JOE TORRES
BAKA mauubusan ang bansa ng pera dahil sa pansamantalang pagsara ang De La Rue, ang pinakamalaking imprenta ng pera sa mundo at partner ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Pumalpak sa ilang "quality specifications" ang kompanyang naka-base sa United Kingdom at pinangangambahang magsara dahil bumagsak na ang stocks nito kasunod sa pag-anunsyo na suspendido ang kanilang operasyon.
Ang De La Rue ay siyang pangunahing nag-iimprenta ng pera ng Pilipinas at kung mangyayari ang kinakatakutan ng mga analyst, baka maubusan ng pera na magagamit ang bansa.
Nagbabala ang ilang analyst na kung masisira reputasyon ng kompanya sa mga bangko, hindi na ito makakabangon at makapagpapatuloy sa paggawa o pag-imprenta ng pera na magagamit ng mga mamamayan sa kanilang pang-araw-araw na transaksyon.
“Integrity of currency is not something you take risks with and this is frightening to the market,” ayon sa isang analyst.
Ayon sa mga financial analyst na ayaw munang magpabanggit ng pangalan maaapektuhan ang Pilipinas sa problema ng De La Rue dahil masyadong dependent ang BSP sa kompanya at sa iba pang "non-government printers."
Dapat umano ang gobyerno ng Pilipinas ang siya mismong gumagawa ng pera ng bansa.
“Over the past few years, the BSP has been outsourcing more of the printing of RP notes to foreign printers, such that today some 47 percent are now printed abroad,” dagdag ng isang nakakaalam sa pagpapatakbo ng BSP na ayaw magpapangalan dahil wala siyang pahintulot magsalita tungkol sa isyu.
Aniya, dapat ang pag-imprenta ng pera ay papangalagaan ng pamahalaan dahil ay kaakibat sa soberenya ng bansa.
Samantala, habang nangyayari ang krisis sa De La Rue, hindi naman nagagamit ng husto at napapakinabangang ang Security Printing Complex sa Lungsod Quezon dahil sa kapalpakan ng Monetary Board na ma-upgrade ang pasilidad.
PNoy kinuryente ng mga amuyong
KINURYENTE si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III na kaniyang mga alipores kaugnay sa mali-maling numero at impormasyon na kaniyang binanggit sa kauna-unahang State-of-the-Nation Address (SONA).
Sa kaniyang kontra-sona, isa-isang sinagot ni Minority Leader Edcel Lagman ang lahat ng akusasyon ni Pnoy sa nagdaang administrasyon na aniya'y punung-puno ng galit at paghihiganti at palpak na mga datos.
" The President is grossly misinformed, to say the least. According to the Bureau of the Treasury, the total cash disbursement or national government expenditures as of 30 June 2010 amounted to 788 billion 833 million pesos. In other words, 751 billion 767 million pesos or 48.78% of the budget remains unspent. Nakuryente ang Presidente despite the fact that his SONA was not electrifying," pagdidiin ni Lagman.
Ang nakakatawa pa aniya, sa kabila ng maling impormasyon na ibinigay kay PNoy ay nagawa pa nitong ipakiusap sa Kongreso ang kaniyang mga gabinete na huwag ng padaanin sa butas ng karayom ng Commission on Appointments (CA).
"Nakuryente ang Presidente despite the fact that his SONA was not electrifying. Not realizing that he was given wrong data, false statistics and flawed analyses, he still appealed to Congress that these errant appointees should breeze through the Commission on Appointments. This is shockingly aggravating. "
Hinanapan ng Minorya si PNoy ng mga magiging panuntunan nito sa usapin ng kalusugan, edukasyon, seguridad sa pagkain, pabahay at kapaligiran.
Maging ang ukol sa agrarian reform program ay hindi nabanggit ni PNoy gayung ito ang pangunahing naging agenda ni dating Pangulong Corazon Aquino, ang ukol sa human rights , mga overseas Filipino workers at lokal na manggagawa at ang ukol sa Freedom of Information bill na dapat sana ay bigyang prayoridad. (Meliza Maluntag)
Head: “Malalangis” na komite pinag-aawayan sa Senado
HINDI pa nareresolba ng Senado ang chairmanship ng 37 permanent committees sa Mataas na Kapulungan dahil nagkakaroon ng girian ang ilang senador sa “malalasang” komite na nais makopo ng partikular na mambabatas.
Sinabi ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III, chairman ng committee on rules na naggigirian sina Sen. Ralph Recto at Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., sa Senate committee on public services na hahawak sa aplikasyon ng prangkisa ng lahat ng telekomunikasyon, istasyon ng telebisyon at radio, at marami pang public services.
Pinagtatalunan pa rin kung sino ang hahawak ng Senate committee on energy na gustong makopo nina Sen. Loren Legarda at Sen. Juan Miguel Zubiri; at Senate committee on environment na gustong makorner ni Sen. Teofisto Guingona II.
Sinabi ni Sotto na nakuha ang Committee on finance ni Sen. Franklin Drilon, Blue Ribbon Committee kay Sen. Francis Pangilinan, Justice committee kay Sen. Francis Escudero at Committee on Banks, Currencies and Notes kay Sen. Serge Osmena.
Inireserba naman kay Sen. Panfilo Lacson ang defense committee na pansamantalang hahawakan ni Sen. Gregorio Honasan na nakakopo sa agrarian at peace process committee ng Senado.
Ibinigay naman kay Sen. Manny Villar ang economic affairs committee, kay Sen. Joker Arroyo ang constitutional amendments and, laws and codes; health committee at women, family and youth relations kay Sen. Pia Cayetano at education committee kay Sen. Edgardo Angara.
Napunta kay Sen. Ferdinand Marcos Jr., ang local government at urban planning and development dahil layunin umano niyang amendahan ang Local Government Code upang umangkop sa kasalukuyang panahon at pag-aaral kung iaatras ang halalan ng barangay.
Walang hahawakan na komite naman sina Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada at Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano dahil ex-officio member sila ng lahat ng komite alinsunod sa Rules ng Senado.
Inihayag pa ni Enrile na wala pang resolusyon ang mayorya at minorya kung sino ang magiging miyembro ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) na awtomatikong hahawakan ng Senate President alinsunod sa Saligang Batas. (Ernie Reyes)
Head:Peace policy ni PNoy pinuri
SINABI ni Sulu Rep. Tupay Loong na maituturing niyang tanging mahalaga sa SONA ang ukol sa kagustuhan ni Pnoy na mapatakbo ang kaniyang gobyerno nang tama at ang pagbibigay pansin sa pagkakaroon ng kapayapaan sa Mindanao.
" Para sa amin, ito ang pinaka-seryosong problema namin sa MIndanao dahil ang mga tao namin at ang mga sundalo at pulis ay araw-araw namamatay ng walang dahilan. I hope ma-realize iyon," sinabi pa ni Loong.
Sa ngayon ayon sa mambabatas ay walang ibang isyu na maaaring makapagpasaya sa mga Muslim kundi ang pagkakaroon ng kapayapaan, tigil-putukan sa pagitan ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front.
Mahalaga aniyang ma-ungkat ang ugat ng suliranin bagama't imposible aniyang agad malutas ito ay kailangan dito ang pagpapakita ng sinseridad sa panig ng gobyerno.
" There is the need for the government to be sincere in addressing the problem this early," paliwanag pa ni Loong. (Meliza Maluntag)
Head: Alas ni Enrile : 13-man gang
LABINTATLO sa 17 miyembro ng mayorya sa Senado ang todo-todong sumusuporta sa liderato ni Senate President JuanPonce Enrile—kung saan kokornerin din nito ang maseselang komite at magpapabilis upang matalakay ang mga priority bills.
Sa ginanap na press conference kahapon, sinabi ni Sen. Loren Legarda na umabot sa labing-tatlong senador ang bumubuo ngayon ng panibagong bloke sa Senado na pinamunuan ni Sen. Edgardo upang makopo nila ang partikular na komite.
