Thursday, January 15, 2015

ALAY KAY PAPA KIKO



  Alay kay Papa Kiko


AKALA natin  ay mga politico  lamang ang  makisawsaw sa pagdalaw ng Santo Papa sa Pilipinas.
Hindi nating  akalaing nakisali na rin sa okasyon ang aking 11-anyos na unico hijo na ipinangalan naming  sa Dakilang Kristo at sa ating mabait na bossing sa pahayagang ito nang siya ay isinilang noong Marso 5, 2004.
Nakahabol kaming mag-asawa  sa huling Biyaheng Bikol dahil pareho kaming liyebo kuwarenta nang tanggapin ang Sakramento ng kasal sa pinakamatandang simbahan sa San Agustin  Church sa Intramuros noong Hunyo 12, 2003.
Halos tanggihan kami ng isang popular na paring Katoliko nang pakiusapan kong siya ang mag-officiate sa banal na sacramento ng kasal dahil nagdududa siyang magkakaanak pa kami sa gayong edad kaugnay sa doktrina ng “procreation” bilang rekisitos sa banal na matrimony.
Kaya’t ang pagsilang  ng aming unico-hijo ay itinuring naming HIMALA at REGALO ng Panginoon.
Pinalaki naming siya nang matuwid sa ilalim ng doktrina ng Simbahang Katoliko at ipinasyang pag-aralin sa eksklusibong eskuwelahan ng aming kinaanibang relihiyon.
Laking tuwa naming nang lumaking nagmamahal siya sa Panginoon—at nang mabalitaan niyang darating sa bansa ang Santo Papa, lumikha siya ng munting tula na iniaalay niya sa puno ng Iglesia Catolica Apostolika Romana.
Orihinal na sinulat niya ang kanyang tula sa lengguwaheng nakasanayan niya dahil sa pagbababad sa Barney  at Dora, The Explorer nang siya ay musmos pa.
Isinalin ng inyong abang-lingkod ang kanyang tula sa Wikang Tagalog  kung saan inubos ko ang magdamag upang unawain ang kanyang mensahe para sa Santo Papa at sa 100 milyong debotong Katoliko.

-----$$$---

RHYMES FOR THE POPE
(by Jesus Rainier Baldoz Ambrocio, Grade 5, Don Bosco Makati)

A ray from a Brave,
Shines upon us;
Is like a Dove from above.

Over the stars we see,
Constellations: one, two, three…;
We found above, our Heavenly Father.

He prevents us from any kind of slaughter;
Here, we walk in the air, we soar
Together, we walkout on the floor.


-------$$$---
ALAY KAY PAPA KIKO
(Isinalin sa Tagalog, ni Danny Cruz Ambrocio)

Sibat ng sinag sa bertud ng Tapang,
Nagbigay ng ilaw sa mundong ibabaw;
Wari’y Kalapating nagmula sa Araw.


Rikit ng bituin ating napagtanto,
Naghugis, naglutang: isa, dalawa, tatlo…;
Nagmarka sa Langit, Pag-ibig ng Kristo.

Iniadya tayo sa kapahamakan;
Lumutang sa galak, umapaw sa alak!
Gumiray, naglaho sa sahig ng buhay.
----30---
 (BISTADO daily column, Bulgar newspaper for January 16, 2015.UNEDITED)



No comments: