapabor naman sa MERGER?
Sa kabuuan, yung mga senador na pumabor sa “pagkansela sa August 8 ARMM election at pabor din sa MERGER—ay magkakaroon ng “TWO-HUNDRED”.
Hiramin natin ang sinabi ng isang dating COMELEC OFFICIAL: Bale, “MAY TWO-HUNDRED” kayo dyan ano?
He, he, he.

------$$$---
BAGAMAN, lehitimo, malinaw na IMMORAL ang “P100 milyong pork barrel” at sakaling mapatunayan na may “panibagong P100 milyon” sa porma ng “lobby fund”, aktuwal na graft and corruption—ang nagaganap sa Senado.
Yung P100 milyon pork barrel ay manggagaling mismo sa Kaban ng Bayan pero yung isa pang P100 milyon—ay manggagaling sa “dambuhalang pribadong korporasyon” na TATABO sa monopoly.
Mahihirapan ang “ordinaryong tao” na MABAWI ang PORK BARREL, pero yung P100 milyon LOBBY FUND”, TSIKENPID lang yun sa TELECOM COMPANIES na kokontrol sa telecom industries.
Ilang NAKAW NA LOAD lang yun sa 50 milyong cellphone users?
Sandali lang ay bawi nay un.

------$$$--
NAGHIHINALA naman ang lider ng SLaM na si Jesse Ignacio na MORO-MORO lang ang pagdinig na ipinatawag ng Senate Committee on Public Service dahil hindi GAANONG BINIGYAN-PANSIN ang PANIG ng mga kumokontra sa MERGING.
Wala rin interest ang komite na bubusiin ang negatibong aspekto ng MERGER.
Pero, may nasisilip na solusyon ang Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) ditto dahil magsusumite ng panukalang-batas si Rep. Nikki Briones na babansagan niyang ANTI-MONOPOLY BILL.
Layunin daw nito na ILIGTAS sa “delubyo” ang milyon-milyong cellphone owners.
Kung makakalusot yan laban sa PANGIL ng telecom giants ay nanatiling isang malaking tanong.

-----$$$-
HINAHAMON naman ng Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (KKKK) si acting Ombudsman Orlando Casimiro na desisyunan ang kasong plunder na isinampa laban kay MMDA Chairman Francis Tolentino, kapatid ni Tagaytay Mayor Abraham Tolentino.
Pinabubusisi ng KKKK kay Casimiro ang plunder case na isinampa ni dating Tagaytay City administrator Rev. Ronald Tan na nag-aakusang nagpayaman sa poder ang magkapatid.
Kabilang sa akusasyon ay ang kasong land- grabbing kung saan , isang araw ay nagising ang ilang resident eng Tagaytay na wala na silang lupain sa sarili nilang tinubuang lupa.
Ginamit umano na modus-operandi ay ang SOBRANG TAAS ng buwis kaya’t hindi nakabayad ang mga residente at pagkatapos ay ipinasubasta ito kaya’t nawalan ng ari-arian ang mga tao.
Kinukuwestiyun din ang biglang pagyaman ng mga ito kung saan biglang nagkaroon ng mga establisimyento sa magagarbong lugar sa siyudad gayung dati-dati ay Brgy. Tolentino West lang umiikot ang kanilang buhay-buhay.
Masagot kaya nila ito nang maayos sa harap ni Casimiro?

------$$$--
WINARNINGAN ng China ang Pilipinas kaugnay ng pag-explore ng LANGIS sa Spratys.
Meaning, WARNING VS WARNING.
Delikado yan—nagkakainitan nay an.
HULAAN ninyo kung SINO ANG MAGTATAGO SA ILALIM NG KAMA?
Sa mga nag-text, hindi ko kamag-anak ang nasirang LOUIE BELTRAN.
Baka raw malibelo ako.
Si Beltran kasi ay PERIOD ang nilagay sa sentence ng kanyang PUNCH LINE.
Tingnan ninyo, QUESTION MARK po ang inilagay ko.
He, he, he.
----30----

Wednesday, June 01, 2011

DOTC SEC. DE JESUS HAS RESIGNED DUE TO SMART- SUN CELLULAR MERGER

EDITORIAL, BULGAR Newspaper
(June 02, 2011 issue)


SORPRESANG nagbitiw si DOTC Secretary Jose “Ping” de Jesus matapos makipagkita kay PNoy.
Maraming espekulasyon sa dahilan ng kanyang pagbibitiw na epektibo sa katapusang ng buwang ito.
Nakapagtatakang kasabay ng pag-uusap nina PNoy at De Jesus sa Malacanang ay ang ulat na may kaugnayan na pagpakyaw ng SMART sa SUN CELLULAR kung saan ibinabala ang pagbabalik ng monopoly sa telekomunikasyon.
Hindi pa rin kasi makatkat sa isip ng mga Pinoy ang MALAGIM na pagmonopolyo ng PLDT sa telephone services nang ilang DEKADA kung saan nakaranas ang populasyon ng PINAKAMALUPIT na kondisyon sa perhuwisyong serbisyo sa telepono.
Nang mabuwag ang MONOPOLYO sa telepono, gumanda at naging maayos ang KUMPITENSIYAHAN kung saan nagkaroon ng mga UNLIMITED SERVICES kung saan nagpasimuno ang SUN CELLULAR.
Nagbabalik-alaala sa mga Pinoy ang lantarang MONOPOLYO ng San Miguel Corporation sa “BEER INDUSTRY” kung saan unang tinangkang kumpitensiyahin ito ng “HALILI BEER” –pero bigla rin itong PINAKYAW at binili ng SMC.
Layunin ng MONOPOL na KONTROLIN ang PRESYO ng serbisyo—kung saan magiging resulta nito ay ang PANGIT at perhuwisyong SERBISYO sa telekomunikasyon.
Maididikta din nila gaano man ang GUSTO nilang SINGIL sa serbisyo sapagkat walang kumpitensiya—na IPINAGBABAWAL SA BATAS!
Hanggang ngayon, pinagdedebatehan pa rin ang LEGALISASYON ng pag-LAMON ng SMART sa SUN CELLULAR kung saan kinukuwestiyun ang “DALAWANG PRANGKISA” sa iisang KORPORASYON.
Malinaw ang ARGUMENTO: Kung napakyaw ng SMART ang SUN CELLULAR—ang napakyaw lamang nito ay ang ASSETS, SOSYO at CAPITAL—pero hindi puwedeng kasabay na ibinenta ang PRANGKISA—sapagkat ito ay IGINAGAWAD ng KONGRESO sa alinmang KORPORASYON.
Gayunman, dahil DAMBUHALAang SMART—hindi lang ang karibal na NEGOSYO ang kanilang MAPAPAKYAW kundi maging ang LAHAT NG LAWMAKERS at opisyal ng gobyerno na KOKONTRA sa kanilang MONOPOLYO sa negosyo—LAHAT SILA AY hindi malayong BAYARAN din.
Sa bandang huli, balik ang mala-PLDT palpak na serbisyo sa telekomunikasyon.
Marami ang nagtatanong: Ang SMART-SUN MERGER kaya ang DAHILAN ng PAGBIBITIW ng DOTC secretary?
----30------

DOTC SEC. DE JESUS HAS RESIGN:DUE TO PLDT-SUN CELLULAR MERGER

EDITORIAL, BULGAR Newspaper
(June 02, 2001 issue)




SORPRESANG nagbitiw si DOTC Secretary Jose “Ping” de Jesus matapos makipagkita kay PNoy.
Maraming espekulasyon sa dahilan ng kanyang pagbibitiw na epektibo sa katapusang ng buwang ito.
Nakapagtatakang kasabay ng pag-uusap nina PNoy at De Jesus sa Malacanang ay ang ulat na may kaugnayan na pagpakyaw ng SMART sa SUN CELLULAR kung saan ibinabala ang pagbabalik ng monopoly sa telekomunikasyon.
Hindi pa rin kasi makatkat sa isip ng mga Pinoy ang MALAGIM na pagmonopolyo ng PLDT sa telephone services nang ilang DEKADA kung saan nakaranas ang populasyon ng PINAKAMALUPIT na kondisyon sa perhuwisyong serbisyo sa telepono.
Nang mabuwag ang MONOPOLYO sa telepono, gumanda at naging maayos ang KUMPITENSIYAHAN kung saan nagkaroon ng mga UNLIMITED SERVICES kung saan nagpasimuno ang SUN CELLULAR.
Nagbabalik-alaala sa mga Pinoy ang lantarang MONOPOLYO ng San Miguel Corporation sa “BEER INDUSTRY” kung saan unang tinangkang kumpitensiyahin ito ng “HALILI BEER” –pero bigla rin itong PINAKYAW at binili ng SMC.
Layunin ng MONOPOL na KONTROLIN ang PRESYO ng serbisyo—kung saan magiging resulta nito ay ang PANGIT at perhuwisyong SERBISYO sa telekomunikasyon.
Maididikta din nila gaano man ang GUSTO nilang SINGIL sa serbisyo sapagkat walang kumpitensiya—na IPINAGBABAWAL SA BATAS!
Hanggang ngayon, pinagdedebatehan pa rin ang LEGALISASYON ng pag-LAMON ng SMART sa SUN CELLULAR kung saan kinukuwestiyun ang “DALAWANG PRANGKISA” sa iisang KORPORASYON.
Malinaw ang ARGUMENTO: Kung napakyaw ng SMART ang SUN CELLULAR—ang napakyaw lamang nito ay ang ASSETS, SOSYO at CAPITAL—pero hindi puwedeng kasabay na ibinenta ang PRANGKISA—sapagkat ito ay IGINAGAWAD ng KONGRESO sa alinmang KORPORASYON.
Gayunman, dahil DAMBUHALAang SMART—hindi lang ang karibal na NEGOSYO ang kanilang MAPAPAKYAW kundi maging ang LAHAT NG LAWMAKERS at opisyal ng gobyerno na KOKONTRA sa kanilang MONOPOLYO sa negosyo—LAHAT SILA AY hindi malayong BAYARAN din.
Sa bandang huli, balik ang mala-PLDT palpak na serbisyo sa telekomunikasyon.
Marami ang nagtatanong: Ang SMART-SUN MERGER kaya ang DAHILAN ng PAGBIBITIW ng DOTC secretary?
----30------

PCOS MACHINE'S TEST IN MARIKINA PROTEST

BISTADO Daily Column, Bulgar Newspaper
(June 2, 2011 issue)


NEXT YEAR ay isang taon bago ang regular na national at local election sa 2013.
Magsisimula na naman ang kampanyahan.
Ang problema, marami pa rin ang nakapending na ELECTION PROTEST.
Ilan dito ay iniutos ng Comelec na muling bilangin o mag-recount sa resulta ng huling eleksiyong local noong 2010.
Kaybilis ng panahon.
Pero, sa mga kandidato, parang hindi umuusad ang “PANAHON” sapagkat para sa kanila ay “election period pa rin’ dahil sa election protest.

------$$$--
ALAM ba ninyong hanggang ngayon ay EXCITED pa rin ang mga resident eng Marikina City kung sino ang TUNAY na nagwaging mayor sa kanilang siyudad?
Batay kasi sa compliance order ng Comelec, ipinalilipat na nito ang kontrobersiyal na 56 PRIORITY PRECINTS sa national headquarters sa Comelec bilang buwelo sa recount kung saan pinagdududahan ang integridad ng pagbilang ng mga PCOS machine.
Maaaring nakakita ng probable cause ang Comelec sa petisyon na inihain ni Dr. Alfredo Senga Cheng laban kay Marikina City Mayor Del de Guzman.
Inaasahang magiging PRECEDENT ang election protest sa Marikina kasi’y batay sa datos, nagrehistro ng “zero vote” ang isang CLUSTER PRECINT gayung nang magsagawa ng PHYSICAL o MANUAL COUNT ay lumitaw na mayroon itong MAHIGIT 200 BOTO.
Nagprotesta si Cheng dahil naiimposiblehan siya sa “bilang na inilabas ng PCOS machine” sa araw ng bilangan sa naturang bayan.
Magandang matapos ang protestang ito dahil hindi lamang nakataya dito kung SINO ang tunay na nagwagi sa ELEKSIYON kundi, mapapatunayan dito kung “may diperensiya ba o DAPAT pang PAGKATIWALAAN ang resulta ng PCOS machine.

------$$$---
SAKALING naman mapatunayan TAMA o TUMPAK ang bilang ng PCOS batay sa MANUAL COUNT, mae-established ang “second validation” kaugnay ng KAPASIDAD ng PCOS machine na magbilang nang tumpak.
Kasi’y batay sa resulta sa ELECTION PROTEST ni dating Manila Mayor Lito Atienza kontra kay Mayor Alfredo Lim, nagtugma ang MANUAL COUNT at PCOS machine kung saan, napatunayan si Mayor Lim ang tunay na NAGWAGI sa huling eleksiyon.
Walang masama na ituloy ang RECOUNT sa Marikina kung ito ay magiging BATAYAN ng walang katapusang debate sa ELECTION COMPUTERIZATION.

----$$$--
PERO, nilinaw ng Comelec na hindi gagamitin ang PCOS machine sa nakatakdang ARMM election sa Agosto 8 dahil MAGASTOS ito .
Ibig sabihin, hindi lang ang INTEGRIDAD o KAPASIDAD ng PCOS machine ang tunay na isyu sa POLL AUTOMATION kundi ang MULTI-BILYONG PISONG KONTRATA kung saan NAGKAKAMAL ng salapi ang ilang MATATAAS na opisyal ng Comelec.
Tsk, tsk, tsk.

-----30---

Thursday, May 26, 2011

LRT'S SERIES OF DEFECTS:MODUS OPERANDI

EDITORIAL for Bulgar Newpaper
(May 27, 2011 issue)



INABISO ng Light Rail Transit I na titigil sila ng operasyon simula sa Sabado at magbabalik lamang ang serbisyo sa Martes sa susunod na lingo.
Kapansin –pansin ang madalas na pagkadispalinghado ng serbisyo ng LRT I sa gitna ng mga ulat na nais nang ipakontrol ito sa pribadong sector.
Isang modus-operandi kasi ng gobyerno na sirain ang serbisyo ng isang public transport system upang palabasin sa publiko na walang kakayahan ang gobyerno na pangasiwaan ito kaya’t pupuwersahin nilang ipasok sa IDEYA o KAMALAYAN ng publiko ang isang malinaw na LINYA: Kailangan nang ilipat sa private sector ang operation at management ng LRT I—PARA SA KABUTIHAN ng lahat.
Sa ganitong pananaw, maidya-justified ang pagbebenta ng sosyo o asset ng gobyerno sa mga KRONI ng administrasyon upang siya ang MAGKAMAL sa kikitain ng transport system.
Itutuon ang argumento sa MAS MAHUSAY AT EPISYENTENG SERBISYO kung saan paniniwalain ang komyuters na MAS MAHUSAY ang pribado kaysa sa gobyerno.
Pero, ang episyente o “mabuting serbisyo” ay may KAKAMBAL na parusa—ito ay ang paglobo PAGTAAS NG SINGIL sa pasahe o serbisyo.
Kapag nagtaas ang “future private management” ng LRT I—ililipat ng gobyerno ang sisi sa “private corporations” na mangangatwiran na kailangan nilang MABAWI ang kanilang capital.
Sa aktuwal, nararanasan natin ito sa SOBRANG TAAS ng singil sa SLEX, NLEX at maging sa SCLEX kung saan KONTROLADO ang operasyon ng PRIBADONG KORPORASYON.
Ang NLEX na dapat ay naibalik na sa KONTROL ng gobyerno mula sa nabuwag na CDCP ay ibinenta sa Pamilya Lopez at nang lumaon at ibinenta naman sa grupo ni Manny Pangilinan.
Gayundin ang SLEX ay pinakontrol naman sa isang FOREIGN firms na nag-invest ng multi-milyong dolyares, pero PINALOBO naman ang singil.
Yan din ang mismong SCENARIO sa LRT I at tiyak yan din ang magaganap sa LRT 2 at LRT 3 (MegaTren), ipakokontrol ito sa PRIBADONG sector na siyang magpapataas ng presyo upang PAGKITAAN ang publiko.
Sa ngayon, dispalinghado ang LRT 1, asahan naman natin ang susunod na pagkadiskaril ng LRT 2 at LRT 3 kung saan isusulong ang MAAYOS na paglilipat ng operasyon sa PRIBADONG SEKTOR.
Likas na CORRUPT ang gobyerno—at NUMERO uno dito ang mga opisyales ng LRT.
Hindi na luma ang modus-operanding ito, kahit GASGAS na, KLIK na klik pa rin ang mga MANDARAMBONG.
-------30----

China vs Philippines: Persians vs Spartans

BISTADO daily column, BULGAR Newspaper, Manila Philippines
(May 27, 2011 issue)

MAINIT ang isyu sa VIP treatment kay ex-Batangas Gov. Tony Leviste.
At nagtuturuan sina Bureau of CORRECTIONS (BuCor) Director Ernesto Diokno at Superitendent Armando Miranda.
Iisa ang MALINAW dito, aminado na WRONG ang Bureau of CORRECTIONS.
Dapat ay baguhin na ang pangalan ng AHENSIYA.
BUREAU OF MISTAKES!!!
He, he, he.

------$$$---
KAPAG pinanatili ni PNoy si Diokno sa BuCor ay mababago na rin ang kanyang TITULO sa puwesto.
Si DIOKNO na ay tatawaging “CORRECTED DIRECTOR”.
At papalitan na rin ang kanyang apelyido. Direktor Ernesto DYOK-NO!!
Ngekkk, ekkk, ek.

-----$$$---
DESIDIDO ang China na mag-EXPLORE ng PETROLYO sa Spratlys.
Iyan ang dahilan kaya’t NAGKAKAGULO sa naturang “mga isla”.
Ang Pilipinas, wala lang, hanggang MUKMOK lang.
Kaawa-awang Pinoy, hindi kayang IPAGTANGGOL ng kanyang mga “BAYANING SUNDALO”.
Nakakaiyak naman.

----$$$---
TINALAKAY na natin ito ng ilang beses sa kolum na ito.
May nag-text matapos mabasa an gating opinyon.
Sabi niya, TAMA ang ating personal na pagtaya sa sitwasyon.
Walang “tapang” ang AFP na idepensa ang “soberaniya” at MALI na ikatwiran “ANG KAHINAAN NG ARMAS o KAKULANGAN NG SUNDALO.
Ipinapayo ng TEXTERS sa lahat ng SUNDALO na panoorin daw ang PELIKULANG may “titulong : 300”.
Sa naturan daw PELIKULA, ipinakita ng “300 sundalo ang tapang” LABAN sa MANANAKOP NA PERSIANS na may MILYONG-MILYONG sundalo na may MALALAKAS NA ARMAS.
Sana’y panoorin ito ng mga HENERAL, parang AWA na ninyo sa BAYAN.

------$$$---
DAPAT ay HANDANG MAGPAKAMATAY ang “300 sundalong Pinoy” sa SPRATLYS.
Kapag hindi sila HANDANG MAMAMATAY sa pagdedepensa ng MGA ISLA na sakop n gating TERITORYO—magsiuwi na lang sila.
Wala silang SILBI.

-----$$$--
MAS mainam ay IPAHAYAG ni AFP Chief Eduardo Oban Jr na HANDANG MAGPAKAMATAY sa KALAYAAN GROUP of Islands ang mga SUNDALONG PINOY na nagbabantay dito.
Hindi niya puwedeng ikatwiran na “MAHINA ANG ARMAS” ng Pilipinas.
Hindi KATWIRAN yan.
TAPANG ang kailangan nating , hindi ARMAS
O baka, WALA RING UTAK, kaya’t MILYONG PONDO—ang gusto ninyong I-REQUEST.
Maghunos-dili kayo.
Kailangan natin ay MATATALINO at MATATAPANG na lider ng AFP.
Kailangan natin ang mga TUNAY NA BAYANI sa ating HENERASYON.
At tila, WALA tayong makikitang HANDANG MAGBUWIS ng buhay para sa bayan.

------$$$---
SA mga susunod na araw, ikukuwento natin ang ISTORYA ng PELIKULANG “300” na kinikilalang isa sa PINAKADAKILANG PELIKULA sa ating panahon.
Marami tayong matutuhan dito sapagkat, tinangka ring KONTROLIN ng mga “SPY NG KALABANG PERSIANS” ang DESISYON ng bansa ng mga naaagrabiyadong SPARTAN.
Tulad sa kasalukuyang panahon, KINURAP ng “salapi at babae” ang mga lider ng SPARTAN, pero nananatiling MATATAPANG ang 300 sundalo na gumapi sa MILYONG SUNDALO ng PERSIANS.
Maganda ano po?
Eksakto yan sa giyerang CHINA VERSUS PINAS.
Abangannnnn!!

Wednesday, May 25, 2011

RH BILL: Phil's women would be a victim of gang-rape

EDITORIAL, BULGAR Newspaper, Manila Philippines
(May 26, 2011 issue)




NAKAKAAWA ang hanay ng mga KABABAIHAN na sumusuporta sa Reproductive Health Bill.
Kasi’y inaakala nila na mapoproteksiyunan ang kanilang KALUSUGAN—kapag kakaunti lang ang BILANG ng anak na ire-require ng gobyerno sa mga implementing guidelines.
Kapag kasi naipatupad ang RH Bill, mauuso ang “pagpigil” sa bilang ng anak.
Sa aktuwal ano ang magaganap?
Suriin natin.
Kapag nagpakasal ang magsing-irog, excited sila na magka-BABY.
At kapag pro-RH Bill sila, siyempre, hanggang dun lang sila sa DALAWANG BATA, at pinakarami na na ang TATLO—at sobra naman ang APAT, imposible na ang LIMA—kasi’y pro-RH bill sila.
Malinaw ang senaryong iyan.
Teka, pero marami sa kanila ay ISA lang ang gusto na maging anak.
Kayo na ang manghula kung babae o lalaki ang gusto nilang maging UNICO-HIJO.
Tama po ang inyong sagot: LALAKI!
Paano ngayon ang “potential na babae” na may posibilidad nilang maging anak—IMPOSIBLENG MABUHAY pa sila sa loob ng naturang pamilya.
Kahit saan NASYON –prayoridad ang pagkakaroon ng LALAKING ANAK, pwes, ang RH BILL—ay may “GENDER DISCRIMINATION”.
Ituloy natin.
Karaniwan ay DALAWA ang nais maging anak—siyempre, isang lalaki at isang babae.
Yung isa pang LALAKI, ay puwedeng IHIRIT, kasi’y kailangang magkaroon ng “katandem o kalaro ang minamahal na UNICO-HIJO, at sa IKATLONG ANAK—imposible nang maging BABAE---tutunawin agad sila ng IUD, CONDOM, INJECTIBLE—at kapag nakita sa ULTRASOUND--walang kawala ang BABAENG FETUS sa abortion.
Magbasa kayo ng international news, umaabot sa 12 milyong BABAENG FETUS ang nai-ABORT sa India.
Teknikal na datos yan at walang bola, espesipiko—DISKRIMINASYON sa “KABABAIHAN” ang RH Bill.
Hindi ang kalusugan ng BABAENG INA—ang dapat ingatan , kundi ang mismong “BUHAY NG MGA BABAE” sa mga susunod na HENERASYON.
Sa aktuwal, kapag MAS MARAMI ang LALAKI kaysa sa bilang ng mga babae—o masyadong DISPROPORTIONATE—ano ang resulta?
Mare-RAPE ang mga babae, kasi’y magiging 10 LALAKI—ang “aasawa” sa IISANG BABAE.
Masdan ninyo ang mga LALAKING ASO---nag-aaway lagi, kasi’y IISANG BABAE lang natsatsambahan nila na gumagala sa kalye tuwing “mating season”.
Maawa kayo sa NAGSOSOLO ni nyong anak o APO na babae sa loob ng inyong CONDO at SABDIBISYON—pag dating ng panahon, delikadong madale yan ng mga bulugan!!!!
----30------

WAR BETWEEN CHINA, PHILIPPINES: PACQUIAO'S PATRIOTISM VS. NUCLEAR WEAPONS

BISTADO DAILY COLUMN, Bulgar Newpaper. Manila, Philippines
(May 26, 2011 issue)


IBINABALA agad na may posibilidad na dumiretso si Chedeng sa MetroManila.
Nanangkupoooo!
-----$$$---
GUSTO ng gobyerno na PALAKASIN ang ARMAS ng AFP para makadepensa sa CHINA.
Ngekkk, mayroon ba kayong NUCLEAR-POWERED navy ship?
Hige nga?
Kaya ba ninyong BUMILI ng missiles?
Kalokohan.

-----$$$--
KUNG magi-IMPORT—ang kailangan ng AFP ay mag-IMPORT ng “yagbols”.
Kailangan natin ng TAPANG tulad ng ipinakikita ni Pacman.
Kahit MAS MABIBIGAT, MAS BETERANO at MAS MATATANGKAD—nilalaban niya.
Hindi siya NATATAKOT—at humihingi ng “baston o kutsilyo o baril’ para SAGUPAIN ang MAS MALALAKING KATUNGGALI.
Tapang ang KAILANGAN ng mga sundalo.
Kailangan natin ng REONYENTASYON.
Kailangan natin ng mga SUNDALONG HANDA na MAGBUWIS ng buhay, imbes na HANDANG MAGNAKAW , GAMIT ANG “conversion system”.

-----$$$--
GUSTO ng AFP na maglaan ng DAMBUHALANG PONDO para sa MODERNISASYON ng armas.
Para QUE?
Para mayroon kayong mai-CONVERT sa cash?
Para gamitin sa pagtepok sa mga SIBILYANG WALANG ARMAS,pero kapag ININSULTO ng “CHINESE SA SPRATLYS—hindi naman makapagpaputok, kundi “nandudura na lang”?
Mali, maling mali.
Kailangan natin ng mga KABATAANG HENERAL—na nakakaunawa ng kahulugan ng pagiging SUNDALO.
Hindi ARMAS ang mahalaga sa alinmang MILITARY UNITS.
Ang pinakamahalaga ay ang “TAPANG” at pagiging “MAKABAYAN”.

-----$$$---
DAPAT ay hindi lang BIR ang tulungan ni Manny Pacquiao na mag-promote sa kanilang trabaho.
Dapat ay MAGKUSA si Pacman na tulungan ang AFP na maging “MATAPANG, MATUWID at MAPAGPAKUMBABA.
Malaking TULONG si SARGEANT PACQUIAO, kung tutulungan niya i-REORIENT at bigyan ng MORAL ang mga SUNDALO na maging MATAPANG—kahit mahina ang ARMAS.
Daig ng LIMANG MATATAPANG NA SUNDALONG may MAHINANG ARMAS ang 5,000 sundalong duwag na may malalakas na ARMAS.
Bago BIGYAN ng pondo ang AFP—tiyakin muna natin na sila ay MATAPANG, MAKABAYAN—at hindi MAGNANAKAW.
Nanakawin lang nila ang PONDO ng AFP.
Kakahiya.

------30---

PHL HAVE TO IMPORT COURAGE & PATRIOTISM, INSTEAD OF ARMS

BISTADO DAILY COLUMN, Bulgar Newspaper, Philippines
(May 26 issue)






IBINABALA agad na may posibilidad na dumiretso si Chedeng sa MetroManila.
Nanangkupoooo!
-----$$$---
GUSTO ng gobyerno na PALAKASIN ang ARMAS ng AFP para makadepensa sa CHINA.
Ngekkk, mayroon ba kayong NUCLEAR-POWERED navy ship?
Hige nga?
Kaya ba ninyong BUMILI ng missiles?
Kalokohan.

-----$$$--
KUNG magi-IMPORT—ang kailangan ng AFP ay mag-IMPORT ng “yagbols”.
Kailangan natin ng TAPANG tulad ng ipinakikita ni Pacman.
Kahit MAS MABIBIGAT, MAS BETERANO at MAS MATATANGKAD—nilalaban niya.
Hindi siya NATATAKOT—at humihingi ng “baston o kutsilyo o baril’ para SAGUPAIN ang MAS MALALAKING KATUNGGALI.
Tapang ang KAILANGAN ng mga sundalo.
Kailangan natin ng REONYENTASYON.
Kailangan natin ng mga SUNDALONG HANDA na MAGBUWIS ng buhay, imbes na HANDANG MAGNAKAW , GAMIT ANG “conversion system”.

-----$$$--
GUSTO ng AFP na maglaan ng DAMBUHALANG PONDO para sa MODERNISASYON ng armas.
Para QUE?
Para mayroon kayong mai-CONVERT sa cash?
Para gamitin sa pagtepok sa mga SIBILYANG WALANG ARMAS,pero kapag ININSULTO ng “CHINESE SA SPRATLYS—hindi naman makapagpaputok, kundi “nandudura na lang”?
Mali, maling mali.
Kailangan natin ng mga KABATAANG HENERAL—na nakakaunawa ng kahulugan ng pagiging SUNDALO.
Hindi ARMAS ang mahalaga sa alinmang MILITARY UNITS.
Ang pinakamahalaga ay ang “TAPANG” at pagiging “MAKABAYAN”.

-----$$$---
DAPAT ay hindi lang BIR ang tulungan ni Manny Pacquiao na mag-promote sa kanilang trabaho.
Dapat ay MAGKUSA si Pacman na tulungan ang AFP na maging “MATAPANG, MATUWID at MAPAGPAKUMBABA.
Malaking TULONG si SARGEANT PACQUIAO, kung tutulungan niya i-REORIENT at bigyan ng MORAL ang mga SUNDALO na maging MATAPANG—kahit mahina ang ARMAS.
Daig ng LIMANG MATATAPANG NA SUNDALONG may MAHINANG ARMAS ang 5,000 sundalong duwag na may malalakas na ARMAS.
Bago BIGYAN ng pondo ang AFP—tiyakin muna natin na sila ay MATAPANG, MAKABAYAN—at hindi MAGNANAKAW.
Nanakawin lang nila ang PONDO ng AFP.
Kakahiya.

------30---

Thursday, May 12, 2011

ARMM ELECTION: BAROMETER OF LEADERSHIP

EDITORIAL, BULGAR Newspaper
(May 13 issue)



MATINDI ang debate kaugnay ng pagtatangka ng administrasyon na ipagpaliban ang ARMM election.
Iniulat na maging si Senate President Juan Ponce Enrile ay sinisikap na impluwensiyahan ang mga kasamang senador upang mapuwersa ang pagpapaliban ng halalan kung saan magkakaroon ng kapangyarihan at oportunidad na mai-APPOINT na lamang ang mga opisyal ditto.
Kailangan kasing mapagtibay muna ng Senado ang naturang panukalang batas bago malagdaan ni Pangulong Aquino at maging batas.
Pero, matibay ang paninindigan ni Senate Committee on Local Governments chairman Sen. Bongbong Marcos na kailangang marinig mabuti ang lahat ng panig particular ang mismong mga mamamayan ng ARMM.
Itinakda ni Marcos ang public hearing sa Marawi City, Zamboanga at Basilan sa susunod na lingo bagong ihain sa plenaryo ang panukalang batas at bago rin siya gumawa ng COMMITTEE report.
Naniniwala si Marcos na labag sa esensiya ng Local autonomy ang pagpapaliban ng eleksiyon ditto at hindi dapat panghimasukan ito ng national governments.
Ito rin ang posisyon ng may akda ng ARMM Organic Act na si dating Sen. Aquilino Pimentel na nagsabing ang pagpapaliban ng ARMM election ay LABAG SA KONSTITUSYON.
Kasabay nito, inamin ng Liberal Party na naghahanda rin sila ng kompletong TIKET sakaling matuloy ang ARMM election pero naniniwala ang mga nagmamasid na dehado sila sa malakas na PANLABAN ng Lakas-Kampi-CMD at PDP Laban na inaasahang kokopo ng malaking suporta.
Sakaling matuloy ang eleksiyon, ngayon lamang tayo makakasaksi ng isang TUNAY NA HALALAN sa panahon ni PNoy—kung sino ang magwawagi, walang nakaaalam!!

EARTHQUAKE PREDICTION PERFECT: Cradle of Catolicisms, the victim

BISTADO daily column , BULGAR Newspaper
(May 13 issue)



BIYERNES TRESE po ngayon.
Ingat po tayo, baka lumindol.

-----$$$---
HINDI maganda ang “dating” ng Biyernes Trese kay Manny Pacquiao na may “mystic No.8”.
Dapat siyang MAG-INGAT sa araw na ito at sa kasunod pang PITONG ARAW.


-----$$$--
NABASA ba ninyo ang KOLUM na ito kamakalawa kung saan, INAABISO natin ang PREDIKSIYON ng isang SEISMOLOGIST na nagsabi na magkakaroon ng MALAKAS na Lindol?
Batay sa PERSONAL nating pagtaya sa naturang “PREDIKSIYON”: nagkatotoo po!!

----$$$--
LUMINDOL kahapon sa Spain at sa unang ulat, 10 ang namatay.
Ang PREDIKSIYON ng SEISMOLOGIST ay sa Rome, Italy tatama ang LINDOL—pero nilinaw po ng inyong ABANG-LINGKOD na lagging may “PERCENT OF ERROR” sa mismong SCIENCE.
Binigyan-diin natin na maaaring MAGANAP ang prediksiyon kung hindi kamakalawa mismo—ay maaaring SA LOOB NG LINGGONG ito, at nagkatotoo po.

-----$$$---
DAHIL may percent of ERROR, sinabi natin sa kolum na ito, maaaring hindi TUMAMA sa ROME, ITALY ang lindol kundi maging sa alinmang panig ng EUROPE o ibang lugar.
Ang SPAIN po ay bahagi ng EUROPE kaya’t sapol na sapol po iyan ng ating personal na pagtaya.

-----$$$--
PINAKAMAHALAGA, inispesipiko po natin—na ang ROME, ITALY—ay sentro ng KATOLISISMO kaya’t sakaling ibinatay ng SEISMOLOGIST ang kanyang prediksiyon batay sa “kasaysayan” o “tradisyon ng mga populasyon”—hindi malayong TUMAMA ang LINDOL—sa isang bansa o teritoryo na SENTRO din ng Katolisismo.
Gayunman, ang naibigay nating eksampol ay ang PILIPINAS.
Gayunman, dapat nating MAUNAWAAN na ang ESPANYA o ang mismong SPAIN—ay matagal na nagging SENTRO NG KATOLISISMO sa daigdig.
Kung gayon, halos PERFECT an gating pagtaya sa naturang MALAKAS na lindol.

-----$$$---
SA totoo lang, habang sinusulat natin ang artikulong iyon, kung saan sinabi na ting maaaring LUMINDOL nang malakas ANUMANG ORAS dahil sa “percent of error”, bigla ring lumindol nang intensity 7 sa gawin ng Australia sa naturang araw.
Anu’t anuman, bagaman, lumindol na sa SPAIN—nagpapatunay ito na ang LINDOL ay puwedeng mag-PREDICT.
Yung nga lang, hindi pa ito nape-PERFECT.


-------$$$--
INUULIT ko, hindi MABUTI ang HATID ng Biyernes TRESE.
Maging maingat tayo sa loob ng PITONG ARAW.
Walang masama kung mag-iingat sa alinmang PAMBIHIRANG SAKUNA at TRAHEDYA.
Salamat po.

---30---

Tuesday, May 10, 2011

Earthquake warning for ROME and MANILA

BISTADO column for Bulgar Newspaper
(May 11, 2011)


NAUBUSAN na raw ng makakalaban si Manny Pacquiao.
O, e, di LABANAN mo naman si MARIAN RIVERA.
He, he, he.

-----$$$---
BAKIT daw nagsuot ng YELLOOW gloves si Pacman?
Black kasi ang lucky color niya.
At ang pinakaepektibong pang-kombinasyon dito bilang pampabuwenas ay DILAW.

-----$$$---
HIGIT na mayaman si Pacman kahit sa SINONG POLITIKO.
Pwde na siyang kumandidatong BISE PRESIDENTE.
Hindi malayong MAGKATOTOO yan.

-----$$$---
NAKARANAS ng bagyo at ulan ang LUZON.
Sa Visayas at Mindanao—noon pang Enero nagdurusa dyan.
Hummpphh.

------$$$---
NAGPA-PANIC ang mga taga-ROME, ITALY, sapagkat may prediction ang isang yumaong SEISMOLOGIST na tatamaan ito ng MALAKAS NA LINDOL bukas, MAYO 11.
Ang SEISMOLOGIST po ay hindi isang psychic o hindi isang ordinaryong MANGHUHULA, bagkus ito ay isang LEHITIMONG SCIENTIST.
Ibig sabihin, na-compute ng naturang SEISMOLOGIST ang petsang MAYO 11, bilang araw ng malakas na PAGLINDOL.
Kaya’t marami ang nagsisilikas ngayon mula sa ROME.

-----$$$---
DAPAT nating maunawaan na batay sa ating SCIENCE SUBJECT sa elementary at high school, may tinatawag ding PERCENT OF ERROR—kahit ang mahuhusay sa MATHEMATICS.
Ibig sabihin, ang petsang MAYO ONSE- (11)—ay maaring minus 2 days plus 2 day; maaari ring minus 5-day o plus 5-day na ang REFERENCE DATE ay May 11.
Para sa ating karanasan at obserbasyon—para mas SAFE ang pagpe-predcit—dapat ay minus 7-day o plus 7-day—na ang ibig sabihin ay maaaring maganap ang LINDOL—anuman sa petsang pitong araw bago ang Mayo 11 o PITONG ARAW Matapos ang petsang ito.
Sa aktuwal na pagtaya, maaaring maganap ang LINDOL—NGAYON mismo, Mayo 11, Mayo 12, Mayo 13, Mayo 14, Mayo 15, MAYO 16, MAYO 17 at MAYO 18.
Yan ang PETSANG dapat na bantayan natin.

-----$$$--
PERO ang percent of error ay hindi lamang sa PETSA—bagkus ay maaaring sa LUGAR.
Ibig sabihin, batay sa mathematical calculations, maaaring hindi sa ROME, ITALY tumama ang LINDOL—kundi sa alinmang BAHAGI ng EUROPE, at kung may malaking ERROR—maaaring sa America o ASIA CONTINENT tumama ang malakas na LINDOL—sa NATURANG PETSA.
Ibig sabihin, maaaring MASAPOL ang 7-day DATES—ng lindol, pero maaaring magkamali ng pagtantiya sa LUGAR kung saan tatama ang malakas na lindol.
Ibig sabihin, hindi ligtas ang PILIPINAS.

-----$$$---
HINDI sinabi sa ulat kung ANONG SISTEMA ang ginamit ng SEISMOLOGIST, maaari kasing NAPANAGINIPAN niya ito o NAKAKITA siya ng mga INDIKASYON sa “HEAVENLY BODIES” o nakakita siya ng INDIKASYON—batay sa HISTORY o batay sa eksena sa BIBLIYA.
Sa aktuwal kasi, may PAGKAKAPAREHO ang ROME, ITALY at ang PILIPINAS.
Ang ITALY ay SENTRO ng KATOLISISMO sa EUROPE.
Ang PILIPINAS naman ay SENTRO ng KATOLISISMO sa ASIA.
Kung ang BATAYAN o INDIKASYON ng teritoryong tatamaan ng LINDOL—ay SENTRO NG KATOLISISMO, dapat ay MAG-INGAT din ang 90 milyong Pinoy.
Ang malakas na LINDOL—kasi, batay sa bibliya—ay KAKAMBAL ng pagbaba sa lupa ng PRESENSIYA NG DIYOS.
Nang makipag-usap ang DIYOS kay ABRAHAM at JACOB—nagkaroon ng MALAKAS NA LINDOL.
Saan ba BABABA ang DIYOS—hindi ba’t kung saan maraming DEBOTO sa kanya?
Kung gayon, hindi ligtas ang PILIPINAS—sa malalakas na LINDOL lalo pa’t karibal nito ang ROMA—bilang isang KRISTIYANONG komunidad.

----$$$--
MAG-INGAT, MAYO a-ONSE na ngayon.
Maaaring biglang lumindol o SUMABOG ang isang BULKAN.
O mawasak ang isang DAM.

-----30---

Thursday, May 05, 2011

Pacquiao not the richest lawmaker;,he's the PHL's ONLY law-abiding solon

EDITORIAL FOR BULGAR NEWSPAPER
(May 06, 2011)

IBINUNYAG ng mga awtoridad na si Rep. Manny Pacquiao ang kauna-unahang BILYONARYONG KONGRESISTA sa kasaysayan ng Kongreso.
Dinaig niya ang dati-rating may hawak ng record na “richest lawmaker” na Pamilya Villar.
Hindi pa kasama dito ang makokobra ni Pacquiao sa kanyang laban kay Sugar Shane Mosley na tinatayong papalo sa mahigit $30 milyon kasama ang kaparte sa pay-per-view at iba pang commercial endorsement.
Kung si Pacquiao ang pinakamayamang lawmaker, nangangahulugan ba ito na mas mayaman pa siya kina Gov. Chavit Singson, Sen. Manny Villar, at dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo?
Sukatan ba ang naturang datos ng pagiging pinakamayaman?
Hindi po!!
Ito po sukatan ng pagiging MABUTING MAMAMAYAN at MATAPAT sa pagsunod sa TAXATION LAW ng Pilipinas.
Mas angkop na bansagang si Pacquiao na PINAKAMASUNURIN sa BATAS sa mga “mambabatas” kaysa sabihing PINAKAMAYAMAN.
Bakit?
Sapagkat alam naman nating LAHAT na naparami ng BILYONARYO na miyembro ng Kongreso pero hindi sila NAGBABAYAD NG TAMANG BUWIS—MALIBAN KAY PACQUIAO.
Higit na maraming kongresista ay BILYONARYO, pero hindi nila IDINEKLARA ang lahat ng kanilang KAYAMANAN, maliban kay Pacquiao.
Dapat ay PARANGALAN si Pacquiao at gamitin ng BIR upang himukin ang mga multi-BILYONARYO na ilantad ang kayamanan at magbayad ng tamang buwis.
Nangangahulugan ito na hindi rin dapat maging “alipin” si Pacquiao ng kapwa niya MAMBABATAS, sapagkat higit siyang MAYAMAN sa mga ito.
Dumidikit lang kay Pacman ang ilang kongresista upang pag may PAGKAKATAON, makahirit ng DATUNG sa simpleng PAMBOBOLA o pang-uuto lamang.
Maaari ring NAUUTO lang si Pacquiao na gobyerno upang ilantad ang kayamanan, pero ang mga kolokoy, patuloy na itinatago ang kanilang KAYAMANAN na 10 ibayo ang higit kay Pacman.
---30---

Tuesday, May 03, 2011

US has bestowed Osama bin Laden a POETIC END!

BISTADO COLUMN BY KA AMBO (Bulgar Newspaper)
May 04, 2011 issue)


ISINABOG na lamang dawn g US AIR FORCE ang abo ng labi ni Osama bin Laden sa KARAGATAN.
Ayaw nilang magkaroon ng SARILING LIBINGAN ang itinuturing nilang MASTERMIND ng 9/11 Terrorist attack.
Ang away ng US at ni Bin Laden ay hindi NALALAYO sa “mga AWAY NG BANSA sa Bibliya.
Kapag nagbasa kayo ng BANAL NA KASULATAN-makikita ninyo dito kung GAANO kalupit at NAMUMUHI ang mga magkalabang lahi.
Sa Bibliya, kahit BUNTIS at SANGGOL ay ipinalilipol.
Ngayon, NAGBABALIK ang kasaysayan sa LUMANG TIPAN.

