BISTADO column (Bulgaer Newspaper, Jan 27, 2012 issue, unedited)
MARAMI tayong natutuhan kay Sen. Miriam Defensor Santiago kaugnay sa Impeachment Trial.
Binungangaan niya ang prosecution lawyer na si Arthur Lim.
“Please don’t treat me as a mere observer. I am a judge in this proceeding! In any trial court, … you should not speak, you should not take any behavior at all unless with the consent of the presiding judge. Don’t drown me out by screaming in this courtroom! Only I can scream here and my fellow judges!”
Ano ang ibig sabihin nito?
Malinaw na tinukoy ni Sen. Miriam na siya ay JUDGE at gayundin, JUDGES ang iba pang senador.
HARI at REYNA sila sa sala ng paglilitis!
Sa ganitong postura, isang BENCH TRIAL ang nasasaksihan natin kasi’y UMAASTANG BIHASA at may SAPAT na AUTHORITY at EXPERTISE ang miyembro ng PANEL.
Ang problema, hindi lahat ng miyembro ng PANEL of judges—ay kasimbihasa ni Sen.Miriam o abogado o lehitimong huwes—na hindi “angkop” umupo o humusga sa isang totohanang BENCH TRIAL.
Lalo namang imposibleng isang klase ng MILITARY JUNTA—ang impeachment body.
Marami sa mga SENADOR ay hindi ABOGADO kung saan naaangkop naman sila sa deliberasyon ng isang GRAND JURY.
Malinaw ngayon na ang IMPEACHMENT trial na binubuo ng mga SENADOR—ay hindi isang “GANAP NA BENCH TRIAL” at hindi rin isang ‘GRAND JURY”, bagkus ito ay isang HYBRID COURT.
Tulad na kini-CLAIM ng mga senador, ito ay KAKAIBANG HUKUMAN—na itinatadhana ng Konstitusyon.
Ano ngayon ang tawag diyan?
Pinaka-angkop ay HALF COURT- HALF JURY.
Kumbaga, meztiso.
Kumbaga, isang sirena--kalahati ay isda, kalahati ay tao.
Kumbaga sa tikbalang-- kalahati ay kabayo, kalahati ay tao.
Pero kapag nagka-LETSE-LETSE ang paglilitis, ano ang kauuwian nito?
Simple lang, siyempre, iyan ay tatawaging KANGAROO COURT!!!
------$$$---
NAUNANG ibinalita kahapon na NAMATAY na sanhi ng sakit sa LIVER si Negros Occidental Rep. Iggy Arroyo sa London.
Pero, ilang minuto matapos ito, biglang BINAWI ang mga ulat at sinabing “BRAIN DEAD” lang ang kongresista.
Sa ngayon, hindi ngayon malaman ng mga Pinoy kung alin ang totoo : PATAY ba o buhay si Jose Pidal?
Hindi yan nalalayo sa kanyang “lagdang Jose Pidal”--- totoo bang kanya ang signature o hindi”?
-----$$$--
SAKALING tuluyang bawian ng buhay si Rep. Iggy, marami pa rin ang magdududa sa kanyang LABI.
Marami ang magmumungkahi na ipasuri ito sa “awtorisadong ahensiya ng gobyerno”
Pumayag naman kaya ang kanyang pamilya?
Kasi’y ngayon pa lamang ay marami ang NAGDUDUDA lalo pa’t binawi at binago ang mga naunang ulat.
Yan ay isang PANIBAGONG kontrobersiya na mahirap magbigay ng KOMENTO.
----$$$--
KAHIT ang pagpapatiwakal ni dating AFP Chief Angelo Reyes ay pinagdududahan.
Hanggang ngayon, marami ang hindi makapaniwala na magpapatiwakal ang isang BRUSKO at dating heneral ng mga heneral.
May mga tsismis pa rin na “may nakikitang KAHAWIG’ ni Sec. Reyes na naglalamyerda sa ibang bansa.
Nais kasing palabasin ng mga KRITIKO at kaaway ni Reyes na “pineke” lang nito ang kanyang “KAMATAYAN’ para MAKALUSOT sa patong patong kaso na isasampa ng administrasyong PNoy.
----$$$--
ANG ulat na namatay pero “brain dead” lang pala si Rep.Iggy ay panibagong INTRIGA.
Kasi’y may lumulutang na ulat na kakasuhan din siya lalo pa’t may lumutang na TESTIGO na hindi TOTOONG siya si Jose Pidal at dinaya lang ang “PNP Laboratory report’ na TUNAY ang kanyang SIGNATURE na “Jose Pidal”.
Nakakalungkot isipin na “hindi na matatahimik” pa si Rep. Iggy, buhay man siya o hindi.
Hanggang sa London, minumulto siya ng “kanyang LAGDA”.
------30—
No comments:
Post a Comment