Thursday, October 28, 2010

Procreation ba ang kasal?

SABI ni Bishop Oscar Cruz, mas mabuti daw mag-asawa bago mag-35 anyos.
O, eh, bakit hindi siya nag-ASAWA agad?
Tapos, sisihin niya yung iba nuhh.
He, he, he.

-----$$$---
NANG magpakasal ako sa edad 43 anyos ay tinangka kong kunin si Fr. Robert Reyes na mag-officiate sa aming wedding rites.
Tinanong niya ako nang may pagdududa: “Ilan taon nab a ang mapapangasawa mo?”
Sabi ko ay 41 years old.(Sakaling 18-years old yung aking fiancee, baka nalunok niya yung kutsara!)
Natigil siya sa “pagsubo”, fiesta kasi noon ng Birheng La Naval na patron ditto sa Sto Domingo Church sa tapat ng aming opisina.
Nang bumukas ang bibig ay hindi oo ang isinagot niya kundi isa ring TANONG:
“Alam mo ba na ang pag-aasawa ay PROCREATION?”.
Malalim ang kanyang sinabi, pero mabilis din ang aking picked up at naunawaan ko agad ang kanyang PAHIWATIG.
Ako mismo ang news editor noon at siyempre, lagi akong nagbabasa ng kung ANO ang dapat basahin sapagkat kailangan yun sa page-EDIT ng mga balita.
Hindi ako agad nakasagot, pero ibinaba ko muna ang kutsara at inantay ko siyang makanguya:
“Father, alam ko po,” ang sagot ko.
“Pero, ako po ay magpapakasal, kasi’y gusto kong magkaroon ng kapartner sa buhay. Sakaling hindi kami magkaanak, talaga pong ganun, nakahanda naman kami.”
Nakikinig lang si Father.
“At kung sakaling magkaanak kami, hindi ba’t isang TUNAY NA BIYAYA ito ng Panginoon, Father? At yan po ang sinasabing REGALO NG DIYOS ang isang supling!”.
Tumugon si Father at sinabi: “O, sige, punta ka sa parokya ko next week, titingnan natin ang iskedyul ko sa Hunyo 12.

----$$$--
NAGPASALAMAT ako kay Father Reyes.
Pero, sa totoo lang, hindi ako nagpunta sa kanyang parokya para magpaiskedyul.
Magkaiba kasi kami ng PANINIWALA kung ano ang KAHULUGAN NG KASAL.
Sa kanya, ang kasal ay kailangang mag-ambag ka sa “creation” o pagpapaunlad ng “human specie”.
Para sa akin, ang kasal ay para sa MAKAKASAMA mo sa habambuhay.
Kayo, ano ang pakahulugan ninyo sa kasal?
Mahalaga ang isyung ito ngayon kaugnay ng kontrobersiyal na DIVORCE BILL at REPRODUCTIVE HEALTH BILL.

-----$$$---
ITUTULOY ko ang kuwento.
Hindi na ako nagpunta kay Father Robert at nagpakasal kami ng misis ko sa San Agustin Church sa Intramuros noong Hunyo 12, 2003 kung saan ay nag-officiate ay ang mismong “head priest” sa naturang simbahan.
Sa oras ng kasal, “dinatnan” ang misis ko at namantsahan ang kanyang PUTTING-PUTTING TRAHE-DE-BODA.
Napansin ng isang ninang ko at bumulong sa akin: “Malas mo naman!”.
Bumulong din ako: “Ooops! Ninang, baliktad, buwenas nga eh, kasi’y malinaw na simbolo yan ng buhay”.
Maniwala kayo at sa hindi, matapos ang “honeymoon” sa Banawe Rice Terraces, hindi na “dinatnan” ang misis ko matapos ang “mantsa” sa araw ng kasal.
Nang ma-delay nang “one-week”, ninenerbiyos ako.
Nang ma-delay nang two-weeks, excited na ako…hanggang ipa-pregnancy test at ipa-ultrasound —POSITIVE!!!
Niregaluhan kami ni LORD ng isang LANTAY NA GINTO!!

----$$$---
NGAYON, 55 kilograms na ang regalong ito na isa nang 6-year-old GRADE ONE pupil at tatanggap siya ng GOLD MEDAL sa “MATH SUBJECT” sa KUMON Philippines sa idaraos na ADVANCE STUDENT HONOR ROLL awarding sa Manila Hotel sa Maynila sa Nobyembre 13.
Ang gold medal sa Kumon ay iginagawad: “in recognition for completing Kumon lessons that are THREE (3) years ahead of what they are studying in traditional school”.
Pero sa aktuwal, dahil ANIM NA TAON lang siya (7-years old dapat ang Grade One) —bale, FOUR (4) YEARS AHEAD siya sa normal school level!!
Jesus Rainier, isa kang tunay na biyaya ng Panginoon!!
Sa mga naiiwanan sa biyahe, hindi pa huli ang lahat para sa REGALO ni Lord!!!!
Eka nga ni Father Robert, mag-ambag kayo sa HUMAN SPECIE—at WALANG IMPOSIBLE!!!
----30---

No comments: