Tuesday, April 19, 2011

HOLY WEEK: PARA SA MGA PAGANO DIN

EDITORIAL for BULGAR NEWSPAPER
(April 20 issue)


MIYERKOLES SANTO na!
Bukas ay walang labas ang ilang pahayagan at maraming kompanya at negosyo ang sarado!
Mangingilin ang mayorya ng populasyon ng bansa na miyembro ng Iglesia Katoliko Apostolika Romana o mas kilala bilang SIMBAHANG KATOLIKO.
Gugunitain din ng ilang sektang hindi Katoliko ang Semana Santa—ang Linggo ng Pagtitika o Pagninilay-nilay.
Para sa mga hindi deboto, pero miyembro ng Simbahang Katoliko, idinidikit ang Holy Week, bilang isang HOLIDAY period kung saan isang oportunidad para magsama-sama ang magkakapamilya, magkakamag-anak at magkakaibigan.
Isang oportunidad din ito para makapahinga mula sa ISANG TAONG TRABAHO o sa isang mahabang panahong paghahanapbuhay.
Karaniwang kasi’y sarado din ang ibang negosyo kaya’t makakalaya sila sa ordinaryong buhay na kayod-marino.
Hindi natin masisi ang ilang sector ng lipunan kung gamitin man nila ang “panahon ng Semana Santa” sa sarili nilang pamamaraan o pakahulugan dito.
Wala namang batas na nagdidikta ng dapat gawin sa panahon ng Holy Week—at ang mga Pinoy naman ay may malayang pagpili ng relihiyon.
Sa mga miyembro ng relihiyon—hindi naman lahat ng kasapi ay deboto o panatiko o aktibong miyembro, mas marami pa rin ay ORDINARYONG MIYEMBRO na mas nahihigop ng lipunan o pakikipag-SOSYALAN.
Kung paano natin gagamiti ang mahahalagang araw ng BAKASYON—ay isang BIYAYA n gating DEMOKRASYA.
Hindi ito pang-RELIHIYONG lamang, bagkus ito ay PARA SA LAHAT.
-----30----

No comments: