Wednesday, January 25, 2012

SOLAR STORMS: END OF THE WAR

EDITORIAL (Bulgar newspaper, Jan. 26, 2012 issue, unedited)

NABABAHALA ang mga eksperto sa magiging epekto ng SOLAR STORM sa daigdig.
Kahapon , ibinabala ng mga scientist na dinaluhong ang earth ng hindi masukat na radiation mula sa Araw kung saan eepekto ito sa mga satellite na pinagmumula ng signal sa telekomunikasyon sa buong daigdig.
Tuwiran din eepekto ito sa elektrisidad at iba pang kagamitan sa daigdig bukod pa ang hindi masukat na epekto sa atmospera kung saan maaaring maging panganib sa kalusugan ng tao.
Ang bagong phenomenon na ito na maaaring makasira sa daigdig pero ang indikasyon ng pagkawasak ay maaaring hindi pa mapapansin sa kasalukuyan.
Nauna rito, muntik nang bumangga ang isang dambuhalang asteroid sa earth noong nakaraang taon na walang iniulat na pinsanla pero maaaring eepekto rin ito sa ibang panahon.
Sa ngayon, marami ang nangangamba na maaaring magkatotoo ang hula ng Mayan civilization na maaaring magunaw ang mundo sa Disyembre 21, 2012 na kinokontra ng mga modernong scientist.
Sa Pilipinas, balewala lang ang ganitong mga balita sapagkat abala ang lahat sa pagsubaybay sa telenobelang impeachment trial lumalamon ng kanilang atensiyon at nagpapalimot sa problemang kinatatakutan ng mga buong daigdig.

--30--

No comments: