Thursday, October 28, 2010
Procreation ba ang kasal?
O, eh, bakit hindi siya nag-ASAWA agad?
Tapos, sisihin niya yung iba nuhh.
He, he, he.
-----$$$---
NANG magpakasal ako sa edad 43 anyos ay tinangka kong kunin si Fr. Robert Reyes na mag-officiate sa aming wedding rites.
Tinanong niya ako nang may pagdududa: “Ilan taon nab a ang mapapangasawa mo?”
Sabi ko ay 41 years old.(Sakaling 18-years old yung aking fiancee, baka nalunok niya yung kutsara!)
Natigil siya sa “pagsubo”, fiesta kasi noon ng Birheng La Naval na patron ditto sa Sto Domingo Church sa tapat ng aming opisina.
Nang bumukas ang bibig ay hindi oo ang isinagot niya kundi isa ring TANONG:
“Alam mo ba na ang pag-aasawa ay PROCREATION?”.
Malalim ang kanyang sinabi, pero mabilis din ang aking picked up at naunawaan ko agad ang kanyang PAHIWATIG.
Ako mismo ang news editor noon at siyempre, lagi akong nagbabasa ng kung ANO ang dapat basahin sapagkat kailangan yun sa page-EDIT ng mga balita.
Hindi ako agad nakasagot, pero ibinaba ko muna ang kutsara at inantay ko siyang makanguya:
“Father, alam ko po,” ang sagot ko.
“Pero, ako po ay magpapakasal, kasi’y gusto kong magkaroon ng kapartner sa buhay. Sakaling hindi kami magkaanak, talaga pong ganun, nakahanda naman kami.”
Nakikinig lang si Father.
“At kung sakaling magkaanak kami, hindi ba’t isang TUNAY NA BIYAYA ito ng Panginoon, Father? At yan po ang sinasabing REGALO NG DIYOS ang isang supling!”.
Tumugon si Father at sinabi: “O, sige, punta ka sa parokya ko next week, titingnan natin ang iskedyul ko sa Hunyo 12.
----$$$--
NAGPASALAMAT ako kay Father Reyes.
Pero, sa totoo lang, hindi ako nagpunta sa kanyang parokya para magpaiskedyul.
Magkaiba kasi kami ng PANINIWALA kung ano ang KAHULUGAN NG KASAL.
Sa kanya, ang kasal ay kailangang mag-ambag ka sa “creation” o pagpapaunlad ng “human specie”.
Para sa akin, ang kasal ay para sa MAKAKASAMA mo sa habambuhay.
Kayo, ano ang pakahulugan ninyo sa kasal?
Mahalaga ang isyung ito ngayon kaugnay ng kontrobersiyal na DIVORCE BILL at REPRODUCTIVE HEALTH BILL.
-----$$$---
ITUTULOY ko ang kuwento.
Hindi na ako nagpunta kay Father Robert at nagpakasal kami ng misis ko sa San Agustin Church sa Intramuros noong Hunyo 12, 2003 kung saan ay nag-officiate ay ang mismong “head priest” sa naturang simbahan.
Sa oras ng kasal, “dinatnan” ang misis ko at namantsahan ang kanyang PUTTING-PUTTING TRAHE-DE-BODA.
Napansin ng isang ninang ko at bumulong sa akin: “Malas mo naman!”.
Bumulong din ako: “Ooops! Ninang, baliktad, buwenas nga eh, kasi’y malinaw na simbolo yan ng buhay”.
Maniwala kayo at sa hindi, matapos ang “honeymoon” sa Banawe Rice Terraces, hindi na “dinatnan” ang misis ko matapos ang “mantsa” sa araw ng kasal.
Nang ma-delay nang “one-week”, ninenerbiyos ako.
Nang ma-delay nang two-weeks, excited na ako…hanggang ipa-pregnancy test at ipa-ultrasound —POSITIVE!!!
Niregaluhan kami ni LORD ng isang LANTAY NA GINTO!!
----$$$---
NGAYON, 55 kilograms na ang regalong ito na isa nang 6-year-old GRADE ONE pupil at tatanggap siya ng GOLD MEDAL sa “MATH SUBJECT” sa KUMON Philippines sa idaraos na ADVANCE STUDENT HONOR ROLL awarding sa Manila Hotel sa Maynila sa Nobyembre 13.
Ang gold medal sa Kumon ay iginagawad: “in recognition for completing Kumon lessons that are THREE (3) years ahead of what they are studying in traditional school”.
Pero sa aktuwal, dahil ANIM NA TAON lang siya (7-years old dapat ang Grade One) —bale, FOUR (4) YEARS AHEAD siya sa normal school level!!
Jesus Rainier, isa kang tunay na biyaya ng Panginoon!!
Sa mga naiiwanan sa biyahe, hindi pa huli ang lahat para sa REGALO ni Lord!!!!
Eka nga ni Father Robert, mag-ambag kayo sa HUMAN SPECIE—at WALANG IMPOSIBLE!!!
----30---
Comelec-NPO: Asyong aksaya sa balota
Hiniling nito na magsagawa ang Comelec ng sarili nilang imbestigasyon at sakaling may mapatunayang nagkasala, dapat itong parusahan.
May kaugnayan ito sa nabalam na pagde-deliver ng mga balota at mismo rin sa naaksayang 300 reams ng papel kung saan nagdagdag pa ng P14.5 milyon ang Comelec bunga ng SPOILAGE na umabot sa FIVE (5) percent gayun ang pinahihintulutan lang ng batas ay one (1) o hanggang two (2) percent spoilage.
Malinaw na pag-aaksaya ng government resources ang ginawa ng National Printing Office (NPO) na pinamumunuan ni dating Col. Manuel Andaya.
Labag ito sa Code of Conduct and Ethical Standards para sa mga opisyal at miyembro ng gobyerno.
Sino ba ang dapat pumasan sa sobra-sobrang SPOILAGE, ang gobyerno ba o ang “printer”?
Nang dumami kasi ang “nasirang papel”, kinunsinte ng Comelec ang additional request na P14.5 milyong pondo gayun lampas ito sa “two percent only” spoilage rate.
Inaakusahan ng Comelec si Andaya ng “incompetence” pero dapat ay ipormal nila ang reklamo at kasuhan ito sa Ombudsman upang lumitaw ang katotohanan sa likod ng “sabotahe”.
Naniniwala si Pimentel na responsible si Andaya sa prinsipyo ng “command responsibility” bilang acting head ng NPO.
Lingid din sa kaalaman ng publiko, ipina-jobbed out o ipinatrabaho sa pribadong printing company na “Holy Family Printing” ang pagi-imprenta sa balota gayung wala itong SAPAT NA KARANASAN O TRACK RECORD SA BALLOT PRINTING.
Iyan ang dapat imbestigahan ng Comelec at maging ng Kongreso.
Pero, bago ito, dapat nang magbitiw si Andaya at sakaling ubod-nang-lakas niya sa TUWID NA DAAN ni PNoy—dapat ay ilipat na lamang siya sa puwesto na ANGKOP sa kanyang kakayahan o KUWALIPIKASYON.
Dapat bigyan ng pagkakataon din si Andaya na magpaliwanag at sakaling hindi niya ito magawa, aba’y dapat siyang hatulan sa kasong paglalakad nang PABALUKTOT sa tuwid na daan!!
------30--
Hiniling nito na magsagawa ang Comelec ng sarili nilang imbestigasyon at sakaling may mapatunayang nagkasala, dapat itong parusahan.
May kaugnayan ito sa nabalam na pagde-deliver ng mga balota at mismo rin sa naaksayang 300 reams ng papel kung saan nagdagdag pa ng P14.5 milyon ang Comelec bunga ng SPOILAGE na umabot sa FIVE (5) percent gayun ang pinahihintulutan lang ng batas ay one (1) o hanggang two (2) percent spoilage.
Malinaw na pag-aaksaya ng government resources ang ginawa ng National Printing Office (NPO) na pinamumunuan ni dating Col. Manuel Andaya.
Labag ito sa Code of Conduct and Ethical Standards para sa mga opisyal at miyembro ng gobyerno.
Sino ba ang dapat pumasan sa sobra-sobrang SPOILAGE, ang gobyerno ba o ang “printer”?
Nang dumami kasi ang “nasirang papel”, kinunsinte ng Comelec ang additional request na P14.5 milyong pondo gayun lampas ito sa “two percent only” spoilage rate.
Inaakusahan ng Comelec si Andaya ng “incompetence” pero dapat ay ipormal nila ang reklamo at kasuhan ito sa Ombudsman upang lumitaw ang katotohanan sa likod ng “sabotahe”.
Naniniwala si Pimentel na responsible si Andaya sa prinsipyo ng “command responsibility” bilang acting head ng NPO.
Lingid din sa kaalaman ng publiko, ipina-jobbed out o ipinatrabaho sa pribadong printing company na “Holy Family Printing” ang pagi-imprenta sa balota gayung wala itong SAPAT NA KARANASAN O TRACK RECORD SA BALLOT PRINTING.
Iyan ang dapat imbestigahan ng Comelec at maging ng Kongreso.
Pero, bago ito, dapat nang magbitiw si Andaya at sakaling ubod-nang-lakas niya sa TUWID NA DAAN ni PNoy—dapat ay ilipat na lamang siya sa puwesto na ANGKOP sa kanyang kakayahan o KUWALIPIKASYON.
Dapat bigyan ng pagkakataon din si Andaya na magpaliwanag at sakaling hindi niya ito magawa, aba’y dapat siyang hatulan sa kasong paglalakad nang PABALUKTOT sa tuwid na daan!!
