Thursday, May 26, 2011

LRT'S SERIES OF DEFECTS:MODUS OPERANDI

EDITORIAL for Bulgar Newpaper
(May 27, 2011 issue)



INABISO ng Light Rail Transit I na titigil sila ng operasyon simula sa Sabado at magbabalik lamang ang serbisyo sa Martes sa susunod na lingo.
Kapansin –pansin ang madalas na pagkadispalinghado ng serbisyo ng LRT I sa gitna ng mga ulat na nais nang ipakontrol ito sa pribadong sector.
Isang modus-operandi kasi ng gobyerno na sirain ang serbisyo ng isang public transport system upang palabasin sa publiko na walang kakayahan ang gobyerno na pangasiwaan ito kaya’t pupuwersahin nilang ipasok sa IDEYA o KAMALAYAN ng publiko ang isang malinaw na LINYA: Kailangan nang ilipat sa private sector ang operation at management ng LRT I—PARA SA KABUTIHAN ng lahat.
Sa ganitong pananaw, maidya-justified ang pagbebenta ng sosyo o asset ng gobyerno sa mga KRONI ng administrasyon upang siya ang MAGKAMAL sa kikitain ng transport system.
Itutuon ang argumento sa MAS MAHUSAY AT EPISYENTENG SERBISYO kung saan paniniwalain ang komyuters na MAS MAHUSAY ang pribado kaysa sa gobyerno.
Pero, ang episyente o “mabuting serbisyo” ay may KAKAMBAL na parusa—ito ay ang paglobo PAGTAAS NG SINGIL sa pasahe o serbisyo.
Kapag nagtaas ang “future private management” ng LRT I—ililipat ng gobyerno ang sisi sa “private corporations” na mangangatwiran na kailangan nilang MABAWI ang kanilang capital.
Sa aktuwal, nararanasan natin ito sa SOBRANG TAAS ng singil sa SLEX, NLEX at maging sa SCLEX kung saan KONTROLADO ang operasyon ng PRIBADONG KORPORASYON.
Ang NLEX na dapat ay naibalik na sa KONTROL ng gobyerno mula sa nabuwag na CDCP ay ibinenta sa Pamilya Lopez at nang lumaon at ibinenta naman sa grupo ni Manny Pangilinan.
Gayundin ang SLEX ay pinakontrol naman sa isang FOREIGN firms na nag-invest ng multi-milyong dolyares, pero PINALOBO naman ang singil.
Yan din ang mismong SCENARIO sa LRT I at tiyak yan din ang magaganap sa LRT 2 at LRT 3 (MegaTren), ipakokontrol ito sa PRIBADONG sector na siyang magpapataas ng presyo upang PAGKITAAN ang publiko.
Sa ngayon, dispalinghado ang LRT 1, asahan naman natin ang susunod na pagkadiskaril ng LRT 2 at LRT 3 kung saan isusulong ang MAAYOS na paglilipat ng operasyon sa PRIBADONG SEKTOR.
Likas na CORRUPT ang gobyerno—at NUMERO uno dito ang mga opisyales ng LRT.
Hindi na luma ang modus-operanding ito, kahit GASGAS na, KLIK na klik pa rin ang mga MANDARAMBONG.
-------30----

No comments: