Monday, June 13, 2011

SPRATLYS FEUD:A COVERT WAR , US-CHINA VERSUS ASEAN

BISTADO DAILY COLUMN NI KA AMBO
(Bulgar Newspaper, June 14, 2011 issue)

GAGAMIT ang TAIWAN ng missile boat bilang depensa sa SPRATLYS.
Nagsasagawa naman ng MILITARY EXERCISES ang VIETNAM tulad sa isasagawa ng Pilipinas at US sa susunod na linggo.
Ang mga indikasyon ito ay AKTUWAL na “buwelo” sa isang napipintong digmaan.
Isang malaking tanong: ANO ang papel na gagampanan ng US?

------$$$---
ANG US ay mas MALINAW na “kasunduan” sa Taiwan kompara sa Pilipinas, pero PAREHO silang kaalyado ng mga KANO.
Ang Pilipinas kahit pa sabihing maka-KANO—ay nagkukunwaring “hindi kaalyado” pero hindi naniniwala ang MAINLAND CHINA.
In principle, kasama ang Pilipinas sa tinatawag na “non-aligned nation” pero sa aktuwal, ito ay lumilinya sa KAGUSTUHAN ng mga Kano.
Kumbaga, NO-CHOICE lalo pa’t BINABASTOS ng China ang soberaniya at teritoryo ng Pilipinas.

-----$$$---
SA kabilang banda, nililigawan din ng KANO ang Vietnam na minsan na rin nilang giniyera.
Pero ang China ay giniyera din ang Vietnam.
Pareho silang may record sa kasaysayan na NAKALABAN ng COMMUNIST VIETCONG.
Pero, sa pinakahuli, nagiging MALAPIT ang Vietnam sa US.
Ang mga relasyong ito ay may KAUGNAYAN SA EKONOMIYA .
Sa tuwirang salita, “FOREIGN INVESTMENTS”.
Yan din ang problema ng Pilipinas, sangkatutak ang FOREIGN INVESTMENT na nagmumula sa KANO kompara sa nagmumula sa mga TSEKWA.

-----$$$---
ANG Taiwan ay gayundin, NAKAGAPOS ang ekonomiya ng TAIWAN sa US economy, tulad din sa Pilipinas.
Sinisikap naman ng China na mai-DIPLOMASYA ang Taiwan.
Sakaling maging grabe ang GIYERA sa Spratlys, tiyak na hindi mapapalagay ang KANO—sasali ito sa GIYERA—kahit labag sa United Nations Charter.
Dahil ang US ay hindi kumikilala ng BATAS NG MUNDO—sila mismo ang BATAS sa ibabaw ng DAIGDIG.
Maging ang RUSSIA at CHINA ay hindi pumapalag sa KAPRITSO ng AMERICA sapagkat nang kontrahin nila ang PANANAKOP ngUS sa IRAQ ay hindi sila NAKAPALAG—at walang silbi ang kanilang ngakngak.
Kahit ang PANGHIHIMASOK ng US at NATO sa Libya—ay hindi magawang kontrahin ng China at Russia.
Bakit?

-----$$$--
HINDI natin puwedeng sabihin na TAKOT ang CHINA at RUSSIA sa US—gusto lang nating sabihin na “HINDI SILA PUMAPALAG”.
Bakit?
Sapagkat kapag mayroon din silang tinatawag na “SECRET DEAL”—ang lahat ng yan ay may KAUGNAYAN sa “control o pag-explore ng natural resources” ng isang bansa.
Tulad sa Iraq, lahat ng tumulong at hindi KUMONTRANG BANSA—ay mapa-PARTEHAN ng “OIL SUPPLY” mula sa Iraq.
Ganyan din sa LIBYA, lahat ng tutulong at HINDI kokontra sa PAGKUBKOB sa LIBYA—ay mapapartehan ng LIBYAN OIL.
At kapag NAGSAWALANG-KIBO o hindi pumalag ang RUSSIA at CHINA sa pananakop ng NATO at US sa Tripoli—ma-AANGGIHAN din sila ng LIBYAN OIL SUPPLY.
Walang EMOSYON ditto, kumbaga, langis-langis lang o PERA-PERA lang.

-----$$$--
GANYAN-NA-GANYAN din sa SPRATLYS, maaaring ang pagsali ng US ay KUNWARI lamang, maaaring makipag-EX-DEAL ito sa CHINA—upang “ang KANO at TSEKWA ang magkatuwang na mag-EXPLORE ng SPRATLYS OIL mine.
Yung eengot-engot na tunay na may ARI ng teritoryo tulad ng Pilipinas, Vietnam at Taiwan—ay AANGGIHAN lang kahit hindi na gaanong mabigyan—SAPAGKAT—kahit sila MAAGRABIYADO—may MAGAGAWA ba sila kapag “NAG-DEAL” ang US at CHINA?
Magsusumbong sa United Nations?
Ha!Ha! Ha!
Malaking KAMANGMANGAN yan—ang UN ay “pag-aari” mismo ng US at CHINA—kasama ang malalaking bansa gaya ng Russia, France, Germany o NATO nations, with JAPAN!!
Yung maliliit gaya ng PILIPINAS—talagang ganyan lang ang buhay—ie-EXPLOIT, GAGAHASAIN at LOLOKOHIN lang nang HABANG BUHAY!!
Kayo ang magsabi, tama ba o hindi?
Kung magka-GIYERA man sa SPRATYLS, kunwari lang yan—para yan sa “INTERES” ng CHINA at AMERIKA.
Bibiktimahin nila ang mga “tunay na may-ari” ng naturang mga ISLA.
Nakikiramay po ang kolum na ito sa “ASEAN”.
Tsk, tsk,tsk.
------30---

No comments: