NGAYON masasagot na natin ang isang matagal nang PALAISIPAN: Bakit sangrekwa at hindi mapigil ang VEHICULAR ACCIDENT kung saan malagim na nasusugatan at namamatay ang mga pasahero at motorista---partikular ang mga rumaragasa sa kalye ng mga PAMPASAHERONG BUS.
Inamin, kinumpirma at ibinunyag mismo ng bagong chairman ng MMDA na tumatanggap ng Monthly Payola ang ilang opisyales at traffic enforcers bureau ng kanyang AHENSIYANG pinaglilingkuran.
Ang kainaman ditto, hindi media, hindi oposisyon at hindi rin ibang grupo ang NAGBUNYAG at nagkumpirma kundi ang mismong bagong MMDA chairman na si Francis Tolentino.
Hindi biro ang expose, kasi’y may dokumento na nakuha mismo sa MMDA.
Sangkot ditto ang mga popular na bus firms na sinasabing nagbibigay mula P10,000 hanggang P30,000 na buwanang tongpats upang magkaroon ng ESPESYAL NA TRATO, hindi makasuhan at makunsinte sa PAGPAPALIPAD ng kanilang bus sa mga highways.
Ito ay pabubunyag mula sa MMDA, pero maaari rin ang mga taga-LTO at iba pang ahensiya na may kaugnayan sa superbisyon sa operation ng mga bus—ay tumatanggap din ng TONGPATS.
Malakas ang loob ng mga driver at konduktor na labagin ang batas-trapiko—sapagkat “bayad na sila sa tongpats”—pinalilipad nila ang bus na parang mga piloto ang drayber.
Ano ang resulta: Mistulang masaker kapag nangamatay ang mga pasahero, nahuhulog sa bangin ang mga bus at sumasalpok sa kapwa “bus na nagbayad din ng TONGPATS”.
Lumalabas ngayon na kinunsinte ni dating MMDA chairman Bayani Fernando ang regular na tongpats sa kanyang ahensiya.
Dapat siyang magpaliwanag upang hindi siya maakusahang nakapag-fund raising drive siya sa panahon ng kanyang panunungkulan.
Dapat naman patunayan at kasuhan sa korte ni Tolentino ang mga sangkot sa BRIBERY.
Kapag hindi niya yan ginawa, matutulad siya kay PNoy, nahainan o napainan ng MALING MGA DATOS.
At maaakusahan siyang nagpapalaki lang ng HALAGA NG BUWANANG TONGPATS.
He, he, he.
No comments:
Post a Comment