Thursday, May 05, 2011

Pacquiao not the richest lawmaker;,he's the PHL's ONLY law-abiding solon

EDITORIAL FOR BULGAR NEWSPAPER
(May 06, 2011)

IBINUNYAG ng mga awtoridad na si Rep. Manny Pacquiao ang kauna-unahang BILYONARYONG KONGRESISTA sa kasaysayan ng Kongreso.
Dinaig niya ang dati-rating may hawak ng record na “richest lawmaker” na Pamilya Villar.
Hindi pa kasama dito ang makokobra ni Pacquiao sa kanyang laban kay Sugar Shane Mosley na tinatayong papalo sa mahigit $30 milyon kasama ang kaparte sa pay-per-view at iba pang commercial endorsement.
Kung si Pacquiao ang pinakamayamang lawmaker, nangangahulugan ba ito na mas mayaman pa siya kina Gov. Chavit Singson, Sen. Manny Villar, at dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo?
Sukatan ba ang naturang datos ng pagiging pinakamayaman?
Hindi po!!
Ito po sukatan ng pagiging MABUTING MAMAMAYAN at MATAPAT sa pagsunod sa TAXATION LAW ng Pilipinas.
Mas angkop na bansagang si Pacquiao na PINAKAMASUNURIN sa BATAS sa mga “mambabatas” kaysa sabihing PINAKAMAYAMAN.
Bakit?
Sapagkat alam naman nating LAHAT na naparami ng BILYONARYO na miyembro ng Kongreso pero hindi sila NAGBABAYAD NG TAMANG BUWIS—MALIBAN KAY PACQUIAO.
Higit na maraming kongresista ay BILYONARYO, pero hindi nila IDINEKLARA ang lahat ng kanilang KAYAMANAN, maliban kay Pacquiao.
Dapat ay PARANGALAN si Pacquiao at gamitin ng BIR upang himukin ang mga multi-BILYONARYO na ilantad ang kayamanan at magbayad ng tamang buwis.
Nangangahulugan ito na hindi rin dapat maging “alipin” si Pacquiao ng kapwa niya MAMBABATAS, sapagkat higit siyang MAYAMAN sa mga ito.
Dumidikit lang kay Pacman ang ilang kongresista upang pag may PAGKAKATAON, makahirit ng DATUNG sa simpleng PAMBOBOLA o pang-uuto lamang.
Maaari ring NAUUTO lang si Pacquiao na gobyerno upang ilantad ang kayamanan, pero ang mga kolokoy, patuloy na itinatago ang kanilang KAYAMANAN na 10 ibayo ang higit kay Pacman.
---30---

No comments: