BISTADO DAILY COLUMN ni KA AMBO
(Bulgar Newspaper, June 17, 2011 issue)
MARAMI ang nagsasabi na KAILANGAN ng Pilipinas ang TULONG ng United States.
Mali.
L
------$$$---
KAILANMAN ay hindi tayo dapat na MANGAILANGAN ng tulong sa ibang bansa.
Bakit?
Sapagkat ang ganyang pananaw ay kasingkahulugan na TAYO ay HINDI ISANG TUNAY NA BANSA.
Mahalaga ang TULONG ng US, pero hindi natin ito kailangan.
Higit na KAILANGAN natin ay TULONG ng mismong POPULASYON ng Pilipinas.
Ang KUSANG PAG-VOLUNTEER ng mga ORDINARYONG PINOY—na “magbuwis” ng BUHAY para idepensa ang “isang DANGKAL” na lupa ng ating TERITORYO—ang pinakamahalaga.
Dapat na maunawaan ito ng lahat.
-----$$$---
SAKALING tumulong ang US sa Spratlys—ay dapat ay PAGKUKUSA nila, hindi ito DAPAT HILINGIN, hindi ito dapat IPAKIUSAP, lalong hindi ito dapat ipilit o hindi dapat IPAGMAKAAWA.
Iyan ang DAPAT PRINSIPYO na “iminamarka” sa KONSTITUSYON ng Pilipinas.
Ang pagbabawal sa GOBYERNO na “humingi ng saklolo” sa ibang bansa.
Pero, dapat OBLIGAHIN ang BAWAT MAMAMAYAN—babae man o lalaki, na MAGSILBING SUNDALO para sa KATATAGAN NG ESTADO.
Kapag GANYAN ang nakalagay sa ating KONSTITUSYON—tayo ay magkakaroon ng mahigit 10 MILYONG RESERVIST—na tiyak na IKATATAKOT ng alinmang bansa na magtatangka na MANAKOP sa ating teritoryo.
MANPOWER—human force, HUMAN RESOURCES—ang ating pinakamahalagang LIKAS-NA-YAMAN.
Hindi pinag-uusapan ditto kung ANONG KLASE ng armas mayroon tayo.
-----$$$--
KUNG armas naman ang pag-uusapan, dapat iprayoridad ng DOST ang PAG-IMBENTO ng mga armas.
Imbes na pigilin ang paggawa ng PALTIK sa DANAO at CEBU, dapat itong i-idevelop upang makatuklas tayo ng SARILI nating ARMAS—na magagamit laban sa mga DAYUHAN.
Hindi natin kailangang UMANGKAT ng MODERNONG ARMAS—bagkus kailangan nating UMIMBENTO, tumuklas at mag-SALIKSIK—upang makadiskubre tayo ng mala-LASER GUN—at ROBOT—na makakatulong n gating mga SUNDALO.
Dili kaya’y suportahan ang PAGSASALIKSIK sa “ROBOT MACHINE” na magagamit na MILITARY GADGETS katuwan n gating mga SUNDALO.
Nangangahulugan ito na KAILANGAN natin ang “POPULASYON”—hindi lamang ang AKTUWAL NA TAO SA GIYERA, kundi ang “ANGKING TALINO” ng ating mga MAMAMAYAN—upang talunin ang mga MANANAKOP na bansa.
-----$$$--
ANG problema, nagsasabatas tayo upang PIGILIN ang populasyon—na siyang PANGDEPENSA natin sa panahon ng DIGMAAN.
Wala tayong SAPAT NA BADYET para tustusan ang RESEARCH AND DEVELOPMENT program para MAKATUKLAS ng EPEKTIBONG ARMAS—na magagamit n gating mga SUNDALO.
Matatalino at matatapang na PINOY—ang kailangan natin, hindi ang mga DUWAG NA KANO—na gumagamit lamang ng MALALAKAS na armas—para talunin ang mga “kaawa-awang MALILIIT NA BANSA”.
Mahalaga ang tulong ng US, pero hindi ito ang PINAKAMAHALAGA.
Ang PINAKAMAHALAGA ay TULONG ng BAWAT ISANG PINOY.
-----$$$--
ISIPIN ninyo, papayag ba kayo na MANALO tayo sa DIGMAAN—sa tulong ng mga DAYUHAN?
Ano ang “sarap” ng TAGUMPAY—na hindi naman ikaw ang “BAYANI” kundi ang mga DAYUHAN.
Papayag ba kayo na “nagbubuwis ng buhay ang KANO”, para sa INTERES ng Pinoy?
Anong klase ng kabulastugan yan.
Isang klase yan ng KAMANGMANGAN at KAWALAN-NG-PAGKABANSA!!!
------30---
No comments:
Post a Comment