MARAMING trabahong dapat asikasuhin sina PNoy at ang bagong kalihim ng Department of The Interior and Local Government (DILG).
Kasi’y kung susuriin, talamak na nilalabag ng halos lahat ng opisyales ng gobyerno particular sa LGU ang Republic Act No. 6713 na kilala bilang “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees”.
Sakop nito ang lahat ng klase ng opisyales ng gobyerno sa national levels hanggang sa kaliit-liitang barangay kagawad, treasurer, secretary, tanods o miyembro ng Katarungang pambarangay.
Sa definition of terms sa Section 3, “Public officials includes elective and appointive officials and employees, permanent or temporary, whether in the career or non-career service, including military and police personnel, whether or not they receive compensation, regardless of amount.”.
Sana’y imbestigahan ni DILG secretary Jesse Robredo ang talamak na pagtatrabaho ng mga BARANGAY OFFICIAL sa mga opisina ng municipal , city at provincial council kung saan ginagawang alalay, driver, liaison officer, clerk at chief of staff ang mga barangay captain, councilman, treasurer at iba pang opisyales ng barangay.
Malinaw na may conflict of interest ditto ang kanilang mga amo tulad ng mga bokal at konsehal sa siyudad at mga bayan.
Kasi’y gusto ng mga konsehal na MAKOPO ang boto ng “mga kabarangay” ng mga kinukuha niyang “empleado”.
At upang matakasan ang teknikalidad ng batas sa Civil Service Law, ang ipinapangalan sa PAYROLL ay ang kanilang mga anak, kapatid, asawa o pamangkin—pero ang aktuwal na nagtatrabaho ay ang mismong BARANGAY OFFICIALS.
Madali lang mabisto ito, magpunta kayo sa mga popular na siyudad tulad ng Maynila, Quezon City at iba pa—at itanong ninyo, sino po ba ang chief of staff ni Konsehal?---ang ituturo sa inyo ay ang ilang BARANGAY OFFICIAL.
Isang klase ito ng corruption at aktuwal na “15-30 raket” sa LGU—kasi’y tuwing akinse-at-katapusan lang pupunta ang mga nakapangalan sa PAYROLL.
Sige, subukan ninyong SUMAMPOL!!!
No comments:
Post a Comment