-----$$$--
MALINAW ngayon na WALANG PUNTOD si Osama bin Laden.
Pero, nalimutan ng mga KANO—na ang mga DAKILANG TAO—ay nais ding maging ABO at isabog na lamang sa DAGAT at KALUPAAN ang kanilang mga LABI.
Kung inaakala ng US na nainsulto nila ang “pagiging lider” ni Bin Laden, mukhang ginawa pa nila itong DAKILANG PERSONALIDAD—sapagkat may “DATING” ang kanyang HULING HANTUNGAN.
Ibig sabihin, sasama sa TUBIG ang labi ni Osama.
Iyan ang karaniwang ginagawa ng mga PAHAM sa India.
Para sa mga PAHAM na INDIA—ang TUBIG ay KASINGKAHULUGAN ng “DIYOS NA WALANG HANGGAN” sapagkat ang TUBIG ay tulad din ng APOY—walang katapusan o UNLIMITED.

----$$$--.
Ang DAKILANG DIYOS—o mismo si KRISTO—ay nagsabi na “AKO ANG TUBIG NA NAGBIBIGAY BUHAY”.
Ibig sabihin, sa TEOLOHIYA o sa ibang religious DOCTRINE—ang TUBIG ay SYNANIMOUS with GOD.
Ibinalik nila si OSAMA sa kanyang MANLILIKHA.
Hindi sinasadya—NAPARANGALAN ng mga KANO—si Osama bin Laden.
Bakit?
Sapagkat, hindi HINAYAAN ng US na LAMUNIN ng UOD ang pisikal na KATAWAN ni Osama .

------$$$---
SA totoo lang, marami ang nagpapa-CREMATE sapagkat itinuturing nilang BANAL ang PISIKAL NA KATAWAN—at AYAW nilang “PAGPIYESTAHAN NG MGA UOD” ang kanilang katawan sa mga huling sandal nila sa ibabaw ng LUPA.
Ang HULING HANTUNGAN ng labi ni Osama—ay KARAGATAN, isang KARANGYAAN ito!!!
Tulad ng kanyang mga testament at testimonya—hanggang sa HULING SANDALI ng kanyang katawan sa lupa—ay MATULAIN pa rin.
Mukhang GROGE o sumobra ang EXCITEMENT ng mga KANO—nagkamali tuloy sila.
Binigyan nila ng POETIC DEATH ang kanilang kaaway!!
He, he, he.

-----$$$---
HINDI na rin IBINUROL o IPINAKITA sa publiko o sa MEDIA ang LABI ni OSAMA.
Nagbibigay tuloy ito ng ESPEKULASYON—na hindi siya PINATAY, bagkus ay maaaring BINARTOLINA lamang.
Maaaring EKSPERIMENTUHIN ng mga “neuroscientist” ang UTAK ni Osama—upang matukoy kung bakit, kung anong HIWAGA mayroon ang kanyang kaisipan.
Sa ngayon, sa ginawa ng US, lalo lamang iniangat nila ang PERSONALIDAD ni OSAMA—bilang isang ulta-modern CELEBRITY at hindi isang ORDINARYONG KRIMINAL.
Mananatili na ang kanyang pangalan sa WORLD HISTORY—kung siya ay terorista o MARTIR—bahala ang mga SUSUNOD NA HENERASYON na humusga.
Hindi mahuhusgahan ng mga KANO—si Osama, sapagkat sila ay MAGKAAWAY NA MORTAL—bunga ng isang MAGKASALUNGAT na IDEOLOHIYA ng SURVIVAL sa ika-20 MILENYO.

Monday, May 02, 2011

Osama bin Laden's blood fertilizes Al-qaida's ideology

BISTADO DAILY COLUMN, BULGAR NEWSPAPER
(May 03, 2011


MATAGUMPAY na na-ASSASSINATE ng US AIR FORCE si Osama bin Laden sa teritoryo ng Pakistan.
Pero, hindi dito natatapos ang giyera ng US bagaman nagdeklara sila ng tagumpay.
Dapat natin maunawaan ang kahulugan ng “CELL” na ikinakapit o ginamit na termino mismo ng Central Intelligence Agency (CIA) sa puta-putaking sekretong grupo ng mga AL- QAIDA na nakakalat sa buong daigdig.
Ang “CELL” ng Al Qaida ay nagmumula rin sa lehitimong organisasyong kakutsaba ng al-Qaida gaya ng Jemaah Islamiyah at Abu Sayyaf.
Bakit hindi “subgroup” o “network” ang ginamit na termino sa “mumunting grupo” ng mga Al-Qaiada sa buong daigdig kabilang ang PILIPINAS?
Bakit “CELL”?
Kapag ginugel ninyo, lilitaw ang entrada na: “The cell is the functional basic of life. It is the smallest unit of life that is classified as living thing, and is often called the building block of life”.
Sa totoo lang, “cell” ang ginamit na termino ng CIA sa pinakamaliit na grupo ng AL-QAIDA sapagkat natuklasan nila mismo na “may sariling disposisyon” ang mga ito at nakakapagplano at nakagagawa ng terorismo nang hindi kailangang kumunsulta o makipag-ugnayan sa central headquarter na pinamumunuan ni Osama na noon ay nagtatago.
Ibig sabihin, ang CELL ng AL-QAIDA ay tulad din ng alinmang “cell sa living things”—puwedeng maging INDIBIBWAL na nilikha—puwedeng maging buwaya, pwedeng buwitre, puwedeng halimaw, puwedeng kahit anong klase ng HAYOP na maaaring makapangwasak—at puwedeng ring nagpapanggap na “tumutulong”.
Alam ng CIA na “DAAN-DAAN” ang bilang nga “cell ng al-qaida”—at ang CELL—ay nanganganak at nagre-REPRODUCE—tulad din ng CANCER CELLS—na maaaring hindi ito MAAWAT o makontra gaya sa MEDICAL SCIENCE.
Sa prinsipyong iyan, may lihim na takot ang CIA—na hindi MAAWAT o hindi MAKOKONTRA ang paglaganap ng CELL ng al-Qaida—at sa puntong iyan, kahit MAPATAY si Osama, sa palagay ba ninyo ay NAPATAY din ang libo-libong “CELL ng Al-Qaida”?
Sige, kayo ang sumagot!
Ngayon, tulad ng mga espesyalistang siruhano, pinag-aaralan ng CIA kung tulad ng CANCER—ay nag-METASTASIZED na rin ang CELL ng AL-QAIDA?
Sa aktuwal, kapag nag-METASTASIZED ang CANCER CELLS—itanong ninyo kahit kanginong doctor—kung GAGALING pa ang pasyente?
Maaari kasing nag-METASTASIZED na rin ang CELL ng Al-Qaida, at KUMALAT na ito sa lahat ng PANIG NG DAIGDIG—kabilang ang Pilipinas.
Malalaman natin yan sa mga SUSUNOD na araw matapos mailibing si Osama bin Laden.
Siyempre, makakaramdam ng KIROT ang lahat ng CELLS sa katawan ng Al-Qaida.
Ang cancer cells ay natuklasan na isang klase rin ng SUICIDAL CELLS—nagpapakamatay ito kung saan nadadamay sa PAGYAO ang pisikal na katawan ng indibidwal na mayroon nito.
Kung gayon, dapat na mag-ingat sa SUIDICAL tendencies ng CELLS ng al-qaida lalo na sa Mindanao at MetroManila.
Hindi ba’t hindi tayo dapat matuwa, bagkus ay dapat na lalong MABAHALA?
----30---

Cells of Al-qaeda:Metastasized around the globe

EDITORIAL , BULGAR NEWSPAPER
(May 03, 2011)


MATAGUMPAY na na-ASSASSINATE ng US AIR FORCE si Osama bin Laden sa teritoryo ng Pakistan.
Pero, hindi dito natatapos ang giyera ng US bagaman nagdeklara sila ng tagumpay.
Dapat natin maunawaan ang kahulugan ng “CELL” na ikinakapit o ginamit na termino mismo ng Central Intelligence Agency (CIA) sa puta-putaking sekretong grupo ng mga AL- QAIDA na nakakalat sa buong daigdig.
Ang “CELL” ng Al Qaida ay nagmumula rin sa lehitimong organisasyong kakutsaba ng al-Qaida gaya ng Jemaah Islamiyah at Abu Sayyaf.
Bakit hindi “subgroup” o “network” ang ginamit na termino sa “mumunting grupo” ng mga Al-Qaiada sa buong daigdig kabilang ang PILIPINAS?
Bakit “CELL”?
Kapag ginugel ninyo, lilitaw ang entrada na: “The cell is the functional basic of life. It is the smallest unit of life that is classified as living thing, and is often called the building block of life”.
Sa totoo lang, “cell” ang ginamit na termino ng CIA sa pinakamaliit na grupo ng AL-QAIDA sapagkat natuklasan nila mismo na “may sariling disposisyon” ang mga ito at nakakapagplano at nakagagawa ng terorismo nang hindi kailangang kumunsulta o makipag-ugnayan sa central headquarter na pinamumunuan ni Osama na noon ay nagtatago.
Ibig sabihin, ang CELL ng AL-QAIDA ay tulad din ng alinmang “cell sa living things”—puwedeng maging INDIBIBWAL na nilikha—puwedeng maging buwaya, pwedeng buwitre, puwedeng halimaw, puwedeng kahit anong klase ng HAYOP na maaaring makapangwasak—at puwedeng ring nagpapanggap na “tumutulong”.
Alam ng CIA na “DAAN-DAAN” ang bilang nga “cell ng al-qaida”—at ang CELL—ay nanganganak at nagre-REPRODUCE—tulad din ng CANCER CELLS—na maaaring hindi ito MAAWAT o makontra gaya sa MEDICAL SCIENCE.
Sa prinsipyong iyan, may lihim na takot ang CIA—na hindi MAAWAT o hindi MAKOKONTRA ang paglaganap ng CELL ng al-Qaida—at sa puntong iyan, kahit MAPATAY si Osama, sa palagay ba ninyo ay NAPATAY din ang libo-libong “CELL ng Al-Qaida”?
Sige, kayo ang sumagot!
Ngayon, tulad ng mga espesyalistang siruhano, pinag-aaralan ng CIA kung tulad ng CANCER—ay nag-METASTASIZED na rin ang CELL ng AL-QAIDA?
Sa aktuwal, kapag nag-METASTASIZED ang CANCER CELLS—itanong ninyo kahit kanginong doctor—kung GAGALING pa ang pasyente?
Maaari kasing nag-METASTASIZED na rin ang CELL ng Al-Qaida, at KUMALAT na ito sa lahat ng PANIG NG DAIGDIG—kabilang ang Pilipinas.
Malalaman natin yan sa mga SUSUNOD na araw matapos mailibing si Osama bin Laden.
Siyempre, makakaramdam ng KIROT ang lahat ng CELLS sa katawan ng Al-Qaida.
Ang cancer cells ay natuklasan na isang klase rin ng SUICIDAL CELLS—nagpapakamatay ito kung saan nadadamay sa PAGYAO ang pisikal na katawan ng indibidwal na mayroon nito.
Kung gayon, dapat na mag-ingat sa SUIDICAL tendencies ng CELLS ng al-qaida lalo na sa Mindanao at MetroManila.
Hindi ba’t hindi tayo dapat matuwa, bagkus ay dapat na lalong MABAHALA?
----30---

Osama bin Laden:Martir na didilig sa IDEOLOHIYA

BISTADO column for BULGAR Newspaper
(May 03, 2011)



TUWANG-TUWA si US President Barrack Obama nang ianunsiyo na NAPATAY nila si Al-Qaida founder Osama bin Laden.
Binansagang TERORISTA ng US si Bin Laden kahit alam nila may IDEOLOHIYA na yinayakap ito.
Ang “TERORISTA” ay ikinakapit lamang sa mga tao o GRUPO ng mga tao na naghahasik ng LAGIM nang walang ideolohiya.

-----$$$---
KUNG si Bin Laden ay TERORISTA dahil ang kanyang SISTEMA ay PUMAPATAY ng SIBILYAN—kahit may IDEOLOHIYA—ano ang TAWAG ninyo sa “sinadyang pambobomba” ng UN-NATO-US sa residential house ni Moamma Khadafy na pumatay sa kanyang bunsong anak at TATLONG apo.
Ano ang TAWAG ninyo sa pagmasaker sa libo-libong AFGHAN at IRAQI civilian?
Hindi ba’t NUMERO UNONG TERORISTA din ang US?

-----$$$---
HINDI dapat IKATUWA ang pagkakapatay kay Osama bin Laden at MALI ang paniniwalang MATATAPOS ang “TERORISMO” na dala ng AL-QAIDA.
Bakit?
Sapagkat ang napatay ng US ay “isang lider” lamang, pero hindi nito NAPATAY ang “IDEOLOHIYA” na yinayakap at NAIBINHI o NAIPUNLA ni Bin Laden sa mga KABATAANG ISLAM FUNDAMENTALIST.
Hindi nakakatuwa ang pagkakapatay kay BIN LADEN, hindi dahil sa kinakampihan natin ang kanilang IDEOLOHIYA—bagkus ay isang MALAKING BANTA ito ng PANGANIB, hindi lamang sa BUONG DAIGDIG—bagkus ay maging sa PILIPINAS—partikular sa Mindanao at sa MetroManila.

-----$$$---
MALAKI ang posibilidad na RUMESBAK ang mga kapanalig ni Bin Laden kabilang ang mga die hard na ABU SAYYAF at miyembro ng JEMAAH ISLAMIYAH na nakabase sa Pilipinas.
Hindi dapat balewalain ng MALACANANG ang “babalang ito”, sapagkat, may LOHIKA ito.
Hindi puwede dito ang PROPAGANDA o PRESS RELEASE na hindi itinaas ng GOBYERNO ang “ALERTO” sa Pilipinas sa pagkakapatay kay Bin Laden.
Kahit walang “intelligence info” hinggil sa “banta ng kaguluhan”, dapat na maging EXTRA-CONSCIOUS ang lahat sa POSIBILIDAD ng “pagpaparamdam o SHOW OF FORCE ng mga lihim na kapanalig ni Bin Laden sa loob ng PILIPINAS.
Hindi puwede dito ang PURO YABANG lang, kailangang maging PRAKTIKAL an gating gobyerno.

----$$$---
ALAM nating lahat na ang PAGPAPASABOG sa isang SUPER-FERRY ay kinumpirmang KAGAGAWAN ng JEMAAH ISLAMIYAH at maging ang PAGSABOG ng isang BUS sa Makati City ay idinidikit sa ATAKE ng mga kapanalig ni Bin Laden.
Paano natin ngayon sasabihin: HINDI DAPAT ITAAS ANG ALERTO?
Malayang nakakagawa ng GULO ang mga “kampon” ni Bin Laden—noong siya ay NABUBUHAY pa, lalo pa ngayon siya ay PATAY NA.

-----$$$--
BALIKTAD ang interpretasyon ni US president Obama at maging ng mga awtoridad sa PILIPINAS—na matatapos na ang TERORISMO na dala ng AL-QAIDA—sa totoo lang, LALO itong iigting.
Bakit?
Sapagkat ang isang IDEOLOHIYA ay dinidilig at pinayayabong ng DUGO ng mga MARTIR.
Para sa mga kapanalig ni Bin Laden, naging MARTIR ang kanilang FOUNDERA kahapon.
Yan ang prinsipyo nang maging MARTIR si Dr. Jose Rizal sa Luneta, natigil ba ang REBOLUSYON ng mapatay ang pambansang bayani?
Nang maging MARTIR si Sen. Ninoy, natigil ba ang PAGKILOS para matupad ang ipinakikipaglaban nilang IDEOLOHIYA noong 1983?
Isang malaking MALI—na sabihin na TAPOS na ang AL-QAIDA—sapagkat di naman NAPAPATAYang IDEOLOHIYA, dinidilig ito ng DUGO ng kanilang MARTIR—kung saan maaaring YUMABONG pa ang kanilang IPINAKIKIPAGLABAN.
Ang masakit, MADADAMAY dito ang mga PINOY—kilala bilang TUTA ng mga KANO sa buong daigdig.
Dapat magbantay ang AFPat PNP—imbes na kumuya-kuyakoy!

-----30---

Sunday, April 24, 2011

DENR: PUNO NG KORAPSIYON

EDITORIAL for BULGAR NEWSPAPER
(April 23 issue)


MAHIGIT nang 70 PUNO ang namarkahan ng DENR bilang Heritage Trees kung saan sinisikap nilang proteksiyunan ang mga puno na may mahigit nang isang siglo o 100 taon ang edad.
Pero, ang ginagawang ito ng DENR ay pang-media release lamang.
Tignan ninyo ang pagkakasibak ng MEGAWORLD sa matatanda at antigong PUNO sa dating barracks ng Philippine Air Force sa Villamor Air Base sa tapat ng NAIA Terminal 3 sa Pasay City.
Pinayagan ng DENR na patayin at sibakin ng MEGAWORLD ang daan-daang antigong PUNO sa naturang lugar kung saan itinayo ang NEWPORT CITY—at WORLD RESORT HOTEL COMPLEX—kung saan naroroon ang pinakamagarbong CASINO center at malalaking condominium building ngayon.
Hanggang ngayon, ang natitira pang kakaunti nang ANTIGONG PUNO—ay walang habas na PINUPUTOL ng mga contractors at hindi naghihinayang sa LIKAS- NA-KAYAMANAN ng isang lugar.
Kasi naman ay tiyak na KUMUKOBRA ng malalaking HALAGA ang mga opisyales ng DENR na nagpapahintulot sa mga contractor na “lipulin” ang mga puno—kapalit ng TONGPATS.
Sa totoo lang, nagkakamal ng malaking halaga ang mga taga-DENR kapalit ng PERMISO sa pagputol sa mga puno—na karaniwang tinatayuan ng modernong gusali o condominiums.
Ang dambuhalang MEGAWORLD ay hindi kailanman maaaring TANGGIHAN ng DENR—sapagkat mawalan sila ng MILYON-MILYONG PISONG PROTECTION MONEY.
Sa ngayon, kasalukuyang PINAPATAY ng MEGA WORLD—ang ILAN PANG NATITIRANG PUNO sa Villamor—at MINARKAHAN na ito ng “numero” at nagpaskil” na may PERMISO sila ng DENR.
Ang “PERMISONG IYAN”—ang kahulugan niyan ay KUWARTA!!
Sa ngayon, walang malinaw na BATAS na proteksiyunan ang mga PUNO—press release lamang ng DENR—ang inilalabas na “HERITAGE TREES” upang hindi mahalata ang “pagkakamal nila ng salapi” mula sa mga BIG TIME DEVELOPERS.
Iyan din ang dahilan kung bakit ang pinag-aagawan ang “APPOINTMENT” bilang DENR SECRETARY.
Suriin ninyo ang mga nagdaang DENR SECRETARY—hindi ba’t NAGSIYAMAN ang mga iyan?
Walang tunay na nagmamahal sa PUNO, kasi’y napagkukuwartahan nilang lahat yan.
Wala. Wala, mga AN AK KAYO NG PU—NO!!!
----30-----

Pope John Paul II's miracle in the Philippines

BISTADO NI KA AMBO column, BULGAR NEWSPAPER
(April 25 issue)


IKAKASAL na si Prince William ng Britain.
O, e, ano ngayon?
Mang-iinggit lang ang mga ‘yan?
Yun mga TIMAWANG “MEDIA, tatanghuran naman ang mga ARISTOKRATONG SASAKSI sa engrandeng kasal.

-----$$$---
KUNG gaano karami ang sasaksi sa naturang ROYAL WEDDING, sila rin ang mag-aabang ng TSISMIS kung kalian sila MAGHIHIWALAY.
Kaya kung kailan nila KAKALIWAIN ang bawat isa.
He, he, he.

------$$$---
IBE-BEATIFIED na si Pope John Paul II
Huling RITWAL ito bago maging SANTO.

------$$$---
DALAWANG beses pumasyal si Pope John Paul II sa Pilipinas.
Paborito at MAHAL NA MAHAL niya ang mga Pinoy.

----$$$--
ALAM ba ninyo kung ano ang PINAKAMALAKING MILAGRO na ginawa ni Pope John Paul II sa Pilipinas?
Sa totoo lang, pero hindi PINAPANSIN ng mga HISTORYADOR at nagrurunung-runungan na MEDIA at EDSA ONE “HERO”—ang malaking HIMALA na nagawa niya—ay nang ALISIN ni dating Pangulong Marcos ang epekto ng batas military noong 1981.
Ang pagkukusa ni Marcos na ipabawalambisa ang BATAS MILITAR—ang tunay na NAGPASIMULA ng PAGBABAGO ng gobyerno sa Pilipinas, at nagpahina rin ng kanyang lideratura.
Malinaw ang RECORD na si Pope John Paul ang “MAY IMPLUWENSIYA” sa pag-alis ng MARTIAL LAW—sapagkat, inalis ni dating Pangulong Marcos ang bisa ng MARTIAL LAW noong Enero 17, 1981—eksakto isang buwan bago DUMATING si Santo Papa sa Maynila noong Pebrero 17, 1981.
Noong mga panahon iyon, ang RUROK ng “Bagong Lipunan”, at nang tanggalin ang BISA ng Batas Militar—unti-unting HUMINA ang PODER ni dating Pangulong Marcos.
Tatlong TAON matapos ang pag-alis sa Batas Militar, pinatay naman sa Tarmac si dating Pangulong Ninoy noong Agosto 21, 1983.
Napagkamalan ng mga HISTORYADOR at MEDIA—na ang PAGBAGSAK ng lideratura ni Marcos ay nagmula sa pagkakapatay kay Ninoy---pero kung susuriin, epekto lamang ito ng pagbaba ng Martial Law at PAGDALAW ng Santo Papa sa Maynila.
Batay rin sa record, umuwi si NINOY—dahil NARARAMDAMAN niyang magkakaroon ng “LEADERSHIP VACUUM” sa Pilipinas—at batay sa intelligence information—PABOR si Marcos na siya ang “pumalit bilang lider ng bansa”.
Malinaw na noong 1983—batay mismo sa kampo ni Ninoy, “mahina na ang liderato ni Marcos”—at nagsimula ang PAGHINA hindi mismo sa pagkakapatay sa AMA ni PNOY at mister ni TITA CORY—kundi dahil sa PAG-ALIS NG MARTIAL LAW MULA SA “HOLY POWER” NG SANTO PAPA noong pang 1981.
At ang mga kasunod na eksena—ay naging bahagi ng kasaysayan.
Dapat itumpak at ITAMA ang KASAYSAYAN—at hindi dapat IKAPIT ang lahat sa “pagkakapatay kay Ninoy na isang “DIVISIVE”, bagkus ay dapat idikit sa PAGDALAW o HOLY POWER ng SANTO PAPA—na MAS TOTOO,. MAS MAY LOHIKA—AT MAS ISPIRITWAL.

-----$$$---
SAKALING maging GANAP NA SANTO si Pope John Paul II, isa ang PILIPINAS na mabibigyan ng INDULHENSIYA.
Ang INDULHENSIYA ay isang SAGRADONG PABOR sa isang tao o grupo ng mga tao o ESPESYAL NA LUGAR.
Nangangahulugan na makakatikim ng BUWENAS at POSITIBONG BUHAY ang mga PINOY sakaling maging GANAP NA SANTO si Pope John Paul II.
Kung paanong ang mga 90 MILYONG PINOY ay nakakaligtas sa TRAHEDYA ng malalakas na LINDOL—ay maaaring ikapit sa PROTEKSIYON na ibinibigay ni “SAINT” POPE JOHN PAUL II”.
Tama o mali?

---30---

Wednesday, April 20, 2011

PNOY VS CRUZ: BIKTIMA NG MEDIA

EDITORIAL for BULGAR NEWSPAPER
(April 21, 2011 issue)


MUKHANG magkakainitan ang Simbahang Katoliko at si PNoy kaugnay ng Reproductive Health bill.
Kasi naman itong mga obispong walang magawa ay kinakalantari sa isyu ang pagiging matandang binata ng Punong Ehekutibo.
Tipong “suntok sa bayag” ang ginagawa ng mga lider-Simbahan para buskahin lamang si PNoy na lantarang pumapabor sa RH Bill na kinokontra naman ng mga pari at Obispo.
Walang kauuwian ang pang-aasar ni Bishop Oscar Cruz kay PNoy na pinapayuhan niyang huwag nang mag-asawa dahil sa simpleng datos na mas maraming above-50 years old na nabigo ang married life.
Nalimutan ng Obispo na simpleng estatistika lamang ito—pero kahit iyan pa ang pagbatayan, hindi namang 100 PORSIYENTO ang datos—bagkus ay mas malaki lamang ang tsansa.
Sa tingin natin, sinisira ng Bishop Cruz ang pagiging “Obispo at pari” dahil maaaring mahusgahan ng mga deboto na ang LAHAT NG OBISPO at PARI—ay may “MABABANG KLASE NG PAG-IISIP” imbes na ituring silang mabuting tagapayo.
Isang kahihiyan sa mga may suot ng ABITO si Cruz.
Dapat siyang humingi ng paumanhin kung hindi man siya dumaranas ng “pagiging ulyanen” para mapagpasensiyahan ng HIGIT NA MAY MALAWAK NA PANG-UNAWA na ordinaryong Pilipino.
Sa bagay, maaaring napaglaruan din si Bishop Cruz ng media—kung saan “ISINUPALPAL” sa kanyang bibig ang ganoong klase ng “pambubuska” upang may magamit na balita ang mga field reporter sa panahon ng SEMANA SANTA.
Kung magkagayon, parehong BIKTIMA si PNoy ay si Bishop Cruz ng “masamang klase ng pagkuha” ng mga ulat GAMIT ang mataktikang pagi-interbiyu.
Anu’t anuman, higit pa ring mas mainam ang MANAHIMIK at MAGNILAY-NILAY sa panahon ng mga BANAL NA ARAW—imbes na MAGDALDAL NANG MAGDALDAL nang walang kabuluhan.
----30------