SOBRA ang tindi ng init.
Nasaan ang preparasyon laban sa El Nino?
Waley.
HINDI ba kayo nagtataka, bakit walang pagtatangka na
mag-cloud seeding?
Hindi nagbibigay ng paliwanag ang mga eksperto kung possible baa ng artificial
rain?
Hindi ba’t iyan ay isang teknikal na solusyon?
NASAAN ang inobasyon laban sa El Nino?
Teka, naghahanda na baa ng Pilipinas sa epekto ng kasunod na La Nina?
Mayroon na bang mga bagong rescue chopper na pwedeng gamitin?
----$$$--
SAKALING may sumabog na dam sa panahon ng La Nina at
malakas na lindol—ano ang contingency measures?
Posibleng matapos ang El Nino at magkakambal na maranasan ang La Nina at The
Big One na matagal nang ibinabala.
PANAY babala, pero puro propaganda lang at dakdak ang
inilalabas sa media.
Pwede ba yun?
NALILIBANG ang mga tao sa isyu ng giyera.
Panay ang pundar ng gamit pang-giyera, pero gamit sa kalamidad at gutom, mayroon ba?
BAKIT walang nagsusulong na lagyan ng wind, solar at
tidal wave energy production ang lahat ng coastal area sa Pilipinas.
Imbes na armas sa giyera, hindi ba pwedeng makipagpartner
ang Pilipinas sa massive wind mills installation sa lahat ng coastal area?
----$$$--
KAKAMBALAN ang wind mills ng panibagong turbine na ang
enerhiya ay mula sa malalakas na alon ng karagatan sa archipelago ng Pilipinas.
Kasabay niyan, maglagay din ng solar panel sa lahat ng
dalampasigan.
------$$$--
ISA pang nagkapagtataka, bakit hindi binabanggit ang “drone
machine” sa mga armas-pangiyera na inaangkat sa ibang bansa.
Simpleng magpapaulan lang ng pulbura ang mga robotic
kites sa mga barko ng laban—at hindi na kailangan ang fuse o detonator.
Kapag nagpaputok ang mga nasa barko, tiyak na sila mismo ay sasabog!
Ha! Ha! Ha!
(Unedited. BistadoNiKaAmbo column for april 30, 2024
issue)
---30--