INAPRUBAHAN na sa Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na Cybercrime Prevention Act of 2012.
Hindi malinaw kung pabor si PNoy na pagtibayin ito upang maging ganap na batas.
Kinukuwestiyun ditto ay ang depinisyon kung ano ba talaga ang cybercrime na tinangka ng mga may akda na ipaliwanag nang espesipiko.
Kung paano magiging espesipiko ang particular na aktibidad sa cyber space ay mananatiling isang masalimuot na isyu.
Napakateknikal na isyu ito na dapat sinusuring mabuti at kinukunsulta sa mga eksperto sa siyensiya at maging sa moralidad at humanity.
Maaari kasing masapawan nito ang mismong “Freedom of Expression” kung saan ang kalayaan ng tao na ipadama at ihayag ang sarili ay mami-misterpret na paglabag sa Anti-Cybercrime Act.
Sa ngayon, dahil sa mga content writer sa mga blogs, twitter at iba pang social networking site ay nabago na rin ang depinisyon ng pagiging “journalist, writer at media personnel”.
Dahil sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya, hindi malayong malipasan agad ng uso ang naturang panukalang batas bago pa man ito malagdaang pangulo.
Hindi pa man ito nagiging batas, walang duda, NAPANIS na agad ang maseselang probisyon nito.
(EDITORIAL, , Bulgar daily newspaper, Feb. 01, 2012c issue, unedited/ cc.bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ cybertimes.blogdrive.com/ bistado.blogdrive.com)
No comments:
Post a Comment