BISTADO column ni Ka Ambo (Bulgar Newspaper, January 25 2012 issue, unedited)
NAALERTO na rin maging si Sen. Miriam DEFENSOR SANTIAGO kaugnay ng “teknikalidad at terminolohiya” sa impeachment proceedings.
Inamin ni Santiago na marami ang IGNORANTE kabilang ang ilang senador-judges, defense lawyers, congressmen-prosecutors at maging ang publiko.
Yan ay isang MALAKING PROBLEMA.
Dahil marami ang IGNORANTE, ginagamit na lang ang MEDIA sa PROPAGANDA.
Sa propaganda, tulad sa tipikal na ADVERTISEMENT, ginagamit ditto ang “PINAKAMAGAAN NA PROSESO” upang maibigay sa publiko ang ‘mensahe”.
Dahil ditto, ang PROPAGANDA—ang eepekto sa KAMALAYAN ng publiko kung saan maaaring MAILIHIS sa “mga press releases”.
Sa bandang huli, hindi PANINIWALAAN ang resulta at proseso sa IMPEACHMENT at MAS PANINIWALAAN ang PROPAGANDA sa media.
Ito ang dahilan kung BAKIT dapat na ipatupad ng IMPEACHMENT COURT—ang GAG ORDER—sa lahat ng PANIG.
Pinakamahalaga, ipagbawal ang PAID ADVERTISMENT na makaaapekto sa PROSESO ng paglilitis at eepekto rin sa “KAMALAYAN at KATINUAN ng publiko.
----$$$---
MALAKI ang tama ni Sen. Miriam na MARAMI ang IGNORANTE sa Impeachment Trial.
At maging ang mga EKSPERTO sa batas ay IGNORANTE din sa proseso at terminolohiya.
Dapat nating maunawaan at tanggapin na “hindi angkop” ang terminolohiyang JUDGES na ikinakapit sa mga senador as in “senator-judge”.
Mali rin ang terminolohiyang IMPEACHMENT COURT”, sapagkat, hindi “trabaho ng isang COURT ang ginagampanan ngayon sa IMPEACHMENT TRIAL bagkus ito ay isang JURY SYSTEM.
Sa totoo lang, dapat ay tanggapin muna ng lahat—KABILANG ang mga mahistrado, senador, kongresista, media , LEGAL EXPERTS—kasama ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na isang JURY SYSTEM an gating nasasaksihan.
Mahalagang MAUNAWAAN ito nang lahat—dahil may epekto ito sa DISKUSYON, ARGUMENTO, IMPRESYON, at DESISYON ng lahat.
Inuulit ko, hindi isang traditional court proceedings ang IMPEACHMENT TRIAL, bagkus ito ay isang JURY system
At dahil isa itong JURY system, hindi judges ang mga SENADOR—bagkus sila ay JURORS.
Iba ang “judge sa juror”—at kailangang maunawaan ito ng mga senador, kongresista, media, abogado at mismo ng LEGAL EXPERTS.
Tama si Sen.Miriam—ang LAHAT ay IGNORANTE.
Nakapagtatakang hindi rin binabanggit ni SEN. MIRIAM—na hindi “court proceedings” ito, bagkus ay isang “TIPIKAL NA JURY SYSTEM”.
Malinaw na maging si SEN.MIRIAM ay nalilito.
-----$$$--
KUNG tatanggapin natin na isang JURY SYSTEM ang itinatadhana ng KONSTITUSYON sa impeachment proceedings, ang magiging official term ditto ay IMPEACHMENT JURY imbes na “impeachment court”.
Ang mga senador—ay hindi SENATOR-JUDGE bagkus ay SENATOR-JUROR.
Ang posisyon ni Senate President Juan Ponce Enrile ay hindi PRESIDING JUDGE, kundi PRESIDING JUROR.
Kung isasa-FILIPINO natin, ito ay imbes na JUDGE o HUKOM---ang gagamitin natin ay HURADO o juror.
Kung igu-google ninyo, ang lalabas sa JURY ay ito: juries act as triers of fact, while judges act as triers of law.
Malinaw na limitado ang mga “senador-juror” sa pagsusuri sa EBIDENSIYA—kaya’t limitado sila sa pagtatanong at paglilinaw lamang sa ebidensiya na nakalantad”.
Bukod dito, ang terminong “judge” ay angkop lamang sa “legal expert”o dalubhasa sa batas”,
Dahil ang mga senador na awtomatikong huhusga batay sa ebidensiya, hindi ANGKOP na gamitiin ang terminong “judge”, pero angkop ang terminong JUROR o miyembro ng JURY.
Isang JURY ang “impeachment proceedings” sapagkat hindi lehitimong huwes ang lilitis, bagkus sila ay mga SENADOR.
Sakaling ang mga huhusga ay mga lehitimong huweso kahit bihasang abogado, ang tawag naman sa paglilitis—ay BENCH TRIAL.
Maliwanag ditto na hindi isang BENCH TRIAL—ang nagaganap sa impeachment proceedings, bagkus ito ay isang JURY.
-----$$$--
DALAWANG klase ang jury—yung tinatawag na ordinaryo o petit na dumirinig sa maliit na kaso ; at yung ikalawa ay GRAND JURY—na mas maraming miyembro ang panel—at mas MASELAN ang kaso o isyu na reresolbahin.
Sa aktuwal at ang totoo, ang impeachment proceedings ay isang GRAND JURY—at yan ay dapat matanggap nang lahat.
Sa totoo lang, mas SOSYAL ang “Impeachment GRAND JURY” kaysa sa simpleng tawag na “impeachment court”, di ba?
Masakit man tanggapin, tulad ng akusasyon at pagtaya ni Sen. Miriam—ang lahat ay IGNORANTE.
Walang masama na tanggapin ang pagiging IGNORAMUS, ang mahalaga, maitama natin ang MALI. At maibigay natin ang HUSTISYA.
Paano makakapagbigay ng hustisya---kung ang lahat ay IGNORAMUS at ayaw tanggapin ang kahinaan?
Sa bandang huli, mas may mapupulot na aral at mas makabuluhan ang dulang : “ANG PAGLILITIS KAY MANG SERAPIO”.
Sige, i-research ninyo yan at suriin.
No comments:
Post a Comment