Sunday, April 24, 2011

DENR: PUNO NG KORAPSIYON

EDITORIAL for BULGAR NEWSPAPER
(April 23 issue)


MAHIGIT nang 70 PUNO ang namarkahan ng DENR bilang Heritage Trees kung saan sinisikap nilang proteksiyunan ang mga puno na may mahigit nang isang siglo o 100 taon ang edad.
Pero, ang ginagawang ito ng DENR ay pang-media release lamang.
Tignan ninyo ang pagkakasibak ng MEGAWORLD sa matatanda at antigong PUNO sa dating barracks ng Philippine Air Force sa Villamor Air Base sa tapat ng NAIA Terminal 3 sa Pasay City.
Pinayagan ng DENR na patayin at sibakin ng MEGAWORLD ang daan-daang antigong PUNO sa naturang lugar kung saan itinayo ang NEWPORT CITY—at WORLD RESORT HOTEL COMPLEX—kung saan naroroon ang pinakamagarbong CASINO center at malalaking condominium building ngayon.
Hanggang ngayon, ang natitira pang kakaunti nang ANTIGONG PUNO—ay walang habas na PINUPUTOL ng mga contractors at hindi naghihinayang sa LIKAS- NA-KAYAMANAN ng isang lugar.
Kasi naman ay tiyak na KUMUKOBRA ng malalaking HALAGA ang mga opisyales ng DENR na nagpapahintulot sa mga contractor na “lipulin” ang mga puno—kapalit ng TONGPATS.
Sa totoo lang, nagkakamal ng malaking halaga ang mga taga-DENR kapalit ng PERMISO sa pagputol sa mga puno—na karaniwang tinatayuan ng modernong gusali o condominiums.
Ang dambuhalang MEGAWORLD ay hindi kailanman maaaring TANGGIHAN ng DENR—sapagkat mawalan sila ng MILYON-MILYONG PISONG PROTECTION MONEY.
Sa ngayon, kasalukuyang PINAPATAY ng MEGA WORLD—ang ILAN PANG NATITIRANG PUNO sa Villamor—at MINARKAHAN na ito ng “numero” at nagpaskil” na may PERMISO sila ng DENR.
Ang “PERMISONG IYAN”—ang kahulugan niyan ay KUWARTA!!
Sa ngayon, walang malinaw na BATAS na proteksiyunan ang mga PUNO—press release lamang ng DENR—ang inilalabas na “HERITAGE TREES” upang hindi mahalata ang “pagkakamal nila ng salapi” mula sa mga BIG TIME DEVELOPERS.
Iyan din ang dahilan kung bakit ang pinag-aagawan ang “APPOINTMENT” bilang DENR SECRETARY.
Suriin ninyo ang mga nagdaang DENR SECRETARY—hindi ba’t NAGSIYAMAN ang mga iyan?
Walang tunay na nagmamahal sa PUNO, kasi’y napagkukuwartahan nilang lahat yan.
Wala. Wala, mga AN AK KAYO NG PU—NO!!!
----30-----

No comments: