12:25pmnetopia,rotonda,pasay city
GUMISING ako dakong 6:am pero nilaro ko pa ang uniko-iho kong si Rainier, 2.5 years old. Natapos ko na at nai-send sa email ang anim na daily columns ko sa apat na national newspapers--dalawa sa BULGAR (Bistado at editorial); TIKTIK (Palmistry at Numero't Panaginip); BANDERA ( Galaw ng Numero);at TUMBOK (Kulay at numero). Pero ginawa ko ito sa computer rental shop sa loob ng Villamor. Ngayon, sinimulan ko na ang advance materials for friday issue (15th) para sa Bulgar--at ita-try ko na rin na maka-advance sa iba pang dyaryo na hawak ko.
Decided na ako na ituloy ang muling pagre-release ng BISTADO Weekly, by October. May sapat na akong inputs o experience sa lahat ng aspekto--editorial, production or printing, circulation o marketing. May ipatutupad akong teknik upang makatipid sa gastos---sa editorial, sa marketing at mismo sa imprenta. Sa nakaraang 4 issues ko noong Abril at Mayo--gumastos ako ng P3.70 per copy at nakapag-release ako ng apat na isyu--5,000 pcs (P18,000) ; 3,000 pcs (P12,000); 3,000 pcs (12,000) at 4,000 pcs (16,000). Gumastos ako ng P58,000 sa 4-issues. Inimprenta ito ng DOVE publishing at may pondo ako dito na aabot sa P38,000. Kung iaawas ito mula sa P58,000--kapos na lamang ako ng P20,000 na utang sa imprenta. Sa kabuuan, pwedeng kong presyuhan ang DRY RUN na ito sa kabuuang P80,000 kasama na ang personal expenses ko. Walang gaanong benta--at itataya ko lang sa 10 percent ng 15,000 pcs. Papalo lang ang collected sales na 1,500 pcs for P4 each--papatak sa P6,000; Mayroong ads na 3/4 na papalo sa halagang P10,000. Umabot ito sa P16,000 ang collections kasama ang circulation at advertising. Ibabawas ito sa P58,000---aabot lang sa P42,000 ang nagastos ko sa dry run hindi kasama dito ang suweldo ko. Pero, may sobra-sobra akong natutuhan dito:
Una, nai-format ko ito sa "saleable" o yung porma na magklik sa market; ikalawa, natuklasan ko na ang mas tipid na production expenses--papalo lang sa pinakamalaking P2.50 to P3 per copy imbes na P3.70; ikatlo, natutuhan ko ang teknik sa circulation na hindi daraan sa "dealers"; ikaapat, nakabisado ko ang "estilo ng forwarding o bentahan sa Visayas at Mindanao. Sa ngayon, naghahanap ako ng "personal fund" na P50,000 at sisimulan ko na ang pagbubukas muli ng BISTADO Weekly---sa pinakatipid na pamaraan.
------30--
Tuesday, September 12, 2006
Monday, June 12, 2006
Ugat sa diyaryo
INIHAHANDOG ko ang blog na ito sa mga mahihilig magsulat o mga nangangarap na magsulat sa pahayagan.
Layunin nito na mai-record ko nang sariwang-sariwa pa ang aking hilaw na pangarap na makapag-publish ng sariling dyaryo.
Mahigit 17 taon na ako sa larangan ng pamamahayag o dyornalismo mula nang mapasok bilang proofreader sa nasaradong DIYARYO FILIPINO, isang sister publication ng Philippine Daily GLOBE na inilalathala ni Mr. Ben Ramos, may-ari ng National Bookstore.
Kapwa nasarado na ang dalawang broad sheet newspaper. Nasusulat sa Tagalog o Filipino ang DF at all-English naman ang Globe.
Kasabay ng pagtatrabaho ko bilang regular proofreader, nagdo-double ako bilang provincial reporter o correspondent ng DF at GLOBE sa lalawigan ng Bulacan.
Magkasabay kong natutuhanan ang pasikot-sikot sa loob ng editorial desk at mismo sa pago-orbit orbit o pagkuha ng balita mula sa field. Noon pa man, maaaga na akong gumigising banding 6:00 am upang makapunta sa mga municipal police station at maghalungkat ng blotter; gayundin sa provincial headquarters noon ng Integrated National Police—pinagsanib na organisasyon noong ng AFP at PNP.
Siyempre, nakakasikuhan ko ang mga beteranong provincial reporters at mga editor, publisher, writer ng mga local community newspaper. Pumapasok ako banding 11:am hanggang 1:00pm sa opisina ng DF sa kanto ng Meralco Avenue at Shaw Blvd, sa Pasig City.
Bandang 1989-1992 ay wala pang gaanong gusali sa mismong Ortigas area. Nilalakad ko lang ang crossing hanggang sa tabi ng Kapitolyo ng Pasig, katabi ng opisina ng Nova Communications. Sa loog ng editorial desk, pinagbubutihan ko ang pagpo-proofred kasi’y nagagalit ang mga senior editors at columnist kapag may typo error ang kanilang artikulo kapag nalalathala sa diyaryo. Tulad sa pagtatrabaho ko noong sa gobyerno (1978-1982), maluwag ang supervisors sa Nova at madalas umabsent ang mga empleado. Pero hindi ko sila ginagaya , kasi’y interesado ako sa trabaho kung saan nakasama mo ang mga batikan at mahuhusay na manunulat tulad ni National Artist Virgilio Almario, Lamberto Antonio at Ariel Borlongan.
Si Pareng Ariel ang humimok sa akin at nagrekomenda na pumasok ako sa pagdadyaryo at ito raw ang angkop sa mga “pangarap ko”.Hunyo 24, 1989 ako nagsimula sa desk nang magkaroon ng bakante pero nauna rito ng ilang buwan ang pagsusulat ko bilang contributor-correspondent na ang unang artikulo ko ay tungkol sa “ANG KANGKONG” sa ilog ng Balagtas, Bulacan.
Mula sa puntong iyan ako nagsimula sa pamamahayag!
---30--

Saturday, April 22, 2006
KITA sa 2-ektaryang BUKID
22abril06
MAINAM balikan ang bukid.
Sa totoo lang, natupad ko na ang isang matagal ko nang pangarap. Magkaroon kahit isang ektaryang right sa lupang sakahan.
Nakapagbayad na ako ng P250,000 sa naturang right na may 12 puno ng mangga; niyog at kulungan ng baboy.
Sa ngayon, kapos pa ako ng P30,000 kay Gil; P8,000 kay Pareng Rey; P6,000 kay Candeng o kabuuang-- P44,000.
Mabigat pa rin kung tutuusin.
Mahina kasi ang inani ko sa dalawang ektaryang na tinaniman ko.
Umabot lang sa 160 ang ani kompara sa 191 noong tag-ulan.
Pero, nakabayad ako kay Gil ng P30,000 o 50 sako; 40 kay Rolan; at 25 sako kay Candeng-- may cash quivalent na P71,000.
Pero, maliit lang ang input ko; P2,000 sa binhi; P10,000 sa linang; P9,000 sa pataba; P2,000 sa chemicals; P2,000 sa hulip; P2,000 sa bantay para sa kabuuang-- P24,000 expenses.
P71,000 less P24,000 equals 47,000 profit.
-------30--
NGAYON, sisingit ako ng 3rd cropping.
May projected expenses na:
P12, 000 linang.
1, 200 binhi
1, 000 linis pilapil
20, 000 fertilizers
5, 000 chemicals ------39,000 expenses!
INI-EXPECT nating umani rin ng MALINIS na 100 sako sa 700 kada sako equals 70,000. Kapag inalis ang gastos-- P70, 000 less P40,000 equals P30,000 sa buwan ng Agosto.
-----30---

Wednesday, February 08, 2006
Buy One Take One newspaper
10feb06,2:40PM
NAISARADO ko na ang pormal na usapan upang maimprenta ng Dove Publishing ang BISTADO Weekly Newpaper at Pambansang KAMAO Sports Weekly Magazine na ilalabas na sa market sa Pebrero 15. Nagkasundo na rin kami na tutulong ang circulation department ng Tiktik para sa distribution sa MetroManila area at iba pang lugar. Sa ngayon, wala nang problema—at tuloy na ang 12-page weekly magazines na ilalathala sa ilalim ng CYBERTIMES Publishing na nakarehistro na rin sa DTI.
Ito ang una at tanging Buy One Take One newspaper-magazine dahil sa halagang P10—may diyaryo ka na, ay may libreng Magazine na maglalaman ng buhay at pakikipagsapalaran ni Manny Pacquiao.
Abangannnn sa inyong paboritong newsstand!
-----30--

Thursday, February 02, 2006
Alok sa 2 daily
02february06, 8pm
GUMAWA akong advance issue para sa kolum ko sa Bulgar newspaper (Bistado) at editorial; at tinirada ko ang kolum ko sa Tiktik (Palad at Panaginip); Bandera (Galaw ng Numero); at Tumbok (Kulay at Numero). Pagod na ako at nakagastos ako sa internet rentals ng P120. May inaalok sa akin na pagbubukas ng isang daily newspaper at isang ite-takeover dawn a existing tabloid kasi nalulugi. Kapwa malalaman ko kung malinaw na ang usapan next week. Para sa akin, kung sino ang mauna pero itutuloy ka pa rin ang release ng weekly newspaper na ilalabas ko next week o pinakamatagal na ang Valentines’ Day.

Thursday, January 26, 2006
Price increase sa diyaryo
27jan06
ALA-UNA na nang umaga ako nakauwi kagabi. Kasi’y napasarap ang kuwento namin ng Ninong kong publisher ng isang daily newspaper sa kanyang restaurant cum night club sa Bocaue, Bulacan . Binabalak ko kasing buksan na ang isang weekly newspaper upang maituloy ko ang pagiging editor at publisher ng sarili kong diyaryo. Ipinayo niya na gawin kong makamasa ang estilo at tutulungan siya sa imprenta at marketing. Hindi sinasadya ay nakita ko rin doon ang isa pang kaibigan na interesadong sumosyo sa naturang negosyo. Ibinalita niya sa akin na magtataas ng singil sa papel ang mga suppliers effective February 1—P1 kada kilo. Sa 400 kg bawat rolyo, papalo sa P400 kada rolyo ang dagdag gastos. Kung gumagamit ng tatlo hanggang 4 rolyo ang ordinaryong diyaryo—aabot sa P1,200 hanggang P1,600 ang additional expenses kada araw.Sa loob ng 30 araw, P36,000 hanggang P48,000 ang DAGDAG-GASTOS sa bawat buwan ng mga publications. Dito ko inisip na imbes na 16-pages gagawin ko na lamang na 12-pages ang weekly newspaper na gagawin ko next month. Nakiusap ako sa Ninong ko na bigyan ako ng one-month credit line. Kapag pumayag ang kumara kong general manager ng kanyang imprenta—masisimulan ko agad ang sarili kong PUBLIKASYON na matagal ko nang pinapangarap.
----30--

Wednesday, January 25, 2006
Kung Hei Fat Choy
26JANUARY2006
MAGSISIMULA ang Year of the Dog sa Chinese New Year sa Sunday at nais kong buksan ang blog na ito bilang pasimula ng pang-araw-araw na pagrere-record ng aking aktibidad, opinyon, emosyon at mga kabaliwan bilang isang editor.
Masarap balikan ang nagdaan kung paano nakapasok sa pamamahayag. Isa kasi akong youth leader noon bago pumasok sa government service--sa loob ng 14 taon, bago ako nagtangkang maging diyarista noong 1989.
At bago naging youth leader, nauubos ang panahon ko sa paglalaro ng chess, pag-aaral ng Holy Bible sa pamamagitan ng correspondent's school ng iba't ibang sekta sa Pilipinas at United States (mahigit 50 diploma) habang nag-aaral ng elementary, high school at kolehiyo. Sa kolehiyo, kumuha ako ng kursong Mechanical Engineering pero inilipat ko sa AB economics hanggang sa makuha akong government scholar sa Special Course na Human Development and Community Management na pinangasiwaan ng University of the Philippines (UP), Development Academy of the Philippines (DAP), Ministry of Human Settlements (MHS) at University of Life (UL) Foundation.
Sa panahon ng aking mahabang bakasyon sa pagbagsak ng Rehimeng Marcos, nagpatuloy ako sa araw-araw na pagbabasa ng Holy Bible gamit ang iba't ibang bersiyon at edisyon kasabay din ng pagsasaliksik sa larangan ng mistisismo o pseudoscience kung saan natuklasan kong--isang HIBLA lamang ng buhok ang kanilang pagitan.
Naglingkod akong chairman ng Kabataang Barangay (ngayon ay Sangguniang Kabataan), at municipal federation president (Balagtas, Bulacan), Municipal Councilor, Human Settlement Officer, KKK Livelihood Action Officer, at chairman ng Municipal Sports Development Council mula sa 1975 hanggang 1985. Bukod dito, nagsilbi akong Sr. Draftsman/ Artist; Tax Mapping Team leader sa Provincial Assessor's Office sa Provincial Government of Bulacan mula 1978 hanggang 1982 bago naging konsehal ng bayan mula 1982 hanggang 1985.
Hindi ko akalaing magamit ko ang lahat ng karanasang ito nang ako ay maging DIYARISTA noong 1989--at ito ang simula ng isang mahaba, masaya, kapaki-pakinabang, makabuluhan, kapana-panabik at makasaysayang eksena ng aking buhay na aking ihahandog sa mga blogista sa modernong panahon.
----30---

Subscribe to:
Posts (Atom)