4pm,rotundapc
07may07
AFTER long eight months, ngayon lang ako nakapag-post. Tulad sa last entry ko, yun pa rin ang pinaplano ko--buksan muli ang BISTADO WEEKLY NEWSPAPER!
Marami na ang naganap mula sa last entry ko noong September 22, 2006--kasama ang aksidenteng pagkamatay dulot ng electrocution ng aking alalay sa bukid na si Joseph--isang Bicolano.
Gumastos ako ng P80,000 sa lahat ng gugulin--kasama ang paglilibing, nagbigay ako ng cash sa pamilya at sa side din ng biktima. Naawa kasi ako sa pamilya at proseso ko rin ito upang hindi ako gaanong malungkot.
Ang bukid mismo o third cropping ay walang inani kahit isang sako-- sa isa at kalahating ektarya. Gumastos ako dito ng may P30,000. Ang gulayan last year na sinimulan ko noong Abril hanggang Agosto--ay nalugi rin kasi inabutan ng baha.
Gumastos ako dito ng tinatayang P50,000 din. Nagpasuweldo kasi ako dito ng 3 tao--sa P200 per day--sa 30 araw, palo sa yan sa P600 times 30--P18,000 kada buwan--at sa 2 buwang singkad--nalugi ito ng P36,000.
Hindi kasama dito ang iba pang gastos. Kung susumahin lahat ang naitapong kuwarta--palo ito sa P30,000 sa palay; P50,000 sa gulayan; at P80,000 sa pagkamatay ng tao ko--palo lahat sa P160,000.
Binalak kong ibenta ang bukid ko sa halagang P250,000 ang rigth to tenancy, pero walang kumasa! Ngayon, naipagamit ko na lamang ito sa isang kumpare ko sa halagang P62,500--iyan ang ginamit kong pang-emergency. Sa ngayon, nakapagpundar ako ng sarili kong nissan safari--at gumastos na ako dito ng mahigit P75,000 hindi kasama ang maintenance ang gastos sa gas at suweldo ng driver mula pa noong Enero.
Sa diyaryo, nabayaran ko na ang P56,000 halaga ng imprenta sa Dove Publishing at malaya na akong makapagsisimula muli.
At taliwas sa nagdaang operation, may magagamit na akong service vehicles at ito ang nissan safari na aking hinuhulugan mula sa aking Uncle.
Maari ko ring ituloy ang paggugulay at pagsasaka, pero magiging maingat na ako ngayon. Maaari na rin akong mag-alaga ng manok at baboy sa bukid--at wala na akong balak na ibenta ito.
Ipinundar ko ang one-and-a-half hectare of farmlands dahil nakakatagpo ako dito ng kapayapaan at kaligayahan sa buhay na hindi ko nararamdaman sa paninirahan sa pusod ng Kamaynilaan.
Sakaling magklik ang Weekly newspaper, ito ang gagamitin kong main source of income instead of being an ordinary employee o working as editor-writer o any publications.
Still, I am connected with media outfits as a daily columnist to top four daily tabloid in the countries with more than a million readerships--BULGAR, TIKTIK, BANDERA and Tumbok!
Higit pa sa regular na pagsesepilyo ng ngipin at paliligo ang pagsusulat ko ng dalawang kolum sa Bulgar; dalawa sa Tiktik;at tig- isa Bandera at Tumbok-- na siyang main source of income sa mga nagdaang mga taon.
Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko--binabasa ang mga sinusulat ko ng MILYONG KATAO araw-araw--dahil may mahigit na tig-100,000 ang sirkulasyon ng Bulgar at Tiktik; may pinagsamang 100,000 din ang sirkulasyon ng Bandera at Tumbok.
Sa kabuuang 300,000 circulation ng 4 na tabloid--at binabasa ng APAT NA TAO--ang isang kopya, ilang readership mayroon ito araw-araw?
Isang milyon at dalawang daang libong katao!
1 comment:
free money on forex and google
http://freemoneyforx.blogspot.com
Post a Comment