Tuesday, January 31, 2012

PACQUIAO AS BIBLE AMBASSADOR

BINABALAK ng prosekusyon na BAWIIN o ibasura na lang ang tatlo hanggang apat sa WALONG Articles of Impeachment.
Pag-amin ito ng PAGKAKAMALI.
At kapalpakan.

-----$$$---
KAPANSIN-PANSIN ang sunod-sunod na PAGSALAKAY sa mga shabu laboratory at tiangge ng droga
Sintomas ito ng POWER PLAY sa liderato mismo ng ILLEGAL DRUGS.
Binuwenas ang mga AWTORIDAD na maaresto ang mga KALABAN pangkat.
He, he, he.

-----$$$--
UNANG araw na ng Pebrero.
Advance Happy Valentine’s Day po.

-----$$$---
NAKAHALATA si Sen. Miriam Defensor Santiago na PINAGLALARUAN siya ng MEDIA.
Pero ang sinisi niya ay ang kanyang mga KRITIKO.
Nangingise lang sa isang SULOK si TABAKO.

------$$$---
TUWANG- TUWA ang KOMEDYANTENG si Ogie Alcasid sa
”BABY’ nila ni Mareng Chona Velasquez.
He, he, he, SIGURADO ka ba na dapat kang matuwa.
Basta tayo isa lang ang masasabi natin.
ANAK talaga yun ni Chona.
Kung anak din yun ni BOY PICK UP, hindi ko alam.
Hindi naman ako ang OB GYNE nila eh.
He, he, he.

-----$$$---
KALIWA’T kanan ang pagkumpiska sa mga itinitindang KARNE na wala sa FREEZER.
Hindi kaya MERALCO ang may PAKANA niyan?
Para mapuwersang bumili ng freezer ang mga vendor at KUMONSUMO ng elektrisidad.

-----$$$---
NABAWASAN na daw ang BILANG ng mga NAGUGUTOM.
Isa lang ang ANGKOP na paliwanag ditto.
Kasi’y yung DATING NAGUGUTOM po ay NANGAMATAY na po.


-----$$$---
NABAWASAN na rin daw ang BILANG ng mga WALANG TRABAHO.
Iisa lang din ang TUMPAK na paliwanag ditto.
Kasi po yun mga dating ISTAMBAY ay may BAGO NANG TRABAHO.
Ang bagong TRABAHO nila ay MANG-HOLDAP po.

------$$$---
NABAWASAN na rin daw ang bilang ng mga NAMAMATAY na
BAGONG PANGANAK na sanggol.
Kasi po’y marami sa kanila ay MATAGAL nang nai-ABORT o NAILAGLAG na.
Ha! Ha! Ha!

-----$$$---
NAIS ng Simbahang Katoliko na gawing BIBLE AMBASSADOR ni 8-division champion Manny Pacquiao.
Imbes na HOLY ROSARY ang isasabit sa kanyang LEEG, ipapagamit na PENDANT ay ang BIBLE.
Imbes na yumuko sa korner at magdasal, magse-SERMON muna siya sa ibabaw ng RING bago sumabak.
Ang una niyang SERMON: Huwag Manakit ng kapwa tao!!
(BISTADO Column, Bulgar daily newspaper, Feb. 01, 2012c issue, unedited/ cc.bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ cybertimes.blogdrive.com/ bistado.blogdrive.com)
------30—

No comments: