12:25pmnetopia,rotonda,pasay city
GUMISING ako dakong 6:am pero nilaro ko pa ang uniko-iho kong si Rainier, 2.5 years old. Natapos ko na at nai-send sa email ang anim na daily columns ko sa apat na national newspapers--dalawa sa BULGAR (Bistado at editorial); TIKTIK (Palmistry at Numero't Panaginip); BANDERA ( Galaw ng Numero);at TUMBOK (Kulay at numero). Pero ginawa ko ito sa computer rental shop sa loob ng Villamor. Ngayon, sinimulan ko na ang advance materials for friday issue (15th) para sa Bulgar--at ita-try ko na rin na maka-advance sa iba pang dyaryo na hawak ko.
Decided na ako na ituloy ang muling pagre-release ng BISTADO Weekly, by October. May sapat na akong inputs o experience sa lahat ng aspekto--editorial, production or printing, circulation o marketing. May ipatutupad akong teknik upang makatipid sa gastos---sa editorial, sa marketing at mismo sa imprenta. Sa nakaraang 4 issues ko noong Abril at Mayo--gumastos ako ng P3.70 per copy at nakapag-release ako ng apat na isyu--5,000 pcs (P18,000) ; 3,000 pcs (P12,000); 3,000 pcs (12,000) at 4,000 pcs (16,000). Gumastos ako ng P58,000 sa 4-issues. Inimprenta ito ng DOVE publishing at may pondo ako dito na aabot sa P38,000. Kung iaawas ito mula sa P58,000--kapos na lamang ako ng P20,000 na utang sa imprenta. Sa kabuuan, pwedeng kong presyuhan ang DRY RUN na ito sa kabuuang P80,000 kasama na ang personal expenses ko. Walang gaanong benta--at itataya ko lang sa 10 percent ng 15,000 pcs. Papalo lang ang collected sales na 1,500 pcs for P4 each--papatak sa P6,000; Mayroong ads na 3/4 na papalo sa halagang P10,000. Umabot ito sa P16,000 ang collections kasama ang circulation at advertising. Ibabawas ito sa P58,000---aabot lang sa P42,000 ang nagastos ko sa dry run hindi kasama dito ang suweldo ko. Pero, may sobra-sobra akong natutuhan dito:
Una, nai-format ko ito sa "saleable" o yung porma na magklik sa market; ikalawa, natuklasan ko na ang mas tipid na production expenses--papalo lang sa pinakamalaking P2.50 to P3 per copy imbes na P3.70; ikatlo, natutuhan ko ang teknik sa circulation na hindi daraan sa "dealers"; ikaapat, nakabisado ko ang "estilo ng forwarding o bentahan sa Visayas at Mindanao. Sa ngayon, naghahanap ako ng "personal fund" na P50,000 at sisimulan ko na ang pagbubukas muli ng BISTADO Weekly---sa pinakatipid na pamaraan.
------30--
No comments:
Post a Comment