------30--
Kumon Philippines, Gold ni Rainier
O, eh, bakit hindi siya nag-ASAWA agad?
Tapos, sisihin niya yung iba nuhh.
He, he, he.
-----$$$---
NANG magpakasal ako sa edad 43 anyos ay tinangka kong kunin si Fr. Robert Reyes na mag-officiate sa aming wedding rites.
Tinanong niya ako nang may pagdududa: “Ilan taon nab a ang mapapangasawa mo?”
Sabi ko ay 41 years old.(Sakaling 18-years old yung aking fiancee, baka nalunok niya yung kutsara!)
Natigil siya sa “pagsubo”, fiesta kasi noon ng Birheng La Naval na patron ditto sa Sto Domingo Church sa tapat ng aming opisina.
Nang bumukas ang bibig ay hindi oo ang isinagot niya kundi isa ring TANONG:
“Alam mo ba na ang pag-aasawa ay PROCREATION?”.
Malalim ang kanyang sinabi, pero mabilis din ang aking picked up at naunawaan ko agad ang kanyang PAHIWATIG.
Ako mismo ang news editor noon at siyempre, lagi akong nagbabasa ng kung ANO ang dapat basahin sapagkat kailangan yun sa page-EDIT ng mga balita.
Hindi ako agad nakasagot, pero ibinaba ko muna ang kutsara at inantay ko siyang makanguya:
“Father, alam ko po,” ang sagot ko.
“Pero, ako po ay magpapakasal, kasi’y gusto kong magkaroon ng kapartner sa buhay. Sakaling hindi kami magkaanak, talaga pong ganun, nakahanda naman kami.”
Nakikinig lang si Father.
“At kung sakaling magkaanak kami, hindi ba’t isang TUNAY NA BIYAYA ito ng Panginoon, Father? At yan po ang sinasabing REGALO NG DIYOS ang isang supling!”.
Tumugon si Father at sinabi: “O, sige, punta ka sa parokya ko next week, titingnan natin ang iskedyul ko sa Hunyo 12.
----$$$--
NAGPASALAMAT ako kay Father Reyes.
Pero, sa totoo lang, hindi ako nagpunta sa kanyang parokya para magpaiskedyul.
Magkaiba kasi kami ng PANINIWALA kung ano ang KAHULUGAN NG KASAL.
Sa kanya, ang kasal ay kailangang mag-ambag ka sa “creation” o pagpapaunlad ng “human specie”.
Para sa akin, ang kasal ay para sa MAKAKASAMA mo sa habambuhay.
Kayo, ano ang pakahulugan ninyo sa kasal?
Mahalaga ang isyung ito ngayon kaugnay ng kontrobersiyal na DIVORCE BILL at REPRODUCTIVE HEALTH BILL.
-----$$$---
ITUTULOY ko ang kuwento.
Hindi na ako nagpunta kay Father Robert at nagpakasal kami ng misis ko sa San Agustin Church sa Intramuros noong Hunyo 12, 2003 kung saan ay nag-officiate ay ang mismong “head priest” sa naturang simbahan.
Sa oras ng kasal, “dinatnan” ang misis ko at namantsahan ang kanyang PUTTING-PUTTING TRAHE-DE-BODA.
Napansin ng isang ninang ko at bumulong sa akin: “Malas mo naman!”.
Bumulong din ako: “Ooops! Ninang, baliktad, buwenas nga eh, kasi’y malinaw na simbolo yan ng buhay”.
Maniwala kayo at sa hindi, matapos ang “honeymoon” sa Banawe Rice Terraces, hindi na “dinatnan” ang misis ko matapos ang “mantsa” sa araw ng kasal.
Nang ma-delay nang “one-week”, ninenerbiyos ako.
Nang ma-delay nang two-weeks, excited na ako…hanggang ipa-pregnancy test at ipa-ultrasound —POSITIVE!!!
Niregaluhan kami ni LORD ng isang LANTAY NA GINTO!!
----$$$---
NGAYON, 55 kilograms na ang regalong ito na isa nang 6-year-old GRADE ONE pupil at tatanggap siya ng GOLD MEDAL sa “MATH SUBJECT” sa KUMON Philippines sa idaraos na ADVANCE STUDENT HONOR ROLL awarding sa Manila Hotel sa Maynila sa Nobyembre 13.
Ang gold medal sa Kumon ay iginagawad: “in recognition for completing Kumon lessons that are THREE (3) years ahead of what they are studying in traditional school”.
Pero sa aktuwal, dahil ANIM NA TAON lang siya (7-years old dapat ang Grade One) —bale, FOUR (4) YEARS AHEAD siya sa normal school level!!
Jesus Rainier, isa kang tunay na biyaya ng Panginoon!!
Sa mga naiiwanan sa biyahe, hindi pa huli ang lahat para sa REGALO ni Lord!!!!
Eka nga ni Father Robert, mag-ambag kayo sa HUMAN SPECIE—at WALANG IMPOSIBLE!!!
----30---
Sunday, August 15, 2010
Mystic number "sex"
PALAGI na lamang akong bigo sa pag-ibig. Hindi na kaya matatapos ang paghihirap ko? Isa akong salesclerk sa isang mall at maliit lang ang suweldo ko. Nakakaapat na ako ng BF pero hindi sila nagtatagal, maputi ang kutis ko at seksi ako kompara sa ibang kaedad ko. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Ipinanganak ako noong Agosto 6, 1991. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng mahihiwagang numero at kulay na bumabalot sa aking buhay. Bigyan mo rin ako ng numero sa suertres at lotto.
LILIBETH NG DAVAO CITY
Dear Lilibeth,
NUMBER six (6) at seven (7) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Venus at Neptune ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Kulay maroon at berde ang buwenas mo. Alipin ka ng emosyon kaya’t nabibigo ka—nabubulag ka ng damdamin kaya’t hindi mo mahahalata kung niloloko o inaagrabiyado ka ng iyong mga karelasyon. Madali ka rin mapaniwala kaya’t karaniwang biktima ka ng mga swindlers. Maging matalino sa pagdedesisyon at matuto ka sa mga pagkakamali.Pero makakarekober ka at mahihigop mo ang buwenas at magandang kapalaran kung magiging aktibo ka sa mga religious activities. Maglagay ka ng religious items sa iyong bulsa tulad ng munting rebulto ng santo, rosaryo o kahit na maliit na bibliya upang malayo ka sa kapahamakan. Isang lalaki na deboto sa isang sekta ang iibig sa iyo at siya na ang iyong makakatuluyan. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2010, 2013 at 2014 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang paglagay sa tahimik at matatag na kabuhayan. Buwenas ka sa mga buwan ng Hunyo, Disyembre at Marso lalo na sa mga petsang 2, 8, 11, 18, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Martes. Sa suertres, isama mo sa No. 6 at No. 7 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-28-34-37-40-42. ASSET tips: 4-3-7/9-2-1/ 3-2-5/ 7-4-8.Wiretips: 3-2-5/ 7-8-3/ 1-4-5. Double digit: 3-2/ 6-4/ 1-7. Luzon guide: 2-6-11-18-23-25-34-37- 40. VisMin: 3-7-11-17-23-25-34-37-40-42. MegaLotto: 3-4-6-11-19-23-25-34-38-40-42.
Instant president si Binay anumang oras
Lahat ng ginawang pagmamalasakit ni Ate Glo sa mga ordinaryong Pinoy ay unti-unti ngayong lumulutang.
Partikular ditto, ang mababang singil sa expressway, mababang singil sa MRT, LRT at MegaTren at mababang presyo ng bigas.
Ang direksiyon na tinatahak ng mga direktiba ni PNoy ay ang pagpapalobo sa singil sa expressway, mrt, lrt, megsatren at mismo sa presyo ng bigas.
Pinapapatungan niya ng EVAT ang toll fees, binigyan niya ng go-signal sa kanyang SONA ang dagdag-singil sa mrt, lrt at megatren, at pagtigil sa import ng bigas—lahat ng ito ay kontra sa MASA.
Hindi ibinenta ni Ate Glo ang Pagcor kahit yan ang sulsol ng kanyang alipures, hindi rin niya ibenta ang Angat Dam at hindi rin ibinenta ang Naval headquarters ng AFP, pero ano ang lantarang posisyon ng administrasyon Aquino ditto?
Ipinagmagaling pa sa SONA, na ibebenta ang “rights sa paggamit” ng Naval headquarters; kamakailan lamang, pinapepresyuhan niya mismo ang Pagcor; at maging ang Angat ay lihim na iminamaniobra din para maibenta.
Kangino ibebenta?
Nagtanong pa kayo, e, di sa mga kroni, kangino pa?
Kung ano si Ate Glo noon, mas grabe at garapal pa si PNoy.
Magpa-survey kayo (hindi dapat yung mga nag-survey sa election na binayaran nila), medaling hulaan ang resulta—BUMABA na nang todo ang popularity rating ni PNoy.
At kapag bumaba ang approval rating ni PNoy, tiyak walang katapusang gulo ito sa lipunang Pinoy.
Bakit mas grabe si PNoy kaysa kay Ate Glo?
Kasi po ay hindi pa siya nakaka-100 araw sa Malacanang, at basted na agad sa taumbayan.
PNoy mas grabe kay GMA
Malaking gulo ito.
------$$$---
NABISTO na kung anong KLASE ng “lider” si PNoy.
Lumilitaw ito na MAS GRABE pa siya kay Ate Glo.
Kasi’y hindi siya maka-MASA.
Siya ay maka-DONOR .
Nagpapadikta siya sa mga nag-DONATE sa kanyang kampanya.
-----$$$---
LUMITAW ang mapait na katotohanan ngayon.
Pikit-matang PINIGIL ni Ate Glo na magpatong ng INCREASE sa singil sa mga expressway kahit makagalit niya ang mga KORPORASYON makikinabang ditto.
Ano ang ginawa ni PNoy?
Kahit MAGALIT ang masa, mahalaga, mapaboran niya ang mga KORPORASYON nag-donate sa kanyang kampanya.
-----$$$---
KAHIT nagagalit kay Ate Glo ang mga bigtimers, ibinasura niya ang DAGDAG –PASAHE sa MRT at LRT.
Ano ang desisyon ngayon ni PNoy? Hindi b a’t palobohin ang SINGIL light rail transit.
Dikta yan ng mga KORPORASYON may control ditto.
Malinaw na ngayon kung SINO-SINO ang nag-finance ng KANDIDATURA ni PNoy.
Hige nga, magpaliwanag kayo?
-----$$$---
NAPAKASUWERTE ni Bise Binay.
Mukhang hindi niya kailangang magsalita o kumilos.
Napakalaki ng tsansa niyang BIGLANG maging pangulo.
Panonoorin lang niya kung paano MAGKASUNOD-SUNOD ang mali ni PNoy.
Walang kaduda-duda, SASABIT ang Kuya ni Kristeta.
------$$$---
HINDI raw isasama sa iimbestigahan ng TRUTH Commission ang asasinasyon sa tatay ni PNoy na si Sen. Ninoy.
E, bakit?
Akala ko ba ay gusto niyang LUMITAW ang katotohanan?
Bakit siya NATATAKOT sa katotohanan?Nagbayad nab a ng “BLOOD MONEY” ang mga tunay na MASTERMIND?Kwidawww!!!
-----$$$---
INIIPIT ni PNoy ang mga pobreng SUNDALO.
Gusto niya ay MAGBUNYAG ang mga ordinaryong sundalo na naatasan na magbigay ng SECURITY sa kanyang ama.
Isipin mong mabuti, sakaling ma-assasinate ni PNoy, ipakukulong ba ang LAHAT NG PSG?
Unfair yan, alam nating MALI yan!!!
-----$$$--
DAPAT ay gamitin ni PNoy ang lahat ng kanyang hawak na KAPANGYARIHAN upang lumabas ang katotohanan sa PAGKAMATAY ng kanyang ama.
Kapag hindi niya yan ginawa, mukhang PINAGTATAKPAN niya ang sinasabi niyang “NASA ABROAD” na mastermind.
Kailangang lumitaw ditto ang katotohanan kung talagang kakutsaba ang mga “boarding team” at kung walang kasalanan ang mga ito, mag-SORRY siya sa PAMILYA ng mga SUNDALONG pinagbitangan nilang SALARIN.
Kaawa-awa ang PAMILYA ng mga naturang sundalo.
Hindi kasi nakatikim ng RETIREMENT BENEFITS ang mga akusado—at ang NAGDUSA ditto ay ang mga BENEPISARYO—na alam nating WALANG KASALANAN, dahil sila ay MENOR-DE-EDAD na anak at simpleng “ASAWA” ng mga ito.
Tsk, tsk, tsk.
Thursday, August 12, 2010
Recto tatalon sa oposisyon
Hindi makapaniwala si Recto na ipatutupad ng mga alipures ni PNoy ang pagsingil ng VAT sa toll fees sa mga expressway kahit labag ito sa batas.
Tipong diktadukya talaga ang liderato sa Malacanang.
Nakita ba ninyo napanoood sa telebisyon kung paano pinalalayas ang mga iskuwater sa Maynila?
Hindi nila inihahanap ng pansamantalang matutuluyan ang mga tao na puwersahan nilang binaklas ang mga bahay.
Ang mga iskuwater ay parang mga daga na nagpupulasan.
Nasaan ang ibinoto ninyong nagmamahal sa masa?
Nasaan ang pangakong sasaklolohan ang mga nagdarahop?Si Recto mismo ang NANUMBAT kay PNoy: Hindi ba’t ipinangako mo sa kampanya na walang DAGDAG na buwis sakaling iboto ka ng taumbayan?
Wala pang 45 araw sa puwesto, puwersahang bubuwisan ang “buwis’ sa paggamit ng expressway.
Malaki ang iginandang lalaki ni Recto nang kontrahin ang VAT sa toll fees.
Mukhang bumabawi siya sa parusa ng taumbayan nang iakda niya ang EVAT law kung saan natalo siya bilang senador sa naunang senatorial election.
Ngayon, yung kanyang batas na iniakda ang siya ngayon ginagamit ng Administrasyong Aquino na panggigipit sa taumbayan.
Kailangang gumawa ng paraan si Recto upang hindi abusuhin ni PNoy ang naturang batas.
Nakahanda kaya si Recto na tumiwalag sa Liberal Party at umaktong oposisyon sa mga susunod na araw?
Abangannnnn!!
Sumbat ni Recto kay PNoy
Ipinangako raw ni PNoy na WALANG DAGDAG-BUWIS, pero pinayagan naman nito ang VAT sa toll fees ng mga expressways.
Eka na ni PNoy, HINDI NA KAYO NABIRO.
Pasensiya kayo, nagpa-BOLA kayo eh.
-----$$$--
IBINABALA ang ikalawang BUGSO ng global economic meltdown.
Ang isang SINTOMAS ditto ay ang PAGBAGSAK ng presyo ng petrolyo sa world market.
Ibig sabihin, HINDI GUMAGANA ang mga pabrika.
------$$$---
TALIWAS dati na bumagsak ang ekonomiya ng US, ngayon naman , ang nababangkarote ay ang MAINLAND CHINA.
Yan ang problema!!
Meaning, PASKONG KRISIS na naman tayo.
------$$$---
BINASTED ni Speaker SB ang plano ni Rep. Manny Pacquiao na gamitin ang gym sa Kamara bilang PRAKTISAN.
Paano kung mag-donate siya ng P10 milyon para MAKOMPLETO ito ng mga high tech gadgets?
He, he, he.
Nagpapataas lang sila ng presyoooo!!!
----$$$---
TINULUYAN ng Ombudsman ang mga EURO GENERALS.
Nakumpirma nila na ang halos P10 milyong BAON sa Europe ng mgsa heneral ay HINDI NAGMULA SA PONDO ng PNP.
Hulaan ninyo , saan galling iyun?
Tama na naman kayo, sa HUWETENNNGGGG!!
-----$$$---
INAAMIN ni DILG Secretary Jesse Robrero na “may tara” ang pulisya at LGU executives sa jueteng.
At para daw maresolba ito, palawakin ang operasyon ng STL.
O, paano nawala ang “tongpats”?Hindi ba’t nagpalit lang ng PANGALAN?
-----$$$---
SA totoo lang, nagpapalaki lang ng PRESYO ang mga iyan.
Kunwari lang ay KONTRA sila sa jueteng para SUMUKA NANG SUMUKA ng “tongpats” ang mga huweteng lords.
Sa aktuwal, dire-diretso lang ang HUWETENG—at hindi ito MATITINAG.
Tuloy siyempre ang KOLEKSIYON.
------$$$---
MATAGAL nang mala-LEGAL ang STL, pero nabura ba niyan ang JUETENG?
Hindi, ganun pa rin.
----$$$---
ANG dapat ay ipaliwanag ni Robredo kung PAANO niya ipao-AUDIT sa COA auditors ang araw-araw na transaksiyon sa STL.
Bakit hindi nila ipinapaliwanag sa publiko kung bakit “walang resibo” o official documents sa mga “transactions” sa tayaan at sa pagkobra ng premyo.
Hindi rin TRANSPARENT ang “pagbola” ng winning numbers.
Maraming dapat ipaliwanag ni Robredo, pero ayaw niyang gawin.
Mabibisto kasi ang kanilang MODUS-OPERANDI.
Monday, August 09, 2010
CommGroup: Dalawang ulo ng dakilang bolero
Pero wag ka, mayroon itong DALAWANG ULO!
Malinaw na mas binibigyan ng prayoridad ni PNoy ang PROPAGANDA kaysa sa SIKMURA ng PNoy.
Isipin ninyong mabuti, kung ang bigyan niya ng DALAWANG ULO ay ang DSWD, Department of Agriculture (DA) , Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Labor and Employment (DOLE) —hindi ba’t MAS MATUTUWA ang lahat—dahil iyan ang tuwirang AASISTE sa nagugutom na Pinoy.
Ang DSWD ay diretso sa mga mamamayang pinakamahihirap sa dilang pinakamahihirap.
Ang DA ay tuwirang may kaugnayan sa produksiyon ng pagkain at diretso sa mga magsasaka, mangingisda at iba pang anak-pawis.
Ang DTI ay may kaugnayan sa pangangalakal upang maproteksiyunan ang ordinaryong konsiyumer na niraraket sa mga palengke at malalaking merkado.
Ang DOLE ay may control sa paga-asiste at pagbibigay proteksiyon sa milyon-milyong obrero na siyang GULUGOD mismo ng ekonomiya at mismong may kaugnayan sa 10 milyong overseas Pinoy.
Sakaling bigyan ng DALAWANG ULO ni PNoy ang DSWD, DA, DTI at DOLE—aba’y sa paglagda pa lamang niya ng Executive Order—alam na nating seryoso siya sa kanyang talumpati na maiahon sa kahirapan ang MASA.
At ano ang implikasyon o ibig sabihin ng dalawang ulo sa CommGroup?Tama po kayo, MAMBOBOLA lang ang Malacanang gamit ang PROPAGANDA MACHINERIES ng gobyerno.
Yung PAGKALAM ng sikmura ni Juan, tatakpan ng mga HILAW NA PANGAKO—gamit ang PRESS RELEASES sa lahat ng klase ng media entities—print, tv, radio, internet at pagdye-JEJEMON sa mga texters.
Mas angkop na maging adviser ni PNoy ang legendary basketball player ng bansa.
Kasi’y ang paglikha niya sa two-headed CommGroup ay nagkukumpirma na siya ay isang tipikal na basket-BOLERO!!!
-----30--------
DILG: Kuweba ng mga Buwaya
Dambuhalang $10 bilyon ang UNANG ALOK na presyo.
Kumbaga, SINILAW agad si PNoy.
-----$$$---
KUNG legal ang SOP na ten percent, magkano ang TONGPATS ditto?
Tama po kayo, $1 bilyon.
Daig ngayon ni PNoy si Pacman.
Isang pirma lang, P47 BILYON na, hindi po MILYON LAMANG madadale ng Kuya ni Kristeta.
-----$$$--
KAPAG ganyan kadambuhala, ang “SHUMEDAMANI”, baka kumandidato na ring PANGULO si Kristeta.
Aba’y mas MALAKI talaga ang kita sa GOBYERNO kaysa sa SHOWBIZ.
He,he, he.
------$$$---
TAMA po ang ganyang pananaw.
At sige, tatanungin ko kayo.
Aling DEPARTAMENTO ang may pinakamaraming “MINA” ng tongpats?
Malaki na naman ang TAMA ninyo.
DILG po!!
-------$$$---
BAKIT malaki ang tongpats sa DILG?
Simple lang.
Kontrolado ng DILG ang mala-OKTOPUS na mafia ng Philippine National Police (PNP).
Sa pagpili pa lamang ng regional at provincial director ay NAGKAKAPRESYUHAN na ng MONTHLY TONGPATS.
-----$$$---
HAWAK din ng DILG ang Bureau of Fire at Bureau of Jail Management.
May TARA na sa mga “BUMBERO”, may TARA pa sa mga “BILANGGUAN”.
-----$$$--
KUNG akala ninyo ay sa JUETENG lang nagkakamal ng TONGPATS ang DILG, nagkakamali kayo.
Maniniwala ba kayo na ang SIMPLENG PERYA o PERGALAN sa inyong LUGAR ay kasama sa KINOKOLEKTAHAN ng mga “national collector”.
May “TARA” sa PERYAAN, kasi’y mayroon itong SUGAL tulad ng COLOR GAMES , PULA-PUTI at iba pa.
Front lang ng mga PERYANTE ang Ferris Wheel at iba pang laro.
Bakit hindi yan IBINUBUNYAG ng “VERY STRAIGHT BOY” na si PNoy?
-----$$$--
KAILANGAN pa ba nating banggitin ang iba pang illegal na pinoproteksiyunan na VIDEO KARERA, BOOKIES sa karera ng kabayo at prostitusyon o BEERHOUSES?
Lalong hihimatayin kayo kapag isinama natin ang “ILLEGAL DRUGS” protection money”.
Tsk, tsk, tsk.
-----$$$---
ALAM nating lahat na nasa ILALIM ng DILG ang mahigit 1,500 na munisipyo at siyudad; at mahigit 80 probinsiya.
Bago maaprubahan ang mga IMPRAISTRUKTURA at mga dambuhalang KONTRATA, sa palagay ba ninyo ay WALA silang kaparte mula sa “SOP” ng mga mayor at gobernador?
Sige, kayo na ang sumagot niyan.
Ngayon, masisira ang inyong CALCULATOR sa pagsuma kung GAANO ang posibleng TONGPATS kapag UMANDAR ang makinarya ng corruption sa DILG.
-----$$$--
IYAN din mismo ang dahilan kung bakit kung sino ang DILG secretary mula sa PANAHON ni Marcos hanggang sa panahon ni Ate Glo—ang tinatawag na POLITICAL KINGPIN at STRATEGIST—ng mga nakaupong PANGULO ng ating REPUB LIKA.
Nasa DILG kasi ang “manpower, makinarya at KUWARTA”.
Tama ba yan o MALI?
Kaya kayang SAGUTIN yan ng ating “Kagulang-gulang”, este Kagalang-galang na RAMON MAGSAYSAY AWARDEE?
He, he, he.
Thursday, August 05, 2010
Super emotions sa Mystic No. 6
HIWALAY ako sa asawa at may bago na siyang ibang kinakasama. Hindi ko na siya ginulo at inaaruga ko na lamang ang aming dalawang anak na iniwanan niya sa akin. Bigyan mo sana ako ng mahihiwagang numero na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Agosto 6, 1970. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay ng damit na dapat kong gamitin . Ano ba ang suwerteng numero na puwede kong tayaan sa suertres at lotto.
HERMINIA NG TACLOBAN CITY
Dear Herminia,
TIPIKAL sa tulad mong may mahiwagang No.6 ay maging masyadong emosyonal kung saan naalipin ka nito kaya’t napapahamak at nagkakamali ng desisyon. Pero kung makukuntrol mo ang damdamin, magagamit mo ang pakikipagrelasyon tungo sa sarili mong kapakinabangan. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2010, 2011 at 2013 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay at bagong kapartner sa buhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Enero, Hunyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 2, 8, 12, 18, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Miyerkoles. Buwenas ka mahiwagang No.4 na nagsasabi na ikaw ay makakaranas ng pambihirang buwenas na wala sa ordinaryong tao at magaganap ito sa mga binanggit kong taon sa itaas. May isang kilalang tao sa inyong lugar ang mag-aalok sa iyo ng oportunidad upang makaangat ka sa buhay. Sa suertres, isama mo sa No. 6 at No.4 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-6-12-14-23-25-30-34-36-40-42. ASSET tips: 5-7-2/ 4-3-7/ 8-9-2.Wiretips: 3-2-5/ 6-7-2/ 1-4-8.Double digit: 4-8/ 4-2/ 7-9. Luzon guide: 2-6-11-18-23-27-34-36-40-42. VisMin: 3-5-11-18-23-25-34-37-40-42. MegaLotto: 3-5-11-19-23-24-34-37-40-42. Four Number: 3-4-5-8/ 4-3-2-7/ 8-9-2-1.
Manila City council: 15-30 raket
Kasi’y kung susuriin, talamak na nilalabag ng halos lahat ng opisyales ng gobyerno particular sa LGU ang Republic Act No. 6713 na kilala bilang “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees”.
Sakop nito ang lahat ng klase ng opisyales ng gobyerno sa national levels hanggang sa kaliit-liitang barangay kagawad, treasurer, secretary, tanods o miyembro ng Katarungang pambarangay.
Sa definition of terms sa Section 3, “Public officials includes elective and appointive officials and employees, permanent or temporary, whether in the career or non-career service, including military and police personnel, whether or not they receive compensation, regardless of amount.”.
Sana’y imbestigahan ni DILG secretary Jesse Robredo ang talamak na pagtatrabaho ng mga BARANGAY OFFICIAL sa mga opisina ng municipal , city at provincial council kung saan ginagawang alalay, driver, liaison officer, clerk at chief of staff ang mga barangay captain, councilman, treasurer at iba pang opisyales ng barangay.
Malinaw na may conflict of interest ditto ang kanilang mga amo tulad ng mga bokal at konsehal sa siyudad at mga bayan.
Kasi’y gusto ng mga konsehal na MAKOPO ang boto ng “mga kabarangay” ng mga kinukuha niyang “empleado”.
At upang matakasan ang teknikalidad ng batas sa Civil Service Law, ang ipinapangalan sa PAYROLL ay ang kanilang mga anak, kapatid, asawa o pamangkin—pero ang aktuwal na nagtatrabaho ay ang mismong BARANGAY OFFICIALS.
Madali lang mabisto ito, magpunta kayo sa mga popular na siyudad tulad ng Maynila, Quezon City at iba pa—at itanong ninyo, sino po ba ang chief of staff ni Konsehal?---ang ituturo sa inyo ay ang ilang BARANGAY OFFICIAL.
Isang klase ito ng corruption at aktuwal na “15-30 raket” sa LGU—kasi’y tuwing akinse-at-katapusan lang pupunta ang mga nakapangalan sa PAYROLL.
Sige, subukan ninyong SUMAMPOL!!!
Pastor-pastoran
Kasi’y napapakilala itong PASTOR ng isang sekta.
Nagtataka naman ang mga taga-Tagaytay kasi’y walang SEKTA na kinabibilangan ito.
At wala rin siyang MIYEMBRO o ka-parokya.
Hindi kaya “PASTOR” ang ipinangalan ng kanyang nanay nang binyagan ito?
Kumbaga, kay Mang Perpekto, siya lang ang “PERPEKTO” sa mundo.
He, he, he.
-----$$$---
ISANG lehitimong pastor mula sa International Christian Fellowship of Tagaytay City ang nagsaliksik at nagsabi na wala silang alam kung ANO o SAANG SEKTA na-ORDENAHAN ang isang “Pastor Ronald” kaya’t hinihinala nilang PEKE ito.
Ang problema, sumisikat ang naturang pastor kasi’y nagsampa siya ng iba’t ibang reklamo laban sa mga opisyales ng Tagaytay City pero ibinasura naman ng ito ng KORTE.
Ibig sabihin, itinuturing siya ngayong TALIPANDAS dahil sa kanyang kahina-hinalang pag-uusig nang walang batayan.
-----$$$--
PINAKAHULING gimik ng naturang pastor ay ang reklamo sa bagong MMDA chairman na si Francis Tolentino na isa ring tubong Tagaytay City.
Pero, nang makarating kay PNoy ang reklamo, agad din itong ibinasura ng Malacanang dahil sa kawalan ng basehan.
Nabatid kasi ng Malacanang na isang election loser ang Kumag kaya’t naghahanap na lamang ito ng damay.
-----$$$---
NAKALUNGKOT isipin na ginagamit ng pastor ang “pangalan ng Diyos” sa isang maling paraan.
Mas mainam pa siguro ay mag-antay siya ng 2016 presidential election at KUMANDIDATO din siyang pangulo.
Malilibre siya sa publisidad at magsasawa siya sa KATATALUMPATI with matching MEDIA exposure.
He, he, he.
-----$$$---
ISANG opisyales ng Bureau of Customs ang SINUSPINDE ng Ombudsman dahil sa ILL-GOTTEN WEALTH.
Sige lang, marami pa dyan!!!
-----$$$---
NAGMAMAGALING ang BIR na hinahanting nila ang mga big time tax evaders.
Eh, bakit ayaw nilang i-AUDIT ang buwis ng may-ari ng PAL, may-ari ng mga chain of MALLS, may-ari ng chain of Bookstores, may-ari ng SMB, may-ari ng chain of fastfoods, may-ari ng mga chain of convenience stores, chain of drug stores at iba pa!!
Naparami ng mga HINDI NAGBABAYAD ng tamang buwis, hindi kayo dapat magpatumpik-tumpik dyan.
Maaari NANAKOT lang ang BIR—upang mapalaki ang MONTHLY TONGPATS.
Tsk, tsk, tsk.
Wednesday, August 04, 2010
NEWS UPDATES
PINABULAANAN ng Korte Suprema kahapon ang napabalitang pagpayag nito na mailipat ang ilang pulis na sangkot sa Maguinadanao Massacre mula sa kanilang kulungan sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City patungong Camp Crame sa Quezon City.
Nilinaw ni Court Administrator Atty. Midas Marquez na walang ganoong klaseng kautusan ang SC bilang tugon sa pormal na kahilingan mula sa mga tanggapan nina Philippine National Police (PNP) Deputy Director General for Administration Jefferson Soriano at Justice Secretary Leila De Lima.
Sinabi pa ni Marquez na tanging ang Quezon City Regional Trial Court 221 lamang ang may hurisdiksyon sa kasong ito, kaya ito lamang ang maaaring magrekomenda kung ano ang nararapat na gawin sa mga akusadong pulis na sangkot sa Maguindanao Masaker.
Kamakailan ay napaulat na ilan sa mga pulis na tinuturong may kaugnayan sa nabanggit na masaker ay hina-harass at tinatakot ng pamilya Ampatuan na nakakulong din sa parehong kulungan sa Camp Bagong Diwa.
Sa kahilingang ipinadala ng tanggapan ni DOJ Secretary De Lima sa Supreme Court, nakasaad dito na may mga tangkang panunuhol sa mga detinidong pulis upang baguhin ng mga ito ang kanilang simumpaang salaysay na nag-uugnay sa pamilya Ampatuan sa nangyaring karumal-dumal na krimen.
Palpak na nursing schools dumadami
LUMOLOBO ang bilang ng mga palpak na nursing school sa buong bansa na siyang nagpapabagsak sa kalidad ng edukasyon kaya’t nararapat nang baguhin ang sistema sa ganitong larangan, ayon kay Sen. Edgardo Angara
Ayon kay Angara, chairman ng senate committee on education, umaabot lamang sa 77 mula sa 466 na eskuwelahan na nagtuturo ng nursing ang akredito ng pamahalaan na siyang lubhang nagpapabagsak sa kalidad ng mga estudyanteng nagtatapos dito.
“Kaya’t inatasan natin ang health panel ng Congressional Commission on Science, Technology and Engineering (COMSTE) na humanap ng pamamaraan upang maresolbahan ang problemang kinahaharap ng propesyon,” ayon kay Angara.
Natuklasan pa ni Angara sa ulat ng COMSTE na mula sa 189 nursing schools sa bansa noong 1998, lomobo ito sa 424 nitong 2006.
Iprinisinta naman ni Dr. Marilyn Lorenzo, isang propesor mula sa National Institutes of Health (NIH) kay Angara at sa mga miyembro ng COMSTE ang mga datos ng NLE passing rate mula 2005 hanggang 2009 na aniya’y patuloy sa pagsadsad. Mula 51.6% na pagbaba ay mas lalo pa itong bumagsak sa 40.7% passing rate.
Dahil dito, nanawagan si Angara sa kinauukulang ahensya ng gobyerno na tulungang buhayin at iangat ang kalidad ng nursing education sa bansa at aksyunan ang patuloy na pag-apaw sa bilang ng mga nursing graduate.
Problema sa PAL patuloy, travel agencies nalulugi
WALANG pagbabago sa schedule sa domestic at international flights ng Philippine Airlines (PAL) maliban sa ilang flights na kinasela kahapon ng umaga kung saan nagreklamo na rin ang mga travel agencies na nakakaranas na rin ng pagkalugi.
Sinabi ni Cielo Villaluna, spokesperson na PAL, kasama sa kanselado ang PR 135, 136 o biyaheng Manila-Bacolod-Manila; PR 181, 182 Manila-Cagayan de Oro-Manila at PR 147-148 Manila-Iloilo.
Ayon kay Villaluna, lahat ng mga apektadong pasahero ay pinagsabihan na ng PAL para maiwasan ang inconvenience sa paliparan.
Sa kabuuan, maari na umanong sabihin na pabalik na sa normal ang mga biyahe ng PAL matapos silang maglabas ng bagong flight schedule kamakalawa.
Samantala, wala pa ring natatanggap ang PAL na notice of strike mula naman sa grupo ng mga flight attendants na nagrereklamo rin tulad ng mga piloto.
Umalma na rin ang samahan ng mga travel at tour agencies sa epekto ng labor dispute sa pagitan ng Philippine Airlines at mga piloto nito.
Ayon kay Philippine Travel Agencies Association (PTAA) vice president John Paul Cabalza, nasa 30 percent na umano sa kita ng kanilang mga miyembro ang apektado sa mahigit isang linggo ng kanselasyon ng mga domestic flights ng flag carrier ng bansa.
Ipinaliwanag ni Cabalza, na karamihan sa kanilang mga miyembro ay naka-tie up sa PAL kaya lahat umano ng mga reservations at itinerary ng mga ito ay apektado kapag walang biyahe ang airline company.
First termer, partylist reps nakakorner ng komite sa Kamara
PARTIDO at interest ng bawat kongresista ang pinagbasehan ng liderato ng Kamara sa hatian ng may 59 committee chairmanship at 11 special committees.
Walo pang komite ang pinunan kahapon ng Kamara at kapuna-puna na dalawa sa naging chairmen ay pawang mga first termer samantalang sa kauna-unahang pagkakataon ay isang partylist Rep. ang itinalaga rin bilang chairman na pawang mga miembro ng Liberal party.
Naitalaga upang pamunuan ang Accounts Committee si An Waray partylist Rep. Florencio "Bem" Noel, may 42 miembro na mula sa kaalyado ng LP samantalang mula sa minorya ay sina Reps. Milagros Magsaysay (Zambales), Aurelio Gonzales (Pampanga), Elmer Panotes, Leopoldo Bataoil (Pangasinan), at Lani Revilla (Bacoor).
Bukod kay Iloilo Rep. Anthony Golez na nakatakdang pamunuan ang Health Committee na bagama't baguhan ay ginawang chairman ay naitalaga rin si Misamis Occidental Rep. Loreto Ocampos, dating chairman ng League of Provinces of the Philippines na itinalaga naman bilang chairman ng constitutional amendments committee.
Itinalaga rin bilang chairman si Leyte Rep. Sergio Apostol (banks and financial intermediaries), Cebu Rep. Benhur Salimbangon (aquaculture), Sorsogon Rep. Salvador Escudero (basic education), Coop-Natcco partylist Rep. Jose Ping-Ay (cooperatives development), Iligan City Rep. Vicente Belmonte (dangerous drugs), at Laguna Rep. Danilo Fernandez (ecology).
Sinabi ni House Majority Leader neptali Gonzales II na posibleng sa susunod na linggo pa matatapos ang reorganisasyon at pagtatalaga ng mga mamumuno at miyembro sa bawat komite sa kamara.
Pangalan ng politico, bawal ipaskil sa proyekto
MAHIGPIT na ipagbabawal na ang paglalagay ng pangalan ng sinumang politiko, halal man o itinalaga sa alinmang proyekto ng pamahalaan, nasyunal man o lokal, sakaling maisabatas ang panukala ni Sen. Francis “Chiz” Escudero sa Senado.
Kahapon, inihain ni Escudero ang Senate Bill No. 2187 na naglalayong ideklarang labag sa batas o isang pagkilos kriminal, ang paglalagay ng pangalan sa alinmang proyekto ng gobyerno na kikilalanin sa pangalan ng sinumang opisyal ng pamahalaan o kahit sinong indibiduwal na may kinalaman sa sinumang opisyal.
Ayon kay Escudero, tradisyunal sa bansa na maglagay ng pangalan ang sinumang politiko sa alinmang proyekto o programa ng pamahalaan upang matiyak na mabibigyan sila (politiko) ng kredito sa n aturang pagkilos.
“Makikita mo na nakatatak ang pangalan ng mga pulitiko kahit sa mga pangunahing serbisyo tulad ng waiting shed, ambulansiya at kahit basurahan. Kailangan nang tapusin ito dahil buwis ng mamamayan ang ginamit dito. “it falsely give an inflated sense of accomplishment to of public officials to their constituency,” ayon kay Escudero.
Nakatakda sa panukala na papatawan ng pagkakakulong ng isang taon at mulang P100,000 hanggang P1 milyon o depende sa kabuuang halaga ng proeykto, ang sinumang lalabag sa batas.
Hindi kasali sa panukalang batas na ito ang proyekto na matutukoy o tutukuyin ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) alinsunod sa batas o ipinalabas na alituntunin o regulasyon.
Panlilibak kay Rep. Gloria sa Kongreso kinondena
KINONDENA ng liderato ng Kamara sa mga kongresista ang mga nanlilibak kasabay ng paghiling na tigilan na ang panghihiya kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo gamit ang privilege hour .
Binigyang diin kahapon ni Majority Leader Neptali Gonzales na bagama't may kalayaan ang isang kongresista na magsalita sa plenaryo lalo na sa privilege hour ay marapat pa rin aniyang paka-isipin ng lahat na ito hindi absolute ang kanilang freedom of expression.
Tinukoy pa ni Gonzales na meron silang sinusunod na rules na nagtatakda ng respeto para sa mga miembro ng Kongreso at ang kawalan ng paggalang sa kapwa ay pagbalewala na rin sa kalayaan sa pamamahayag.
Bukod pa aniya na si GMA ay hindi isang ordinaryong kongresista dahil dati itong presidente.
Una ng ipinatanggal ni Navotas Rep. Toby Tiangco sa official record ng Kamara ang mga unparliamentary remarks ni Akbayan Rep. Walden Bello sa kaniyang privilege speech noong Lunes.
Ipinaliwanag ni Tiangco na bagama't hindi siya kaalayado ni dating Pangulong Arroyo ay hindi pa rin aniya marapat na babuyin sa plenaryo ang isang dating Pangulo lalo pa't miembro rin ito ng Kamara.
Nakalalasong Turkish flour ipinrotesta sa World Expo
NILUSOB ng militanteng grupong People’s Movement Against Poverty (PMAP) upang tuligsain ang nakalalason at basurang Turkish flour sa pagbubukas ng World Food Expo 2010 sa SMX Center, Mall of Asia Complex sa Pasay City
Bagama’t may ilan sa hanay ng PMAP ang nasaktan, naipaabot naman nila sa pangunguna ni Ronald Lumbao ang kawalan nila ng tiwala sa resulta ng pagsusuri na isinagawa ng Food and Drug Administration (FDA) sa naturang harina, na nauna nang natuklasan na kontaminado ng nakaka-cancer na mycotoxin sa Journal of Food.
Ayon kay Lumbao, ginagamit ng mga Turkish traders at mga kasabwat nilang local importers ang WOFEX 2010 para ituro sa mga magtitinapay kung papaano ihahalo ang Turkish flour sa ibang harina para pagtakpan ang kawalan nito ng sustansya at mala-amag na lasa.
Idinagdag pa ni Lumbao na imposible ang sinasabi ng Turkish ambassador na pareho lang ang harinang kinakain nila sa Turkey at harinang ini-export sa Pilipinas dahil ayon sa hepe ng PMAP, ay $500 kada tonelada ang bentahan sa Turkey ng harina gayong sa Pilipinas ay $300/MT lang ang halaga nito.
Thursday, July 29, 2010
Hiwaga ng No. 3 at No.7
PALAGI akong nagbabasa ng kolum mo at nais ko ring malaman ang mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Isa akong dating seaman at gusto ko nang sumampa muli sa barko pero nahihirapan akong mag-apply. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa suertres at lotto. Ipinanganak ako noong Setyembre 12, 1975.
ALMARIO NG DAVAO CITY
Dear Almario,
NUMBER three (3) at seven (7) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Ambisyoso ka at masyadong malakas ang loob na karaniwang ugat ng iyong mga problema. Ang No. 7 ay ikinakapit sa pagiging relihiyoso—kung mistulang pinagtatakluban ka ng langit at lupa—magdebosyon ka o maging aktibo sa religious activities kung saan makakakuha ka ng kakaibang lakas at inspirasyon na magagamit mong panghigop ng magandang kapalaran. Buntala ng Jupiter at Neptune ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Matalas ang iyong imahinasyon at buwenas ka sa paglalakbay. Ituloy mo lamang ang pag-apply dahil walang duda na matutuloy ka. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2010, 2013 at 2014 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagbabalik sa barko. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Agosto at Disyembre lalo na sa mga petsang 2, 7, 11, 18, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Linggo. Kulay asul at berde ang buwenas mo. Sa suertres, isama mo sa No. 3 at No.7 ang No.9. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-22-28-33-38-40-44-45. ASSET tips: 3-6-1/ 2-3-6/ 8-2-1/ 1-3-6.Wiretips; 3-8-1/ 7-8-2/ 8-2-1. Double digit: 4-7/ 9-3/ 1-5. Luzon guide: 1-5-11-16-23-25-34-37-40-42.VisMin: 4-7-11-19-23-24-28-34-35-36-40. MegaLotto; 2-5-11-18-23-24-34-36-40-42. Four Number; 4-6-3-1/ 8-2-6-2/ 7-8-2-1. (Bandera newspaper, for july 31 issue, advance)
Malalagim na car accident, tongpats ang dahilan
Inamin, kinumpirma at ibinunyag mismo ng bagong chairman ng MMDA na tumatanggap ng Monthly Payola ang ilang opisyales at traffic enforcers bureau ng kanyang AHENSIYANG pinaglilingkuran.
Ang kainaman ditto, hindi media, hindi oposisyon at hindi rin ibang grupo ang NAGBUNYAG at nagkumpirma kundi ang mismong bagong MMDA chairman na si Francis Tolentino.
Hindi biro ang expose, kasi’y may dokumento na nakuha mismo sa MMDA.
Sangkot ditto ang mga popular na bus firms na sinasabing nagbibigay mula P10,000 hanggang P30,000 na buwanang tongpats upang magkaroon ng ESPESYAL NA TRATO, hindi makasuhan at makunsinte sa PAGPAPALIPAD ng kanilang bus sa mga highways.
Ito ay pabubunyag mula sa MMDA, pero maaari rin ang mga taga-LTO at iba pang ahensiya na may kaugnayan sa superbisyon sa operation ng mga bus—ay tumatanggap din ng TONGPATS.
Malakas ang loob ng mga driver at konduktor na labagin ang batas-trapiko—sapagkat “bayad na sila sa tongpats”—pinalilipad nila ang bus na parang mga piloto ang drayber.
Ano ang resulta: Mistulang masaker kapag nangamatay ang mga pasahero, nahuhulog sa bangin ang mga bus at sumasalpok sa kapwa “bus na nagbayad din ng TONGPATS”.
Lumalabas ngayon na kinunsinte ni dating MMDA chairman Bayani Fernando ang regular na tongpats sa kanyang ahensiya.
Dapat siyang magpaliwanag upang hindi siya maakusahang nakapag-fund raising drive siya sa panahon ng kanyang panunungkulan.
Dapat naman patunayan at kasuhan sa korte ni Tolentino ang mga sangkot sa BRIBERY.
Kapag hindi niya yan ginawa, matutulad siya kay PNoy, nahainan o napainan ng MALING MGA DATOS.
At maaakusahan siyang nagpapalaki lang ng HALAGA NG BUWANANG TONGPATS.
He, he, he.
PNoy no conscience
MAHIGIT 5,000 casuals at contractual sa GOBYERNO ng administrasyong Aquino ay MAWAWALAN ngayon ng TRABAHO bukas.
Sinisante sila sa BISA ng kauna-unahang EXECUTIVE ORDER ni PNoy.
Imbes na magbigay ng “BAGONG TRABAHO” sa kanyang mga “YELLOW SUPPORTERS”, massive retrenchment ang ipinatupad sa pamahalaan.
Tsk, tsk, tsk.
-----$$$---
PAANO kaya makokonsensiya ni PNoy na MAGUGUTOM ngayon ang mga pamilya ng kanyang mga SINIBAK na ORDINARYONG OBRERO sa pamahalaan?
Iisa lang ang kanilang KASALANAN---nagkaroon ng presidential election.
Nakakasulasok ang ganitong “TRADITIONAL PRACTICE” tuwing magpapalit ng administrasyon.
------$$$---
NATITIYAK natin na MARAMI sa mga MASISIBAK “ay aktuwal na ibinoto” rin si PNoy sapagkat LANDSLIDE siya sa bilangan.
Lalong NAKAKAKONSENSIYA yan.
-----$$$---
MAITUTURING na isang BENGGANSA POLITIKAL ang alinmang PAGSISANTE sa trabaho tuwing matatapos ang ELEKSIYON.
At si PNoy ay walang KAKAYAHAN na magsalita ng “HINDI” sa mga sepsep na gustong MANG-AGAW ng PUWESTO “ng mga dati nang nakapuwesto”.
-----$$$--
PERO ang pinaka-SIKAT na biktima ng BENGGANSA POLITIKAL ay mismo si WILLIE REVILLAME.
Inendorso at buong yabang kasing TINULUNGAN ni Revillame si Sen. Manny Villar.
Ano ngayon ang kanyang “NAPALA”?
Biktima siya ng PAGHIHIGANTING POLITIKAL.
-----$$$---
SINIBAK na sa ere ang WOWOWIE at ipapalit ditto ay may KONOTASYONG political.
Ipapalit ang “Pilipinas, WIN NA WIN”!!!
Malinaw na “NO-WIN NA NO-WIN” ditto ang ordinaryong Pinoy.
Kasi’y ang programang pangmasa ay papalitan ng mga TAKLESA.
-----$$$---
WALANG DELICADEZA naman si Kris Aquino na kapatid ni PNoy.
Ipinagyayabang na siya ang PAPALIT kay Revillame.
Malinaw ang PAGHIHIGANTING POLITIKAL ditto.
Tipong IDINIKTA ni Kristeta ang SENARYONG gusto niyang manyari.
Nakakasuka ang ganitong SITWASYON.
Higit pa tayo sa epekto ng kombinasyon ng MARTIAL Law ni Marcos at Revolutionary Government ni Tita Cory.
Pati showbiz at corporate business ay KINOKONTROL , maka-BENGGANSA lang sa mga “HINDI SUMUPORTA” sa nagdaang eleksiyon.
----$$$---
HINDI nalalayo si Kristeta kay Ate Glo.
Madalas mag-“I am soree”, at madalas ding MAGSINUNGALING.
Hindi ba’t sinabi niya na mananatili siya sa ABROAD kapag nanalo ang kanyang Kuya?
Nasaan ba siya ngayon?
Wang…wanggg…. Wanggggg!!!!
Tuesday, July 27, 2010
Afghan,Pakistan, Mindanao wars IMBENTO lang
Lumalabas kasi sa ulat na sinusuportahan ng Pakistan intelligence ang Taliban sa pakikipaglaban sa Afghanistan government na suportado naman ng US at NATO.
Ang Pakistan government ay kaalyado mismo ng US laban mismo sa Taliban.
Lumalabas ngayon na may “dalawang mukha” ang Pakistan—isang kakampi ng US at isang kalaban mismo ng US.
Ito ang tinatawag na “covert operation” kung saan nago-operate mismo ang mga intelligence forces ng bawat bansa.
Pero sa totoo lang, ang covert operation ay karaniwang isinasagawa mismo ng CIA na naglilingkod, hindi mismo sa White House kundi sa “US interest” na karaniwang kontrolado ng “multi-national companies” o mismo ng mga KAPITALISTANG MAY KONTROL ng mga negosyo sa buong daigdig.
Ibig sabihin, maaaring hindi lang ang PAKISTAN ang may “covert operation” kundi maging ang mismong CIA.
Lumalabas ngayon na ang GIYERA—sa Pakistan, Afghanistan at Iraq—ay PALSIPIKADO.
Ang mga protagonist—o ang mismong “naggigiyerahan” ay mismong mga CIA AGENTS—na doble-kara.
Pinag-aaway-away lamang nito ang mga “mamamayan ng Afghanistan” at mismong “mamamayan ng Pakistan”—upang magkaroon ng LISENSIYA ang US forces na manghimasok ditto.
At ano ang MOTIBO?
Siyempre, ECONOMICS din.
Sa Iraq, kailangan nila at nagtagumpay sila na “KONTROLIN ANG OIL SUPPLY”.
At sa Afghanistan at Pakistan, nakatuklas sila ng hindi MASUKAT NA DAMI ng MINERAL DEPOSIT.
Yan ang solusyon upang masagip at maresolba ang KRISIS PANG EKONOMIYA ng buong AMERICA.
Sa Pilipinas, ginugulo rin ang MINDANAO—dahil din sa naturang MOTIBO—kontrolin ng US ang “MINERAL at OIL DEPOSITS sa LUPANG PANGAKO”.
Entiendes?
----30--
SONA: Walang Wang-Wang!
SA gitna ng mga bagong isyu na sumulpot bunga ng kontrobersiyal na SONA ni PNoy, unti-unti nang nasasapawan ang Maguindanao Massacre.
Kahit ang Maguindanao Massacre ay hindi man lang nabanggit ni PNoy sa kanyang SONA.
Hindi niya iniutos na madaliin ang pagresolba ng kaso gayung bahagi ito ng EXTRA JUDICIAL KILLINGS.
Imbes na kastiguhin ang mga suspek at mabagal na proseso ng batas, mas KINASTIGO pa niya ang MEDIA sa pagsasabing “BANTAYAN NINYO ANG SARILI NINYONG HANAY”.
Tsk, tsk, tsk.
-----$$$--
HINDI rin niya binanggit kung ano ang posisyon niya sa kahilingan ni dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan na alisin ang pangalan nito bilang “principal suspek” dahil nang maganap ang krimen ay nasa loob siya mismo ng Malacanang.
Maselan ang isyu kasi’y NAUNA nang inabsuelto ni dating Justice Secretary Roberto Agra ang dating ARMM governor pero matapos kontrahin ng “public opinion” ay bigla nitong binawi ang desisyon.
Sa ngayon, gusto ng abogado ni Zaldy na alisin ang pangalan ng kanyang kliyente bilang principal suspek at nag-aantay sila ng desisyon.
Ano kaya ang posisyon ni PNoy sa mosyong ito?
-----$$$---
DAPAT ay magbigay ng opinion ditto ang Malacanang lalo pa’t tuluyang nang INABSUELTO ng Korte si PO1 Johann Draper noong Hulyo 16 sa katwirang “lack of probable cause” dahil nagging suspek lamang si Draper kasi’y “may malapit siyang relasyon” sa isa sa mga PANGUNAHING SUSPEK.
Sinabi ng Korte na hindi sapat ang “malapit na relasyon” para ideklarang GUILTY o may matibay na ebidensiya laban sa naturang pulis.
Sa ngayon, yan din mismo ang katwiran ng abogado ng dating ARMM governor na si Atty. Redemberto Villanueva.
Kasi’y para kay Atty. Villlanueva na ang “pagiging kapatid” ng kanyang kliyente sa PRINCIPAL SUSPEK na si Andal Ampatuan Jr ay hindi sapat na basehan upang makasuhan ang dating gobernador ng ARMM.
Kung paano ito reresolbahin ng hukuman ay nananatiling isang MASELANG isyu.
Kung nagbibigay si PNoy ng personal niyang opinion sa kaso ni Sen. Antonio Trillanes, bakit wala siyang binanggit na “posisyon” sa Maguindanao Massacre?
Nagtatanong lang naman.
-----$$$---
NAKU-CURIOUS din ang ordinaryong tao kung bakit hindi nabanggit sa SONA ang talamak na ILLEGAL DRUGS problem sa bansa gayung kasabay ng SONA—ay naaresto at nakalaboso sa Hong Kong ang isang MIYEMBRO mismo ng 15TH CONGRESS.
Kung susukatin, napakahalagang ISYU ito na AKTUWAL NA INIWASAN sa SONA.
Natatakot din kaya si PNoy na bumagsak ang kanyang helicopter kapag “BINOMBA” niya ang mga illegal drug traffickers?
Kusa nab a niyang IPINAUUBAYA an gating Republika sa KUKO ng mga drug lord?
------$$$---
ANG kontraktuwalisasyon na umaalipin sa milyong-milyong OBRERO—bakit wala rin sa SONA?
Ang patuloy na pananatili ng US troops sa loob ng Pilipinas, bakit wala rin sa SONA?
Ang isyu sa maselang AGRARIAN REFORM particular ang problema sa Hacienda Luisita, bakit wala rin sa SONA?
Teka, bakit nga ba WALA rin sa SONA ang bunsong kapatid na si KRISTETA?
May nag-text: Ulyanen ka nab a, Ka Ambo, wala si Kris, kasi’y hindi ba’t sabi ni PNoy, ay BAWAL na ang mga “WANG-WANG”.
O, kitam, wala si Kris, wala ring ingay ang SONA, wala kasing “wang-wang” eh.
He, he, he.
remate tonight news release, july 28 issue
JOE TORRES
BAKA mauubusan ang bansa ng pera dahil sa pansamantalang pagsara ang De La Rue, ang pinakamalaking imprenta ng pera sa mundo at partner ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Pumalpak sa ilang "quality specifications" ang kompanyang naka-base sa United Kingdom at pinangangambahang magsara dahil bumagsak na ang stocks nito kasunod sa pag-anunsyo na suspendido ang kanilang operasyon.
Ang De La Rue ay siyang pangunahing nag-iimprenta ng pera ng Pilipinas at kung mangyayari ang kinakatakutan ng mga analyst, baka maubusan ng pera na magagamit ang bansa.
Nagbabala ang ilang analyst na kung masisira reputasyon ng kompanya sa mga bangko, hindi na ito makakabangon at makapagpapatuloy sa paggawa o pag-imprenta ng pera na magagamit ng mga mamamayan sa kanilang pang-araw-araw na transaksyon.
“Integrity of currency is not something you take risks with and this is frightening to the market,” ayon sa isang analyst.
Ayon sa mga financial analyst na ayaw munang magpabanggit ng pangalan maaapektuhan ang Pilipinas sa problema ng De La Rue dahil masyadong dependent ang BSP sa kompanya at sa iba pang "non-government printers."
Dapat umano ang gobyerno ng Pilipinas ang siya mismong gumagawa ng pera ng bansa.
“Over the past few years, the BSP has been outsourcing more of the printing of RP notes to foreign printers, such that today some 47 percent are now printed abroad,” dagdag ng isang nakakaalam sa pagpapatakbo ng BSP na ayaw magpapangalan dahil wala siyang pahintulot magsalita tungkol sa isyu.
Aniya, dapat ang pag-imprenta ng pera ay papangalagaan ng pamahalaan dahil ay kaakibat sa soberenya ng bansa.
Samantala, habang nangyayari ang krisis sa De La Rue, hindi naman nagagamit ng husto at napapakinabangang ang Security Printing Complex sa Lungsod Quezon dahil sa kapalpakan ng Monetary Board na ma-upgrade ang pasilidad.
PNoy kinuryente ng mga amuyong
KINURYENTE si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III na kaniyang mga alipores kaugnay sa mali-maling numero at impormasyon na kaniyang binanggit sa kauna-unahang State-of-the-Nation Address (SONA).
Sa kaniyang kontra-sona, isa-isang sinagot ni Minority Leader Edcel Lagman ang lahat ng akusasyon ni Pnoy sa nagdaang administrasyon na aniya'y punung-puno ng galit at paghihiganti at palpak na mga datos.
" The President is grossly misinformed, to say the least. According to the Bureau of the Treasury, the total cash disbursement or national government expenditures as of 30 June 2010 amounted to 788 billion 833 million pesos. In other words, 751 billion 767 million pesos or 48.78% of the budget remains unspent. Nakuryente ang Presidente despite the fact that his SONA was not electrifying," pagdidiin ni Lagman.
Ang nakakatawa pa aniya, sa kabila ng maling impormasyon na ibinigay kay PNoy ay nagawa pa nitong ipakiusap sa Kongreso ang kaniyang mga gabinete na huwag ng padaanin sa butas ng karayom ng Commission on Appointments (CA).
"Nakuryente ang Presidente despite the fact that his SONA was not electrifying. Not realizing that he was given wrong data, false statistics and flawed analyses, he still appealed to Congress that these errant appointees should breeze through the Commission on Appointments. This is shockingly aggravating. "
Hinanapan ng Minorya si PNoy ng mga magiging panuntunan nito sa usapin ng kalusugan, edukasyon, seguridad sa pagkain, pabahay at kapaligiran.
Maging ang ukol sa agrarian reform program ay hindi nabanggit ni PNoy gayung ito ang pangunahing naging agenda ni dating Pangulong Corazon Aquino, ang ukol sa human rights , mga overseas Filipino workers at lokal na manggagawa at ang ukol sa Freedom of Information bill na dapat sana ay bigyang prayoridad. (Meliza Maluntag)
Head: “Malalangis” na komite pinag-aawayan sa Senado
HINDI pa nareresolba ng Senado ang chairmanship ng 37 permanent committees sa Mataas na Kapulungan dahil nagkakaroon ng girian ang ilang senador sa “malalasang” komite na nais makopo ng partikular na mambabatas.
Sinabi ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III, chairman ng committee on rules na naggigirian sina Sen. Ralph Recto at Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., sa Senate committee on public services na hahawak sa aplikasyon ng prangkisa ng lahat ng telekomunikasyon, istasyon ng telebisyon at radio, at marami pang public services.
Pinagtatalunan pa rin kung sino ang hahawak ng Senate committee on energy na gustong makopo nina Sen. Loren Legarda at Sen. Juan Miguel Zubiri; at Senate committee on environment na gustong makorner ni Sen. Teofisto Guingona II.
Sinabi ni Sotto na nakuha ang Committee on finance ni Sen. Franklin Drilon, Blue Ribbon Committee kay Sen. Francis Pangilinan, Justice committee kay Sen. Francis Escudero at Committee on Banks, Currencies and Notes kay Sen. Serge Osmena.
Inireserba naman kay Sen. Panfilo Lacson ang defense committee na pansamantalang hahawakan ni Sen. Gregorio Honasan na nakakopo sa agrarian at peace process committee ng Senado.
Ibinigay naman kay Sen. Manny Villar ang economic affairs committee, kay Sen. Joker Arroyo ang constitutional amendments and, laws and codes; health committee at women, family and youth relations kay Sen. Pia Cayetano at education committee kay Sen. Edgardo Angara.
Napunta kay Sen. Ferdinand Marcos Jr., ang local government at urban planning and development dahil layunin umano niyang amendahan ang Local Government Code upang umangkop sa kasalukuyang panahon at pag-aaral kung iaatras ang halalan ng barangay.
Walang hahawakan na komite naman sina Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada at Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano dahil ex-officio member sila ng lahat ng komite alinsunod sa Rules ng Senado.
Inihayag pa ni Enrile na wala pang resolusyon ang mayorya at minorya kung sino ang magiging miyembro ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) na awtomatikong hahawakan ng Senate President alinsunod sa Saligang Batas. (Ernie Reyes)
Head:Peace policy ni PNoy pinuri
SINABI ni Sulu Rep. Tupay Loong na maituturing niyang tanging mahalaga sa SONA ang ukol sa kagustuhan ni Pnoy na mapatakbo ang kaniyang gobyerno nang tama at ang pagbibigay pansin sa pagkakaroon ng kapayapaan sa Mindanao.
" Para sa amin, ito ang pinaka-seryosong problema namin sa MIndanao dahil ang mga tao namin at ang mga sundalo at pulis ay araw-araw namamatay ng walang dahilan. I hope ma-realize iyon," sinabi pa ni Loong.
Sa ngayon ayon sa mambabatas ay walang ibang isyu na maaaring makapagpasaya sa mga Muslim kundi ang pagkakaroon ng kapayapaan, tigil-putukan sa pagitan ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front.
Mahalaga aniyang ma-ungkat ang ugat ng suliranin bagama't imposible aniyang agad malutas ito ay kailangan dito ang pagpapakita ng sinseridad sa panig ng gobyerno.
" There is the need for the government to be sincere in addressing the problem this early," paliwanag pa ni Loong. (Meliza Maluntag)
Head: Alas ni Enrile : 13-man gang
LABINTATLO sa 17 miyembro ng mayorya sa Senado ang todo-todong sumusuporta sa liderato ni Senate President JuanPonce Enrile—kung saan kokornerin din nito ang maseselang komite at magpapabilis upang matalakay ang mga priority bills.
Sa ginanap na press conference kahapon, sinabi ni Sen. Loren Legarda na umabot sa labing-tatlong senador ang bumubuo ngayon ng panibagong bloke sa Senado na pinamunuan ni Sen. Edgardo upang makopo nila ang partikular na komite.
Ngunit, sinalungat naman ni Enrile ang naturang senaryo dahil pantay-pantay naman ang kanyang pagtingin sa bawat senador kaya’t nailatag na niya ang komite na angkop sa kakayahan at kasanayan ng partikular na mambabatas.
“Originallly may 13 na kami bago pag magbukas ang Kongreso na tanging layunin nito para sa chairmanship ng mga komite, suporta sa priority bills ng indibiduwal na senador at bilang tugon din sa panawagan ni Pangulong Aquino sa kanyang panukalang batas,” pagbubunyag ni Legarda.
Bukod kay Legarda, kabilang sa miyembro ng tinaguriang “bagong bloke” sina Angara, Sen. Manny Villar, Sen. Alan Peter Cayetano, Sen. Pia Cayetano, Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III, Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., Sen. Juan Miguel Zubiri at Sen. Gregorio “Gringo” Honasan na dumalo sa caucus kahapon.
Bagamat hindi nakadalo, miyembro din sa naturang bloke sina Sen. Joker Arroyo, Sen. Manuel Lapid, at Sen. Miriam Defensor-Santiago.
Nilinaw pa ni Legarda na makatutulog si Enrile nang mahimbing habang nagsisilbi itong presidente ng Senado dahil walang kondisyon ang kanilang pagsuporta sa liderato nito. (Ernie Reyes)
Head:MWSS, NFA ipinauuna kay Davide
MAUUNANG iimbestigahan “Truth Commission” na pamumunuan ni dating Chief Justice Hilario Davide ang alingasngas Metropolitan Waterworks and Sewerages System (MWSS) at National Food Authority (NFA) na ibinunyag ni Pangulong Aquino sa kauna-unahang State of the Nation Address
(SONA) noong Lunes.
Ipinahayag kahapon ni DOJ Secretary Leila De Lima sa isang press briefing na ang
katiwalian sa mga ahensyang nabanggit ay pagtutuunan ng pansin sa imbestigasyon
ng naturang komisyong bubuuin ng pamahalaan.
Ayon sa “expose” ng Pangulo , ilang matataas na opisyal ng MWSS
ay tumanggap ng P211.5 milyong pisong sahod, additional allowances at benefits samantalang ang mga retiradong empleyado ay hindi pa nakakatanggap ng kaukulang
kompensasyon para sa kanila.
Kasama din sa iimbistigahan ang umanoy over-importation o sobrang pag-aangkat ng
bigas ng National Food Authority (NFA) noong 2008 kung saan ay nangabulok lamang
ito sa kanilang mga kamalig.
Idinagdag pa ng kalihim na ang “Truth Commission” ay bubuuin ng 5-man
teem.
Piston dismayado sa SONA:Oil crisis di binanggit
NADISMAYA ang militanteng transport group na Pagkakaisa ng Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston) sa SONA ni Pangulong Aquino dahil hindi man lamang ang tugon sa kanilang panawagan ang pagbasura sa Oil Deregulation Law na ugat sa patuloy na pagtataas ng halaga ng produktong petrolyo .
Ikinalungkot din ng Piston ang di pagpigil ni P’noy sa implementasyon ng 250 percent tax sa toll fee at 12 percent evat sa langis na pawang epektibo sa Agosto ng taong ito.
“Nangangamba din kami sa kanyang public-private partnership plan na ang esensiya ay privatization. Ito ay simpleng pagsasapribado ng mga public infrastructures, mass transport,educational institutions na sa aktuwal ay parehas lang sa patakarang privatization, liberalization at deregulation na pinatupad ni GMA sa siyam na taong nitong panunungkulan,” wika ni Goerge San Mateo, secretary general ng Piston.
Kinuwestiyun din ng Piston ang di pag sambit ni Pangulong Aquino sa usapin ng reporma sa lupa, pagtaas ng sahod sa P125 sa mga manggagawa at pag alis sa contractualization gayundin ang pabasura sa VFA at Jpepa. (Santi Celario)