Tuesday, January 24, 2012

SEN. MIRIAM NEEDS KING SOLOMON

EDITORIAL (Bulgar Newspaper, January 25 issue, 2012)


MARAMI ang natuwa nang dumalo si Sen. Miriam Defensor SANTIAGO sa impeachment proceedings.
At tulad ng inaasahan, sinermunan niya ang lahat.
Inamin ni Sen. Miriam na marami ang ignorante sa naturang pagdinig.
Kabilang sa walang muwang sa teknikal na proseso at aspekto ay ang ilang senador kasama rin ang depensa at prosekusyon.
Kung ignorante ang mga gumaganap sa impeachment trial, ano ang kauuwian nito?
Tulad ng nasasaksihan natin, walang binatnat, walang linaw at magulo ang proseso.
Magkakasalungat ang argumento at hindi matanggap ang kalakaran o proceedings.
Hindi malaman kung anong PATAKARAN, sistema o prinsipyo ng batas ang ipatutupad.
Sa ganitong kapalpakan at kamangmangan, Malabo maabot natin ang katotohanan.
Mananatili tayong nag-aaway sa isang problemang hindi nating alam at walang kaalam-alam.
Kailangan natin ang isang Haring Solomon.
Pero, paano natin siya makikita?
Ang problema, sakaling i-subpoena si Haring Solomon ng Impeachment Court, baka pati siya ay akusahan ng ILL-GOTTEN WEALTH at padaluhin din ang kanyang libo-libong asawa mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
---30----

No comments: