BISTADO NI KA AMBO, Bulgar Newspaper
(June 10, 2011 issue)
PINUTAKTE tayo ng text sa tinalakay nating MERGER ng dalawang telecommunication networks.
Kahapon din kasi ay kinastigo mismo ng Samahan Laban sa Monopolyo (SLaM) ang mga senador na nagsagawa ng pagdinig kaugnay ng “MERGING” ng dalawang telecom giants.
Kasabay nito, lumabas ang ulat na na tumanggap ng “tumanggap” ng tig-P100 milyon sa PORMA ng “pork barrel” ang mga senador na PUMABOR sa pagpapaliban ng ARMM Election na nakatakda sana sa Agosto 8.
Sa totoo lang, kung may P100 milyong pork barrel ang mga senador, hindi kaya may “panibagong ONE-HUNDRED” ang mga senador na pumapabor naman sa MERGER?
Sa kabuuan, yung mga senador na pumabor sa “pagkansela sa August 8 ARMM election at pabor din sa MERGER—ay magkakaroon ng “TWO-HUNDRED”.
Hiramin natin ang sinabi ng isang dating COMELEC OFFICIAL: Bale, “MAY TWO-HUNDRED” kayo dyan ano?
He, he, he.
------$$$---
BAGAMAN, lehitimo, malinaw na IMMORAL ang “P100 milyong pork barrel” at sakaling mapatunayan na may “panibagong P100 milyon” sa porma ng “lobby fund”, aktuwal na graft and corruption—ang nagaganap sa Senado.
Yung P100 milyon pork barrel ay manggagaling mismo sa Kaban ng Bayan pero yung isa pang P100 milyon—ay manggagaling sa “dambuhalang pribadong korporasyon” na TATABO sa monopoly.
Mahihirapan ang “ordinaryong tao” na MABAWI ang PORK BARREL, pero yung P100 milyon LOBBY FUND”, TSIKENPID lang yun sa TELECOM COMPANIES na kokontrol sa telecom industries.
Ilang NAKAW NA LOAD lang yun sa 50 milyong cellphone users?
Sandali lang ay bawi nay un.
------$$$--
NAGHIHINALA naman ang lider ng SLaM na si Jesse Ignacio na MORO-MORO lang ang pagdinig na ipinatawag ng Senate Committee on Public Service dahil hindi GAANONG BINIGYAN-PANSIN ang PANIG ng mga kumokontra sa MERGING.
Wala rin interest ang komite na bubusiin ang negatibong aspekto ng MERGER.
Pero, may nasisilip na solusyon ang Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) ditto dahil magsusumite ng panukalang-batas si Rep. Nikki Briones na babansagan niyang ANTI-MONOPOLY BILL.
Layunin daw nito na ILIGTAS sa “delubyo” ang milyon-milyong cellphone owners.
Kung makakalusot yan laban sa PANGIL ng telecom giants ay nanatiling isang malaking tanong.
-----$$$-
HINAHAMON naman ng Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (KKKK) si acting Ombudsman Orlando Casimiro na desisyunan ang kasong plunder na isinampa laban kay MMDA Chairman Francis Tolentino, kapatid ni Tagaytay Mayor Abraham Tolentino.
Pinabubusisi ng KKKK kay Casimiro ang plunder case na isinampa ni dating Tagaytay City administrator Rev. Ronald Tan na nag-aakusang nagpayaman sa poder ang magkapatid.
Kabilang sa akusasyon ay ang kasong land- grabbing kung saan , isang araw ay nagising ang ilang resident eng Tagaytay na wala na silang lupain sa sarili nilang tinubuang lupa.
Ginamit umano na modus-operandi ay ang SOBRANG TAAS ng buwis kaya’t hindi nakabayad ang mga residente at pagkatapos ay ipinasubasta ito kaya’t nawalan ng ari-arian ang mga tao.
Kinukuwestiyun din ang biglang pagyaman ng mga ito kung saan biglang nagkaroon ng mga establisimyento sa magagarbong lugar sa siyudad gayung dati-dati ay Brgy. Tolentino West lang umiikot ang kanilang buhay-buhay.
Masagot kaya nila ito nang maayos sa harap ni Casimiro?
------$$$--
WINARNINGAN ng China ang Pilipinas kaugnay ng pag-explore ng LANGIS sa Spratys.
Meaning, WARNING VS WARNING.
Delikado yan—nagkakainitan nay an.
HULAAN ninyo kung SINO ANG MAGTATAGO SA ILALIM NG KAMA?
Sa mga nag-text, hindi ko kamag-anak ang nasirang LOUIE BELTRAN.
Baka raw malibelo ako.
Si Beltran kasi ay PERIOD ang nilagay sa sentence ng kanyang PUNCH LINE.
Tingnan ninyo, QUESTION MARK po ang inilagay ko.
He, he, he.
----30----
No comments:
Post a Comment