Thursday, November 17, 2011

EESKAPO BA SI CONG. GLO?

NAKAPOKUS naman ngayon ang isyu sa TRO ng Korte Suprema kaugnay ng nadiskaril na pagbiyahe sa labas ng bansa ng mag-asawang sina dating pangulo at ngayon ay Cong. Glo at ex-FG Mike.
Sa totoo lang, maraming PRECEDENT o katulad na isyu ang maaari nating suriin.
Hindi lang ngayon natin nasasaksihan ang isyu tungkol sa BIYAHE ng isang presidenteng “HINAHABOL NG KASO”—pabalik ng bansa o PALABAS ng bansa.
Halinang suriin natin upang maunawaan natin ang buong sitwasyon at ma-APPRECIATE natin nang punto-per-punto ang magkakasalungat na ARGUMENTO ng bawat panig.

-----$$$---
UNA, ang tunay na isyu—ay ang KASO laban sa isang PRESIDENTE.
Hindi lang ngayon nagkaroon ng ganyang ISYU—KASO LABAN SA PRESIDENTE ng Pilipinas.
Masasagot ditto kung “GAANO KASAMA” si Ate Glo kompara sa kaso ng IBANG PRESIDENTE.
Simulan natin mismo sa UNANG PANGULO ng bansa.
May sasama o AASKAD pa ba s a isyu ng PAGPATAY ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo sa mismong pundador ng KATIPUNAN at isang aktuwal na BAYANI na si Gat Andres Bonifacio?
Siguro naman ay walang KOKONTRA—na talagang si Aguinaldo ang nag-UTOS ng pagpatay kay Bonifacio—maraming EBIDENSIYA dyan.

------$$$---
TUNGKOL naman sa pagbiyahe sa abroad at pag-uwi pabalik ng bansa.
Tipikal na masasagot natin ang mga tanong kapag binalikan natin ang sitwasyon na kinasadlakan mismo ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos at mismo ni dating pangulong ERAP.
Sa gitna ng daan-daang kaso iniaakusa kay Marcos, hindi kailanman hinangad ng dating Pangulo na manatili sa HONOLULU, HAWAII.
Malinaw ang DATOS at EBIDENSIYA-- na ayaw ni Marcos na manatili sa US, bagkus GUSTO- GUSTO niya na magbalik sa tinubuang lupa.
Sa kabila na hindi na niya hawak ng poder, at katakot-takot na DAMBUHALANG KASO—na naka-AMBA, nagpupumilit pa rin si Marcos at ang kanyang PAMILYA na BUMALIK sa Maynila—UPANG HARAPIN ang kaso.
Pero, ano ang ginawa ng administrasyon ni Tita Cory?
Hindi siya pinabalik.
Umabot pa ang MASS PROTEST kung saan nabuo ang milyon-milyong Loyalist Group upang HILINGIN na PAYAGAN ang mga MARCOSES na pabalikin sa Maynila, pero tinanggihan mismo ng Malacanang.
Isang ebidensiya ito, na hindi komo’t MARAMING KASO o GRABE ang inaakusang kaso—ang isang ‘DATING PRESIDENTE” ay HINDI NA BABALIK sa bansa.

------$$$--
ISA pang malinaw na sitwasyon ay si dating PRESIDENTE ERAP.
Nakikiusap mismo ang ADMINISTRASYON ARROYO sa kampo ni ERAP na mag-ABROAD na lamang at WALA NANG KASO ISASAMPA, pero ano ang desisyon ni ERAP?
Naninindigan si Erap na HINDI SIYA MAGA-ABROAD—at HINDI niya TATAKASAN ang katakot-takot na KASO—hinarap niya ang kaso hanggang siya ay NABILANGGO at nahatulan.
Si Marcos at si Erap—ay iisa lang ang DESISYON—haharapin nila ang KASO na isinampa ng kanilang mga KAAWAY sa politika.
Ang pagkakaiba lang, NAGAWA ni Era pang kanyang gusto, pero BIGO si Marcos na harapin ang kaso sa loob ng Pilipinas.
Buhay pa si Erap at nakarekober, si Marcos ay MALUNGKOT NA BINAWIAN ng buhay sa TERITORYO ng mga dayuhan.
Mas grabe, hanggang ngayon—ang kanyang KALULUWA—ay hindi pa rin NATATAHIMIK—sapagkat NAKABUROL pa ang kanyang LABI sa refrigerated CRYPT.

------$$$---
DAPAT nating maunawaan ang sinasabi mismo sa KORTE tuwing may kasong “political”: VOX POPULI, VOX DEI.
Ang desisyon ng tao, ay desisyon ng Diyos!
Ang sinumang PANGULO ng isang bansa—kahit sa papaanong paraan siya NALUKLOK—ay KINASISIYAHAN NG DIYOS. (Alalahanin natin ang kaso nina Jacob at Esau sa Bibliya—yung “basbas” kahit dinaya—ay NANANATILING BASBAS, hangga’t hindi binabawi)
Dapat nating IGALANG o IRESPETO (bagaman may kaso) ang mga naging PANGULO—sapagkat sila ay nakahanay sa mga BAYANI—buhay man sila o HINDI.

-----$$$--
ANG ISANG BAYANI o isang PANGULO o dating PANGULO —ay walang ibang PANGARAP kundi ang : Mamuhay at YUMAO siya sa sariling teritoryo ng INANG BAYAN.
Bakit hindi TINANGGAP ni Erap ang ALOK na mag-abroad kapalit ng “WALANG KASONG ISASAMPA”?
Hindi tinanggap ni Erap ang naturang alok sapagkat—ang PAGLAYO sa TINUBUANG LUPA at PAMILYA’T KAIBIGAN—ay ISANG NAKATO-“TORTURE” PARUSA para sa isang tao.
Ang paga-ABROAD—ay hindi “biyaya” o ang PANINIRAHAN sa “teritoryo ng banyaga” ay hindi PARAISO, sapagkat ang HIGIT NA PARAISO—ay ang manirahan ka sa iyong INANG BAYAN—at ditto ka rin bawian ng buhay.
Sakaling tinanggap ni Estrada ang naturang ALOK—lalabas na PINARUSAHAN mismo ni ERAP ang kanyang SARILI—sa isang KASONG kanyang itinatanggi.
Sa kaso ni Marcos, PINARUSAHAN siya ng kasaysayan—sapagkat YUMAO siya sa teritoryo ng ibang bans.
Higit na MABUTI ang “kamatayan” ng kanyang KARIBAL na si Sen.Ninoy—YUMAO sa TERITORYO ng kanyang INANG BAYAN.

-----$$$--
NGAYON bilang dating pangulo ng bansa, kayo na ang humatol—BABALIK ba sa Pilipinas o MAGPAPAKAMATAY sa teritoryo ng mga dayuhan si Ate Glo?
Mahirap humusga, kayo na lang.

-----$$$---
KAPAG tumakas at hindi NAGBALIK si ATE GLO---hindi niya sinasadya o SINASADYA MAN: PARURUSAHAN o KUSANG PARURUSAHAN niya ang kanyang SARILI.
Bahala na sa kanya ang KASAYSAYAN at ang DAKILANG LUMIKHA.
Pwede ring sabihin, tinanggap niya na “siya ay may kasalanan” at “pinarusahan niya ang kanyang sarili”.

----30----

No comments: