Wednesday, April 20, 2011

JAPAN, US: 2 TORE NA GUGUHO--NOSTRADAMUS

BISTADO COLUMN for BULGAR NEWSPAPER
(April 21, 2011 issue)

NAWALAN ng trabaho ang 6,000 obrero sa CALABARZON export processing zone kung saan nag-SLOWDOWN ang mga Japanese companies .
Nadiskaril ang operasyon ng KOMPANYA dahil ang RAW MATERIALS ay nagmumula sa JAPAN—at nabigo itong makapag-supply nang maayos
Ang tanong: SINO ang may sabing hindi APEKTADO ang Pinoy na TATLONG TRAHEDYA sa Japan?
Iyan ay SIMULA pa lamang ng SLOWDOWN sa Japan at siyempre, sa lahat ng JAPANESE firms.

----$$$---
BUKOD sa United States, ang JAPAN ang bansang may PINAKAMALAKING TRANSAKSIYON sa ekonomiya ng bansa.
Kung hindi man tayo gaanong naapektuhan ng ECONOMIC MELTDOWN sa US noong nakaraang taon, mahihirapan tayong makatakas o makaligtas sa KRISIS sa Japan.
An g krisis sa Japan, ay awtomatikong krisis sa Pilipinas.
Pero, hindi ito MATANGGAP ng mga awtoridad.
Patuloy nilang MINAMALIIT ang epekto ng krisis sa Japan kaugnay ng epekto rin sa ekonomiya ng Pilipinas.
Isa itong PAGSISINUNGALING, kung hindi man malinaw na KAMANGMANGAN.

-----$$$----
SA totoo lang, ang PAMBIHIRANG “LINDOL-TSUNAMI-NUCLEAR” catastrophe sa Fukushima City ay maaaring magbunga ng PAGGUHO rin ng gobyerno sa Japan.
Ibig sabihin, mula sa dati-rating WORLD ECONOMIC POWER—maaaring masadlak ito sa PAG-ATRAS ng kanilang ekonomiya.
Sa kauna-unahang pagkakataon, masasaksihan natin kung PAANONG ang isang “MALUHONG BANSA”—ay luluhod tulad ng isang NAUUPOS NA KANDILA.
Wala pang ganitong “kaso sa kasaysayan”, pero hindi nangangahulugang IMPOSIBLE ito.
Kung dati-rati ay IMPOSIBLE ang MAGNITUDE NINE (9) na LINDOL, at imposible rin ang “TSUNAMI” na wawasak ng mga siyudad ng isang modernong bansa gaya ng Japan; at malaimposible ring PAGKAWASAK ng apat na NUCLEAR REACTORS nang sabay-sabay—ganyan din, HINDI IMPOSIBLE—ang PAGGUHO ng isang bansa.
Malinaw dito na BABAGSAK mismo ang GOBYERNO ng Japan.

-----$$$--
ANG unang INDICATOR dito ay ang SORPRESANG PAGPAPALIT NG NATIONAL LEADERSHIP—dili kaya’y ang PAGDEDEKLARA NG STATE OF EMERGENCY sa buong Japan—maaaring maganap sa mga susunod na buwan.
Ang unang magpapaguho ng EKONOMIYA ng Japan—ay ang PAG-IWAS ng mga turista, awtomatikong bangkarote ang lahat ng negosyo na may KAUGNAYAN sa TURISMO—bilyon-bilyong dolyares ang matutunaw dito.
Ikalawa, ay ang mismong PAGLAYAS mula mismo sa Japan ng JAPANESE COMPANIES para ilipat din sa ibang bansa.
Ikatlo, ang PAGLAYAS (siyempre) ng “foreign businesses” mula sa Japan—upang makaiwas sa “NUCLEAR FALLOUT o KONTAMINASYON ng radioactive.
Ikaapat, ang PAGHINA ng “domestic market” na tunay na PAGPAPAGUHO ng kanilang ekonomiya.
Kung tinataya sa halos $300 bilyon ang PINSALA—10 ibayo nito ang tunay na DANYOS—sa loob ng lima o hanggang 10 taon.
Tama, higit na masama ang epekto nito kompara sa pagpapasabog ng ATOMIC BOMB sa Hiroshima at Nagasaki na tumapos sa World War II.

------$$$---
ANG pagguho ng EKONOMIYA ng Japan, ay magpapaguho rin sa KAKAMBAL nitong EKONOMIYA—na United States—na puwedeng i-interpret na isang “secret representation” ng WORLD WAR III—sa punto ng ekonomiya at teknolohiya karibal ang CHINA!
Ibig sabihin, kung hindi GUMUHO nang tuluyan ang US economy sa nagdaang economic meltdown—sa pagbagsak ng EKONOMIYA ng Japan, walang duda—susunod na mala-DOMINONG GUGUHO ang ekonomiya ng US—sa ikalawang sunod na pagkakataon.
Ibig sabihin—dalawang WORLD ECONOMIC POWER—ang masasaksihan nating guguho sa panahon ng ating HENERASYON.
Tulad n gating binabanggit sa itaas, hindi kayo dapat MAGTAWA—sapagkat, unti-unti nating nararanasan ang mga IMPOSIBLE—at dahil diyan—hindi IMPOSIBLE ang tuluyang PAGBAGSAK ng DALAWANG TORE—sa DAIGDIG.
Kung magkagayon, batay na rin sa mga HULA o PREDIKSIYON sa BIBLIYA at mismo sa PREDIKSIYON ni NOSTRADAMUS---unti-unting MAUUPOS NA GUGUHO ANG DALAWANG MATAYOG NA “TORE”—na ang sinisimbulo ay ang PAGBAGSAK ng gobyerno ng UNITED STATES at JAPAN.

-----$$$---
SA aktuwal, ang mga SIMBOLO sa PREDIKSIYON ni NOSTRADAMUS at ng BANAL na KASULATAN—ay karaniwang REPRESENTASYON NG MGA “BANSA”—yan ang estillo ng INTERPRETASYON dito.
Magaganap sa ating henerasyon—ang mga HULA NI NOSTRADAMUS—batay sa INTERPRETASYON—hindi ng mga PAHAM sa nagdaang panahon, kundi ng MATATALINONG TAO sa “panahon ngayon”.
Laos , lipas na ang sistema ng interpretasyon sa hula ni Nostradamus gamit ang “matatalinong tao” sa nagdaang panahon, dapat nating i—INTERPRET ang mga “hula ni Nostradamus” sa pamamagitan ng “PANANAW at PAGA-ANALISA” ng mga “EKSPERTO NGAYON”.
Gayunman, hindi ito magaganap sa taong ito, bagkus unti-unti natin itong mao-OBSERBAHAN mula sa susunod na taon, hanggang sa susunod pang LIMA hanggang PITONG TAON.
Gupitin ninyo ang KOLUM na ito at itabi—iisa-isahin natin ang mga AKTUWAL NA INDICATORS na unti-unting magaganap na tayo mismo ang makakasaksi sa KAGANAPAN NG MGA HULA SA BIBLIYA at MISMO sa HULA NI NOSTRADAMUS—mababangkarote mismo ang US at…JAPAN, dalawang bansang “MALAYO ANG PUSO SA DIYOS”.
Tama o mali???
-----30---

No comments: