EDITORIAL NI KA AMBO
(Bulgar Newspaper June 14, 2011 issue)
NAGSIMULA na ang klase sa mga eskuwelahan.
Pero, marami sa mga dati-rating naka-enroll sa desenteng eskuwelahan ay hindi na nagawa pang makapasok ngayon sa paaralan.
Kabilang ditto ang mga anak ng mga kawani ng Banco Filipino na ipinasarado ng Bangko sentral.
Hindi nakapaghanda ang kanilang mga magulang sa biglang pagkasisante sa trabaho dahil walang kaabug-abug ang direktiba ng BSP.
Maging ang mga depositor na natengga ang personal nilang salapi sa naturang bangko ay nadiskaril na rin ang pag-aaral ng mga anak.
Lalong nadismaya ang mga magulang ng naturang dropped- out students nang ibasura ng Court of Appeals ang hinihiling na temporary restraining order.
Pero, nilinaw ng abogado ng BF na si dating SEC chairman Perfecto Yasay na nauunawaan nila ang hakbang ng CA
Hindi naman kasi simpleng reopening lang ng bangko ang dapat ipag-utos ng korte kundi isang injunctive relief kung saan kailangang maging malinaw ang tinatawag na business plan o programa ng BSP at PDIC upang maibalik ang PAGTITIWALA ng mga depositor.
Kahit kasi buksan itong bigla kung hindi naman naibalik ang reputasyon na sinira mismo ng BSP, ay wala rin itong talab—mababangkarote lang, hindi dahil sa walang pondo kundi dahil sa palpak na paninira ng ilang sector.
Excited ang mga depositor kasi’y nangako ang PDIC sa Komite sa Kongreso na magsusumite na naturang business proposal para maisalba ang BF bago mag- Hunyo 17 kung saan maari ring makipag-usap nang maayos ang opisyales ng naturang bangko upang maibalik sa normal ang operasyon—at maibalik sa trabaho ang mga kawani at maiayos din ang serbisyo sa mga depositor.
Ipagdasal nating maiayos o makasumpong ng epektibong solusyon ditto ang mga kinauukulan sapagkat sakaling mabigo sila—MARAMI PANG “BF” ang mabibiktima ng palpak na proseso ng Bangko Sentral.
----30---
No comments:
Post a Comment