It's hard to start a week newspaper.
But decided na ako. Gagamitin kong lengguwahe dito ay Taglish o Englog upang maka-relate ang mga nasa internet. Gagamitin ko rin ang mga existing blogs na kayang i-explore o i-exploit.
Ito ang unang pagkakataon na ang isang magasin o diyaryo--ay pagbubuklurin ang modernong internet at newspaper.
Pero ang magiging base nito ay ang print media na maidi-distribute sa mga newstand.
Pakikialamanan ko na o ili-link ko na dito ang mga blogs na kaya kong maabot.
Ang bawat author, sections, pahina, topic ay igagawa ko ng blogs--upang maaga o advance na mapasyalan ng mga bloggers ang mga ARTIKULO na "ilalabas pa lamang sa mga coming weeks". Layunin nito na makapagbigay ng "advance reactions" ang mga bloggers at makikita agad nila ang kanilang nai-post na comment sa ilalabas na Bistado Weekly in the coming weeks.
Advance nang one-week ang Bistado Weekly, kaya't magmumukhang sariwa o bagong post ang mga comments--at maaaring mag-subscribe ang mga bloggers kahit nasa malayong lugar sila ng daigdig.
Ang mga litrato na ipo-post din nila ay magiging prayoridad sa mga next issues.
Malaya rin silang makipag-usap sa mga author --IN ADVANCE din, at ikonsulta nila ang kanilang mga tanong sa mga interested topic o artikulo na mayroon silang personal concern.
Within this week, sisimulan ko nang i-post ang mga materyales o articles na ilalabas sa Bistado Weekly kaya't ito ay AKTUWAL NA MAGAZINE-IN-THE-MAKING!!!
At ang mga bloggers o internet surfers--ay aktuwal na kasama habang ginagawa ito na parang "extra" sa mga shoooting ng pelikula.
Abangan ang kakaibang handog na ito ng inyong abang lingkod!!!!