Friday, November 21, 2025

Pagtatagpo ng sinauna at modernong pamamahayag

 


22november8:35am2025

Starbucks, marriothotel, resortworldmanila

 

GUMASTOS ako ng halos P8,000 nang iparepair ko ang ACER V 15 laptop. Naga-hang kasi tuwing gagalawin ang lcd screen. Iniisip kong hinges o flex. Pero nang suriin ng technician, natuklasan hindi compatible ang RAM. Inilibre kasi ng computer store ang isang 8g ram para maging 16g ram, pero mahina klase o generic ang inilagay imbes na original. Mahirap pagkatiwalian ang mga computer store sa mga malalaking mall—may scam pa rin.

Sa totoo lang, nagulat ang technician, kasi’y malakas ang laptop ko—dahil 1 tera ang storage—at ngayon ay pinalitan niya nang single slot 16g RAM. Geforce 4050 ang  videocard nito.

Tinatanong ng technician kung ginagamit ko sa gaming ang laptop—pero sinabi ko na hindi naman. Ginagamit ko lang sa pag-composed ng mga video clip para makapag-post sa iba’t ibang social media platform.

Tinanong niya uli ako: “nagma-mining ka ba? Yun  bang bitcoin”.  Kalmante siya na nauunawaan ko ang tanong niya, sabi ko ay hindi. Hindi naman Talaga. Malalakas na computer kasi ang ginagamit sa “mining” sa bitcoin. Sabi ko, “di ba parang sugal din yun, hindi ako nagsusugal”.

Nagtataka ang technician kung bakit malakas ang specs ng laptop ko.

Sa totoo lang, isa akong beteranong editor at halos apat na dekada na sa mainstream media. Aktibo pa rin ako dahil may opinion column ako nang “daily” sa Top 1, tabloid sa Pilipinas—Bulgar Newspaper.

Hindi ko matanggap na bumagsak ang street sales ng mga diyaryo—at alam kong ito rin ang trend sa buong daigdig dahil sa digital age o modernong teknolohiya—kung saan lumalambong naman ngayon ang articial intelligence particular ang AI agent o agentic AI—na kakaunti ang nakakaunawa—siyempre, kakaunti ang gumagamit kompara sa “digitally illiterate or AI-illiterate” sa buong Pilipinas at maging sa buong daigdig.

Matagal ko nang binuksan ang blog na ito, pero nais kong buhayin upang maidokumento ko—ang marahas na pagtatangkang yakapin at pagtagpuin ang sinaunang estilo ng pamamahayag, iskema ng pamamahayag sa kasalukuyan; at ang senaryo ng pamamahayag sa darating ng mga dekada.

Bibihira na o halos wala nang beteranong mamamahayag na ka-edad ko sa 67-anyos na nakakasabay sa modernisasyon—sa panahong ng ibayong paggamit ng komunikasyon!

Kung makakaya, makikisabay ako o sisikapin nating magpatiuna upang may masundan ang mga Kabataang nababaliw sa modernong komunikasyon particular ang mag-aaral at may potensiyal na maging mamamahayag sa hinaharap.

Ipagdasal nating magawa natin ito nang maayos, epektibo at tuloy-tuloy nang walang diskaril.

No comments: