Thursday, November 17, 2011

Scientific fighter na si Pacquiao

GUSTO ko na rin sanang sumawsaw sa isyu ng DINEDMA na TRO ng Korte Suprema, pero kinukulit tayo ng mga texters na dagdagan pa raw ang paliwanag tungkol sa laban nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez sapagkat walang batayan ang ilang OPINYON na nagsasabi na natalo si Pacman dahil emosyon at espekulasyon lang ang sinasabi ng mga ito.
Pwes, para sa mga boxing aficionados, ating IANALISA ang aktuwal na laro.
Nais muna nating linawin ang ilang argument.
Una, isa tayo sa naniniwala sa sinabi ni Pacquiao at Bob Arum: Masyadong mataas ang espekulasyon mga aficionados sa performance ni Pacman.
Bunga kasi ito ng PROPAGANDA o “tradisyonnal” na PRESS RELEASE—ng bawat KAMPO na hinihingi ng “marketing strategy”—MAGHAMBOG na patutulugin ang kalaban.
Sanhi rin ito ng nauna na nating BINANGGIT na ipina-LLAMADO masyado ng “mafia” si Pacman—sa “personal na nilang taktika” sa PUSTAHAN.
Ikalawa, para sa mga nagte-text, NANINIWALAA din ang KOLUM na ito na MAHUSAY si Marquez at inaamin din yan mismo ni PACMAN—as most deserved opponent. Pero, bagaman inaamin ni Pacman na mahusay at nahirapan siya kay Marquez, HINDI ito NANGANGAHULUGAN na “natalo o FEELING” ni Pacman na natalo siya sa naturang laban. Kahit pa MAGANDA ang ipinakita ni Marquez, hindi ito sapat para SABIHING NAGWAGI siya sa naturang laban. Sa punto rin iyan, hindi NANGANGAHULUGAN na komo’t MALUNGKOT ang asawang si JINKEE o malungkot mismo si PACQUIAO—ay nangangahulugan ito na TALO siya sa laban. MALI ang ganyang interpretasyon. Kahit malungkot sila, PANALO pa rin si Pacman batay sa judges scores at computer scoring system—DAHIL DIKIT-NA-DIKIT ang laban.

------$$$---
KUNG mapapansin ninyo, taliwas sa ibang laban, AGAD na ikino-KOBER ni Pacquoiao ang DALAWANG BRASO at KAMAO sa kanyang mukha at sikmura—na katulad ng “ROPE-A-DOPE” na ginamit ni Muhammad Ali kay George Foreman “minus the rope”. Hindi gumamit si Pacman ng “lubid” habang nagko-kober o nagdedepensa sa COUNTER ng kalaban. Mas ANGKOP na sabihin na KINOPYA ni Pacman ang taktika ni JOSHUA CLOTTEY nang kanyang makalaban. Nang harapin ni Pacman si CLOTTEY—walang ginawa ang NEGRO kundi ang magkober ng mukha kahit nasa gitna ng LONA o kahit walang lubid na sinasandalan. Hindi napatulog ni Pacman si Clottey, pero tinalo niya ito sa DESISYON. Ibig sabihin, hindi nagamit ni PACQUAIO ang “pamatay na kaliwa” kasi’y nakakober si Clottey.
Sa laban kay Marquez, nag-KOBER din si Pacman o nagdepensa sa unang APAT NA ROUND, pero kapag nakakasingit, ay talagang NASASAPOL si Marquez—pero hindi IPINAPAKITA ng HBO television sa SLOW MOTION.
Sa mga interview, ilang minute matapos ang laban, INAMIN ni Pacquiao na ININGATAN o KWIDAW siya sa COUNTER ni Marquez dahil ito ay aminado siyang MATALIM at MATINDI. Dahil aminado ang kampo ni Pacman sa “epektibong COUNTER-PUNCHING STYLE” ni Maquez—kaya’t dumipensa na lamang ito.
Maaaring kasama sa ESTILO ito na “DEPENSA” ay ang paniniwalang dahil “38-anyos” na si Marquez—ay maaaring manghina ito sa pagsapit ng DULO—o later rounds, at sakaling maubos ng “hangin” ang Mexican—ay DOON reremate ang PINOY hero.
Ang problema, hindi nagbago ang RESISTENSIYA ni Marquez, pero MAPAPANSIN na sa “later rounds”—doon NAGBUHOS ng ATAKE si Pacman kaya’t nakopo nito ang mga HULING ROUNDS.
Ang “taktikang ito ng DEPENSA” imbes na OPENSA—ay siyang “ADVISABLE STRATEGY” sa mga DEFENDING CHAMPION—na siya ring ginagamit ni FLOYD MAYWEATHER.
Kung tutuusin, dapat PURIHIN si Pacman sapagkat, nagiging SCIENTIFIC siya at hindi na natatangay ng EMOSYON kompara nang “bago siya sumabak sa Las Vegas”.
Nawala na rin ang “yabang” niya sa GITNA NG LONA na tipong nambubuska, at RELIGIOUSLY o CONSCIOUSLY—na naka-KOBER na ang kanyang MUKHA at SIKMURA—halos katulad ng estilo ni MAYWEATHER.
Sa totoo lang, maaaring “tuneup” at “sinubok” ng kampo ni Pacman—ang naturang TAKTIKA na posibleng i-enhanced o PAGBUTIHIN nila sakaling makasagupa ni Mayweather sa susunod na taon.
Kung tayo ang magsusuri, hindi BUMABA ang performance ni PACMAN, bagkus ay naging “DEFENSIVE BOXER” siya—taliwas sa dati nitong ESTILO—na siyang “ pinaghandaan ng kampo ni Marquez”.
Kung hindi binago ni Pacquoiao ang kanyang “AGGRESSIVE STYLE”, malaki ang posibilidad na NAPATULOG siya ni Marquez.
Ang “pagiging AGRESIBO” ang hinahanap ng mga “PINOY”, pero ito ay isang KAHINAAN ng mga ordinaryong boxing aficionados.
Kahit sa larangan ng chess, ang isang DEFENSIVE PLAYER—pa rin ang pinaka-EPEKTIBO taktika.
At si Pacman—ay naghunos mula sa isang BARA-BARANG boksingero o AGRESIBONG BOKSINGERO—tungo sa isang mala-SIYENTIPIKONG TAKTIKA ng depensa sa ibabaw ng lona.
Ang CONTENDER—ang siyang DAPAT na maging AGRESIBO—at ang isang 8-division champion at 10-time world champion tulad ni PACMAN—ay dapat na DUMIDIPENSA lamang—at MAG-ANTAY ng “atake ng katunggali.

------$$$--
NANINIWALA tayo na EPEKTIBO ang ginawang TAKTIKA ni Pacman ---dahil siya ang KAMPEON.
At iyan mismo ang dapat niyang GAMITIN at paghusayin pa sakaling makaharap muli si Marquez o kahit si MAYWEATHER.
Pina-SAFE at pinaka-EPEKTIBONG taktika yan.
Taliwas ito sa GUSTO ng publiko---SUMUGOD NANG SUMUGOD si Pacman hanggang sa DUMUGO ang mukha.
Iyan ay isang MUNGKAHI ng mga “hindi marunong sa boksing” at mga SADISTANG aficionados”.

----$$$--
ISANG malaking BIYAYA ng Panginoon na “NAGWAGI” si Pacman—nang “hindi nagkabikong-bikong” ang mukha ng dalawang boksingero.
Isang malaking biyaya ng Panginoon na nanalo si Pacman, nang hindi “NA-COMATOSE” si Marquez.
Ikaw, gusto mo bang ang tinatalo ni Pacman ay “nadudurog ang mukha at naoospital?
Ang pagkadismaya ng BOXING AFFICIONADOS sa Pacquiao-Marquez bout ay ang PAGKAWALA ng maraming dugo sa lona—na isang SINAUNANG UTAK na “sabik na masaksihan” ang BARBARONG LARO NG BOKSING.
Sa moderninasyon at sa sibilisasyon, ang BOKSING ay patungo sa isang LARO—na dapat ay WALANG GAANONG NASASAKTAN—at yan ang resulta ng PANALO ni Pacman.
Isang BIYAYA ito ng Panginoon---walang gaanong nasaktan pero mayroong NAGWAGI.

------$$$--
TALIWAS sa paniniwala ng marami, ang MAHALAGA o IMPORTANTE sa boxing—ay ang MAGWAGI, imbes na MAMBUGBOG o PUMATAY ng katunggali.
Ang boxing—ay hindi GAMIT sa pagpatay o pananakit sa kapwa, kundi ito ay ISANG LARO—tungo sa pagkakaisa ng BUONG DAIGDIG sa pagbubuklod ng LAHAT NG LAHI-- sa ilalim ng KALULUWA ng PALAKASAN o sports.
Kumbaga, pagbubunsod ng “OLYMPISM”.
Kung hindi NABUGBOG si Marquez ni Pacman pero nagwagi ang Pinoy—aba’y hindi ba’t higit na MABUTI ito kaysa nagwagi si Pacquiao pero NAPATAY niya ang kalaban?
----30-------

EESKAPO BA SI CONG. GLO?

NAKAPOKUS naman ngayon ang isyu sa TRO ng Korte Suprema kaugnay ng nadiskaril na pagbiyahe sa labas ng bansa ng mag-asawang sina dating pangulo at ngayon ay Cong. Glo at ex-FG Mike.
Sa totoo lang, maraming PRECEDENT o katulad na isyu ang maaari nating suriin.
Hindi lang ngayon natin nasasaksihan ang isyu tungkol sa BIYAHE ng isang presidenteng “HINAHABOL NG KASO”—pabalik ng bansa o PALABAS ng bansa.
Halinang suriin natin upang maunawaan natin ang buong sitwasyon at ma-APPRECIATE natin nang punto-per-punto ang magkakasalungat na ARGUMENTO ng bawat panig.

-----$$$---
UNA, ang tunay na isyu—ay ang KASO laban sa isang PRESIDENTE.
Hindi lang ngayon nagkaroon ng ganyang ISYU—KASO LABAN SA PRESIDENTE ng Pilipinas.
Masasagot ditto kung “GAANO KASAMA” si Ate Glo kompara sa kaso ng IBANG PRESIDENTE.
Simulan natin mismo sa UNANG PANGULO ng bansa.
May sasama o AASKAD pa ba s a isyu ng PAGPATAY ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo sa mismong pundador ng KATIPUNAN at isang aktuwal na BAYANI na si Gat Andres Bonifacio?
Siguro naman ay walang KOKONTRA—na talagang si Aguinaldo ang nag-UTOS ng pagpatay kay Bonifacio—maraming EBIDENSIYA dyan.

------$$$---
TUNGKOL naman sa pagbiyahe sa abroad at pag-uwi pabalik ng bansa.
Tipikal na masasagot natin ang mga tanong kapag binalikan natin ang sitwasyon na kinasadlakan mismo ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos at mismo ni dating pangulong ERAP.
Sa gitna ng daan-daang kaso iniaakusa kay Marcos, hindi kailanman hinangad ng dating Pangulo na manatili sa HONOLULU, HAWAII.
Malinaw ang DATOS at EBIDENSIYA-- na ayaw ni Marcos na manatili sa US, bagkus GUSTO- GUSTO niya na magbalik sa tinubuang lupa.
Sa kabila na hindi na niya hawak ng poder, at katakot-takot na DAMBUHALANG KASO—na naka-AMBA, nagpupumilit pa rin si Marcos at ang kanyang PAMILYA na BUMALIK sa Maynila—UPANG HARAPIN ang kaso.
Pero, ano ang ginawa ng administrasyon ni Tita Cory?
Hindi siya pinabalik.
Umabot pa ang MASS PROTEST kung saan nabuo ang milyon-milyong Loyalist Group upang HILINGIN na PAYAGAN ang mga MARCOSES na pabalikin sa Maynila, pero tinanggihan mismo ng Malacanang.
Isang ebidensiya ito, na hindi komo’t MARAMING KASO o GRABE ang inaakusang kaso—ang isang ‘DATING PRESIDENTE” ay HINDI NA BABALIK sa bansa.

------$$$--
ISA pang malinaw na sitwasyon ay si dating PRESIDENTE ERAP.
Nakikiusap mismo ang ADMINISTRASYON ARROYO sa kampo ni ERAP na mag-ABROAD na lamang at WALA NANG KASO ISASAMPA, pero ano ang desisyon ni ERAP?
Naninindigan si Erap na HINDI SIYA MAGA-ABROAD—at HINDI niya TATAKASAN ang katakot-takot na KASO—hinarap niya ang kaso hanggang siya ay NABILANGGO at nahatulan.
Si Marcos at si Erap—ay iisa lang ang DESISYON—haharapin nila ang KASO na isinampa ng kanilang mga KAAWAY sa politika.
Ang pagkakaiba lang, NAGAWA ni Era pang kanyang gusto, pero BIGO si Marcos na harapin ang kaso sa loob ng Pilipinas.
Buhay pa si Erap at nakarekober, si Marcos ay MALUNGKOT NA BINAWIAN ng buhay sa TERITORYO ng mga dayuhan.
Mas grabe, hanggang ngayon—ang kanyang KALULUWA—ay hindi pa rin NATATAHIMIK—sapagkat NAKABUROL pa ang kanyang LABI sa refrigerated CRYPT.

------$$$---
DAPAT nating maunawaan ang sinasabi mismo sa KORTE tuwing may kasong “political”: VOX POPULI, VOX DEI.
Ang desisyon ng tao, ay desisyon ng Diyos!
Ang sinumang PANGULO ng isang bansa—kahit sa papaanong paraan siya NALUKLOK—ay KINASISIYAHAN NG DIYOS. (Alalahanin natin ang kaso nina Jacob at Esau sa Bibliya—yung “basbas” kahit dinaya—ay NANANATILING BASBAS, hangga’t hindi binabawi)
Dapat nating IGALANG o IRESPETO (bagaman may kaso) ang mga naging PANGULO—sapagkat sila ay nakahanay sa mga BAYANI—buhay man sila o HINDI.

-----$$$--
ANG ISANG BAYANI o isang PANGULO o dating PANGULO —ay walang ibang PANGARAP kundi ang : Mamuhay at YUMAO siya sa sariling teritoryo ng INANG BAYAN.
Bakit hindi TINANGGAP ni Erap ang ALOK na mag-abroad kapalit ng “WALANG KASONG ISASAMPA”?
Hindi tinanggap ni Erap ang naturang alok sapagkat—ang PAGLAYO sa TINUBUANG LUPA at PAMILYA’T KAIBIGAN—ay ISANG NAKATO-“TORTURE” PARUSA para sa isang tao.
Ang paga-ABROAD—ay hindi “biyaya” o ang PANINIRAHAN sa “teritoryo ng banyaga” ay hindi PARAISO, sapagkat ang HIGIT NA PARAISO—ay ang manirahan ka sa iyong INANG BAYAN—at ditto ka rin bawian ng buhay.
Sakaling tinanggap ni Estrada ang naturang ALOK—lalabas na PINARUSAHAN mismo ni ERAP ang kanyang SARILI—sa isang KASONG kanyang itinatanggi.
Sa kaso ni Marcos, PINARUSAHAN siya ng kasaysayan—sapagkat YUMAO siya sa teritoryo ng ibang bans.
Higit na MABUTI ang “kamatayan” ng kanyang KARIBAL na si Sen.Ninoy—YUMAO sa TERITORYO ng kanyang INANG BAYAN.

-----$$$--
NGAYON bilang dating pangulo ng bansa, kayo na ang humatol—BABALIK ba sa Pilipinas o MAGPAPAKAMATAY sa teritoryo ng mga dayuhan si Ate Glo?
Mahirap humusga, kayo na lang.

-----$$$---
KAPAG tumakas at hindi NAGBALIK si ATE GLO---hindi niya sinasadya o SINASADYA MAN: PARURUSAHAN o KUSANG PARURUSAHAN niya ang kanyang SARILI.
Bahala na sa kanya ang KASAYSAYAN at ang DAKILANG LUMIKHA.
Pwede ring sabihin, tinanggap niya na “siya ay may kasalanan” at “pinarusahan niya ang kanyang sarili”.

----30----

Tuesday, November 15, 2011

PACQUIAO-MARQUEZ 3: THE UNPATRIOTIC FILIPINOS

MARAMING nagte-text sa inyong abang lingcod kaugnay ng reaction sa mga inilalabas natin ditto sa mga nagdaang araw, pero KAKAIBA ang bilang at NILALAMAN ng text kahapon kaugnay ng tema sa laban nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez.
Sa totoo lang, lingid sa kaalaman ng iba, tayo po ay nagsilbing SPORTS EDITOR sa napakahabang panahon bago naging news editor ng iba’t iba ring pahayagan.
Sinusubaybay natin ang lahat ng klase ng sports, pero nakapokus tayo sa BOXING—ang tunay na susi at pundasyon ng mga SPORT PAGES.
Sa pagtalakay natin kahapon, marami ang NAMULAT at nagpapasalamat dahil nalaman nila ang SITWASYON sa kontrobersiya kung saan idinarasal nilang makaabot ang nilalaman ng naturang artikulo sa kampo ni Pacman.
Direkta nating inaakusahan ditto ang HBO TELEVISION ng PANDARAYA kay Pacquiao at sa 93 milyong Pinoy.
Kasi’y BIASED ang COVERAGE ng HBO kung saan may MOTIBO itong “paglaruan ang KATINUAN” ng mga boxing aficionados hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong daigdig.
Hindi kasi makapaniwala ang mga KANO particular ang MEXICAN-AMERICAN na isang ASYANO o isang KAYUMANGGI ang bubura sa RECORD nina Muhammad Ali, Sonny Liston at Floyd Mayweather Jr.
Isang KLASE ito ng DISKRIMINASYON—kung saan “DADAYAIN” ang coverage upang PALABASIN na si Pacquiao ang NANDAYA imbes ang HBO kakutsaba ang MAFIA sa Las Vegas.

------$$$---
SA totoo lang, ang SITWASYON na kinasadlakan ni Manny Pacquiao ay hindi nalalayo sa Filipino Little Leaguers nang magkampeon ito sa 46th Little League World Series na ginanap sa South Williamsports, Pennsylvania, USA noong Agosto 22- 29, 1992.
Nang mga panahon iyon, tayo po ang SPORTS EDITOR ng tanging BROAD SHEET na nasusulat sa TAGALOG na “DIYARYO FILIPINO”—kung saan tanging TAYO lamang ang kaisa-isang FILIPINO JOURNALIST na sumaksi sa naturang WORLD SERIES—ang kauna-unahang pagkakataong INILAMPASO ng FILIPINO KIDS ang AMERICAN KIDS sa sarili nilang TERITORYO—sa SARILI nilang LARO o SARILI nilang “NATIONAL PASTIME” na BASEBALL.
Ang nag-cover ng event ay ang ABC Wideworld sports kung saan, ikinokober nila ang laro na ipinalalabas NANG LIVE sa buong USA at ilang bansa. Sa mga NAUNANG INNINGS, first, second ,third at fourth—kung saan NAGKAKAGITGITAN sa diamond—ay IPINAKIKITA pa nila sa TELEBISYON.
Pero, sa pagsapit ng FIFTH at SIXTH (final inning) kung saan GINUGUPAPA at INILALAMPASO ng mga Pinoy kids ang mga AMERICAN kids—ay BIGLANG nag-PACKED-UP at itinigil ang COVERAGE.
Ang VIDEO na naka-FILE sa YOU TUBE—ay makikitang hindi ISINAMA ang HULING DALAWANG INNINGS kung saan HINDI MATANGGAP ng US SPORTS MEDIA—na natatalo ang kanilang mga KABATAAN ng mga KAYUMANGGI mula sa Pilipinas.
Matapos talunin ng Filipino Little Leaguers ang Long Beach , California sa AKTUWAL na laro at sa DIAMOND (baseball ground), tinanghal na WORLD SERIES CHAMPION ang Pilipinas noong Agosto 29, 1992—at makaraan ang isang buwan, Setyembre, doon BINAWI ang korona—sa simpleng “teknikalidad sa districting rules “ (HINDI sa AGE eligibility tulad sa ikinalat ng mga MAKAPILI o TRAYDOR na Filipino press).
Nabawi ang KORONA ng Filipino Little Leaguers, dahil sa mga TRAYDOR na FILIPINO SPORTS writers.
At kakutsaba ditto ang “patriotikong US sports journalist” (na nagmamahala sa kanilang BANSA) kakutsaba ang mga Pinoy na WALANG PAGMAMAHAL sa KAPWA Filipino at walang pag-ibig sa Republika ng Pilipinas.

-----$$$---
NGAYON, kitang –kita natin sa iba’t ibang REAKSIYON sa MEDIA—na napakaraming MEDIA PERSONALITIES ang “IPINAHAHAMAK” ng kanilang OPINYON at “pagtatanong” kabilang ng ang kalabang ISTASYON ng GMA-7 na hanggang ngayon—ay NANGUNGUTYA at nang-iinsulto sa PANALO ni Pacman.
May nag-TEXT, kasing-KAPAL dawn g DOS-POR-DOS ang MUKHA ng mga KOMENTARISTA sa RADIO-TV station sa programang pang- umaga sa dahil sa PAGPAPASARING at PAGDUSTA sa pagkatao ni Pacquiao.
Ngayon pa lamang—ay dapat MATUTUTO si Pacquiao kung sino-sino ang kanyang KAKAUSAPIN at PAKIKISAMAHAN sa “PHILIPPINE MEDIA”.
Hindi lahat ng PUMUPURI sa kanya ay NAGMAMAHAL sa kanya.
Marami ditto ay nag-aantay na MADAPA siya upang siya ay DURAN at TALIKURAN.
Nakapangingilabot ang magiging SITWASYON ni Pacquiao—sakaling na-KNOCKED OUT siya ni Marquez—ang KAPWA PILIPINO niya ang YUYURAK sa kanyang pagkatao at KABIGUAN.
Buti na lang, si PACMAN ang NAGWAGI.
Kinasisiyahan siya ng Panginoong Lumikha, malinaw at aktuwal na natutulungan siya ng kanyang BANAL NA ROSARYO.
Iba pa rin talaga ang MARUNONG MAGDASAL..... marunong magmahal sa Inang Bayan.

PACQUIAO WAS CHEATED:HBO WAS THE CULPRIT

DIDIRETSAHIN na natin ang publiko kaugnay sa text na hinihiling na magbigay tayo ng pagtaya sa laban nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez.
Si PACQUIAO ang NADAYA , imbes si Marquez ang NAAGRABIYADO.
Si Pacquiao at ang 93 milyong Pinoy ang BIKTIMA sa naturang HBO television coverage na ibinenta sa pormang pay-per-view sa buong daigdig.
Bakit?
Sapagkat, “biased” ang coverage. May diskriminasyon ito sa Asyano at mga Filipino.
Batay sa statistical data at iskor ng judges, si Pacquaioang nagwagi, pero IPINAKITA ng HBO—ang BIASED COVERAGE pabor kay Marquez upang PALITAWIN ang MEXICAN ang nagwawagi kada ROUND, pero taliwas ito sa “computerized scoring” at taliwas sa nakikita ng tatlong hurado sa ring side.
Malinaw ang EBIDENSIYA—dito na IPINOPOKUS ang CAMERA ng HBO—sa mga SUNTOK ni Marquez na tumatama kay Pacquiao sa “SLOW MOTION” tuwing matatapos ang ROUND—Pero ang SUNTOK ni Pacman na sumasapol kay Marquez—ay HINDI IPINAKIKITA NG HBO TELEVISION.
Ang EKSENA at SITWASYON—ito sa “TELEVISION COVERAGE NG HBO”—ang NAGTULAK ng “MALING IMPRESYON” o “MALING OPINYON” at UMIMPLUWENSIYA sa manonood kabilang ang MISMONG Filipino communities.
Nago-opinyon ang mga TAO—batay sa IPINALABAS ng HBO sa telebisyon, pero hindi BATAY sa “AKTUWAL NA DATOS” sa ring side.

-------$$$--
NAKAKALUNGKOT ang opinion ng mayorya ng Pinoy kaugnay ng PANALO ni Pacquiao kay Marquez.
Marami ang nag-text sa atin at marami rin tayo na narinig na OPINYON: Sa paniniwala nila batay sa napanood nila—“NATALO” si Pacquiao at si Marquez ang “nagwagi”.
Espisipiko naman ang OPINYON—kasi’y ang kanilang “OPINYON” at “PANINIWALA” ay ibinatay nila sa “napanood sa telebisyon”.
Sa ganyang argumento—IGINAGALANG natin ang kanilang opinion—at kung PAGBABATAYAN talaga ang “COVERAGE NG HBO” sa pay-per-view na ibinenta nila sa buong mundo—iyan talaga ang “PINALITAW” nila sa COVERAGE.
Sa ganyang PAGLALATAG—ng “sitwasyon”, malinaw na masasagot ng KOLUM na ito ang “MARAMING TANONG” at “pagdududa” na hindi nasagot ng mga “SPORTS ANALYTS”, pero ilalantad natin sa espasyong ito.

-----$$$---
UNA, nais muna nating ipaalala na sa dinami-rami ng naglabas ng “pre-fight analysis”, tanging ang KOLUM na ito lamang ang DIREKTANG NAGSABI—at nag-abiso na ang IKATLONG PAGHAHARAP nina Pacquiao at Marquez ay magiging KONTROBERSIYAL.
One-hundred-percent nating NASAPOL ang naturang “resulta”.

---$$$---
IKALAWA, nais din nating bigyan-diin, na ang PANINIWALA at OPINYON ng kolum na ito—ay si MANNY PACQUIAO talaga ang NAGWAGI—at hindi si Marquez.
Ang opinion at paniniwalang ito, ay sinusuportahan ng mga AKTUWAL NA DATOS, EBIDENSIYA at LOHIKA:
Ito mismo ang hatol ng hurado. Walang judge na nagdeklara na nagwagi si Marquez, bagkus ang DALAWA ay nagdesisyon ng PANALO ni Pacquiao at ang ikatlo—ay TABLA ang pananaw.
Ang panalo ni Pacquiao ay suportado rin ng technical data—batay sa pagbilang ng suntok ng COMPUTER, batay sa datos na inilabas ng CompuBox.
Batay sa computer, nagpakawala si Pacquiao ng 578 punches, 176 ang kumunekta habang si Marquez naman ay nagpakawala ng 436 pero 138 lamang ang tumama sa kalaban.
Naitala rin ng computer ang 304 JABS ni Pacquiao kung saan 59 ang dumapo kay Marquez habang may 182 JABS si Marquez pero kakarampot na 38 ang umabot sa mukha ni Pacman. Sa POWER PUNCHES, bumira si Pacquiao ng 274 strong punches at 117 ang umabot kay Marquez samantalang may 254 power punches si Marquez pero 100 suntok lamang ang tumama kay Pacman.
Malinaw na malinaw na ebidensiya yan na NAGWAGI si Pacman—pero HINDI IYAN ANG IPINAKIKITA NG “COVERAGE NG HBO”.

-----$$$---
IKATLO, nagwagi si Pacman, batay sa “traditional” judging system sa professional boxing kung saan—ang KAMPEON ang nagdedepensa kaya’t mas dapat na agresibo ang CONTENDER na kailangan ay MAGPAKITA ng “clear points o convincing points”, bago mai-award sa kanya ang naturang round.
Kapag dikit o PATAS, ang round—tanging draw o puntos ito pabor sa DEFENDING CHAMPION.

-----$$$--
IKAAPAT, sa round-by-round o sa blow by blow account sa mga round—makikita natin—na kakaunti lamang ang mga ROUND na masasabing “NAKOKOPO nang malinaw” ni Marquez.
Mula sa First hanggang 4TH round—halos draw ang iskor ng dalawa—walang nanaig .
Sa pagpasok ng 5th, 6th at 7th—nakita ditto ang pagka-AGRESIBO ni Marquez, pero sinasabayan pa rin siya ni Pacman .
Pero sa pagdating ng 8TH ROUND—rumimate si Pacman kung saan MAS LUMUTANG ang kanyang pagka-agresibo kompara kay Marquez.
Sa mga ROUND na ito at sa mga kasunod na ROUND—ipinakikita ng HBO (ng kanilang KAMERA)—ang mga SUNTOK na pinatatama ni Marquez kay Pacman pero HINDI nito pinakikita sa SLOW-MOTION—ang mga PATAMA ni Pacquiao kay Marquez. Balikan ninyo ang VIDEO CLIPS at mapapansin ninyo na “BIASED ANG COVERAGE NG HBO”.
Ang “PANDARAYANG ITO” ng HBO sa mga TELEVIEWERS—ang nagtulak upang magbigay ng MALING OPINYON, MALING INTERPRETESYON ang mga AFICIONADOS.
Kung gayon, ang biktima ditto ay si PACMAN—na nasira ang reputasyon at mismo ang 93 milyong Pinoy na napeke sa “maling napanood”.

-----$$$---
IKALIMA, narito ang account sa FIGHTNEWS.COM makaraan ang 8TH ROUND: After eight rounds, Saturday’s clash between WBO welterweight champion Manny Pacquiao and WBO/WBA lightweight champion Juan Manuel Marquez was tied 76-76 on the cards of judges Robert Hoyle and Dave Moretti, with Glenn Trowbridge having Pacman ahead 77-75. Down the stretch, Hoyle (114-114) awarded both fighters two rounds, while Moretti (115-113) and Trowbridge (116-112) scored three of the last four rounds for Pacquiao. Marquez may have eased up slightly toward the finish after being assured by his corner that he was ahead in the bout.
Ipinakikita ditto na talagang “PATAS” lamang ang iskor ng dalawa at sa mga HULING ROUNDS lamang nagkatalo kung saan AKTUWAL na binabayo ni Pacman si Marquez—kaya’t iginawad ang panalo sa KONGRESISTA ng Saranggani.
Paano ninyo ninyo sasabihin na “TALO” si Pacman, unfair yan—at MALINAW na “biktima” mismo ang No.1 fighter ng daigdig sa MALING IMPRESYON na ginawa ng HBO sa kanilang coverage.

-----$$$---
HINAHAMON natin ang KAMPO ni Manny Pacquiao na kuwestiyunin si Bob Arum ng TOP RANK at mismo ang HBO television sa “HINDI PATAS” na fight coverage.
Iminumungkahi nating IPA-REVIEW ni Pacman ang KONTRATA sa HBO at i-PROFILE ang “COVERAGE TEAM” upang matukoy kung ilan ditto ang “miyembro” ng MEXICAN MAFIA.

-----$$$--
ISA ring MOTIBO ng “pandaraya sa coverage”—ay palitawing MAHINA at LAOS na si Pacman upang hindi ito magpumilit ng MALAKING PREMYO sa napipinto nitong laban kay Floyd Mayweather.
Isang TAKTIKA din ito upang MAKUMBINSE si Mayweather na labanan si Pacman kung saan LUMILITAW ang maling IMPRESYON na “tinalo” siya ni Marquez at higit na MAHUSAY si Floyd dahil mas malinaw ang panalo niya sa huling laban nila ni Marquez.
Sa puntong ito, malinaw na TUMPAK an gating paga-analisa na ang SINDIKATO sa Las Vegas ay MAKAMANDAG—kaya’t dapat na maging MAINGAT si Pacquiao.
Dapat ay IBASURA na ni Pacman ang KONTRATA sa HBO—dahil sa PALPAK na coverage.
Puwede nilang REBYUHIN yan—upang mapatunayan nila na TUMPAK ang ating paga-ANALISA.
Kapag napatunayan palpak ang HBO, puwede niyang ikansela ang kontrata, IDEMANDA at makakolekta ng DANYOS.

-----$$$----
SA totoo lang, dapat na MAGPASALAMAT ni Pacquiao sa naganap na sitwasyon—dahil NABISTO ang pagiging TRAYDOR ng ilang Pinoy kung saan, ININSULTO at KINUTYA si Pacman matapos ang laban ay Marquez.
Marami ditto ay ang mga nagrurunung-runungan na SPORTS ANALYST at ilan ditto ay mga KASAMAHAN ni Pacman sa GMA Channel 7 kung saan NAGPAKAWALA ng tanong na NANGUNGUTYA kay Pacman.
Pero, ang pinakamasamang KOMENTARYO ay nagmula sa kalabang istasyon ng GMA 7 kung saan HALOS lahat ng OPINYON—ay pangunutya kay Pacman.
Sa pagbabalik ni Pacquiao sa Pilipinas, madali na niyang matutukoy kung SINO ang MAKAPILI o mga TRAYDOR na kababayan at kung sino talaga ang NAGMAMAHAL sa kanya.
Walang duda na hindi 100 percent ng Pinoy ay kanyang tagahanga.
Sa gitna kasi ng “krisis” at “kahihiyan” ni Pacquiao—tulad sa NAKARAANG LABAN kay Marquez—mas DAPAT SANANG PINALUTANG NG MGA PINOY—ang PAGMAMALASAKIT , PAGTATANGGOL at [PAGMAMAHAL kay Pacquiao, imbes na pang-iinsulto sa kanyang KAKAYAHAN.
Sa gitna ng “negatibong sitwasyon na kinasadlakan ni Pacman”: NASAAN ANG SAMBAYANANG FILIPINO?
NASAAN?

-----30---