Wednesday, June 01, 2011

PCOS MACHINE'S TEST IN MARIKINA PROTEST

BISTADO Daily Column, Bulgar Newspaper
(June 2, 2011 issue)


NEXT YEAR ay isang taon bago ang regular na national at local election sa 2013.
Magsisimula na naman ang kampanyahan.
Ang problema, marami pa rin ang nakapending na ELECTION PROTEST.
Ilan dito ay iniutos ng Comelec na muling bilangin o mag-recount sa resulta ng huling eleksiyong local noong 2010.
Kaybilis ng panahon.
Pero, sa mga kandidato, parang hindi umuusad ang “PANAHON” sapagkat para sa kanila ay “election period pa rin’ dahil sa election protest.

------$$$--
ALAM ba ninyong hanggang ngayon ay EXCITED pa rin ang mga resident eng Marikina City kung sino ang TUNAY na nagwaging mayor sa kanilang siyudad?
Batay kasi sa compliance order ng Comelec, ipinalilipat na nito ang kontrobersiyal na 56 PRIORITY PRECINTS sa national headquarters sa Comelec bilang buwelo sa recount kung saan pinagdududahan ang integridad ng pagbilang ng mga PCOS machine.
Maaaring nakakita ng probable cause ang Comelec sa petisyon na inihain ni Dr. Alfredo Senga Cheng laban kay Marikina City Mayor Del de Guzman.
Inaasahang magiging PRECEDENT ang election protest sa Marikina kasi’y batay sa datos, nagrehistro ng “zero vote” ang isang CLUSTER PRECINT gayung nang magsagawa ng PHYSICAL o MANUAL COUNT ay lumitaw na mayroon itong MAHIGIT 200 BOTO.
Nagprotesta si Cheng dahil naiimposiblehan siya sa “bilang na inilabas ng PCOS machine” sa araw ng bilangan sa naturang bayan.
Magandang matapos ang protestang ito dahil hindi lamang nakataya dito kung SINO ang tunay na nagwagi sa ELEKSIYON kundi, mapapatunayan dito kung “may diperensiya ba o DAPAT pang PAGKATIWALAAN ang resulta ng PCOS machine.

------$$$---
SAKALING naman mapatunayan TAMA o TUMPAK ang bilang ng PCOS batay sa MANUAL COUNT, mae-established ang “second validation” kaugnay ng KAPASIDAD ng PCOS machine na magbilang nang tumpak.
Kasi’y batay sa resulta sa ELECTION PROTEST ni dating Manila Mayor Lito Atienza kontra kay Mayor Alfredo Lim, nagtugma ang MANUAL COUNT at PCOS machine kung saan, napatunayan si Mayor Lim ang tunay na NAGWAGI sa huling eleksiyon.
Walang masama na ituloy ang RECOUNT sa Marikina kung ito ay magiging BATAYAN ng walang katapusang debate sa ELECTION COMPUTERIZATION.

----$$$--
PERO, nilinaw ng Comelec na hindi gagamitin ang PCOS machine sa nakatakdang ARMM election sa Agosto 8 dahil MAGASTOS ito .
Ibig sabihin, hindi lang ang INTEGRIDAD o KAPASIDAD ng PCOS machine ang tunay na isyu sa POLL AUTOMATION kundi ang MULTI-BILYONG PISONG KONTRATA kung saan NAGKAKAMAL ng salapi ang ilang MATATAAS na opisyal ng Comelec.
Tsk, tsk, tsk.

-----30---

No comments: