Monday, May 02, 2011

Osama bin Laden's blood fertilizes Al-qaida's ideology

BISTADO DAILY COLUMN, BULGAR NEWSPAPER
(May 03, 2011


MATAGUMPAY na na-ASSASSINATE ng US AIR FORCE si Osama bin Laden sa teritoryo ng Pakistan.
Pero, hindi dito natatapos ang giyera ng US bagaman nagdeklara sila ng tagumpay.
Dapat natin maunawaan ang kahulugan ng “CELL” na ikinakapit o ginamit na termino mismo ng Central Intelligence Agency (CIA) sa puta-putaking sekretong grupo ng mga AL- QAIDA na nakakalat sa buong daigdig.
Ang “CELL” ng Al Qaida ay nagmumula rin sa lehitimong organisasyong kakutsaba ng al-Qaida gaya ng Jemaah Islamiyah at Abu Sayyaf.
Bakit hindi “subgroup” o “network” ang ginamit na termino sa “mumunting grupo” ng mga Al-Qaiada sa buong daigdig kabilang ang PILIPINAS?
Bakit “CELL”?
Kapag ginugel ninyo, lilitaw ang entrada na: “The cell is the functional basic of life. It is the smallest unit of life that is classified as living thing, and is often called the building block of life”.
Sa totoo lang, “cell” ang ginamit na termino ng CIA sa pinakamaliit na grupo ng AL-QAIDA sapagkat natuklasan nila mismo na “may sariling disposisyon” ang mga ito at nakakapagplano at nakagagawa ng terorismo nang hindi kailangang kumunsulta o makipag-ugnayan sa central headquarter na pinamumunuan ni Osama na noon ay nagtatago.
Ibig sabihin, ang CELL ng AL-QAIDA ay tulad din ng alinmang “cell sa living things”—puwedeng maging INDIBIBWAL na nilikha—puwedeng maging buwaya, pwedeng buwitre, puwedeng halimaw, puwedeng kahit anong klase ng HAYOP na maaaring makapangwasak—at puwedeng ring nagpapanggap na “tumutulong”.
Alam ng CIA na “DAAN-DAAN” ang bilang nga “cell ng al-qaida”—at ang CELL—ay nanganganak at nagre-REPRODUCE—tulad din ng CANCER CELLS—na maaaring hindi ito MAAWAT o makontra gaya sa MEDICAL SCIENCE.
Sa prinsipyong iyan, may lihim na takot ang CIA—na hindi MAAWAT o hindi MAKOKONTRA ang paglaganap ng CELL ng al-Qaida—at sa puntong iyan, kahit MAPATAY si Osama, sa palagay ba ninyo ay NAPATAY din ang libo-libong “CELL ng Al-Qaida”?
Sige, kayo ang sumagot!
Ngayon, tulad ng mga espesyalistang siruhano, pinag-aaralan ng CIA kung tulad ng CANCER—ay nag-METASTASIZED na rin ang CELL ng AL-QAIDA?
Sa aktuwal, kapag nag-METASTASIZED ang CANCER CELLS—itanong ninyo kahit kanginong doctor—kung GAGALING pa ang pasyente?
Maaari kasing nag-METASTASIZED na rin ang CELL ng Al-Qaida, at KUMALAT na ito sa lahat ng PANIG NG DAIGDIG—kabilang ang Pilipinas.
Malalaman natin yan sa mga SUSUNOD na araw matapos mailibing si Osama bin Laden.
Siyempre, makakaramdam ng KIROT ang lahat ng CELLS sa katawan ng Al-Qaida.
Ang cancer cells ay natuklasan na isang klase rin ng SUICIDAL CELLS—nagpapakamatay ito kung saan nadadamay sa PAGYAO ang pisikal na katawan ng indibidwal na mayroon nito.
Kung gayon, dapat na mag-ingat sa SUIDICAL tendencies ng CELLS ng al-qaida lalo na sa Mindanao at MetroManila.
Hindi ba’t hindi tayo dapat matuwa, bagkus ay dapat na lalong MABAHALA?
----30---

No comments: