Tuesday, July 27, 2010

SONA: Walang Wang-Wang!



SA gitna ng mga bagong isyu na sumulpot bunga ng kontrobersiyal na SONA ni PNoy, unti-unti nang nasasapawan ang Maguindanao Massacre.

Kahit ang Maguindanao Massacre ay hindi man lang nabanggit ni PNoy sa kanyang SONA.

Hindi niya iniutos na madaliin ang pagresolba ng kaso gayung bahagi ito ng EXTRA JUDICIAL KILLINGS.

Imbes na kastiguhin ang mga suspek at mabagal na proseso ng batas, mas KINASTIGO pa niya ang MEDIA sa pagsasabing “BANTAYAN NINYO ANG SARILI NINYONG HANAY”.

Tsk, tsk, tsk.

-----$$$--

HINDI rin niya binanggit kung ano ang posisyon niya sa kahilingan ni dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan na alisin ang pangalan nito bilang “principal suspek” dahil nang maganap ang krimen ay nasa loob siya mismo ng Malacanang.

Maselan ang isyu kasi’y NAUNA nang inabsuelto ni dating Justice Secretary Roberto Agra ang dating ARMM governor pero matapos kontrahin ng “public opinion” ay bigla nitong binawi ang desisyon.

Sa ngayon, gusto ng abogado ni Zaldy na alisin ang pangalan ng kanyang kliyente bilang principal suspek at nag-aantay sila ng desisyon.

Ano kaya ang posisyon ni PNoy sa mosyong ito?

-----$$$---

DAPAT ay magbigay ng opinion ditto ang Malacanang lalo pa’t tuluyang nang INABSUELTO ng Korte si PO1 Johann Draper noong Hulyo 16 sa katwirang “lack of probable cause” dahil nagging suspek lamang si Draper kasi’y “may malapit siyang relasyon” sa isa sa mga PANGUNAHING SUSPEK.

Sinabi ng Korte na hindi sapat ang “malapit na relasyon” para ideklarang GUILTY o may matibay na ebidensiya laban sa naturang pulis.

Sa ngayon, yan din mismo ang katwiran ng abogado ng dating ARMM governor na si Atty. Redemberto Villanueva.

Kasi’y para kay Atty. Villlanueva na ang “pagiging kapatid” ng kanyang kliyente sa PRINCIPAL SUSPEK na si Andal Ampatuan Jr ay hindi sapat na basehan upang makasuhan ang dating gobernador ng ARMM.

Kung paano ito reresolbahin ng hukuman ay nananatiling isang MASELANG isyu.

Kung nagbibigay si PNoy ng personal niyang opinion sa kaso ni Sen. Antonio Trillanes, bakit wala siyang binanggit na “posisyon” sa Maguindanao Massacre?

Nagtatanong lang naman.

-----$$$---

NAKU-CURIOUS din ang ordinaryong tao kung bakit hindi nabanggit sa SONA ang talamak na ILLEGAL DRUGS problem sa bansa gayung kasabay ng SONA—ay naaresto at nakalaboso sa Hong Kong ang isang MIYEMBRO mismo ng 15TH CONGRESS.

Kung susukatin, napakahalagang ISYU ito na AKTUWAL NA INIWASAN sa SONA.

Natatakot din kaya si PNoy na bumagsak ang kanyang helicopter kapag “BINOMBA” niya ang mga illegal drug traffickers?

Kusa nab a niyang IPINAUUBAYA an gating Republika sa KUKO ng mga drug lord?

------$$$---

ANG kontraktuwalisasyon na umaalipin sa milyong-milyong OBRERO—bakit wala rin sa SONA?

Ang patuloy na pananatili ng US troops sa loob ng Pilipinas, bakit wala rin sa SONA?

Ang isyu sa maselang AGRARIAN REFORM particular ang problema sa Hacienda Luisita, bakit wala rin sa SONA?

Teka, bakit nga ba WALA rin sa SONA ang bunsong kapatid na si KRISTETA?
May nag-text: Ulyanen ka nab a, Ka Ambo, wala si Kris, kasi’y hindi ba’t sabi ni PNoy, ay BAWAL na ang mga “WANG-WANG”.

O, kitam, wala si Kris, wala ring ingay ang SONA, wala kasing “wang-wang” eh.

He, he, he.


No comments: