MARAMING nagte-text sa inyong abang lingcod kaugnay ng reaction sa mga inilalabas natin ditto sa mga nagdaang araw, pero KAKAIBA ang bilang at NILALAMAN ng text kahapon kaugnay ng tema sa laban nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez.
Sa totoo lang, lingid sa kaalaman ng iba, tayo po ay nagsilbing SPORTS EDITOR sa napakahabang panahon bago naging news editor ng iba’t iba ring pahayagan.
Sinusubaybay natin ang lahat ng klase ng sports, pero nakapokus tayo sa BOXING—ang tunay na susi at pundasyon ng mga SPORT PAGES.
Sa pagtalakay natin kahapon, marami ang NAMULAT at nagpapasalamat dahil nalaman nila ang SITWASYON sa kontrobersiya kung saan idinarasal nilang makaabot ang nilalaman ng naturang artikulo sa kampo ni Pacman.
Direkta nating inaakusahan ditto ang HBO TELEVISION ng PANDARAYA kay Pacquiao at sa 93 milyong Pinoy.
Kasi’y BIASED ang COVERAGE ng HBO kung saan may MOTIBO itong “paglaruan ang KATINUAN” ng mga boxing aficionados hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong daigdig.
Hindi kasi makapaniwala ang mga KANO particular ang MEXICAN-AMERICAN na isang ASYANO o isang KAYUMANGGI ang bubura sa RECORD nina Muhammad Ali, Sonny Liston at Floyd Mayweather Jr.
Isang KLASE ito ng DISKRIMINASYON—kung saan “DADAYAIN” ang coverage upang PALABASIN na si Pacquiao ang NANDAYA imbes ang HBO kakutsaba ang MAFIA sa Las Vegas.
------$$$---
SA totoo lang, ang SITWASYON na kinasadlakan ni Manny Pacquiao ay hindi nalalayo sa Filipino Little Leaguers nang magkampeon ito sa 46th Little League World Series na ginanap sa South Williamsports, Pennsylvania, USA noong Agosto 22- 29, 1992.
Nang mga panahon iyon, tayo po ang SPORTS EDITOR ng tanging BROAD SHEET na nasusulat sa TAGALOG na “DIYARYO FILIPINO”—kung saan tanging TAYO lamang ang kaisa-isang FILIPINO JOURNALIST na sumaksi sa naturang WORLD SERIES—ang kauna-unahang pagkakataong INILAMPASO ng FILIPINO KIDS ang AMERICAN KIDS sa sarili nilang TERITORYO—sa SARILI nilang LARO o SARILI nilang “NATIONAL PASTIME” na BASEBALL.
Ang nag-cover ng event ay ang ABC Wideworld sports kung saan, ikinokober nila ang laro na ipinalalabas NANG LIVE sa buong USA at ilang bansa. Sa mga NAUNANG INNINGS, first, second ,third at fourth—kung saan NAGKAKAGITGITAN sa diamond—ay IPINAKIKITA pa nila sa TELEBISYON.
Pero, sa pagsapit ng FIFTH at SIXTH (final inning) kung saan GINUGUPAPA at INILALAMPASO ng mga Pinoy kids ang mga AMERICAN kids—ay BIGLANG nag-PACKED-UP at itinigil ang COVERAGE.
Ang VIDEO na naka-FILE sa YOU TUBE—ay makikitang hindi ISINAMA ang HULING DALAWANG INNINGS kung saan HINDI MATANGGAP ng US SPORTS MEDIA—na natatalo ang kanilang mga KABATAAN ng mga KAYUMANGGI mula sa Pilipinas.
Matapos talunin ng Filipino Little Leaguers ang Long Beach , California sa AKTUWAL na laro at sa DIAMOND (baseball ground), tinanghal na WORLD SERIES CHAMPION ang Pilipinas noong Agosto 29, 1992—at makaraan ang isang buwan, Setyembre, doon BINAWI ang korona—sa simpleng “teknikalidad sa districting rules “ (HINDI sa AGE eligibility tulad sa ikinalat ng mga MAKAPILI o TRAYDOR na Filipino press).
Nabawi ang KORONA ng Filipino Little Leaguers, dahil sa mga TRAYDOR na FILIPINO SPORTS writers.
At kakutsaba ditto ang “patriotikong US sports journalist” (na nagmamahala sa kanilang BANSA) kakutsaba ang mga Pinoy na WALANG PAGMAMAHAL sa KAPWA Filipino at walang pag-ibig sa Republika ng Pilipinas.
-----$$$---
NGAYON, kitang –kita natin sa iba’t ibang REAKSIYON sa MEDIA—na napakaraming MEDIA PERSONALITIES ang “IPINAHAHAMAK” ng kanilang OPINYON at “pagtatanong” kabilang ng ang kalabang ISTASYON ng GMA-7 na hanggang ngayon—ay NANGUNGUTYA at nang-iinsulto sa PANALO ni Pacman.
May nag-TEXT, kasing-KAPAL dawn g DOS-POR-DOS ang MUKHA ng mga KOMENTARISTA sa RADIO-TV station sa programang pang- umaga sa dahil sa PAGPAPASARING at PAGDUSTA sa pagkatao ni Pacquiao.
Ngayon pa lamang—ay dapat MATUTUTO si Pacquiao kung sino-sino ang kanyang KAKAUSAPIN at PAKIKISAMAHAN sa “PHILIPPINE MEDIA”.
Hindi lahat ng PUMUPURI sa kanya ay NAGMAMAHAL sa kanya.
Marami ditto ay nag-aantay na MADAPA siya upang siya ay DURAN at TALIKURAN.
Nakapangingilabot ang magiging SITWASYON ni Pacquiao—sakaling na-KNOCKED OUT siya ni Marquez—ang KAPWA PILIPINO niya ang YUYURAK sa kanyang pagkatao at KABIGUAN.
Buti na lang, si PACMAN ang NAGWAGI.
Kinasisiyahan siya ng Panginoong Lumikha, malinaw at aktuwal na natutulungan siya ng kanyang BANAL NA ROSARYO.
Iba pa rin talaga ang MARUNONG MAGDASAL..... marunong magmahal sa Inang Bayan.
No comments:
Post a Comment