Ngunit, sinalungat naman ni Enrile ang naturang senaryo dahil pantay-pantay naman ang kanyang pagtingin sa bawat senador kaya’t nailatag na niya ang komite na angkop sa kakayahan at kasanayan ng partikular na mambabatas.
“Originallly may 13 na kami bago pag magbukas ang Kongreso na tanging layunin nito para sa chairmanship ng mga komite, suporta sa priority bills ng indibiduwal na senador at bilang tugon din sa panawagan ni Pangulong Aquino sa kanyang panukalang batas,” pagbubunyag ni Legarda.
Bukod kay Legarda, kabilang sa miyembro ng tinaguriang “bagong bloke” sina Angara, Sen. Manny Villar, Sen. Alan Peter Cayetano, Sen. Pia Cayetano, Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III, Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., Sen. Juan Miguel Zubiri at Sen. Gregorio “Gringo” Honasan na dumalo sa caucus kahapon.
Bagamat hindi nakadalo, miyembro din sa naturang bloke sina Sen. Joker Arroyo, Sen. Manuel Lapid, at Sen. Miriam Defensor-Santiago.
Nilinaw pa ni Legarda na makatutulog si Enrile nang mahimbing habang nagsisilbi itong presidente ng Senado dahil walang kondisyon ang kanilang pagsuporta sa liderato nito. (Ernie Reyes)
Head:MWSS, NFA ipinauuna kay Davide
MAUUNANG iimbestigahan “Truth Commission” na pamumunuan ni dating Chief Justice Hilario Davide ang alingasngas Metropolitan Waterworks and Sewerages System (MWSS) at National Food Authority (NFA) na ibinunyag ni Pangulong Aquino sa kauna-unahang State of the Nation Address
(SONA) noong Lunes.
Ipinahayag kahapon ni DOJ Secretary Leila De Lima sa isang press briefing na ang
katiwalian sa mga ahensyang nabanggit ay pagtutuunan ng pansin sa imbestigasyon
ng naturang komisyong bubuuin ng pamahalaan.
Ayon sa “expose” ng Pangulo , ilang matataas na opisyal ng MWSS
ay tumanggap ng P211.5 milyong pisong sahod, additional allowances at benefits samantalang ang mga retiradong empleyado ay hindi pa nakakatanggap ng kaukulang
kompensasyon para sa kanila.
Kasama din sa iimbistigahan ang umanoy over-importation o sobrang pag-aangkat ng
bigas ng National Food Authority (NFA) noong 2008 kung saan ay nangabulok lamang
ito sa kanilang mga kamalig.
Idinagdag pa ng kalihim na ang “Truth Commission” ay bubuuin ng 5-man
teem.
Piston dismayado sa SONA:Oil crisis di binanggit
NADISMAYA ang militanteng transport group na Pagkakaisa ng Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston) sa SONA ni Pangulong Aquino dahil hindi man lamang ang tugon sa kanilang panawagan ang pagbasura sa Oil Deregulation Law na ugat sa patuloy na pagtataas ng halaga ng produktong petrolyo .
Ikinalungkot din ng Piston ang di pagpigil ni P’noy sa implementasyon ng 250 percent tax sa toll fee at 12 percent evat sa langis na pawang epektibo sa Agosto ng taong ito.
“Nangangamba din kami sa kanyang public-private partnership plan na ang esensiya ay privatization. Ito ay simpleng pagsasapribado ng mga public infrastructures, mass transport,educational institutions na sa aktuwal ay parehas lang sa patakarang privatization, liberalization at deregulation na pinatupad ni GMA sa siyam na taong nitong panunungkulan,” wika ni Goerge San Mateo, secretary general ng Piston.
Kinuwestiyun din ng Piston ang di pag sambit ni Pangulong Aquino sa usapin ng reporma sa lupa, pagtaas ng sahod sa P125 sa mga manggagawa at pag alis sa contractualization gayundin ang pabasura sa VFA at Jpepa. (Santi Celario)
No comments:
Post a Comment