Sunday, August 15, 2010

Instant president si Binay anumang oras

LUMALABAS ngayon na MAS MAKAMASA pa si Ate Glo kaysa kay PNoy.
Lahat ng ginawang pagmamalasakit ni Ate Glo sa mga ordinaryong Pinoy ay unti-unti ngayong lumulutang.
Partikular ditto, ang mababang singil sa expressway, mababang singil sa MRT, LRT at MegaTren at mababang presyo ng bigas.
Ang direksiyon na tinatahak ng mga direktiba ni PNoy ay ang pagpapalobo sa singil sa expressway, mrt, lrt, megsatren at mismo sa presyo ng bigas.
Pinapapatungan niya ng EVAT ang toll fees, binigyan niya ng go-signal sa kanyang SONA ang dagdag-singil sa mrt, lrt at megatren, at pagtigil sa import ng bigas—lahat ng ito ay kontra sa MASA.
Hindi ibinenta ni Ate Glo ang Pagcor kahit yan ang sulsol ng kanyang alipures, hindi rin niya ibenta ang Angat Dam at hindi rin ibinenta ang Naval headquarters ng AFP, pero ano ang lantarang posisyon ng administrasyon Aquino ditto?
Ipinagmagaling pa sa SONA, na ibebenta ang “rights sa paggamit” ng Naval headquarters; kamakailan lamang, pinapepresyuhan niya mismo ang Pagcor; at maging ang Angat ay lihim na iminamaniobra din para maibenta.
Kangino ibebenta?
Nagtanong pa kayo, e, di sa mga kroni, kangino pa?
Kung ano si Ate Glo noon, mas grabe at garapal pa si PNoy.
Magpa-survey kayo (hindi dapat yung mga nag-survey sa election na binayaran nila), medaling hulaan ang resulta—BUMABA na nang todo ang popularity rating ni PNoy.
At kapag bumaba ang approval rating ni PNoy, tiyak walang katapusang gulo ito sa lipunang Pinoy.
Bakit mas grabe si PNoy kaysa kay Ate Glo?
Kasi po ay hindi pa siya nakaka-100 araw sa Malacanang, at basted na agad sa taumbayan.

No comments: