Thursday, January 26, 2006

Price increase sa diyaryo

27jan06

ALA-UNA na nang umaga ako nakauwi kagabi. Kasi’y napasarap ang kuwento namin ng Ninong kong publisher ng isang daily newspaper sa kanyang restaurant cum night club sa Bocaue, Bulacan . Binabalak ko kasing buksan na ang isang weekly newspaper upang maituloy ko ang pagiging editor at publisher ng sarili kong diyaryo. Ipinayo niya na gawin kong makamasa ang estilo at tutulungan siya sa imprenta at marketing. Hindi sinasadya ay nakita ko rin doon ang isa pang kaibigan na interesadong sumosyo sa naturang negosyo. Ibinalita niya sa akin na magtataas ng singil sa papel ang mga suppliers effective February 1—P1 kada kilo. Sa 400 kg bawat rolyo, papalo sa P400 kada rolyo ang dagdag gastos. Kung gumagamit ng tatlo hanggang 4 rolyo ang ordinaryong diyaryo—aabot sa P1,200 hanggang P1,600 ang additional expenses kada araw.Sa loob ng 30 araw, P36,000 hanggang P48,000 ang DAGDAG-GASTOS sa bawat buwan ng mga publications. Dito ko inisip na imbes na 16-pages gagawin ko na lamang na 12-pages ang weekly newspaper na gagawin ko next month. Nakiusap ako sa Ninong ko na bigyan ako ng one-month credit line. Kapag pumayag ang kumara kong general manager ng kanyang imprenta—masisimulan ko agad ang sarili kong PUBLIKASYON na matagal ko nang pinapangarap.
----30--

No comments: