Wednesday, January 25, 2012

IMPEACHMENT: A NEW ANIMAL

BISTADO Column ni Ka Ambo (Bulgar newspaper, jan. 26, 2012 issue, unedited)


MARAMI ang pumupuri sa maayos na pangangasiwa ni Senate President Juan Ponce Enrile sa Impeachment Trial.
Pero, kahit ano ang gawin niyang PAGSISIKAP at pagtitiyaga, hindi maiwasan ang MARAMING KATANUNGAN at masalimuot na sitwasyon.
Ito ang dahilan kung bakit natin iminumungkahi na LINAWIN muna ng mga senador, kongresista, abogado at mismo ng respondent na si CJ Renato Corona kung ANONG KLASE ng “HUKUMAN” ang lumilitis sa kanya.
Nasa ikaanim na araw na ang PAGLILITIS, pero hindi inuusisa o PORMAL na tinatanong ng CHIEF DEFENSE LAWYER—kung ano ang “klase ng paglilitis”.
Sila ba ay nasa TIPIKAL na hukuman—tulad sa Korte Suprema, Trial Court, Graft Court o iba pang hukuman.
Ito ba ay isang criminal court, administrative court, civilian court o MILITARY JUNTA?
Karaniwan sa mga iyan ay HINAHATULAN ng “nagsosolong JUDGE”, pero sa kaso ng KORTE SUPREMA o military JUNTA, maraming bihasang “JUDGE’—ang maghuhusga sa akusado.
Pero ang lahat na yan—ay EKSPERTO sa batas na tipikal na isang BENCH TRIAL.
Pero, ang IMPEACHMENT TRIAL—ay huhusgahan hindi ng NAGSOSOLONG JUDGE, bagkus ay “kalipunan ng mga JUROR” na ang tawag sa kanilang mga “sarili ay JUDGE”.
Walang masama kung nais ng mga senador na “gamitin ang titulong” JUDGE—pero dapat nilang TUKUYIN---kung isa bang JURY SYSTEM—ang umiiral o tipikal na hukuman?
Mahalagang makilala muna ng mga “HURADO o HUWES” , mga abogado ng depensa at prosekyutor kung “ANONG KLASE” hukuman sila naglilitis.
Kumbaga, ano bang klase ng “hayop” ang Impeachment Body?
Hangga’t hindi ito MALINAW, hindi maiaayos ni PRESIDING JUROR Enrile ang pagdinig.

-----$$$--
SA science laboratory o ang mga doctor, bago magbigay ng diagnosis, kailangan munang malaman kung ANONG KLASE ng HAYOP—ang specimen?
Ito bas ay mammal? Ito ba ay insekto? Ito ba ay isda?
Kapag natukoy, doon lamang lilinaw ang mga HAKBANG na gagawin ng scientist o doctor.
Sa laboratoryo, kailangang matukoy kung anong klase ng BACTERIA—streptococcus ba? Baccilus ba”?
Kapag natukoy ang bacteria, malalaman na kung ano ang LUNAS.
Ganyan din sa Impeachment Trial, anong klase bay an ng PAGLILITIS—criminal, civil, administrative?
Ang mga magsasaka bago magtanim ay nagsusuri rin, ang binhi ba ay galling sa malaking buto, galling sa gabutil na buto o simpleng pagputol ng sanga ay tutubo na ang halaman.
Kapag malaki ang buto, direkta na itong ibabaon sa lupa; kapag butyl, kailangan itong ipunla bago i-transplant; at kung sanga, simpleng puputol lang ng sanga at ibabaon na ito agad.
Madalas ding magkamali ang magsasaka, sapagkat ang KAWAYAN (bamboo) ay napagkakamalan nilang isang PUNO (tree), pero ang totoo , ito ay isang DAMO (grass).
Kapag nagkamali ng “sapantaha” o pagkilala, MAGKAKAMALI na ang sistema sa pagtanim---at magkakaletse-letse ang bukirin.
Ganyan mismo ang IMPEACHMENT TRIAL, walang MALINAW kung anong KLASE ito ng HUKUMAN o anong klase ng PAGLILITIS ang gagawin.
Ipinagdidiinan ni Enrile at ng iba pa na “KAKAIBANG HUKUMAN” ang Impeachment Trial, kaya’t MALAYA siya ng MAGTAKDA ng “rulings at procedure”.
Lalong mali po ang paniniwalang iyan—sapagkat, walang magiging BATAYAN o SANDALAN o modelo sa paglilitis.
Kailangan muna nilang SURIIN ito—at kapag natukoy nila na ito ay isang GRAND JURY —doon lang nila MAIAAYOS ang pagdinig.

