EDITORIAL, BULGAR Newspaper
(May 13 issue)
MATINDI ang debate kaugnay ng pagtatangka ng administrasyon na ipagpaliban ang ARMM election.
Iniulat na maging si Senate President Juan Ponce Enrile ay sinisikap na impluwensiyahan ang mga kasamang senador upang mapuwersa ang pagpapaliban ng halalan kung saan magkakaroon ng kapangyarihan at oportunidad na mai-APPOINT na lamang ang mga opisyal ditto.
Kailangan kasing mapagtibay muna ng Senado ang naturang panukalang batas bago malagdaan ni Pangulong Aquino at maging batas.
Pero, matibay ang paninindigan ni Senate Committee on Local Governments chairman Sen. Bongbong Marcos na kailangang marinig mabuti ang lahat ng panig particular ang mismong mga mamamayan ng ARMM.
Itinakda ni Marcos ang public hearing sa Marawi City, Zamboanga at Basilan sa susunod na lingo bagong ihain sa plenaryo ang panukalang batas at bago rin siya gumawa ng COMMITTEE report.
Naniniwala si Marcos na labag sa esensiya ng Local autonomy ang pagpapaliban ng eleksiyon ditto at hindi dapat panghimasukan ito ng national governments.
Ito rin ang posisyon ng may akda ng ARMM Organic Act na si dating Sen. Aquilino Pimentel na nagsabing ang pagpapaliban ng ARMM election ay LABAG SA KONSTITUSYON.
Kasabay nito, inamin ng Liberal Party na naghahanda rin sila ng kompletong TIKET sakaling matuloy ang ARMM election pero naniniwala ang mga nagmamasid na dehado sila sa malakas na PANLABAN ng Lakas-Kampi-CMD at PDP Laban na inaasahang kokopo ng malaking suporta.
Sakaling matuloy ang eleksiyon, ngayon lamang tayo makakasaksi ng isang TUNAY NA HALALAN sa panahon ni PNoy—kung sino ang magwawagi, walang nakaaalam!!
No comments:
Post a Comment