Saturday, March 01, 2025

New Monster in Media



"I am currently working on a new innovation in modern journalism. I am combining print or traditional newspapers; news portals or websites; YouTube video channels—and the newly invented avatar with AI.

How I will do it is an intricate daily activity that I am extremely excited to understand, test, and imagine.

I will do this using the shield of my experience in over three decades of journalism, but the concepts and wisdom I will share and embed in the content come naturally from my life since I was born, 67 years ago, shaped by various personal experiences—within family, society, and government.

How I will do it remains a puzzle, but this is precisely the content of our blog—right here in our My Diary. Editor's File!"


---------*******-------

 INIAAYOS    ko na ang bagong inobasyon sa modernong pamamahayag. Pagsasanibin ko ang print o tradisyonal na dyaryo; news portal o website; you tube video channel--at ang bagong imbento na avatar with AI.

Kung paano ko gagawin, iyan ang isang  araw araw na masalimuot na aktibidad na ako mismo ay sobrang nasasabik na maunawaan, masubukan at mapantasyahan.

Gagawin ko ito gamit ang kalasag ng aking karanasan sa mahigit na tatlong dekadang pamamahayag, pero ang paghugot sa mga konsepto at karunungan o wisdam  na ibabahagi at itatanim sa mga kontent ay likas mula sa aking buhay mula nang isilang ako, 67 taon na ang nakakaraan kung saan nahubog ako sa iba't ibang karanasan nang personal kong buhay--sa loob ng pamilya, lipunan at gobyerno.

Kung paano ko ito gagawin ay isang palaisipan, pero ito mismo ang nilalaman ng ating blog--dito lamang sa ating My Diary.  Editor's File!

Tuesday, April 30, 2024

SARANGGOLA NI PEPE




SOBRA ang tindi ng init.

Nasaan ang preparasyon laban sa El Nino?

Waley.


 ----$$$--

HINDI ba kayo nagtataka, bakit walang pagtatangka na mag-cloud seeding?
Hindi nagbibigay ng paliwanag ang mga eksperto kung possible baa ng artificial rain?

Hindi ba’t iyan ay isang teknikal na solusyon?

 -----$$$--

NASAAN ang inobasyon laban sa El Nino?

Teka, naghahanda na baa ng Pilipinas sa epekto ng kasunod na La Nina?
Mayroon na bang mga bagong rescue chopper na pwedeng gamitin?

----$$$--

SAKALING may sumabog na dam sa panahon ng La Nina at malakas na lindol—ano ang contingency measures?
Posibleng matapos ang El Nino at magkakambal na maranasan ang La Nina at The Big One na matagal nang ibinabala.

 ----$$$--

PANAY babala, pero puro propaganda lang at dakdak ang inilalabas sa media.

Pwede ba yun?

 ----$$$--

NALILIBANG ang mga tao sa isyu ng giyera.

Panay ang pundar ng gamit pang-giyera, pero gamit sa kalamidad at gutom, mayroon ba?

 ----$$$--

BAKIT walang nagsusulong na lagyan ng wind, solar at tidal wave energy production ang lahat ng coastal area sa Pilipinas.

Imbes na armas sa giyera, hindi ba pwedeng makipagpartner ang Pilipinas sa massive wind mills installation sa lahat ng coastal area?

 

----$$$--

KAKAMBALAN ang wind mills ng panibagong turbine na ang enerhiya ay mula sa malalakas na alon ng karagatan sa archipelago ng Pilipinas.

Kasabay niyan, maglagay din ng solar panel sa lahat ng dalampasigan.

 

------$$$--

ISA pang nagkapagtataka, bakit hindi binabanggit ang “drone machine” sa mga armas-pangiyera na inaangkat sa ibang bansa.

 Hindi ba pwedeng imembento ang mga Pinoy na “robotkite” na pwedeng magkarga ng pulbura na isasaboy sa mga barko ng dayuhang pumapasok sa exclusive economic zone ng Pilipinas?

 -----$$$--

Simpleng magpapaulan lang ng pulbura ang mga robotic kites sa mga barko ng laban—at hindi na kailangan ang fuse o detonator.

Kapag nagpaputok ang mga nasa barko, tiyak na  sila mismo ay sasabog!

Ha! Ha! Ha!

(Unedited. BistadoNiKaAmbo column for april 30, 2024 issue)

 

---30--

Saturday, December 12, 2020

Kris Aquino nagpasalamat sa parangal na Endorser of the Year

LUBOS ang pasasalamat ni Kris Aquino sa karangalan bilang Endorser of the Year na ipinagkaloob sa kanya at sa Uniliver Philippines ng Philippine Association of National Advertisers (PANA) sa ginanap na PANAta Awards 2020.

Ayon sa post ni Kris sa kanyang Instagram, "To the Philippine Association of National Advertisers, thank you for the recognition. @unileverphilippines & Lady’s Choice CONGRATULATIONS & thank you for the trust. To my followers watching this, in the video i mentioned my mom... i’ll be posting something on December 14 (my Christmas gift for you done in her honor) because she really instilled in me that i wouldn’t have been able to make my childhood dream come true, and now provide for my sons had it not been for your continued trust & unwavering support.

"Marami nang pinagdaanan ang buhay ko, pero hindi kayo nang iwan. Kaya chance ko ‘to para makapag THANK YOU & para maparamdam ko sa inyo na buong buo ang tiwala ko sa mga kapwa Pilipino- makakabangon tayo pero kailangan nating magtulungan... handa ako to do my part because NOW is the time to prove my love for the Philippines and the Filipinos."

Pinarangalan si Kris para sa kanyang Lady's Choice ad ng Uniliver Philippines, na ayon sa kanyang IG video ay matagal na ang naging pinagsamahan nila ng naturang brand at kung ilang Christmas ad na rin ang nagawa nila. Kasama pa ni Kris sa Lady's Choice ads ang bunsong anak niyang si Bimby, na maliit pa raw noong nagsimula silang gumawa ng ad pero ngayon ay napakatangkad na nito sa latest ad nila.

Nag-post naman sa IG at Facebook ng pagbati kay Kris ang fan group niyang Kris Aquino World, kung saan namin kinuha ang photo na ginamit namin dito sa aming kolum.

"Congratulations to our one and only Queen of All Media, Kris Aquino, for winning Endorser of the Year at the recently concluded PANAta Awards 2020.

"Thank you to @unileverphilippines & @ladyschoiceph team!"

Congratulations Ms. Kris Aquino!

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET) 

 

Angelika Santiago, enjoy bilang kontrabida

KONTRABIDA role ang natoka sa magandang newbie actress na si Angelika Santiago sa top rating TV series ng GMA-7, titled Prima Donnas.

Kasama ang BFF niya in real life na si Elijah Alejo, kabilang sila sa umaapi sa mga teens ng nasabing teleserye. At ayon kay Angelika, okay sa kanya ang pagganap sa kontrabida role.  

Lahad ni Angelika, “Sa totoo lang po, mas okay po sa akin yung kontrabida na role. Kasi, growing up po sa former school ko, yun po talaga yung role ko lagi sa mga films namin sa school.

“Gusto ko pong maging mataray in camera po, kasi parang nag-a-add po siya ng tension kapag nagse-scene po ako, kasama ang mga kaibigan ko po. And nakakatulong po iyon para lalo naming magampanan nang maayos ang character po namin,” pahayag pa ni Jelay (nickname ni Angelika).

Sino ang gusto niyang sundan ang yapak sa pagiging kontrabida?

Aniya, “Actually, ngayon po talaga, nilu-look up ko po talaga si Ma’am Aiko. Hindi po kami nagkakaeksena, pero may scene po kami na nag-‘Hi’ lang po kami, pero sa Hi lang po ni Mommy Aiko, parang wow, nakakaano na… matatakot ka na, ganoon, hahaha!”

Anong nagustuhan niya kay Aiko? “Gusto ko po talaga sa kanya yung facial expression po. Kapag tumitingin siya, talagang yung kilay niya tumataas, ganyan.

Parang grabe, parang iniisip ko po, ‘Hindi ka ba natatakot Elijah?’ Kasi sobrang nakakatakot si Mommy Aiko kapag nagstart na, kapag in character na siya.

“Pero may times po na parang… yun nga po, nagkukuwento sa akin si Elijah na parang medyo nakakatakot talaga si Mommy Aiko, ‘pag into character na po.”

Nakatawang dagdag pa ni Jelay, “Pero kapag hindi na po take, ang bait po ni MommyAiko at talagang sobrang saya and ingay po sa Prima Donnas. Pati si Mommy Kat (Katrina Halili) po, maingay din po, hahaha!”

Samantala, masaya si Angelika na maging endorser ng Keracream shampoo at conditioner. Bagay na bagay siya sa produktong ito dahil kahit mahaba at hanggang baywang ang kanyang buhok, name-maintain niya itong maganda at maayos.

 

Siya rin ang endorser ng Shake King Frost.

 

Saad ni Angelika, “Ito pong Shake King Frost ay very reasonable po ang price at napakasarap. Plus, maraming flavors to choose from... bale, cake in a shake po siya na smoothie. Ang favorite flavor ko po is yung chocolate at red velvet.    . 

“Open na po ito for franchising nationwide, pls contact Arnel T. Bollena at 09298312885 and Ernalyn Villegas at 09427467323.”

Ano pa ang wish niyang mangyari sa kanyang karera sa showbiz?

Tugon ni Angelika, “Wish ko lang po is more projects to come and bigger roles po. Kahit naman po small roles, okay lang po sa akin basta po may projects.”

(SILIP by NONIE NICASIO / BISTADODAILYNEWS.NET)

Lotlot versus Janine sa TF at akting

HOW true na natalbugan pa ngayon ni Janine Guttierez ang Mommy niyang si Lotlot de Leon sa TF at acting?

Magmula nang maging Gawad Urian best actress awardee na si Janine this year ay para siyang ginto na mas tumass ang value ika nga. Kantiyaw tuloy ng iba ay mas namana ni Janine ang husay miya sa acting sa Lola niyang si Nora Aunpr o Mama Guy kesa sa Mommy niyang si Balot?  

Agree or disagree?!

                        *****

Ricky Gumera at Sean De Guzman, kayang sapawan ni Charles Nathan na kassma nila sa ‘Anak Ng Macho Dancer’ via Godfather Productions ni Joed Serrano.

Kahit bidang-bida sina Sean at Ricky sa nasaboing obra ni direk Joel Lamangan at tila mas nakasentro sa kanilang dalawa ang publicities kesa rito kay Charles Nathan ay okey lang dito sa huli. Pero sa obserbasyon ng mga usisero't usisera sa showbiz ay puwede silang talbugan sa lakas ng dating at kaguwapuhan ng supporting nila sa movie.

Sa Tikas ng tindig at artistahing dating ni Nathan ay higit na lamang ito kina Sean at Ricky.  Bagay na ayaw na lang magkomento pa ng huli. Sa aktingan na lang sila magkakatalong tatlo kung sino ang mapapansin at mag-i-stand out sa kanila once na maipalabas na ‘Ang Anak Ng Macho Dancer.’  Abangan!

(SHOWBISTOOO! by OGHIE IGNACIO / BISTADODAILYNEWS.NET)

 

Friday, December 11, 2020

X'Mas ni Janah patok; Erika Mae mas palaban sa 2021

USO ulit ang single ni Janah Zaplan na ‘Sana Lagi Ay Pasko’ under Star Music. Sa tuwing sasapit ang araw ng kapaskuhan ay naririnig natin sa mga radio station ang kantang ito ni Janah. Maging sa social media ay patok din ang kanta niya. Kaya naman unti-unti nang napapansin ang batang ito dahil sa kanyang pagiging talented.

Hindi lang sa singing siya magaling. Maging sa dancing and acting. Kasama sa pelikulang ‘Mamasapano’ under Borracho Films si Janah. At kamakailan ay pinarangalan siya sa Laguna Excellence Awards. Nominado rin siya sa Aliw Awards para sa Female Pop Artist.

Kahit busy sa kanyang online school via zoom nakukuha pa ring isingit ni Janah ang kanyang mga commitments sa showbiz Lalo pa ngayon na pandemic at mahirap lumabas ng bahay. Guided din siya siyempre ng kanyang mga magulang lalo na si Daddy Guard na si Daddy Boyet Zaplan na siya na ang tumatayong driver at tatay ni Janah.

            *****

Erika Mae Salas, mas palaban sa 2021

ISANG taon din na halos bahay lang ang aming alagang si Erika Mae Salas dahil sa pandemic. Bibihirang lumabas ng bahay at kung lalabas man ng bahay iyon ay importanteng bagay Lang. Halos araw-araw ay practice lang siya sa kanyang maliit na studio sa bahay na ipinagawa ng kanyang Daddy Emil bago pa mag-pandemic, isang studio na puwede para sa tulad niyang singer na makakapag-perform ka kahit nasa bahay lang siya.

Kaya naman may oras si Erika ngayon sa kanyang sarili na makapag-focus lalo sa kanyang singing career lalo pa the whole year at wala siyang show dahil sa pandemic. Pero pangako ni Erika sa mga fans niya na ba bawi siya sa 2021 dahil sa mas lalo na siyang handa at palaban. Kumbaga lalong pinatibay siya sa mga nangyari sa ating kapaligiran.

Sa ngayon kasama sa pelikulang ‘Mamasapano’ si Erika Mae at isa siya sa Lady reporter sa nangyaring massacre noon sa Mamasapano. Sa mga nagmamahal kay Erika Mae, abangan n’yo lang siya next year at may ihahandog siya sa inyo na isang magandang balita lalo na ang mga mall shows and events na pinupuntahan niya palagi.

(KEMBOT by BENNY ANDAYA / BISTADODAILYNEWS.NET)

Teejay nag-Boracay matapos kumayod ; Sylvia madamdamin

BAKASYON mode ang isa sa lead actor ng hit BL Series na ‘Ben and Jim’ na katatapos pa lang ng season 1 na si Teejay Marquez after ng sunud-sunod na trabaho na kanyang ginawa lately.

Mula sa shooting ng ‘Ben x Jim’ hanggang sa shoot nito ng commercials, print ads at guestings sa iba’t ibang TV Shows like ‘Eat Bulaga,’ ‘It’s Showtime’ at ‘LOL’ atbp. At bago nga simulan ang season 2 ng ‘Ben x Jim’ ay nagdesisyon si Teejay kasama ang ilan sa kanyang mga mahal sa buhay ay nagtungo ang mga ito sa Boracay para mag-unwind at makapag-recharge para sa kanyang susunod na trabaho.

Ilang araw na mamamalagi ito sa Boracay at pagkabalik na pagkabalik sa Manila ay isho-shoot na nila ang inaabangang season 2 ng ‘Ben x Jim’ with same cast sa pangunguna ni Jerome Ponce (Jim), Kat Galang (Flo), Sarah Edwards (Yana) at Ron Angeles (Olan) sa direksiyon ni Easy Ferrer na siya ring direktor ng Regal Entertainment, Inc.na  entry for Metro Manila Film Festival 2020, ang “The Missing.“  

Kaya naman mukhang malabong gawin nito ang mga proyektong dapat sana ay gagawin nito sa Indonesia, Thailand, Malaysia, Vietnam at Japan, dahil bukod sa ‘Ben x Jim’ ay may pelikula pa itong gagawin bukod sa isang regular tv show.



                        *****

Sylvia  madamdamin ang mensahe sa panalo ni Arjo

MADAMDAMIN at punong-puno ng pagmamahal ang post sa kanyang fb account ng award-winning actress na si Ms. Sylvia Sanchez para sa mahal na mahal niyang anak na katulad niya ay mahusay ding actor na si Arjo Atayde na kapapanalo pa lang na Best Actor sa Asian Academy Creative Awards 2020 para sa mahusay nitong pagganap sa “Bagman.“

Kung sabagay maging kami ay naging saksi sa pagsisimula ni Arjo sa showbiz nung ipinakilala siya ni Ms. Sylvia sa malalapit niyang kaibigang press at sinabing papasukin na rin ng kanyang anak na si Arjo ang showbiz. Mahiyain, mabait at magalang na Arjo ang nakausap namin at doon pa lang ay ramdam na ramdam namin ang kagustuhan ni Arjo na maging part ng showbiz Industry.

At nang tanungin nga kami ni Ms. Sylvia kung anong masasabi namin kay Arjo ay isa lang ang sinabi namin na may lalim itong kausap at ramdam na ramdam namin na gusto nitong sundan ang yapak ng kanyang ina na isang napakahusay na aktres, kaya naman pasok na pasok ito sa showbiz. At di nga kami nagkamali dahil sa pag-uumpisa nito sa showbiz ay napansin kaagad ang husay nitong umarte na sinundan ng sunud -sunod na acting awards at ngayon nga ay di na lang ito nanalo ng award sa Pilipinas kung hindi maging sa ibang bansa.

Post nga ni Ms. Sylvia, “Sa lahat ng mga tanong mo, pagdadalawang isip at pangamba, ito ang eksaktong sagot anak!! Ito ang mundo mo. Dito ka nararapat!!! Super super Proud of you Juan Carlos Campo Atayde!!!

“Walang kasing sarap ang naging kapalit ng lahat ng hirap, kabiguan at pasakit sa yo. Abutin mo ang lahat ng gusto mo at dito lng ako mga kapatid mo at daddy mo na aagapay sa yo kasama ng mga dasal ng buong pamilya at ng mga taong may tiwala, nagtiwala at nagmamahal sa yo, at salamat sa lahat ng mga nagmahal at nagtiwala sa yo.

“ Salamat sa pagiging Pag asa, Ligaya at Liwanag naming lahat Kaka proud ka!!! A well-earned merit for a gifted performer. You really deserve it nak. Embrace it. Own it. Take care of it and Use it but don't forget to stay humble and always keep your feet on the ground.

“Congratulations to my Asian Academy Creative Awards Best Actor 2020 Arjo Atayde Lov u na #abscbn #dreamscapeph #iwant #iwanttfc #mmk #starcreatives #RSBdramaUnit #gmounit #asiancreativeacademyawards #hammerhead #beautedermcorporation #proudmom #happiness #family #grateful #thankuLORD.

Have a blessed Sunday. Congratulations, Arjo na hangang ngayon ay nanatiling mabait, magalang at napaka humble kahit na malayo na ang nararating ng kanyang karera sa showbiz.” 

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)

 

Wendell nae-excite Nora; Marlo pasado ba?

PURSIGIDO at ganado si Joed Serrano na magtuluy-tuloy sa pagpoprodyus ng pelikula ang movie outfit niyang Godfather Productions na handang sumugal sa paggawa ng magagandang pelikula. Hindi pa man naipapalabas ang ‘Anak Ng Macho Dancer’  nina Ricky Gumera at Sean de Guzman na dinirehe ni Joel Lamangan ay may kasunod na agad ito.

Kung matutuloy ang plano ni Joed ay ang superstar na si Nora Aunor with Wendell Ramos ang bibida sa gagawin at ipoprodyus nitong ididirek ni Direk Adolf Alix, Jr.

Sa picture nilang naglabasan sa social media ay excited na silang mag-umpisa ng siyuting. Lalo na itong si Wendell na masayang -masaya sa pagsasabing, “See you soon sa set 'Nanay Guy' na lkinasanayan niyang tawag sa superstar. Naging .malapit kasi silang dalawa mula ng magkatrabaho sila sa ‘Onanay’  ng GMA 7 kaya excited na si Wendell na makaeksena na niya si Mama Guy hindi lang ss TV kundi sa big screen na nga.

Gusto nga kayang tapatan ng Godfather Productions ni Joed bilang producer ang Regal, Viva at Star Cinema na big movie productions ng bansa?! Abangan!

*****

                        Pasado bang singer si Marlo Mortel?

MATAGAL-TAGAL ding walang balita kay Marlo Mortel lalo na nang magshutdown nang tuluyan ang ABS-CBN 2 na nakakontrata siya'y lalong hindi na nakabalita sa kanya hangang sa may biglang post sa S=social media na visible pa rin siya sa showbiz.

Hindi nga lang sa pelikula at telebisyon kungdi sa pagpasok niya sa recording via Polyeast Recording kung saan may single record siyang ilalabas pati ang baguhang si Ron Macapagal.

Makapasa kaya sa mga music lovers ang boses ni Marlo at hindi kaya siya magaya sa ibang trying very hard singer na dinoktor lang ang boses sa recordking ng musician na nag- arrange ng kanta? That remains to be seen kung ok ding singer si Marlo. ‘Yun Na!

(SHOWBISTOOO! by OGHIE IGNACIO / BISTADODAILYNEWS.NET)

Dave at Manolo, kaabang-abang sa ‘Babawiin Ko Ang Lahat’

PARTE ng bigating cast ng upcoming GMA drama series na ‘Babawiin Ko Ang Lahat’ ang dalawang Kapuso heartthrobs na sina Dave Bornea at Manolo Pedrosa. 

            Excited na ang fans nila sa roles nila as Randall at Justin, at kung ano ang magiging papel nila sa kuwento na pagbibidahan nina Pauline Mendoza, Carmina Villaroel, at John Estrada.

            Makikita sa social media accounts nina Dave at Manolo ang behind-the-scenes photos mula sa kanilang lock-in taping na siguradong ngayon pa lang ay magpapakilig na sa fans! 

            Tutok lang sa GMA para sa updates sa mga bagong show na mapapanood next year! 




            *****

            Ken Chan, may patikim sa role


            SA teaser na ipinost ng GMA Drama kahapon, mapapanood ang Kapuso star na si Ken Chan na in-character habang tila nakikipag-away sa kaniyang asawa matapos siyang mahuli na may kalaguyo. Patikim lang ito sa role na gagampanan niya sa upcoming series na ‘Ang Dalawang Ikaw,’ kung saan muli niyang makakatambal si Rita Daniela.

            Makikitang agresibo si Ken sa nasabing video, habang ipinapakita ang mga sintomas ng pagkakaroon ng split personality. Sa serye, magkakaroon ng dalawang katauhan si Ken--bilang si Nelson at si Tyler--sanhi ng kanyang mental illness na dissociative identity disorder.

            Abangan ‘Ang Dalawang Ikaw,’ malapit na sa GMA!

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET)

Kim kay Gerald: "Eh, di Wow!"

GAME na game si Kim Chiu  sa mga biruan nila ni Vice Ganda nitong Thursday, December 10, sa  ‘It's Showtime's Tawag ng Tanghalan’ segment. Tinanong ni Vice si Kim kung ano ang sasabihin niya sa kanyang ex-boyfriend sakaling magkrus ang ang kanilang landas isang araw?

"Ikaw Kim Chiu, nakasalubong mo siya. Magkasama silang dalawa," tanong ni Vice kay Kim.                             

Obviously,ang pinapatungkulan dito ni Vice ay ang ex niyang si Gerald Anderson na nali-link ngayon kay Julia Barretto.   

Agad namang tugon ni Kim, sasabihin niya sa kanyang ex-bf: "Eh di kayo na!"

Sige pa sa pagbibiro si Vice kay Kim. Vice: "Magkasama silang dalawa, masaya pa."

Ganti naman ni KIm, "Kakalabitin kong ganyan. Eh di wow!".

Para naman kay Vice, sakaling magtagpo sila ng ex, ganito ang kanyang sasabihin.  "Pakisabi sa jowa mo, salamat. Salamat dahil noon, ako ‘yung pinili niyang i-give up. At noong pinili niya akong i-give up, nakatagpo ako ng level up.”

Buwelta ni Kim, “Gusto ko rin ganyan! 'Yan na lang din pala 'yung akin!” sabay tawa..

"Sige ishe-share ko sa 'yo 'yun, text-text na tayo," ganting biro ni Vice.

Bagama't hindi pinangalanan ang kanyang ex-partner sa programa, hindi ito ang unang beses na pinagpiyestahan sa ‘It's Showtime’ ang tungkol sa kanyang ex-dyowa.

Gaya nitong nakaraang October, Kim was asked to like her ex-boyfriend Gerald Anderson's posts on Instagram as part of her "fun-nishment" in the "Mas Testing" segment of the noontime show. 



                        *****

Kathryn  sa Magnificent 7 ng 100 Digital Stars List 

              KABILANG ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo sa pitong Pilipinong napabilang sa taunang 100 Digital Stars List ng Forbes Asia na inanunsiyo nitong Martes, December 8.

Binansagang 'Magnificent 7' dahil pipito lang na Pilipinong celebrities ang pinarangalan, kabilang na sina Sarah Geronimo, Anne Curtis, Vice Ganda, Marian Rivera, Angel Locsin, at Kim Chiu.

Napabilang sa listahan ng Asia-Pacific’s Most Influential Celebrities on Social Media si Kathryn dahil sa pagbibida niya sa dalawang highest-grossing films ng Pilipinas, ang The Hows Of Us noong 2018 at Hello, Love, Goodbye noong 2019.

Siyempre pa, proud na proud  ang longtime reel-and-real life sweetheart ni Kathryn na si Daniel, 25,na kanyang nakatambal sa  all-time box-office hit na The Hows Of Us.

Habang ang Kapuso actor na si Alden Richards naman ang kasama ni Kathryn sa Hello, Love, Goodbye.

Nasa “$20 million” ang kinita ng dalawang nabanggit na blockbuster movies, ayon sa Forbes Asia.

Sa Instagram Story ni Daniel nitong Miyerkules, December 9, ibinahagi niya ang screenshot ng artikulo ng Forbes Asia tungkol kay Kathryn.

Sa Instagram post ni Kathryn nitong Martes, sinabi nitong itinuturing niyang karangalan ang mapahilera "alongside people who put their influence to good use, especially in these trying times where the digital platform plays a huge role in raising awareness and promoting positivity.”

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)                               

ABS-CBN nakabangon: Best TV Station sa Platinum Stallion at Rawr Awards

DUMANAS man ang ABS-CBN ng matinding dagok dahil sa pagkawala ng prangkisa at hindi ito napapanood sa telebisyon tulad ng dati, umani pa rin tagumpay ang Kapamilya Network matapos kilalaning pinakamahusay na TV network sa bansa sa LionhearTV Rawr Awards 2020 at Platinum Stallion National Media Awards 2020.

Ginawaran ng TV Station of the Year ang ABS-CBN sa Rawr Awards dahil sa malikhain nitong pamamaraan upang patuloy na makapaglingkod sa kabila ng kawalang ng prangkisa.

            Bukod dito, binoto rin ng mga netizen, bloggers, at miyembro ng media industries ang iba't ibang Kapamilya programs at personalidad tulad ng “It’s Showtime,” na tinanghal na Trending Show of the Year at “Love Thy Woman,” na nanalo naman bilang Bet na Bet na Teleserye.
            Si Vice Ganda ang hinirang na Pak na Pak na Comedian, si Toni Gonzaga ang Favorite TV Host para sa digital show niya na “I Feel U,” habang si Angel Locsin ay isa sa Most Admired Celebrities.
            Wagi rin sa Rawr Awards, na anim na taon nang nagbibigay parangal sa pinakamahusay sa Philippine Entertainment industry,  ang dating “Pinoy Big Brother” housemate at Star Hunt artist na si Fumiya Sankai (Beshie ng Taon), ang “Isa Pa With Feelings” lead actress na si Maine Mendoza (Actress of the Year), “Ghost of the Past” (Movie ng Taon), at ang tambalang KyCine nina Kyle Echarri at Francine Diaz (Loveteam of the Year).



            Samantala, pinagtibay rin ng mga estudyante, guro, kawani, at iba pang bahagi ng Trinity University of Asia (TUA) ang kanilang pagtitiwala at suporta sa ABS-CBN bilang isang multimedia network sa pagpili sa ABS-CBN.com bilang Digital Media Network of the Year at DZMM Radyo Patrol 630 bilang AM Radio Station of the Year.
            Binigyang-puri rin ang broadcast icon na si Noli De Castro ng “TV Patrol” bilang Male News Personality of the Year habang si ABS-CBN News reporter na si Jervis Manahan ay pinarangalan ng Trinitian Media Educator for Broadcast Journalism award.
            Ito na rin ang ikaanim na pagtatanghal ng Platinum Stallion National Media Awards na isinasagawa ng Media and Communication Department ng College of Arts, Sciences and Education ng TUA.

Congrats, Kapamilya!

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET) 

 

Thursday, December 10, 2020

Malusutan kaya nina Iza, Shaina, Sylvia si Nora?

MAY laban daw sina Iza Calzado at Shaina Magdayao sa best actress sa MMFF this year dahil sa mahusay nilang perfomance sa movie nilang entry na ‘Tagpuan’  ayon sa mga nakapanood.

Hindi magpapahuli ang dalawa ika nga at puwede rin daw makalusot kung mai-impress ang mga hurado. Pero papatalbog ba naman si Sylvia Sanchez sa ‘Homecoming’ entry niya kaya sure na sasagupain nila ang superstar na si Nora Aunor for ‘Isa Pang Bahaghari’  na sinasabing hahakot ng awards sa MMFF Gabi Ng Parangal.

Well, let's wait and see na lang kung malulusutan nila ang subtle at subdued acting ni Mama Guy na subok na sa loob ng maraming taon na niya.ng paghakot ng acting awards! ‘Yun Na!

                        *****

            John Lapus sinalo ng TV5

NA-DEPRESS daw nang husto ang comedian/tv host actor na si John Sweet Lapus mula nang masara ang ABS-CBN 2 o Kapamilya Network dahil isa nga siya sa talent ng Dos na nawalan ng trabaho idagdag pa nga naman ang salot na pandemyang Covid 19 na hanggang sa kasalukuyan ay sumasalanta pa rin sa ating bansa kaya lalong malaking depression nitong si John.

Hindi raw siya makatulog at makakain nang maayos mula pa nang isara ang Dos last May ng taong kasalukuyan. At masasabi niyang mabait pa rin ang Diyos ss kanya dahil kung may nagsara man ay may nagbukas ng trabaho para sa talentadong gaya niya. ‘Yun daw ay nang biglang alukin siya ng TV5 para maging talent nga nila at nabunutan.siya ng tinik sa kanyang dibdib dahil ang Singko na Kapatid Network ang nagsilbing savior niya para mabawasan ang nararamdaman niyang depression at anxiety na tinatawag.

Babalik na uli siya sa pag-arte sa special dramang ‘Paano Ang Pasko’ kaya ganado at masaya na itong si Sweet na nagkatrabaho habang wala pang kasiguraduhan sa pagbabalik sa normal ang ABS-CBN na miss na niyang paglingkuran muli. Talbooog!

(SHOWBISTOOO! by OGHIE IGNACIO / BISTADODAILYNEWS.NET)

 

PAO Chief Atty. Persida Acosta may bagong ipinaglalaban

MAY  bagong ipinaglalaban ang mabait pero palaban at matapang na Public Attorney's Office (PAO) Chief na si Atty. Persida Rueda Acosta lalo kapag may naaping mahihirap.

Tunay ngang nasa puso na ni PAO Chief Acosta ang tumulong sa abot ng kanyang makakaya hangang makuha nito ang hustisya sa kanyang ipinaglalaban.

Katulad na lang ngayon na sa mismong opisina niya na kanyang pinamumunuan ang kanya ng ipinaglalaban, dahil sa prohibition na in-insert nina Senator Franklin Drilon at Senator Sonny Angara sa 2021 General Appropriations Ac (GAA) Bill for 2021 ay nangangambang mawalan ng trabaho ang mga empleyado at doctor sa Pao Forensic Laboratory Division. 

Laman ng naturang insertion na "Nothing in the appropriation provided in this act shall be used for the salaries or compensation of personnel, travel allowance, meetings and maintenance and other operating expenses of the PAO Forensic Laboratory Division." 

At hindi pabor si Pao Chief Acosta sa nasabing insertion kaya naman naglabas ito ng statement na di pumapabor sa gustong mangyari ng dalawang Senador.

"This insertion is unconstitutional, illegal, a violation of Civil Service Commission rules for permanent government employees and contrary to law. The insertion by opposition senators should be vetoed by PRRD (President Rodrigo R. Duterte) if it prevails in the Bicam, to maintain rule of law, human rights, and access to justice by the poor.” aniya.

Kaya naman daw umaasa si Pao Chief Acosta na pakikinggan siya ng Pangulong Rodrigo Duterte para na rin sa mga Filipinong mahihirap at mga pamilyang tumatangis hanggang ngayon dahil sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay dahil sa Dengvaxia vaccination.



                        *****

Laplapan with Miss Everthing kering-keri ni Ricky Gumera!

Masuwerte ang newbee actor at isa sa magbibida sa pelikulang “Anak ng Macho Dancer“ na si Ricky Gumera, dahil after nitong bansagan na  Millenial Totoy Mola ay sunud-sunod na ang gagawin nitong pelikula sa Godfather Productions ni Joed Serrano.

Pagkatapos nga nitong gawin ang “Anak ng Macho Dancer” ay gagawin at pagbibidahan naman niya ang  pelikulang “Anak ni Totoy Mola.”

Siya rin ang napisil na maging leading man sa sex comedy movie na  ‘Monay.’  Launching  film ito nina Miss Everything at Monay Madrigal. Willing din daw si Ricky sa kissing scene at bed scene kay Miss Everything. 

Todo-puri rin niya si Miss Everything dahil nagsama sila sa  isang vlog  at sinabon ang kanyang katawan. Napaka-humble daw nito kahit sikat na social media influencer.

“Panoorin n’yo kung paano ako sabunin ni Miss Everything,” Nangingiting pahayag ni Ricky.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)