EXCITED ako sa pagbubukas muli ng Bistado Weekly.
But I have to work harder and do my ordinary job in advance.
Nagawa ko na ang dalawa kong daily columns--isa sa Bandera at isa sa sister publications na Tumbok.
Gumagamit ako dito ng pseudoname, David Smith sa Bandera at Oliver Ty Ang sa Tumbok.
-------$$$-------
01. Bandera—29may07
ATTENTION: BANDERA c/o LITO BAUTISTA
From: David Smith, Galaw ng Numero
Dear David,
DATI akong OFWs pero naubos na ang naipon ko. Nahihirapan akong mag-apply muli sa ibang bansa. Nagtayo ako ng isang computer rentals pero maliit lang ang kita ko. Ipinanganak ako noong Hunyo 7, 1970. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa mga number games. May tatlo akong anak na nag-aaral.
JAMES NG BACOLOD CITY
Dear James,
NUMBER seven (7) at three (3) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Neptune at Jupiter ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Kulay berde at asul ang buwenas mo. Matalas ang iyong imahinasyon at mahilig kang pumasok sa mga hindi ordinaryong larangan at sitwasyon. Likas kang matalino at may kakaibang ideya .Magtatagumpay ka sa pagmamanupaktura ng mga finished products tulad ng mga handicraft. May mainam kung ipokus mo sa mga produkto na gamit sa simbahan o ritwal ng mga relihiyon o ideolohiya. Kung may computer rentals ka, ipokus mo ang serbisyo sa pagdedesenyo o layout o pagbubuo ng mga materyales. Yan ang magbibigay sa iyo ng malaking kayamanan. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2007, 2009, 2010, 2013 at 2014 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na kabuhayan o negosyo. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hulyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 7, 11, 17, 23 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Sa jai alai , isama mo sa No. 7 at No. 3 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-11-18-23-27-34-37-40-42. ASSET tips: 2-6-1/ 6-8-2/ 4-2-1./ Wiretips: 3-6-7/ 8-3-5/ 1-5-8. Double digit: 3-6/ 1-8/ 7-3. Luzon guide: 1-4-11-18-23-27-34-34-40-42. VisMin: 1-4-11-17-23-24-27-34-36-40-42. MegaLotto: 2-5-11-19-23-27-34-37-40-42. Four Number: 2-1-3-6/ 7-8-2-2/ 1-3-7-3. Coded tips: sanga- bulaklak-ugat/ gold- sapphire- jade/ n-a-f.
----30--
02.
Tumbok—29may07
ATTENTION: TUMBOK c/o RONI
From; Oliver Ty Ang, Mahihiwagang kulay at numero
Dear Oliver,
HINDI ako lumiliban sa pagbabasa ng kolum mo at nais kong malaman ang mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Nobyembre 3, 1970. May apat akong anak na nag-aaral. Hunyo 6, 1973 ang birthday ng misis ko. Ano ba ang buwenas na negosyo para sa amin? Isa akong ordinaryong empleado lamang. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.
MOISES NG ILIGAN CITY
Dear Moises,
ASUL at dilaw ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay.Ambisyoso ka at may matibay na disposisyon sa buhay. Mapapasakamay mo rin ang mga pambihirang buwenas na wala sa ordinaryong tao. Pero, kailangang maging kalmante ka at panatag sa gitna ng matitinding pagsubok. Taglay ng misis mo ang mahiwagang kulay maroon at gray. Emosyonal ang misis mo kaya’t madalas na magkamali sa desisyon pero buwenas sa siya sa negosyo at paglalakbay. Mas okey kung ang negosyo ay naglilipat-lipat ng lugar o tungkol sa transportasyon at pagmamanupaktura ng produkto. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2007, 2008, 2010, 2011 at 2013 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na kabuhayan. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Agosto at Disyembre lalo na sa mga petsang 4, 7, 11, 19, 26, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Martes. Numero tres (3) at kuwatro (4) ang buwenas mo. Suwerte ng misis mo ang No. 6 at No.5. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-6-11-17-23-26-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 5-10-11-17-23-26-28-30-35-37-40-42. Triple Number: 3-2-6/ 7-8-2/ 3-6-7. 6-digit: 2-1-2-5-6-2/ 4-5-7-8-2-2/ 7-8-2-1-2-2. Bingo Mystery Eight: 2-5-34-46-55-67-70-75. Mapalad ang otso (8) kapag nakasulat sa asul at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang sais (6) kapag nakamarka sa berde at nasa hulihan angdos (2). Mainam ang singko (5) kapag napagitna sa siete (7) at tres (3).
-----30---
Sunday, May 27, 2007
Monday, May 07, 2007
More than a million readership
4pm,rotundapc
07may07
AFTER long eight months, ngayon lang ako nakapag-post. Tulad sa last entry ko, yun pa rin ang pinaplano ko--buksan muli ang BISTADO WEEKLY NEWSPAPER!
Marami na ang naganap mula sa last entry ko noong September 22, 2006--kasama ang aksidenteng pagkamatay dulot ng electrocution ng aking alalay sa bukid na si Joseph--isang Bicolano.
Gumastos ako ng P80,000 sa lahat ng gugulin--kasama ang paglilibing, nagbigay ako ng cash sa pamilya at sa side din ng biktima. Naawa kasi ako sa pamilya at proseso ko rin ito upang hindi ako gaanong malungkot.
Ang bukid mismo o third cropping ay walang inani kahit isang sako-- sa isa at kalahating ektarya. Gumastos ako dito ng may P30,000. Ang gulayan last year na sinimulan ko noong Abril hanggang Agosto--ay nalugi rin kasi inabutan ng baha.
Gumastos ako dito ng tinatayang P50,000 din. Nagpasuweldo kasi ako dito ng 3 tao--sa P200 per day--sa 30 araw, palo sa yan sa P600 times 30--P18,000 kada buwan--at sa 2 buwang singkad--nalugi ito ng P36,000.
Hindi kasama dito ang iba pang gastos. Kung susumahin lahat ang naitapong kuwarta--palo ito sa P30,000 sa palay; P50,000 sa gulayan; at P80,000 sa pagkamatay ng tao ko--palo lahat sa P160,000.
Binalak kong ibenta ang bukid ko sa halagang P250,000 ang rigth to tenancy, pero walang kumasa! Ngayon, naipagamit ko na lamang ito sa isang kumpare ko sa halagang P62,500--iyan ang ginamit kong pang-emergency. Sa ngayon, nakapagpundar ako ng sarili kong nissan safari--at gumastos na ako dito ng mahigit P75,000 hindi kasama ang maintenance ang gastos sa gas at suweldo ng driver mula pa noong Enero.
Sa diyaryo, nabayaran ko na ang P56,000 halaga ng imprenta sa Dove Publishing at malaya na akong makapagsisimula muli.
At taliwas sa nagdaang operation, may magagamit na akong service vehicles at ito ang nissan safari na aking hinuhulugan mula sa aking Uncle.
Maari ko ring ituloy ang paggugulay at pagsasaka, pero magiging maingat na ako ngayon. Maaari na rin akong mag-alaga ng manok at baboy sa bukid--at wala na akong balak na ibenta ito.
Ipinundar ko ang one-and-a-half hectare of farmlands dahil nakakatagpo ako dito ng kapayapaan at kaligayahan sa buhay na hindi ko nararamdaman sa paninirahan sa pusod ng Kamaynilaan.
Sakaling magklik ang Weekly newspaper, ito ang gagamitin kong main source of income instead of being an ordinary employee o working as editor-writer o any publications.
Still, I am connected with media outfits as a daily columnist to top four daily tabloid in the countries with more than a million readerships--BULGAR, TIKTIK, BANDERA and Tumbok!
Higit pa sa regular na pagsesepilyo ng ngipin at paliligo ang pagsusulat ko ng dalawang kolum sa Bulgar; dalawa sa Tiktik;at tig- isa Bandera at Tumbok-- na siyang main source of income sa mga nagdaang mga taon.
Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko--binabasa ang mga sinusulat ko ng MILYONG KATAO araw-araw--dahil may mahigit na tig-100,000 ang sirkulasyon ng Bulgar at Tiktik; may pinagsamang 100,000 din ang sirkulasyon ng Bandera at Tumbok.
Sa kabuuang 300,000 circulation ng 4 na tabloid--at binabasa ng APAT NA TAO--ang isang kopya, ilang readership mayroon ito araw-araw?
Isang milyon at dalawang daang libong katao!

Subscribe to:
Posts (Atom)