-----$$$--
MAGING si Sen. Lito Lapid at iba pang senador na hindi ABOGADO ay naaalangan na SUMALI, sapagkat ikinondisyon sila na iminodelo sa isang “LEHITIMONG COURT” ang Impeachment Trial, pero kung matutukoy na ito ay KONSEPTO ng isang GRAND JURY—lalakas ang loob ni Lapid at iba pang SENADOR—na sumali sa deliberasyon, dahil magkakaroon sila ng MODELO sa ibang bansa.
Malaya rin sila na MAGSALIKSIK kung ano ang estilo ng ibang bansa sa GANITONG KONSEPTO
Sa ngayon, “TANGING SI ENRILE” lang ang HARI—at tipong NAKAKAALAM at basehan ng SISTEMA.
Delikado ito, masama ang epekto nito sa kabuuan ng PAGLILITIS—at maging kay ENRILE mismo.
Pasan-pasan kasi niya ang “mundo” ng impeachment” kasi’y ang paniniwala nila ito ay isang “UNIQUE ANIMAL”, isang KAKAIBANG HAYOP—na isang KAMALIAN.
Ang AUTHOR o ang nag-DRAFT ng PROBISYON sa Konstitusyon—ay tiyak na may MODELO o kinopyahan---at siyang dapat saliksikin upang ITO ang ipatupad.
At sa pagsusuri, matutuklasan natin na ito ay isang GRAND JURY kaysa isang “SUPER HIGH COURT” gaya paglalarawan ni Sen. Miriam Defensor Santiago.

----$$$--
KUNG mas matataas ang IMPEACHMENT COURT---kaysa sa KORTE SUPREMA, hindi na “SUPREME COURT” ito, ay labag na sa LOHIKA.
Nananatiling pantay ang Supreme Court at Kongreso—at MAS MATAAS ang ANTAS ng “Impeachment Trial body” kaysa sa Supreme Court—sapagkat ito ay isang GRAND JURY.
Magkaiba ang SUPREME “COURT” at GRAND JURY—kaya’t walang CONFLICT sa punto ng batas at LOHIKA.
Kapag ipinilit ni Sen. Miriam at mga senador na “SUPER- HIGH COURT” ang “IMPEACHMENT TRIAL BODY”—“ new animal sa law dictionary” ang kanilang NADISKUBRE, pagtatawanan ang Pilipinas ng buong daigdig.
Pero kapag tinanggap ng lahat na isang GRAND JURY—ang impeachment body”, maraming LAW MATERIAL at GABAY na magagamit ang mismong mga SENADOR—at kongresista.
Mas bibilis ang PAGDINIG—mas malinaw at mas KATANGGAP- TANGGAP.

-----$$$--
MAHALAGANG masuri o matukoy ang “HIGH COURT” na Impeachment body o kung ito ay isang GRAND JURY.
Kapag natukoy ito, maitatakda na kung anong KLASE ng PROOF OF EVIDENCE ang ipatutupad.
Ito ba ang “Proof beyond reasonable doubt:”?
Ito ba ay “Clear and Convincing proof”?
Ito ba ay Preponderance of evidence”?
O ito ay simpleng “Substancial evidence”?
Magkaiba ang “pagtimbang ng ebidensiya” sa isang TRADITIONAL “HIGH COURT” at iba rin kung ito ay isang “GRAND JURY”.
Kailangang maresolba ito bago umusad nang todo ang pagdinig para sa IKAAAYOS ng lahat.

---30---

No comments: