Thursday, November 17, 2011

Scientific fighter na si Pacquiao

GUSTO ko na rin sanang sumawsaw sa isyu ng DINEDMA na TRO ng Korte Suprema, pero kinukulit tayo ng mga texters na dagdagan pa raw ang paliwanag tungkol sa laban nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez sapagkat walang batayan ang ilang OPINYON na nagsasabi na natalo si Pacman dahil emosyon at espekulasyon lang ang sinasabi ng mga ito.
Pwes, para sa mga boxing aficionados, ating IANALISA ang aktuwal na laro.
Nais muna nating linawin ang ilang argument.
Una, isa tayo sa naniniwala sa sinabi ni Pacquiao at Bob Arum: Masyadong mataas ang espekulasyon mga aficionados sa performance ni Pacman.
Bunga kasi ito ng PROPAGANDA o “tradisyonnal” na PRESS RELEASE—ng bawat KAMPO na hinihingi ng “marketing strategy”—MAGHAMBOG na patutulugin ang kalaban.
Sanhi rin ito ng nauna na nating BINANGGIT na ipina-LLAMADO masyado ng “mafia” si Pacman—sa “personal na nilang taktika” sa PUSTAHAN.
Ikalawa, para sa mga nagte-text, NANINIWALAA din ang KOLUM na ito na MAHUSAY si Marquez at inaamin din yan mismo ni PACMAN—as most deserved opponent. Pero, bagaman inaamin ni Pacman na mahusay at nahirapan siya kay Marquez, HINDI ito NANGANGAHULUGAN na “natalo o FEELING” ni Pacman na natalo siya sa naturang laban. Kahit pa MAGANDA ang ipinakita ni Marquez, hindi ito sapat para SABIHING NAGWAGI siya sa naturang laban. Sa punto rin iyan, hindi NANGANGAHULUGAN na komo’t MALUNGKOT ang asawang si JINKEE o malungkot mismo si PACQUIAO—ay nangangahulugan ito na TALO siya sa laban. MALI ang ganyang interpretasyon. Kahit malungkot sila, PANALO pa rin si Pacman batay sa judges scores at computer scoring system—DAHIL DIKIT-NA-DIKIT ang laban.

------$$$---
KUNG mapapansin ninyo, taliwas sa ibang laban, AGAD na ikino-KOBER ni Pacquoiao ang DALAWANG BRASO at KAMAO sa kanyang mukha at sikmura—na katulad ng “ROPE-A-DOPE” na ginamit ni Muhammad Ali kay George Foreman “minus the rope”. Hindi gumamit si Pacman ng “lubid” habang nagko-kober o nagdedepensa sa COUNTER ng kalaban. Mas ANGKOP na sabihin na KINOPYA ni Pacman ang taktika ni JOSHUA CLOTTEY nang kanyang makalaban. Nang harapin ni Pacman si CLOTTEY—walang ginawa ang NEGRO kundi ang magkober ng mukha kahit nasa gitna ng LONA o kahit walang lubid na sinasandalan. Hindi napatulog ni Pacman si Clottey, pero tinalo niya ito sa DESISYON. Ibig sabihin, hindi nagamit ni PACQUAIO ang “pamatay na kaliwa” kasi’y nakakober si Clottey.
Sa laban kay Marquez, nag-KOBER din si Pacman o nagdepensa sa unang APAT NA ROUND, pero kapag nakakasingit, ay talagang NASASAPOL si Marquez—pero hindi IPINAPAKITA ng HBO television sa SLOW MOTION.
Sa mga interview, ilang minute matapos ang laban, INAMIN ni Pacquiao na ININGATAN o KWIDAW siya sa COUNTER ni Marquez dahil ito ay aminado siyang MATALIM at MATINDI. Dahil aminado ang kampo ni Pacman sa “epektibong COUNTER-PUNCHING STYLE” ni Maquez—kaya’t dumipensa na lamang ito.
Maaaring kasama sa ESTILO ito na “DEPENSA” ay ang paniniwalang dahil “38-anyos” na si Marquez—ay maaaring manghina ito sa pagsapit ng DULO—o later rounds, at sakaling maubos ng “hangin” ang Mexican—ay DOON reremate ang PINOY hero.
Ang problema, hindi nagbago ang RESISTENSIYA ni Marquez, pero MAPAPANSIN na sa “later rounds”—doon NAGBUHOS ng ATAKE si Pacman kaya’t nakopo nito ang mga HULING ROUNDS.
Ang “taktikang ito ng DEPENSA” imbes na OPENSA—ay siyang “ADVISABLE STRATEGY” sa mga DEFENDING CHAMPION—na siya ring ginagamit ni FLOYD MAYWEATHER.
Kung tutuusin, dapat PURIHIN si Pacman sapagkat, nagiging SCIENTIFIC siya at hindi na natatangay ng EMOSYON kompara nang “bago siya sumabak sa Las Vegas”.
Nawala na rin ang “yabang” niya sa GITNA NG LONA na tipong nambubuska, at RELIGIOUSLY o CONSCIOUSLY—na naka-KOBER na ang kanyang MUKHA at SIKMURA—halos katulad ng estilo ni MAYWEATHER.
Sa totoo lang, maaaring “tuneup” at “sinubok” ng kampo ni Pacman—ang naturang TAKTIKA na posibleng i-enhanced o PAGBUTIHIN nila sakaling makasagupa ni Mayweather sa susunod na taon.
Kung tayo ang magsusuri, hindi BUMABA ang performance ni PACMAN, bagkus ay naging “DEFENSIVE BOXER” siya—taliwas sa dati nitong ESTILO—na siyang “ pinaghandaan ng kampo ni Marquez”.
Kung hindi binago ni Pacquoiao ang kanyang “AGGRESSIVE STYLE”, malaki ang posibilidad na NAPATULOG siya ni Marquez.
Ang “pagiging AGRESIBO” ang hinahanap ng mga “PINOY”, pero ito ay isang KAHINAAN ng mga ordinaryong boxing aficionados.
Kahit sa larangan ng chess, ang isang DEFENSIVE PLAYER—pa rin ang pinaka-EPEKTIBO taktika.
At si Pacman—ay naghunos mula sa isang BARA-BARANG boksingero o AGRESIBONG BOKSINGERO—tungo sa isang mala-SIYENTIPIKONG TAKTIKA ng depensa sa ibabaw ng lona.
Ang CONTENDER—ang siyang DAPAT na maging AGRESIBO—at ang isang 8-division champion at 10-time world champion tulad ni PACMAN—ay dapat na DUMIDIPENSA lamang—at MAG-ANTAY ng “atake ng katunggali.

------$$$--
NANINIWALA tayo na EPEKTIBO ang ginawang TAKTIKA ni Pacman ---dahil siya ang KAMPEON.
At iyan mismo ang dapat niyang GAMITIN at paghusayin pa sakaling makaharap muli si Marquez o kahit si MAYWEATHER.
Pina-SAFE at pinaka-EPEKTIBONG taktika yan.
Taliwas ito sa GUSTO ng publiko---SUMUGOD NANG SUMUGOD si Pacman hanggang sa DUMUGO ang mukha.
Iyan ay isang MUNGKAHI ng mga “hindi marunong sa boksing” at mga SADISTANG aficionados”.

----$$$--
ISANG malaking BIYAYA ng Panginoon na “NAGWAGI” si Pacman—nang “hindi nagkabikong-bikong” ang mukha ng dalawang boksingero.
Isang malaking biyaya ng Panginoon na nanalo si Pacman, nang hindi “NA-COMATOSE” si Marquez.
Ikaw, gusto mo bang ang tinatalo ni Pacman ay “nadudurog ang mukha at naoospital?
Ang pagkadismaya ng BOXING AFFICIONADOS sa Pacquiao-Marquez bout ay ang PAGKAWALA ng maraming dugo sa lona—na isang SINAUNANG UTAK na “sabik na masaksihan” ang BARBARONG LARO NG BOKSING.
Sa moderninasyon at sa sibilisasyon, ang BOKSING ay patungo sa isang LARO—na dapat ay WALANG GAANONG NASASAKTAN—at yan ang resulta ng PANALO ni Pacman.
Isang BIYAYA ito ng Panginoon---walang gaanong nasaktan pero mayroong NAGWAGI.

------$$$--
TALIWAS sa paniniwala ng marami, ang MAHALAGA o IMPORTANTE sa boxing—ay ang MAGWAGI, imbes na MAMBUGBOG o PUMATAY ng katunggali.
Ang boxing—ay hindi GAMIT sa pagpatay o pananakit sa kapwa, kundi ito ay ISANG LARO—tungo sa pagkakaisa ng BUONG DAIGDIG sa pagbubuklod ng LAHAT NG LAHI-- sa ilalim ng KALULUWA ng PALAKASAN o sports.
Kumbaga, pagbubunsod ng “OLYMPISM”.
Kung hindi NABUGBOG si Marquez ni Pacman pero nagwagi ang Pinoy—aba’y hindi ba’t higit na MABUTI ito kaysa nagwagi si Pacquiao pero NAPATAY niya ang kalaban?
----30-------

No comments: