EDITORIAL (Bulgar newspaper, Jan. 27, 2012 issue, unedited)
KINUMPIRMA ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na may nagaganap na pormal na usapan ang mga kinatawan ng United States at kinakatawan ng gobyerno ng Pilipinas.
Kaugnay ito ng pagpapalakas ng puwersang military ng US sa bansa bilang sagot na lumalakas na puwersang military ng China.
Ang problema, bago nagkumpirma si Gazmin, nauna nang inilabas ng international press ang naturang ulat na nagsasabing matatapos ang pormal na usapan bukas , Enero 28 o sa makalawa, Enero 29.
Hindi ibinunyag ni Gazmin kung sino ang kumatawan sa Pilipinas pero ito ay maaaring may kaugnayan sa sunod-sunod na pagdalaw sa Maynila ng matataas na ayudante ni US President Barrack Obama kabilang si US Secretary of state Hillary Clinton at ilang US senator.
Lumilitaw ditto na ang gobyerno ng Pilipinas ay nakakiling sa US imbes na nasa GITNA o NEUTRAL sa away ng US at China.
Maaari ito rin ang binabanggit ni PNoy na marami siyang HIGIT NA IMPORTANTENG inaasikaso kaya’t hindi niya mahaharap ang isyu ng pamamakyaw ng DVD ng kanyang political adviser.
Sa totoo lang, isang national security concerns ang US- PHL representatives meeting na ito at dapat ay ILANTAD nila sa publiko kung ano ang naging KASUNDUAN.
Ang paglilihim sa detalye ng “pulong” na ito ay isang KLASE ng paglabag sa Konstitusyon.
Dapat ay hindi SOLOHIN ng Malacanang ang desisyon sa PAGPANIG sa US kontra sa CHINA.
Nakataya ditto ang SEGURIDAD ng bansa kaya’t dapat na KONSULTAHIN ang NATIONAL SECURITY COUNCIL o ang mismong SENADO para sa ikalilinaw ng lahat.
----30---
No comments:
Post a Comment