Sunday, July 28, 2013


29july20138am

BLESSED JOSE MARIA DE MANILA, PRAY FOR US…
BLESSED JOSE MARIA DE MANILA, PRAY FOR US…
BLESSED JOSE MARIA DE MANILA, PRAY FOR US…

GLORY BE TO THE FATHER, TO THE SON , AND TO THE HOLY SPIRIT, AMEN.

BLESSED JOSE MARIA DE MANILA, PRAY FOR US…
BLESSED JOSE MARIA DE MANILA, PRAY FOR US…
BLESSED JOSE MARIA DE MANILA, PRAY FOR US…

GLORY BE TO THE FATHER, TO THE SON, AND TO THE HOLY SPIRIT, AMEN.

BLESSED JOSE MARIA DE MANILA, PRAY FOR US…
BLESSED JOSE MARIA DE MANILA, PRAY FOR US…
BLESSED JOSE MARIA DE MANILA, PRAY FOR US…

GLORY BE TO THE FATHER, TO THE SON, AND TO THE HOLY SPIRIT, AMEN.


Friday, July 19, 2013

blessed Fr. Eugenio sanz- orozco Montera

MANILA, Philippines—Another Filipino martyr is on the path to sainthood.
The Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) on Friday announced that the Vatican has cleared the way for the beatification of Manila-born Capuchin Franciscan Fr. Jose Maria de Manila (Eugenio Sanz-Orozco Mortera) in Tarragona, Spain, on Oct. 13 in a ceremony to be led by Cardinal Angelo Amato, prefect of the Congregation for the Causes of the Saints.
Conveying an announcement from its counterpart in Spain, the CBCP on Friday, through its official news service CBCP News, said Pope Francis may address the audience gathered for the ceremony via satellite from Rome.
After his beatification, Mortera, a missionary born in Manila to Spanish parents on Sept. 5, 1880, will be known as the “Blessed Jose Maria de Manila.” He was killed on Aug. 17, 1936, in Madrid, Spain, during the Spanish civil war.
Mortera was the son of Don Eugenio Sanz-Orozco, the last Spanish mayor of Manila, and Doña Feliza Mortera.
While his baptismal certificate was burned during the Liberation of Manila in 1945, his school records from University of Santo Tomas would show that he was “natural de Manila,” said the CBCP, quoting Fr. Eugenio Lopez, provincial minister of the Capuchin Philippine Province.
Religious persecution
“His school records from UST showed he is ‘natural de Manila.’ All his biographies in Spain also showed he was born in Manila,” said Lopez.
Records also showed that Mortera was among the 500 Spanish martyrs who died in the religious persecution of the 1930s awaiting beatification.
According to Lopez, this group included 32 Capuchins, among them 20 priests and 12 lay religious brothers. Mortera will be beatified three months from now along with 33 other martyrs.
Studied at Ateneo, Letran
Growing up in Manila, the 55-year-old martyr spent his early years studying at Ateneo de Manila, San Juan de Letran and later at UST.
Following customs, he had to move to Spain when he was 16 to pursue further studies. Despite his parents’ disapproval, he fulfilled his desire to become a Capuchin priest.
He had his simple profession in Lecaroz (Navarra, Spain) on Oct. 4, 1905, and his solemn profession three years later. He was ordained priest on
Nov. 30, 1910.
‘Filipino at heart’
Throughout his years in Spain, Mortera “remained a Filipino at heart” and desired to return to the Philippines in order to serve the local Church, said Lopez.
“But circumstances prevented him from fulfilling his dream to come back to the land of his birth. Yet, he still offered his life for the gospel he zealously preached in Spain and longed to proclaim in his native land,” added Lopez.
On July 20, 1936, several religious, including Mortera, were compelled to abandon their convents in Madrid due to the acts of violence perpetuated by Anarchist and Marxist troops against the Christian religious and their ministers.
The Filipino priest was executed a month later at the gardens of the Cuartel de la Montaña, a military barrack in Madrid.
Miracle required waived
Lopez noted that in cases of martyrdom, the miracle required for beatification can be waived.
“For beatification of a martyr who died in   ‘odium fidei’ (out of hatred of the faith), a miracle is no longer needed,” he said.
But for Mortera to be proclaimed a saint, a miracle attributed to him must be recognized, Lopez said.
“So let us start asking for his intercession,” he added.
Lopez said the Capuchins in the Philippines will soon start introducing and promoting the devotion to Mortera in parishes nationwide.
The Philippines currently has two saints—San Lorenzo Ruiz and San Pedro Calungsod, who was canonized in Rome in October last year.

Saturday, June 15, 2013

ANG KANYANG AMA, ANG AKING AMA, ANG ATING AMA

KAHAPON, nagpahatid ako sa taxi mula sa Pasay City hanggang dating riles sa Longos, Balagtas ,Bulacan.
May dala kasi akong isang tipak na litson na itinabi ng misis mula sa ipinalitson kong alagang baboy nang magdiwang kami ng ika-10 anibersaryo ng kasal noong Independence Day.
Na-frozen ang litson , para ipatikim sa mismong tagapag-alaga ng baboy sa aming bukid sa Longos.
Walang kasingsarap ang litson mula sa sariwang baboy na kakapatay pa lamang.
Higit na masarap ito kaysa sa kinomersiyal na litson sa mga kilalang puwesto sa MetroManila na karaniwang iniinit lang kaya’t naglalaho ang linamnam.
Nang makarating kami sa dating squatter area na dati ring Home Along Da Riles sa Longos, nagulat ang drayber nang hubarin ko ang aking sapatos at medyas.
“O, bakit ka nagpa-paa?,” tanong nang nasorpresang tsuper.
“Lubog ang bukid dahil sa sunod-sunod na ulan, hindi puwedeng magsapatos at hindi rin pwedeng magtsinelas pagpunta ko sa gitna ng bukid,” sagot ko sa tsuper habang itinutupi ko ang dulo ng aking pantalon hanggang sa umabot sa bandang tuhod.
Hindi ko na inantay ang bukas ng bibig ng tsuper sa kanyang kasunod na tanong at sinagot ko agad ang kanyang nasa isip.
“Tama ka, lulusong ako sa bukid kahit umaapaw sa tubig, enjoy sa bukid hindi ba?,” nakangiti kong paalam.
Nasopresa ang mga tagapag-alaga ko sa bukid—nakatikim ng malinamnam na litson—at nagging bahagi ng aming anibersaryo sa kasal.
------$$$--
NANG magbalik ako sa taxi, nagulat ako, kasi’y nakalilis na rin ang dulong pantaloon ng tsuper at nakapormang lulusong din sa bukid.
“Susundan sana kita ser, nainggit ako sa saya mo at dati rin akong nagbubukid bago napadpad sa Maynila,” salubong sa akin ng tsuper na hindi na rin inantay na mag-urirat pa ako.
Habang nakasakay at pabalik na sa NLEX papunta sa trabaho, diretso kami sa kuwentuhan tungkol sa bukid.
IIsa ang laman Ng aming kuwentuhan—ang kanyang AMA, at ang aking AMA na nagturo sa amin sa gawaing bukid o pagtatrabaho sa bukirin—umulan man o umaraw.
“Ang Tatang ko, ang nagturo sa aming pitong lalaking magkakapatid sa lahat ng trabaho sa bukid. Mula sa pagtatanim, pagbunot ng punla, pagbubungkal, paggapas, paglugas, pagsipok, paggiik, pagpapatubig, pagbomba ng insecticide at pagdaramo sa pilapil,” pagbabalik tanaw ko nang malakas at buhay pa aking ama.
Nagtatrabaho ang aking ama sa Makati bilang foreman mechanic pero sa pag-uwi niya sa gabi—ay nangingisda siya gamit ang kalburo bilang ilaw kung saan napupuno niya ang “kaya” ng dalag, hito, at palaka na siyang ibinibiyaw sa palayok na may tubig ng aking ina—upang may maulam kami NANG LIBRE sa buong isang linggo.
Libre kami sa ulam, libre rin sa bigas kaya’t ang minimum na suweldo na P4 kada araw ay nagkasya at nakapagpaaral sa aming 10 magkakapatid sa kolehiyo.
Magsasaka sa umaga ang aking ama na si Kapitan Sucing ; obrero sa hapon; at mangingisda sa gabi. Sa maniwala kayo o sa hindi, sobra pa rin ang kanyang oras, kasi’y kasabay niyan—nagwagi pa siya bilang barangay captain sa aming barangay kasabay ni dating Pangulong Marcos.
“Ganyan din ang aking AMA, masipag din siya, siya rin ang nagturo sa aming sa pagtatrabaho sa bukid nang kami ay bata pa,” wika ng driver na siyang nagmamaneho ng naipundar din niyang sasakyan.
-----$$$--
ILAN nab a ang anak mo sir,” lipat topic ng drayber.
“Isa lang, pero pinaghahandaan ko ang kanyang pag-aaral, maaga pa lang ay nakaayos na ang kanyang pampa-enroll sa iskul, gumagawa na ako ng paraan sa matrikula bago pa matapos ang klase,” kuwento ko ulit.
“Ang lahat ng ginagawa ko ay hindi para sa akin, ang lahat ng ito ay para sa aking anak. Sa totoo lang, kahit nag-aaral siya sa Makati at nakatira sa Pasay, hindi niya alam na siya ay isang MAGSASAKA. Kailangang matutuhan at maunawaan niya ang buhay ng isang magsasaka na laging nakatapak sa lupa ang mga paa—iyan ang lihim na ipamamana ko sa kanya—ang MAGPAKUMBABA,” ratsada ko sa tsuper
Mula sa pagpapakumbaba, ang lahat ng bagay ay ITATAAS--- tulad ng buhay ng Dakilang Kristo na repleksiyon ng wagas na pag-ibig ng DAKILANG AMA!!!
HAPPY FATHER’S DAY po sa ating lahat.
( BISTADO NI KA AMBO column, Bulgar newspaper, June 16, 2013)