BULGAR EDITORIAL ni KA AMBO, Bulgar Newspaper
(June 10, 2011 issue)
MATAPOS magprotesta ang Pilipinas sa pagpasok ng Chinese vessels sa Spratlys, buong tapang na WINARNINGAN ng Mainland China ang mismong Pilipinas na huwag tangkain mag-explore ng oil deposits sa naturang “disputed islands” dahil ito ay kanilang teritoryo—at nakahanda silang IPAGTANGGOL ang kanilang soberaniya.
Sinupalpal ng China ang Pilipinas sa pagsasabing, hindi nagbabago ang kanilang PAG-ANGKIN sa naturang teriroryo tulad ng pagtrato nila ilang SIGLO na ang nagdaan.
Ibinabala ng China na hindi sila mangingiming gumamit ng DAHAS sakaling paputukan ang kanilang mga BARKO na nagbabantay sa buong SPRATLYS.
Kaya bang magbigay ng ganyang pahayag ang Pilipinas?
Ang sagot?
HENDE. Hendeng-hende.
Bakit?
Simple lang, WALA KASING ARMAS.
Linsiyak, kahit may ARMAS, hindi naman kayang magbigay ng ganyang KATAPANG na pahayag ang Pilipinas sapagkat, hindi naman HANDANG MAMAMATAY at MAGPAKAMATAY ang mga SUNDALONG PINOY—para ipakipaglaban (kahit walang laban) ang TERITORYO ng Pilipinas.
Hindi pinag-uusapan ditto ang LAKAS NG PUWERSANG MILITAR—bagkus, ang pinag-uusapan ditto ay ang KAHANDAAN NG MGA SUNDALO—na ibuwis ang buhay para idepensa ang SOBERANIYA.
Isang tanong:Kahit pa bigyan ng bilyong bilyong pisong pondo ang AFP (dati nang binigyan sila sa ilalim ng military modernization fund pero ninakaw lang), hindi naman kayang TAPATAN ng Pilipinas ang NUCLEAR-POWERED warships ng China—kaya’t hindi TOTOO na ARMAS—ang kailangan ng Pilipinas.
Tanging ang US lamang—ang katapat ng puwersa-miltar ng China—walang debate dyan, at hindi ang Pilipinas.
Ang TANGING maitatapat natin sa CHINA—ay dalawang BAGAY lamang.
Una, TAPANG ng mga SUNDALO.
Ikalawa, BILANG NG POPULASYON—sapagkat, ang RESERVED MILITARY FORCE—ay magmumula sa bilang ng POPULASYON.
Kahit walang armas—ang ISANG MILYONG MATATAPANG na RESERVE UNITS mula sa hanay ng SIBILYAN—ay SAPAT upang talunin o takutin ang mga DUWAG na kalaban.
Ito rin ang dahilan kung bakit, hindi dapat isabatas ang REPRODUCTIVE HEALTH BILL—sapagkat PAHIHINAIN nito ang “RESERVED UNITS”sakaling magkagiyera.
Kumbaga, kahit kutsilyo at tabak lang ang armas natin (tulad 1898 revolution), PERO HANDA tayong MAGPAKAMATAY para sa SOBERANIYA—katatakutan tayo ng mga KALABAN.
Para saan ang buhay kung hindi mo kayang IBUWIS ito para sa INANG BAYAN?
------30---
No comments:
Post a Comment