EDITORIAL for BULGAR NEWSPAPER by KA AMBO
(June 15, 2011 issue)
MALAKING balita kahapon ang pagsang-ayon ng Korte Suprema na maisatelebisyon ang serye ng pagdinig sa Maguindanao Massacre.
May bagong aktuwal na telenobela na mapagpipiyestahan ang mga nagugutom na Pinoy.
Yung mga kumakalam ang sikmura, mayroon na silang katwiran na hindi mananghalian dahil tatanghod na lang sila sa telebisyon at radio habang kinukuwestiyun ang mga testigo at akusado sa kaso.
Mag-aaway-away naman ang mga media networks at masasaksihan natin kung alin sa kanila ang “ bayad” komporme sa tutok ng kanilang camera at mikropono.
Mamalasin naman ang mga bagong kasisimulang teleserye dahil tiyak na masasapawan ang bida ng mga TUNAY NA BIDA at KONTRABIDA sa aktuwal na buhay ng mga Pinoy.
Tatabo ang mga network at iba pang media outfits dahil puputaktehin sila ng mga sponsors mula sa dalawang “may control ng telecommunication business”.
Ngayon pa lamang ay tiyak na nagpatawag na ng emergency meeting ang mga media networks at maging ang mga advertising executives kung PAANO nila ie-EXPLOIT o ima-MAXIMIZE ang kita o TUBO mula sa HULING DESISYON ng Korte Suprema.
Samantala, ang punto de bista ng mga “meeting” ay hindi kung paano maipalilitaw ang KATARUNGAN—kundi kung paano MAAKIT ang publiko na IPRENTE ang PINDOT sa telebisyon at radio.
Isang oportunidad din ito sa modernong MOBILE TV at INTERNET SITE upang mapabulas ang NEGOSYO at walang duda na WALA SILANG “paki” sa HUSTISYA ng mga biktima.
Sa medaling salita, anuman ang kahinatnay ng pagsasa-MEDIA ng pagdinig sa Maguindanao Massacre, ang HUSTISYA—mismo ay biktima—at KASANGKAPAN lamang sa pagpapayaman ng mga negosyante.
Pustahan tayo, mananatiling MAILAP ang HUSTISYA—itelebisyon, iradyo, i-cellphone man gang pagdinig sa korte, sapagkat ito ay simpleng COMMODITY o PRODUKTONG pinagkikitaan ng mga GANID at HANGAL NA MANGANGALAKAL.
----30----
No comments:
Post a Comment